Isinulat ni Pablo, “Huwag kayong maghiganti” (Roma 12:19). Sinasabi niya, Pagdusahan ang mali. Iwan ito at magpatuloy. Mamuhay sa Espiritu.” Subalit, kapag ating tinanggihan ang magpatawad sa pasakit na ginawa sa atin, ay kailangan nating harapin ang mga kahihinatnan nito
Mas nagkakasala tayo kaysa sa taong nakasakit sa akin.
1. Ang habag at biyaya ng Diyos na ibibigay ay mawawala sa atin. Pagkatapos, habang nagsisimulang dumating ang mga pasakit sa atin, lalo natin itong hindi mauunawaan, sapagkat tayo ay nasa kalagayan ng di-pagsunod.
2. Ang pagkainis sa ating taga-usig ay patuloy na nananakawan tayo ng kapayapaan. Siya ang magwawagi, magtatagumpay siyang bigyan tayo ng nananatiling sugat.
3. Sapagkat nagtagumpay si Satanas na mahikayat tayo sa pag-iisip ng paghihiganti, magagawa niyang dalhin tayo sa mas matinding pagkakasala. At tayo’y makakagawa ng pagmamalabis na higit pa sa mga ito.
Ang manunulat ng Kawikaan ay nagpayo, “Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, Ang di pagpansin sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan” (Kawikaan 19:11). Sa madaling sabi, wala tayong gagawin hanggang humupa ang ating galit. Hindi tayo gagawa ng pasiya o kaya’y gumawa ng hindi tama habang tayo’y galit.
Nagbibigay tayo ng kaluwalhatian sa Amang nasa langit kapag pinalampas natin at pinatawad ang kasalanang nagawa sa atin. Ang ganitong gawi ay nagpapatibay nang ating pagkatao. Kapag tayo ay nagpatawad katulad ng pagpapatawad ng Diyos, dinadala niya tayo sa pagpapahayag ng kagandahang-loob at biyaya na hindi pa natin nakamit.
Iniutos ni Hesus sa atin na mahalin natin ang mga taong ginawa ang sarili nila na maging kaaway natin sa pag gawa ng tatlong bagay:
1. Basbasan natin sila.
2. Gawan natin sila ng kabutihan.
3. Ipanalangin natin sila.
Sa Mateo 5:44, Ngunit ito naman ang sabi ni Hesus, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.”