Martes, Setyembre 30, 2008

ANG KAYAMANAN NG DIYOS NA NASA ATIN

Nang manirahan ang Panginoon sa atin, dala niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan at mapagkukunan. Kaginsa-ginsay, ang ating kaibuturang sarili ay nagkaroon ng daan sa kalakasan, kaalaman, katotohanan, kapayapaan ng Diyos, lahat ng ating kailangan para mamuhay sa tagumpay. Hindi na natin kailangang tumangis sa kanya para bumaba siya mula sa langit. Siya’y nasa atin na. Sinasabi ni Pablo kung gaano tayo kalakas kay Kristo.

“Dahil dito ako’y naninikluhod sa Ama…hinihiling ko, ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan, na palakasin niya ang inyong buhay espirituwal sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa’y manahan si Kristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang , kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Kristo. At nawa’y makilala ninyo ang di matingkalang pag-ibig na ito upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos. Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin” (Efeso 3:14-20).

Isang kamangha-manghang talata. Itinala ni Pablo ng ilang mga kayamanan na inihanda ng Panginoon para sa atin. Katunayan, ang lahat ng kayamanan kay Kristo-Hesus ay inihanda para sa atin.

Mayroong mga Kristiyano na lumikha ng larawan ng makasariling Diyos na ang tanging kagalakan ay ang tumanggap ng papuri. Huwag sanang sabihin iyan tungkol sa ating Panginoon sapagkat hindi yan ang dahilan kung bakit siya nanirahan sa atin. Dumating siya sa atin at ipinakita na siya ay Diyos na hindi malayo sa atin. Ipinaalam ng Panginoon sa atin na siya ay wala sa madilim na bahagi ng sansinukuban. Siya ay nasa atin lamang. Hindi siya pumapasok o lumalabas sa ating buhay basta ginusto niya. Hindi, hindi niya iniwan ang kanyang tahanan sa atin.

Itinala ni Pablo, “Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo-Hesus, kayong dating nasa malayo ay nailapit sa pamamagitan ng kanyang kamatayan” (Efeso 2:13). Lubos na niliwanag ng apostol: ang Diyos ay nandito ngayon, naninirahan sa atin. Nang nanirahan ang Ama sa ating templo, dinala niya sa atin ang kalakasan sa ating kalooban, may malalim na pag-uugat at nakatanim sa pag-ibig, pati na daan na humiling sa kanya ng lahat ng bagay. Ginawa niyang maari ang lahat, sa pamamagitan ng kanyang banal na kapangyarihan na kumikilos sa atin (tingnan Efeso 3:16-21).

Lunes, Setyembre 29, 2008

ISANG BAGONG NILALANG

At kung ako ma’y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin…” (Galacia 2:20).

“Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao, siya’y bago na” (2 Corinto 5:17).

Maari mong sabihin, “Alam ko na ako ay na kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Naisip ko na ako ay bagong nilalang, ngunit patuloy pa rin akong naghihirap dahil sa mga dating kinagawian. Ginagawa nito na mawalan ako ng pag-asa.” Nais ni Satanas na mapaniwala kayo na pinabayaan na kayo ng Diyos. Nais niyang isipin ninyo na ang tingin ng Diyos sa inyo ay marumi, talamak sa kasalanan. Ngunit lahat ito ay kasinungalingan. Ang inyong nararanasan ay ang pakikipaglaban ng laman sa espiritu na nasa inyo. Ang pakikipaglabang ito ay karaniwan na sa mga mananampalataya. At habang kayo’y nasa kalagitnaan nito, nais ni Satanas na papaniwalain kayo na ang “dating sarili“ ay siya pa ring namamayani sa inyo.

Ano man ang inyong katatayuan, hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos para sa inyo. Hindi siya kailanman tumigil sa pag-ibig niya sa lahi ni Adan, kahit pa sa kanilang kabalakyutan, pagsamba sa diyus-diyusan, pagnanasa sa laman. Pinag-ingatan niya sila sa buong kasaysayan hanggang sa huling mga araw, nang siya ay pumasok na dala ang kanyang plano ng kaligtasan. Sa pamamagitan ng krus, naging possible na ang lahi ni Adan ay magkipagkasundo.

Kailangan ninyong malaman na ang katayuan ninyo sa Diyos ay nakasalalay sa isang bagay: kayo ay nagtagumpay ng dahil sa krus. Ang tagumpay na ito ay hindi nanggaling sa anumang kabutihan na ginawa ninyo. Ayon sa sinabi ni Pablo, “At ang nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaring kalugdan ng Diyos” (Roma 8:8).

Biyernes, Setyembre 26, 2008

ANG IPINANGAKONG KAPAHINGAHAN NG DIYOS

Samakatwid, may kapahingahan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos. Sapagkat ang sinumang makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos ay magpapahinga rin sa kanyang mga gawa, tulad ng Diyos na nagpahinga na sa kanyang paglikha” (Hebreo 4:9-10).

Maaring magtaka ka, “Ano ang kahulugan na makapasok sa ipinangakong kapahingahan? Ano ang magiging pagtingin dito sa aking buhay?” Idinadalangin ko na alisin ng Diyos ang sukatan mula sa ating mga paningin at hayaan tayong panghawakan ito. Sa madaling palagay, ang pagpasok dito sa ipinangakong kapahingahan ay nangangahulugan ng ganap na pananalig na tinapos na lahat ni Kristo ang gawain ng pagliligtas sa iyo. Kailangang magpahinga ka sa kanyang mapagpalang pagliligtas, sa pamamagitan ng pananalig lamang.

Iyan ang ibig ipakahulugan ni Hesus nang hinikayat tayong, “Lumapit kayo sa akin lahat ng napapagal at bibigyan ko kayo ng kapahingahan” (Mateo 11:28). Nangangahulugan ito ng katapusan ng lahat ng iyong sariling pagpapagal, lahat ng iyong pantaong pagsisikap na makamit ang kapayapaan. Nangangahulugan ito ng lubusang pag-asa sa pagkilos ni Hesus para sa inyo.

Ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo. Nangyayari ito sa espirituwal na kaharian. Niliwanag itong mabuti ng Lumang Tipan. Sa bawat panahon, ang Israel ay gumawa ng hungkag, walang saysay na mga pangako sa Diyos: “Nais naming maglingkod sa iyo, Panginoon. Susundin namin kahit ano ang ipag-utos mo.” Ngunit pinatunayan ng kasaysayan na wala silang puso o kakayahan na tuparin ang kanilang mga salita. Inalis ng Diyos ang lahat ng pananalig nila sa kanilang mga sarili. Ang lahat ng ating pangangailangan ay manggagaling mula sa mahalagang presensiya ng Panginon.

Ipinahayag ni Pablo, “Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao” (Gawa 17:28). Ito ay nangungusap ng walang putol na pakikipag-isa. Sa pamamagitan ng tagumpay ng krus, ginawa ng Panginoon na maging handa siya para sa atin sa bawat oras ng araw o gabi. Kailangan nating magpasiya: “Nais ko si Kristo sa buhay ko. Nais kong makalaya sa lahat ng kalamnan. Kaya’t ako’y susulong, sa kanyang presensiya at angkinin ang aking pagmamay-ari. Nais kong si Hesus ang maging lahat para sa akin, ang tanging panggagalingan ng aking kasiyahan.

Huwebes, Setyembre 25, 2008

ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG LUPANG IPINANGAKO

Ibinigay ng Diyos sa ating ninunong si Abraham ang lupa sa Canaan “para sa panghabang-panahon ng pagmamay-ari” (Genesis 17:8). Sa Hebreo, ang salitang habang-panahon ay nangangahulugan ng walang katapusan. Maari mong isipin, “Si Abraham ay magbubunyi tungkol dito. Ipinangako ng Diyos sa kanyang mga apo ang pirmihang tirahan, hanggang abot ng kanilang mga tanaw, at ito ay mananatili ng walang-hanggan.” Kaya lamang, ang Bagong Tipan ay nagsabi sa atin na ang daigdig ay wawasakin ng apoy, masusunog ng lubusan na mawawala sa kapanatilihan, at pagkatapos ay lilikha ang Panginoon ng bagong langit at lupa.

Maaring magtaka ka: Paanong ang “panghabang-panahon ng pagmamay-ari” ng Diyos para kay Abraham ay magiging isa lamang lupang pag-aari? Paano ito magiging pangwalang-hanggan? Ang katunayan ay, ang lupang ipinangako ay sumasagisag sa lugar na lampas pa sa daigdig. Naniniwala ako na alam ni Abraham ito sa kanyang espiritu. Sinabi ng Bibliya nang nagtungo si Abraham sa Canaan, lagi niyang pakiramdam ay isa siyang dayuhan: “Dahil din sa kanyang pananalig, siya’y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya ng Diyos” (Hebreo 11:9). Bakit nagkaganito? Sapagkat ang puso ni Abraham ay naghahanap ng bagay na higit pa sa lupang ito.

“Habang hinihintay niyang maitatag ang lunsod, na ang nagplano ay ang Diyos” (Hebreo 11:10). Nakita ni Abraham ang tunay na kahalagahan ng pagpapala ng lupa at napag-isipan niya, “Ang lupang ito ay hindi ang tunay na pag-aari. Ito ay naglalarawan lamang ng tunay na aral ng padating na dakilang pagpapala.” Napanghawakan ni Abraham ang tunay na kahulugan ng Lupang Ipinangako; alam niya ang Canaan ay sumasagisag sa pagparito ng Mesiyas. Sinabi ni Hesus mismo sa atin, “Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya’y nagalak” (Juan 8:56).

Itinulot ng Banal na Espiritu sa patriyarkang ito na makita niya sa mga taon, hanggang sa araw ni Kristo. Alam niya ang kahulugan ng Lupang Ipinangako ay nangangahulugan ng ganap na kapayapaan at kapahingahan. At, bilang alam ni Abraham, ang lugar ng kapahingahang ito ay si Hesu-Kristo mismo. Iyan ang totoo, ang Panginoong si Hesu-Kristo ay ang ipinangakong pag-aari. Tayo ay kanya, ngunit siya ay atin din. At tayo ay inanyayahan ng Diyos na makamit ang walang-hanggang pag-aari ng simpleng pananampalataya.

Miyerkules, Setyembre 24, 2008

NASAAN ANG MGA TIMOTEO?

Ito ay sa mga Kristiyano sa Filipos kung saan unang ipinakilala ni Pablo ang katotohanan, “Nawa’y mapasa inyo ang kaisipan ni Kristo.” Isinulat ni Pablo ang mensaheng ito habang siya ay nakakulong sa bilangguan sa Roma.

Ito ay mula sa bilangguan na kung saan ipinahayag ni Pablo na siya ay may kaisipan ni Kristo, iwinaksi ang kanyang pagkakakilanlan upang maging alipin ni Hesus at ng kanyang iglesya. Ngayon isinulat niya, “Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko agad diyan si Timoteo para mapanatag ang loob ko matapos malaman sa kanya ang inyong kalagayan” (Filipos 2:19).

Ito ang kaisipan, ang gawain, ng kaisipan ni Kristo. Isipin ang tungkol dito: narito ang isang pastor, nakaupo sa bilangguan, gayunman hindi niya iniisip ang sariling kaginhawahan, ang sariling mahirap na kalagayan. Nag-aalala lamang siya tungkol sa espirituwal at pisikal na kalagayan ng kanyang mga tao. At sinabi niya sa kanyang mga tupa, “Ang kaginhawahan ko ay makukuha ko lamang kapag nalaman kong nasa mabuti kayong kalagayan, sa espiritu at katawan. Kaya ipapadala ko si Timoteo upang alamin ang kalagayan ninyo.”

Pagkatapos ay gumawa si Pablo ng nakakatakot na pahayag: “Wala nang hihigit pa sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit sa inyong kapakanan” (2:20). Isang nakalulungkot na pahayag! Habang isinusulat ni Pablo ito, ang mga iglesya sa kanyang paligid sa Roma ay lumalago at pinagpapala. Maliwanag, na mayroong makalangit na mga pinuno sa mga iglesya sa Roma. Ngunit, sinabi ni Pablo, “Sapagkat walang sinisikap ang iba kundi ang sariling kapakanan, hindi ang ukol kay Hesu-Kristo” (2:21). May katunayan, walang pinuno sa Roma na may puso ng isang alipin---wala isa man na nagwaksi ng sarili at maging buhay na patotoo. Sa halip, ang lahat ay nagsisiskap para lamang sa pansariling kapakanan. Wala isa man ang may kaisipan ni Kristo. Walang mapagkatiwalaan si Pablo na maipadala sa Filipos upang maging tunay na alipin ng katawan ng mga mananampalataya.

Ang mga salita ni Pablo dito ay hindi kayang palambutin: “Ang lahat ay para lamang sa kanyang sarili. Ang mga ministrong ito ay nagsisikap lamang para sa sariling kapakanan. Iyan ang dahilan kung bakit wala akong mapagkatiwalaan dito na mangalaga para sa inyong mga pangangailangan at mga pasakit, kundi si Timoteo lamang.”

Ang ating panalangin ay dapat na: “Panginoon, ayaw kong magtuon sa sarili ko lamang sa sanlibutang umiikot ng walang patutunguhan. Ayaw kong alalahanin ang tungkol sa aking kinabukasan. Alam kong hawak mo ang aking patutunghan sa iyong mga kamay. Nakikiusap ako, Panginoon, ibigay mo sa akin ang iyong isipan, ang iyong mga pag-aalala. Nais kong magkaroon ng iyong puso ng isang alipin.” Amen.

Martes, Setyembre 23, 2008

NASA ILALIM NG ALITUNTUNIN NG KABUTIHAN

Ang alibughang anak ay kinailangan ang tinatawag ng apostol Pablo na “muling pagpapanibago ng kaisipan.” Gustung-gusto kong basahin ang mga salitang ito mula sa parabola: “Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya” (Lucas 15:22-23).

Ang alibugha ay may kaisipan ng paghuhusga, at ito ay inilagay sa kanya ni Satanas. Ngayon, ang mga katulad na bagay ay nangyayari sa maraming anak ng Diyos. Ang ating Ama ay nagbubunyi para sa atin, niyayakap tayo ng mapagmahal niyang mga kamay. Gayunman iniisip natin ang pagpapakumbaba ay nangangahulugan ng pagsasabi sa Diyos kung gaano tayo naging kasama, hinuhukay ang mga nakaraang kasalanan sa halip na magtiwala sa pagpapadama ng kanyang pag-ibig. At sa mga panahong ito iniisip natin ng may kabigatan, “Tiyak na galit siya sa akin. Nagkasala ako ng higit pa sa iba.”

Nang dinala ng mga alila ang pinakamahusay na damit at isinuot ito sa kanyang anak, naglalarawan ito na siya ay dinadamitan sa katuwiran ni Kristo. At pagkatapos ay sinuutan siya ng singsing, nagpapahayag ng kanyang pakikipag-isa kay Kristo. Sa huli, sinuutan siya ng panyapak, naglalarawan ng pagtanggap ng Magandang Balita ng kapayapaan ni Kristo. Ang mapagmahal na amang ito ay nagpapakita sa kanyang anak: “Ilayo ang basahan ng laman, yaong mga pira-pirasong pansariling pagsisikap para malugod ako. Hayaan mong ipakita ko sa iyo kung paano kita tinitingnan. Dumating ka sa aking tahanan at sa aking presensiya bilang isang bago, makaharing anak. Hindi ka dumating bilang isang namamalimos o isang alipin, kundi bilang anak ko, na kinasisiyahan ko ngayon! Ngayon pumasok ka ng walang-takot at may katiyakan.”

Katulad pa rin iyan ngayon para sa atin. Kailangan nating magbago ng ating kaisipan kung paano tayo tinatanggap ng Diyos sa kanyang presensiya. “Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makapapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Hesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing --- alalaong baga’y ang kanyang katawan…Lumapit tayo sa Diyos na may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya” (Hebreo 10:19-20, 22 aking italika).

Ang salitang “walang-takot” ay hinango mula sa ugat na salitang nangangahulugan ng “isang pinalayang alipin.” Nangangahulugan ito na wala na sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan, kundi sa ilalim ng alituntunin ng kabutihan. Sa madaling sabi, ito ay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Ama---sa pamamagitan ng kanyang kahabagan lamang---na tayo ay may karapatang pumasok sa kanyang presensiya. At narito ang katangiang kailangan: “At magpasalamat tayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang sa magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak” (Colosas 1:12-13 aking italika).

Lunes, Setyembre 22, 2008

ANG BAGONG TAO

Bilang taga-sunod ni Kristo, kailangang tanggapin natin ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang Salita at tanggapin bilang katotohanan kung ano ang sinabi niya na kung ano tayo. Nangangahulugan ito na ang ating “dating sarili” ay kumakatawan sa tao na patuloy na hinahangad na malugod ang Diyos sa laman. Ang ganitong tao ay galit sa kasalanan, hindi nais na pasamain ang loob ng Diyos, gayunman ang isipan niya ay patuloy na dinadala ang kanyang kasalanan. Kaya ipinangako niya na paglalabanan niya ang kanyang suliranin sa kanyang kasalanan: “Magbabago na ako! Magsisimula ako sa araw na ito na mapaglabanan ang aking nananatiling mga kasalanan, anuman ang mangyari. Nais kong makita ng Diyos kung paano ko pagsusumikapan ito.”

Ang ganitong tao ay dinadala sa Diyos ang pagpapawis at mga luha. Nananalangin siya at nag-aayuno upang patunayan sa Diyos na may mabuti siyang puso. Nagagawa niyang paglabanan ang kasalanan ng maramimg araw sa bawat pagkakataon, kaya’t sinasabi niya sa sarili niya, “Kung kaya ko ng dalawang araw, bakit hindi apat, bakit hindi isang linggo?” Sa katapusan ng buwan masarap ang pakiramdam niya, naniniwala na nagawa na niyang mailigtas ang sarili. Ngunit ang kanyang dating mga kasalanan ay muling babalik, at muli babagsak siya, malalim na nagdadamdam. At simula na naman ng ikot ng panahon. Ang ganitong tao ay nasa gilingang pinepedalan na walang katapusan, isang lugar na hindi niya kayang alisan.

Huwag sana magkaganito! Ang kanyang katawang tao ay ipinako sa krus kasama ni Kristo, pinatay sa mata ng Diyos. Sa katunayan, Sinasabi ni Pablo sa atin na ang dating pagkatao ay ibinilang na sa patay sa krus ng kalbaryo. Isinama na ni Kristo ang dating tao sa libingan kasama niya, na kung saan iniwan siyang patay na at nalimot na. Katulad ng ama ng alibugha na kinalimutan na ang “dating pagkatao” ng anak niya, sinabi ng Panginoon sa ating dating pagkatao, “Hindi ko na kikilalanin o makikipagkasundo sa dating tao. Iisa lamang ang taong kinikilala ko ngayon, isang kung kanino ako makikipagkasundo. Iyan ang aking Anak, na si Hesus, at sa lahat na kasama niya sa pananampalataya.”

Ang bagong nilalang ay yaong isinuko na ang lahat ng pag-asa na malugod ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapakahirap ng laman. Namatay na siya sa dating buhay ng katawan niya. At sa pananampalataya nalaman niya na mayroong isa lamang na paraan para malugod ang Diyos, isang paraan para masiyahan siya: Si Kristo ay kailangang maging lahat. Alam niya na mayroong iisa lamang na kinikilala ang Ama: si Kristo at ang lahat na nasa kanya.

Ang bagong nilalang ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang: “Ang makatarungan ay mabubuhay sa pananampalataya.” Nananalig siya sa Salita ng Diyos ng lubusan at hindi na siya sumasandal sa anuman. Natagpuan niya ang panggagalingan ng lahat ng kailangan niya kay Kristo, na sapat na sa lahat. At nananalig siya sa sinasabi ng Diyos sa kanya: “Ang dating pagkatao mo ay patay na, at ang buhay mo ay nakatago kay Kristo sa Diyos.” Maaring hindi niya mararamdaman ito, o mauunawaan ng lubusan, ngunit hindi siya makikipagtalo sa mapagmahal na Salita ng Ama. Tinatanggap niya ito sa pamamagitan ng pananampalataya, nananalig na ang Panginoon ay tapat sa kanyang Salita.

Biyernes, Setyembre 19, 2008

SINUSUBOK ANG DIYOS?

Habang si Hesus ay nakatayo sa pinakamataas na lugar ng templo, binulungan siya ni Satanas, “Sige magpatihulog ka! Kung talagang Anak ka ng Diyos ililigtas ka niya.”

“Kung ikaw ang Anak ng Diyos,” sabi sa kanya, “magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,” ‘Aalalayan ka nila, upang hindi ka matisod sa bato” (Mateo 4:6).

Nakikita mo ba ang panglilito ni Satanas dito? Inihiwalay niya ang isang pangako mula sa Kasulatan---at tinukso niya si Hesus na ibigay ang buhay niya dito. Iminumungkahi niya, “Sinabi mo na ang Diyos ay nasa iyo. Kung ganon patunayan mo. Ang iyong Ama ay hinayaan ako na guluhin ka. Nasaan ang kanyang presensiya dito? Mapapatunayan mo na kasama mo siya kung magpapatihulog ka. Kung kasama mo ang Diyos, magbibigay siya ng malambot na babagsakan mo. At doon maari mong ipagtiwala ito. Kung hindi, mabuti pang mamatay ka na sa halip na patuloy kang mag-iisip kung ikaw ay nag-iisa. Kailangan mo ng himala para patunayan na ang Ama ay kasama mo.”

Paano tumugon si Hesus? Sumagot si Hesus, “nasusulat din naman, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos’” (Mateo 4:7). Ano ang ibig sabihin ni Hesus dito sa “panunubok sa Diyos”?

Ang lumang Israel ay isang halimbawa. Sampung ulit na pinatunayan ng Panginoon ang kanyang katapatan sa mga Israelitas. Ang mga tao ng Diyos ay nakita ang patotoo na ang Panginoon ay kasama nila. Gayunman, sa tuwina, ang mga tao ay paulit-ulit na nagtatanong ng katulad na katanungan: “Ang Diyos ba ay kasama natin o hindi?” Tinawag ng Diyos ito na “sinusubok siya.” Ginamit ni Hesus ang katulad na pariralang---“sinusubok ang Diyos”---sa kanyang kasagutan kay Satanas. Ano ang ipinapahayag nito sa atin? Ipinapakita nito na malaking kasalanan ang pagdudahan ang presensiya ng Diyos; hindi natin dapat tanungin kung kasama natin siya.

At para sa Israel, naibigay na sa atin ng Diyos ang kabuuan ng mga patotoo. Una, mayroon sa mga Salita niya ang napakaraming pangako ng kanyang pagiging malapit sa atin. Pangalawa, mayroon tayong pansariling kasaysayan kasama ang Diyos---ang patotoo ng napakarami na niyang mga pagliligtas sa ating mga buhay. Pangatlo, mayroon tayong Bibliya na puno ng mga magpapatotoo sa presensiya ng Diyos sa mga nagdaang siglo.

Maliwanag ang Bibliya: Kailangan nating maglakad kasama ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig at hindi ng tingin. Kung hindi, mauuwi tayong katulad ng walang pananalig na Israel.

Huwebes, Setyembre 18, 2008

PINALABAS NIYA TAYO UPANG MULING PAPASUKIN

Bago pa sa krus, walang daan patungo sa Diyos para sa lahat ng tao; ang mga matataas na pari lamang ang nakapapasok sa Pinakabanal ng mga Banal. Ngayon ang krus ni Hesus ay nagbigay daan para sa atin para makapasok sa presensiya ng Ama. Dito sa biyayang ito, dinurog ng Diyos ang pader na humahadlang sa kanyang presensiya. Ngayon makalalapit siya sa tao, para mayakap ang mga alibugha niyang anak at ang lahat ng uri ng mga makasalanan.

Isaalang-alang ang mahimalang pagliligtas sa Israel. Habang ang mga tao ng Diyos ay tumatawid sa tuyong lupa, nakita nila na ang alon ay pinalubog ang kanilang mga kaaway sa kanilang likuran. Ito’y isang maluwalhating sandali, at sila ay nagsagawa ng malakihang pulong ng pagpupuri, nagsasayawan, nag-aawitan at nagpapasalamat. “Malaya na kami! Iniligtas kami ng Diyos sa mga kamay ng kaapihan.”

Ang kasaysayan ng Israel ay naglalarawan ng ating sariling kaligtasan mula sa pagkakagapos at sa kasalanan. Alam natin na si Satanas ay nagapi as krus, at biglaan tayong napalaya sa kanyang malabakal na pagkakahawak. Gayunman mayroon pang higit na layunin ang Diyos sa pagliligtas sa atin. Nakita ninyo, hindi binalak nang Diyos na magkampo ang Israel sa gilid ng tagumpay sa Pulang-dagat. Ang mas dakila niyang layunin sa pagpapalabas sa kanila sa Ehipto ay upang dalhin sila sa Canaan, ang kanyang lupain ng kapunuan. Sa madaling sabi, inilabas niya sila upang muling papasukin: patungo sa kanyang puso, patungo sa kanyang pag-ibig. Ninais niya ang mga tao na lubusang umaasa sa kanyang kahabagan, pagpapala at pag-ibig. At iyan ay katulad pa rin para sa kanyang mga tao sa ngayon.

Ang unang pagsubok sa Israel ay nangyari ilang araw lamang ang nakalilipas, at nauwi sila sa pagbubulungan at paghihimutok, lubusang walang kasiyahan. Bakit? Nalaman nila ang pagliligtas ng Diyos ngunit hindi nila natutunan ang dakilang pag-ibig niya sa kanila.

Narito ang susi sa katuruang ito: Hindi mo mararating ang kagalakan at kapayapaan---katunayan, hindi mo malalaman paano ang maglingkod sa Panginoon---hanggang sa makita mo ang kasiyahan ng kanyang puso sa kanyang pakikisama sa iyo…hanggang sa makita mo na ang bawat pader ay natanggal sa krus…hanggang sa malaman na ang lahat ng nakaraan mo ay nahusgahan at nalinis na. Sinasabi ng Diyos, “Nais kong magpatuloy ka, sa kapunuan na naghihintay sa iyo sa aking presensiya!”

Ang nakararami ngayon ay nagbubunyi sa kahanga-hangang kabutihan na dulot ng krus. Nakalabas sila ng Ehipto, at sila ay nakatayo sa “gilid ng tagumpay” ng kanilang pagsubok sa Pulang-Dagat. Nagsasaya sila sa kanilang kalayaan, at patuloy silang nagpapasalamat sa Diyos sa paghahagis ng Diyos sa dagat sa kanilang mga kaaway. Ngunit marami sa mananampalatayang ito rin ay nawala sa kanila ang dakilang layunin ng Diyos at kabutihan para sa kanila. Nawala sa kanila kung bakit sila pinalabas---na kung saan ay upang ibalik sa kanyang presensiya.

Miyerkules, Setyembre 17, 2008

WALANG-TAKOT NA PUMASOK SA PRESENSIYA NG DIYOS

“Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya na makapapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Hesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing-alalaong baga’y ang kanyang katawan…kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya” (Hebreo 10:19-20, 22).

Mayroong dalawang panig sa gawain ni Kristo sa Kalbaryo. Ang isang panig ay para sa kabutihan ng tao, at ang isang panig ay para sa kapakinabangan ng Diyos. Ang isa’y para sa kabutihan ng makasalanan, habang ang isa’y sa kapakinabangan ng Ama.

Tayong lahat ay may malawak na kaalaman sa pakinabang ng panig ng sankatauhan. Ang krus ni Kristo ay nagbigay ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Binigyan tayo ng kapangyarihan ng tagumpay sa lahat ng pagkakagapos at kapangyarihan laban sa kasalanan. Tayo ay tinustusan ng kahabagan at pagpapala. At, ang katunayan, tayo ay binigyan ng pangako ng walang-hanggang buhay. Ang krus ay binigyan tayo ng pamamaraan ng pagtakas mula sa sindak ng kasalanan at impiyerno.

Pinasasalamatan ko ang Diyos para sa kapakinabangan ng krus sa sankatauhan, at para sa kahanga-hangang ginhawa na dulot nito. Nagagalak ako at ito’y ipinangangaral linggo-linggo sa mga iglesya sa buong sanlibutan.

Gayunman, mayroon pang isang kabutihan ang dulot ng krus, isang bagay na halos wala tayong kaalaman tungkol dito. At ito ay sa kapakinabangan ng Ama. Nakita mo, maliit lamang ang ating pang-unawa tungkol sa kasiyahan ng Ama na naging bunga ng krus. Ito’y ang kasiyahan na dumarating sa kanya sa tuwinang tatanggapin niya ang isang alibughang anak sa kanyang tahanan.

Kapag tayong lahat ay nagtuon ng tungkol sa kapatawaran na dulot ng krus---kapag ito ang buod ng lahat ng ating pangangaral---kung ganon ay nawala sa atin ang mahalagang katotohanan na siyang ipinakakahulugan ng Diyos para sa atin tungkol sa krus. Mayroong isang ganap na pang-unawa na dapat mayroon dito, at ito ay may kinalaman sa kanyang kasiyahan. Ang katotohanang ito ay nagdudulot sa mga tao ng Diyos ng higit pa sa kaginhawahan. Ito’y nagdadala ng kalayaan, kapahingahan, kapayapaan at kagalakan.

Sa aking pananaw, ang nakararaming Kristiyano ay natutong lumapit sa Diyos ng walang-takot para sa kapatawaran, para sa mga pangangailangan, para sa mga katugunan sa mga panalangin. Ngunit nagkukulang ang mga ito ng kawalan ng takot sa katayuan ng pananalig---sa katayuan na kasing-halaga ng kanilang paglalakad kasama ang Panginoon.

Ang Panginoon ay may lubos na kagalakan sapagkat ang krus ay nagdulot sa atin ng bukas na daanan patungo sa kanya. Sa katunayan, ang pinakamaluwalhating sandali sa kasaysayan ay nang ang tabing ng templo ay napiraso sa dalawa, sa araw ng kamatayan ni Kristo. Ito ang sandaling ang kapakinabangan sa Diyos ay pumutok. Sa sandaling iyon ang tabing ng templo---ay naghiwalay sa tao mula sa banal na presensiya ng Diyos---ay nagkapira-piraso, isang di-kapani-paniwalang bagay ang nangyari. Mula sa puntong iyon, hindi lamang ang tao ang nakapapasok sa presensiya ng Panginoon, kundi pati ang Diyos ay makalalabas sa tao.

Martes, Setyembre 16, 2008

TINAWAG BAGO PA MAGSIMULA ANG PANAHON

Sinabi ng apostol Pablo ang tungkol sa Diyos, “Na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo-Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon” (1 Timoteo 1:9).

Ang bawat tao na na “kay Kristo” ay tinawag ng Panginoon. At tayong lahat ay may pare-parehong kautusan: na making sa tinig ng Diyos, na ipahayag ang kanyang Salita, na huwag matakot sa tao at manalig sa Panginoon sa mukha ng bawat pagsubok na maaaring dumating.

Sa katunayan, ginawa ng Diyos ang pangakong ito sa propetang si Jeremias nang siya ay tinawag niya (tingnan ang Jeremias 1:1-10). Katulad ni Jeremias, hindi natin kailangang may mensaheng inihanda upang sabihin sa harap ng sanlibutan. Ipinangako niya na lalagyan niya ang ating mga labi kanyang mga Salita, sa tamang pagkakataon kapag ito’y kinailangan. Ngunit iyan ay mangyayari lamang kung tayo ay mananalig sa kanya.

Sinabi ni Pablo sa atin na marami ang hihiranging mga mangangaral, mga guro at mga apostol, at silang lahat ay magdurusa sa dahilang iyon. Ibinilang niya ang kanayang sarili kasama nila: “Ako’y ginawang apostol at guro upang ipahayag ang Mabuting Balitang ito, at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa ng ganito” (2 Timoteo 1:11-12).

Ipinakikita ng Kasulatan na si Pablo ay sinubok bilang mga naging ministro. Sinubukan siyang patayin ni Satanas sa maraming pagkakataon. Ang tinatawag na mga relihiyosong nakakarami at tinanggihan siya at tinuya. May pagkakataong maging ang mga nagtaguyod sa kanya ay iniwan siya at inabuso at pinabayaan.

Ngunit si Pablo ay hindi nalito sa harap ng mga tao. Hindi siya nanlumo o napahiya sa harapan ng sanlibutan. At hindi kailanman napagod si Pablo. Sa bawat pagkakataon, mayroong siyang pinagpalang mga salita na winika mula sa Diyos, sa pagkakataong kinailangan ito.

Ang katunayan ay, hindi kayang yanigin si Pablo. Hindi kailanman nawala ang pananalig niya sa Panginoon. Sa halip, pinatunayan niya, “Sapagkat lubos kong nakilala ang aking pinananaligan at natitiyak kong maiingatn niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya” (2Timoteo 1:12). Sinasabi niya, “Naipangako ko ng lubusan ang aking buhay sa katapatan ng Panginoon. Mamatay o mabuhay, ako ay sa kanya.” At hinimok niya ang nakababatang si Timoteo na gawin ding batayan ang mga aral na itinuro sa kanya: “Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pakikipag-isa kay Kristo-Hesus” (1:13).

Lunes, Setyembre 15, 2008

MAGLAKAD BILANG ISANG BAGONG NILALANG

Alam mo kung ano ang kuwento. Isang nakababatang lalaki ang kinuha ang bahagi ng kanyang mamanahin sa ama at nilustay ito sa isang magulong pamumuhay. Sa huli ay nalupog siya, nasira ang kalusugan at espiritu, at sa pinakamababang punto ng kanyang buhay siya’y bumalik sa ama. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan” (Lucas 15:20).

Itala na walang humadlang sa kapatawaran ng ama sa anak. Walang kailangang gawin ang batang ito---kahit hindi niya ikumpisal ang kanyang mga kasalanan---sapagkat ang ama ay naitakda na ang pakikipagkasundo. Sa katunayan, nangyari ang lahat dahilan sa sariling plano ng ama; nang siya’y matanawan ng ama na palapit patakbo siyang sinalubong at agad siyang niyakap. Ang katotohanan ay, ang kapatawaran ay hindi naging suliranin sa isang mapagmahal na ama. Kahalintulad, hindi naging suliranin ng ating Amang nasa langit kapag nakita niya ang isang nagsisising anak.

Kaya ang pagpapatawad ay hindi usapin sa parabolang ito. Sa katunayan, niliwanag ni Hesus na hindi sapat para sa alibughang anak na ito na mapatawad lamang. Hindi niyakap ng ama ang anak upang patawarin lamang at hayaang humayo siya sa kanyang kagustuhan. Hindi, ang amang yaon ay nagnais ng higit pa sa panunumbalik ng anak. Ninais niyang makasama ang anak, ang kanyang presensiya, ang kanyang pakikisama.

Kahit na napatawad na ang alibughang anak at muling tinangkilik, hindi pa rin siya mapalagay sa tahanan ng ama. Masisiyahan lamang ang ama, ang kanyang kagalakan ay magiging sapat kapag ang kanyang anak ay muling makakasama. Iyan ang usapin sa parabolang ito.

Dito ang kuwento ay naging kawili-wili. Ang anak ay hindi mapalagay sa kapatawaran ng kanyang ama. Iyan ang dahilan kaya atubili siyang pumasok sa tahanan ng ama. SInabi niya na may kakanyahan, “Kung nalalaman mo lamang kung ano ang ginawa ko, lahat ng marumi, hindi makadiyos na mga gawain. Nagkasala ako laban sa Diyos at laban sa iyong pag-ibig at pagpapala. Hindi ako karapat-dapat sa iyong pag-ibig. Nasa iyo ang lahat ng karapatan na itakwil ako.”

Itala kung paano tumugon ang ama sa anak. Hindi siya bumanggit ng anumang salitang may paninisi. Walang basehan ang ginawa ng alibughang anak, walang binanggit tungkol sa kayang pagrerebelde, sa kanyang kalokohan, sa kanyang mabisyong pamumuhay, sa kanyang pagkabangkaroteng-espirituwal. Sa katunayan, hindi binigyang-pansin ng ama ang pagsubok na tumigil sa labas, di-karapatdapat. Binale-wala niya lahat ang mga ito! Bakit?

Sa mga mata ng ama, ang dating anak ay patay na. Ang anak ay lubusang nawala sa kaisipan. Ngayon, sa mga mata ng ama, ang anak na bumalik ay bagong nilalang. Ang kanyang nakaraan ay hindi na muling pag-uusapan pa. Sinasabi ng ama, “Para sa akin ang dating ikay ay patay na. Ngayon, lumakad kang kasama ko bilang bagong nilalang. Hindi mo na kailangang mamuhay sa ilalim ng pagsisisi. Ang suliranin tungkol sa kasalanan ay naisaayos na . Ngayon, lakasan mo ang loob mo at lumapit ka sa aking presensiya at makisalo sa aking kahabagan at pagpapala.”

Biyernes, Setyembre 12, 2008

NAGTUNGO SA ARABIA

Kung nanaisin ko na malugod ang tao, hindi ko magagawang maging lingkod ni Kristo. Kung ang puso ko ay nagaganyak para sa kasiyahan ng iba---kung iyan ang takbo ng isipan ko, naiimpluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ko---ang katapatan ko ay mahahati. Palagi ko na lamang pagsisikapan na malugod ang iba maliban kay Hesus.

Ilang taon pagkatapos na mapagbago si Pablo, nagtungo siya sa iglesya ng Jerusalem upang sikapin na mapabilang sa mga disipulo na nandoon. “Ngunit ang mga ito’t takot sa kanya, at hindi makapaniwalang isa na siyang alagad” (Gawa 9:26).

Alam ng mga apostol ang pagkatao ni Pablo bilang mapang-api. “Hindi pa ako nakikita noon ng mga Kristiyano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una” (Galacia 1:22-23).

Tinulungan ni Barnabas ang mga apostol na maalis ang kanilang takot kay Pablo, at inalok siya ng pagsasamahan. Ngunit nagpasiya si Pablo na gumala sa mga Hentil. Sa katunayan, Si Pablo ay maingat na ipinahayag ang tawag sa kanya ng malinaw. Mula kay Pablo na hinirang na apostol, “hindi ng tao ni sa pamamagitan ng tao, kundi ni Hesu-Kristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Hesus”(1:1).

At madiin pa niyang idinagdag: “Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Hesus-Kristo ang nagpahayag nito sa akin…hindi ako sumangguni kaninuman” (1:11-12, 16).

Ang sinasabi ni Pablo dito ay nauukol sa lahat na nagnanais na magkaroon ng kaisipan ni Kristo: “Hindi ko kailangan na magbasa ng mga aklat o manghiram ng pamamaraan ng ibang tao upang makuha ang mayroon ako. Natanggap ko ang aking mensahe, ang aking ministeryo at ang paghirang sa akin sa aking pananalangin. Sa Galacia 1:17, ipinunto ni Pablo na, “Ako’y nagtungo sa Arabia.” Sinasabi niya, sa ibang salita: “Hindi ko nakuha ang pahayag ni Kristo mula sa mga banal ng Herusalem. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia, sa desyerto, upang magpahayag si Kristo sa akin. Umubos ako ng mahalagang panahon doon, inalis ang sarili, nakikinig at tinuturuan ng Banal na Espiritu.”

Si Pablo ay hindi isang mapagmataas, palalo, nag-iisang mangangaral. Alam natin na siya ay may taglay na puso ng isang lingkod. Inalis niya sa kanyang sarili ang maghangad, at natagpuan ang ganap na kasiyahan kay Kristo.

Kapag ang isipan mo ay nakatutok upang malugod si Kristo, hindi mo na kakailanganin ang palakpak at mapasaya ang mga tao.

Huwebes, Setyembre 11, 2008

SA LIHIM NA LUGAR

Ang Banal na Espiritu ay nagtungo sa makadiyos na lalaking naninirahan sa Damascus na nagngangalang Ananias. Inutusan ng Espiritu si Ananias na magtungo sa bahay ni Hudas sa Tuwid na Kalsada, at ilagay ang mga kamay kay Saul at ibalik ang kanyang mga paningin.

Sa katunayan, alam ni Ananias ang pagkatao ni Saul at naisip niya na ito ay mapanganib. Gayunman, narito kung paano ipinagtagubilin ng Banal na Espiritu si Saul kay Ananias: “Siya’y nananalangin ngayon” (Gawa 9:11).

Sinasabi ng Panginoon na, may kakanyahan, ”Ananias, matatagpuan mo siyang nakaluhod. Alam niya na padating ka. Pati pangalan mo ay alam niya, at kung bakit ka ipinadala sa kanya. Nais niyang bumalik ang kanyang paningin.”

Kailan nalaman ni Saul ang malalim na kaalamang ito? Paano niya natanggap ang panaginip ito, ang purong salita mula sa Diyos? Ito ay nanggaling sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagtustos. Sa katunayan, naniniwala ako na ang salita ng Espiritu kay Ananias ay nagpahayag kung ano ang nakapagpaantig sa puso ng Diyos tungkol kay Saul: “Nananalangin siya.”

Si Saul ay saradong kasama ang Diyos sa loob ng tatlong-araw, tumanggi sa lahat ng pagkain at tubig. Ang nais lamang niya ay ang Panginoon. Kaya nagpatuloy siyang nakaluhod sa lahat ng panahong iyon, nananalangin at hinahanap ang Diyos.

Habang ako ay lumalaki, ang aking amang nangangaral ay nagturo sa akin ng, “Ang Diyos ay palaging gumagawa ng paraan para sa taong nananalangin.” Mayroong mga panahon sa buhay ko ng magbigay ang Panginoon ng di-matututulang patotoo nito. Ako ay tinawag na mangaral sa edad na walong-taong gulang, nang pumasok ang Banal na Espiritu sa akin. Tumangis ako at nanalangin, dumadaing, “Punuin mo ako, Panginoong Hesus.” Noong magbinata ako nanalangin ako hanggang ang Espiritu ay pumasok sa akin ng may masidhing kabanalan.

Bilang isang batang pastor isang malalim na pagkagutom ang nadama ko na naging dahilan upang masigasig akong nanalangin. May bagay sa puso ko na nagsabi sa akin, “Mayroon pang higit sa paglilingkod kay Hesus kaysa sa ginagawa ko.” Kaya’t ako ay umubos ng mga buwan na nakaluhod—-tumatangis at nananalangin ng maraming oras sa bawat pagkakataon---nang sa wakas ay tinawag ako ng Panginoon na magtungo sa lunsod ng Nuweba York upang mangaral sa mga barkadahang kabataan at sa mga lulong sa bawal na droga.

Ako ay nakaluhod din may dalawampung-taon na ang nakalilipas, hinahanap ang Diyos na may luha at tumatangis ng malakas, nang tinawag niya ako na bumalik sa Nuweba York upang magtatag ng iglesya sa Times Square.

Kung ako man ay nakarinig mula sa Diyos---kung mayroon mang akong pahayag ni Kristo, anumang sukat ng isipan ni Kristo---hindi ito nanggaling mula sa pag-aaral lamang ng Bibliya. Nanggaling ito mula sa pananalangin. Nanggaling ito mula sa paghahanap sa Diyos sa lihim na lugar.

Miyerkules, Setyembre 10, 2008

ANG IKUMPISAL SI KRISTO

“Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit” (Mateo 10:32-33).

Ang salitang Griyego dito para sa “kumpisal” sa talatang ito ay nangangahulugan ng kasunduan, pagsang-ayon o pakikipagkasundo. Si Hesus ay nagpapahayag ng kasunduan na mayroon tayo sa kanya. Ang ating bahagi ay ang ikumpisal siya, o ilarawan siya, sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Tayo ay mamumuhay sa kanyang pangako ng pag-iingat at pansariling pangangalinga niya para sa atin. At tayo ay magpapatotoo sa kanyang kahanga-hangang pagpapala kung paano tayo namumuhay.

Ang pagkilala kay Kristo ay higit pa sa paniniwala sa kanyang pagka-Diyos. Ito ay tungkol sa higit pa sa pagpapahayag na siya ang Anak ng Diyos, ipinako, inilibing, muling nabuhay at naupo sa kanang kamay ng Ama. Ang Kasulatan ay nagsabi na maging ang diyablo ay naniniwala dito, at nanginginig sa kaalamang ito. Kaya, ano ang ibig sabihin ni Hesus nang sinabi niya na ikumpisal siya sa harapan ng mga tao?

“Ang sinumang kumilala sa akin…” (10:32, aking italika). Sa paggamit ng salitang “samakatwid,” sinasabi ni Hesus na may kakanyahan, “Sa liwanag ng aking sinabi…,” o, “Dahil sa aking sinabi sa iyo…” Ano ang kasasabi lang ni Kristo sa kanyang mga tagapakinig? Sinabi niya, “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (10:29). Sinasabi ni Hesus sa kanila, “isipin ang milyun-milyong mga ibon sa buong sanlibutan. Ngayon isipin ang lahat ng mga ibon na nananatili mula pa noong Nilikha ang lahat. Hanggang sa araw na ito, walang isa mang ibon ang namatay o nabitag na hindi alam ng Amang nasa langit.

At pagkatapos ay ipinunto niya, “Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat” (10:30). Idinidiin ni Kristo, “Tunay na dakila ang Diyos, hindi siya kayang abutin ng iyong pang-unawa. Hindi mo kailanman mauunawaan kung gaano kasusi ang kanyang pagkalinga sa atin.”

Tinapos ni Hesus sa pagsasabing, “Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Pinagsama-sama niya ang lahat sa pagsasabing, “Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit” (10:32). Sinasabi niya, “Isipin ang tungkol sa bagay na ipinahayag ko sa inyo tungkol sa Ama na nakikita ang lahat, at nalalaman ang lahat. Kailangang ikumpisal ninyo ito sa buong sanlibutan. Kailangang mabuhay kayo, huminga at magpatotoo, ‘Kinakalinga ako ang Diyos.’”

Manalig sa pag-ibig ng Ama para sa inyo at tanggapin ang kanyang malapit na pagkalinga para sa inyo. At iwaksi ninyo ang lahat ng inyong takot at mga pagdududa. Mamuhay sa harapan ng mga tao na may pananalig na hindi kayo pinababayaan ng Diyos. Ikumpisal sa lahat, “Ang kanyang mga mata ay nakabantay sa mga maya, at alam kong binabantayan niya ako.”

Martes, Setyembre 9, 2008

LUBOS NA PAMAMAHALA

Walang pormula para sa pamumuhay na lubusang umaasa sa Panginoon. Ang tanging maiaalay ko sa inyo ay kung ano ang itinuturo ng Diyos sa akin sa ganitong kalagayan. Ipinakita niya ang dalawang simpleng bagay kung paano ko ibinigay sa kanya ang lubos na pamamahala.

Una, kailangang ako ay nahimok na ang Panginoon ay balisa at handang ipaalam ang kanyang kalooban sa akin, pati na sa pinakamaliit na bahagi ng aking buhay. Kailangang manalig ako na ang Espiritu na naninirahan sa akin ay alam ang kalooban ng Diyos para sa akin, at ako ay gagabayan niya, pangungunahan at mangungusap sa akin.

“Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan... Pararangalan niya ako, sapagkat sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo” (Juan 16:13-14).

Maaring sa kasalukuyan kayo ay nasa kalagitnaan ng ilang kapighatian, maaring ito ay dahilan ng biglaang pagpapasiya. Kahit na, nangako ang Panginoon sa iyo, “Ang iyong loob na pandinig ay maririnig ang aking Espiritu na nangungusap sa iyo, ‘Humayo ka. Gawin mo ito. At huwag mong gawin iyan…’”

Pangalawa, kailangang manalangin tayo ng walang alinlangang pananalig sa kapangyarihan na sumunod sa utos ng Diyos. Sinabi ng Kasulatan, “Subalit ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinglangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon” (Santiago 1:6-7).

Marami sa atin ang nananalangin, “Panginoon, alam ko kung ano ang sinabi mo sa akin. Ngunit hindi ako nakatitiyak na yaon ay tinig mo na nagsasalita. Hindi ako nakatitiyak na sapat ang aking pagka espirituwal upang makilala ang iyong tinig. Nakikiusap ako, basta buksan o isara ang pintuan para sa akin sa bagay na ito.”

Hindi yaon ang katugunang may pananalig na hinahanap niya mula sa kanyang mga anak. Maari kang manalangin hanggang gusto mo, kahit na maraming oras o maging sa bawat araw sa bawat panahon. Ngunit kung hindi ka mananalangin ng may pananalig---nananalig na gagabayan ka ng Banal na Espritu, katulad ng pangako ni Hesus---hindi mapapasaiyo ang isipan ng Diyos na ipinapahayag sa iyo. Maghihintay siya hanggang sa makita niya na ginawa mong tanggapin anuman ang sinasabi niya, at ang sumunod dito ng walang tanong .

Lunes, Setyembre 8, 2008

TAGLAYIN NINYO ANG ISIPANG ITO

“Magpakababa kayo tulad ni Kristo-Hesus” (Filipos 2:5).

Sa mabuting panghihikayat ang apostol Pablo ay nagsasabi sa mga tao ng Diyos, “Hayaang ang pag-iisip na na kay Kristo---sa sariling pag-iisip ni Hesus---“ay maging pag-iisip din ninyo. Ang kanyang takdang-isipan ay siyang dapat nating hanapin lahat.

Ano ang ibig sabihin na magkaroon ng pag-iisip ni Kristo. Sa madaling sabi, nangangahulugan ito na mag-isip at kumilos na katulad ni Hesus. Nangangahulugan ito na gumawa ng mga pasiya na katulad ni Kristo na siyang titiyak kung paano tayo mabubuhay. Nangangahulugan ito ng pagdadala ng bawat bahagi ng ating isipan na makayanan kung paano natin makakamit ang pag-iisip ni Kristo.

Sa tuwinang titingin tayo sa salamin ng Salita ng Diyos, tatanungin natin ang ating mga sarili: “Ang nakikita ko ba tungkol sa aking sarili ay sumasalamin sa kalikasan at kaisipan ni Kristo? Ako ba’y pabago-bago ng imahe, na alinsunod sa pagiging kawangis ni Hesus sa bawat karanasan na dinadala ng Diyos sa buhay ko?

Ayon kay Pablo, narito ang kaisipan ni Kristo. “Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang tao” (Filipos 2:7).

Si Hesus ay nagpasiya habang siya ay nasa langit pa. Nakipagkasundo siya sa Ama na iiwanan ang kanyang makalangit na kaluwalhatian at bumaba sa sanlibutan bilang isang tao. Siya ay bababa sa sanlibutan bilang isang mapagkumbabang alipin. At pipiliin niyang mangaral kaysa mapangaralan.

Para kay Kristo, ito ay nagangahulugan ng pagsasabi, “Pupunta ako para tuparin ang iyong kalooban, Ama.” Sa katunayan, tiniyak na niya bago pa mangyari, “Iiwanan ko ang aking sariling kalooban upang tuparin ang iyo, Ama. Susupilin ko ang aking kalooban upang mayakap ko ang iyo. Bawat sasabihin at gagawin ko ay sa iyo manggagaling. Iiwanan ko ang lahat upang lubos na umasa sa iyo.”

Bilang kapalit, ang pakikipagkasundo ng Ama sa Anak ay para ipahayag ang kalooban niya sa kanya. Sinabi ng Diyos sa kanya na may kakanyahan, “Ang aking kalooban ay hindi maitatago sa iyo. Palagi mong malalaman ang aking gagawin. Mapapasa-iyo ang aking isipan.”

Nang ipinahayag ni Pablo ng buong tapang, “Nasa akin ang isipan ni Kristo,“ Ipinahayag niya, “Ako man ay ginawa ko ang sarili ko na walang puri. Katulad ni Hesus, tinanggap ko ang aking papel bilang alipin.” Pinanindigan ni Pablo na ang katulad nito ay maaari para sa bawat mananampalataya: “Ngunit ang pag-iisip ni Kristo’y taglay natin” (1 Corinto 2:16).

Biyernes, Setyembre 5, 2008

SINUSUBOK SI KRISTO

“Huwag ninyong susubukin ang Panginoon, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya sila’y pinuksa ng mga ahas” (1 Corinto 10:9).

Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo dito nang nagwika siya ng “sinusubok si Kristo”? Sa madaling sabi, ang panunukso kay Kristo ay paglalagay sa kanya sa pagsubok. Sinusubok natin siya kapag tinatanong natin siya ng, “Gaano magiging mahabagin ang Diyos sa akin kapag ipinagpatuloy ko ang kasalanan kong ito? Gaano ako maaaring manatili sa kasalanan ko bago magsiklab ang kanyang poot? Alam ko na ang Diyos ay mahabagin at ito ang panahon ng pagpapala, na walang paghuhusga sa mga makasalalanan. Paano niya ako mahuhusgahan kung ako ay anak niya?”

Maraming mga Kristiyano ay kaswal na nagtatanong ng katulad na katanungan ngayon, habang naglalaro sila sa makasalanang panunukso. Nais nilang makita kung gaano nila kalapit na mararating ang apoy ng impiyerno na hindi haharap sa kahihinatnan ng kasalanan.

Sa anumang sandali na tayo ay sumalungat sa katotohanan na maliwanag na ipinakita ng Espiritu ng Diyos sa atin, itinatapon natin ang babala ni Pablo: “Kaya nga mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya’y nakatayo, baka siya mabuwal…Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya’t 23,000 ang namatay sa isang araw” (1 Corinto 10:12, 8).

Tanungin ninyo ang inyong mga sarili kung inyong sinusubukan ang hangganan ng mahalagang handog ng pagpapala ng Diyos. Sinusubok ba ninyo si Kristo na nagpalayaw kayo sa inyong kasalanan sa mukha ng inyong ganap na paghihimagsik? Nahikayat ba ninyo ang inyong sarili, “Ako ay mananampalataya ng Bagong Tipan, ako ay nasa ilalim ng dugo ni Hesus. Kung gayon, hindi ako huhusgahan ng Diyos.”

Sa pagpapatuloy ninyo sa inyong kasalanan, ipinagpapalagay ninyo ang dakilang pagpapakasakit ni Hesus para sa inyo ng walang pakundangan. Inilalagay ninyo siya sa lantarang kahihiyan dahil sa inyong kasalukuyang sinasadyang kasalanan, hindi lamang sa mata ng sanlibutan, kundi sa lahat ng harapan ng langit at impiyerno (tingnan ang Hebreo 6:6).

Sa 1 Corinto 10:13 inilalarawan ni Pablo ang daanan ng tatakasan mula sa lahat ng pagsubok: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin ng higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito.”

Ano itong kahulugan ng tatakasan? Ito ay patuloy na paglago ng kaalaman at karanasan sa banal na takot sa Diyos.

Huwebes, Setyembre 4, 2008

ANG SAMPUNG UTOS

Marami sa Amerika ang alam ay ang Pinakamataas na Hukuman ng Estados Unidos ay ipinag-utos na ang Sampung Utos ay hindi maaring ipaskil sa mga hukuman ng pamahalaan. Ang minarkahang pasiyang ito ay malawakang sinaklaw ng mga tagapamahayag. Ngunit ano ang ibig sabihin ng kautusang ito?

Sa hukuman ay kung saan ang batas ay ipinatutupad. Ang Sampung Utos ay kumakatawan sa marangal na batas ng Diyos, na hindi kailanman magagalaw o magbabago. Ito ay nakapirmi na katulad ng batas ng hulugbigat. Kung susuwayin mo ang batas na iyon, ito ay katulad ng pagdaplis ng pagtapak mo mula sa tuktok ng mataas na gusali. Maari mong itanggi na hindi ka naapektuhan ng batas, ngunit may mga kahihinatnan na tiyak na pagbabayaran mo.

Sa madaling sabi, ang Sampung Utos ay walang-hanggang batas na binalangkas ng Diyos upang maiiwas ang lipunan na wasakin ang sarili nito. Gayunman, ang nakakagulat ay, maraming mapagpasabog na kompanya ay kumikilos sa ngayon na gumigiling ng palayo sa mga Utos na yaon---pati na sa pangalan ng Diyos---kung saan man nakalilok sa pader ng mga hukuman.

Isang nakapanghihilakbot na larawan ng kalagayan ng ating lipunan. Ang mga di-mababagong batas na ito ay orihinal na inukit sa bato ng daliri ng Diyos. At ngayon ito ay binubura mula sa bato ng batas ng tao.

Ilang mga Kristiyano ay nagsasabi, “Ano ang mahalaga doon? Wala tayo sa ilalim ng batas. Bakit ito bibigyan ng pansin?” Hindi, wala tayo sa ilalim ng batas ng Hebreo, na may kahulugan ng 613 na idinagdag na mga utos ng gurong Hudyo. Ngunit ang bawat Kristiyano ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng marangal na batas ng Diyos, na pinagsama-sama sa Sampung Utos.

Nababaghan ako kung ano ang laman ng isip ng Diyos habang ang mga mapagwasak na lipunang ito ay binubura ang mga batas niya sa harapan natin. Inaangkin ng ilang mananampalataya, “Hindi natin kailangan ang pagpapakita ng mga Utos na ito. Ang mahalaga para sa atin ay maisulat ito sa ating mga puso” Hindi iyon ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Isaalang-alang ang nakikitang presensiya ng Utos na inilaan para sa mga Utos habang ito ay inilahad sa kanyang mga tao:

“Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong mga isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan” (Deutoronomo 6:6-9).

Miyerkules, Setyembre 3, 2008

ANG KUMIKISAP NA SALIN-LAHI

Maraming Kristiyano ang kinagawian ng nagbabasa ng Bibliya, naniniwala na ito ang buhay, na pahayag na Salita ng Diyos para sa kanilang buhay. Paulit-ulit sa mga pahina ng Kasulatan, nababasa nila ang mga salin-lahi na nadinig ang tinig ng Diyos. Nabasa nila ang pakikipag-usap ng Diyos sa kanyang mga tao ng paulit-ulit, sa paulit-ulit na pariralang ito bawat panahon: “At sinabi ng Diyos…’Gayunman marami ang mga Kristiyanong ito ang nabubuhay na para bang hindi na nangungusap ang Diyos sa kanyang mga tao ngayon.”

Isang buong salin-lahi ng mga Kristiyano ay nagpasiya sa kanilang mga sarili, na hindi nananalangin o kumukunsulta man lamang sa Salita ng Diyos. Marami ang basta na lamang gagawin ang gusto nila at pagkatapos ay hihilingin sa Diyos na bigyang-bisa ang mga ito. Basta gagawin nila ito ng sapilitan, ang kanilang tanging panalangin ay, “Panginoon, kung hindi mo ito kalooban, pigilan mo ako.”

Tayo ngayon ay nabubuhay sa panahong tinatawag na “kumikisap na salin-lahi.” Ang mga tao ay basta na lamang gumagawa ng mga mabigat na pasiya sa isang kisap lamang. Isa sa pinaka-mabiling aklat ay naakda sa kaisipang ito, ay pinamagatang Kumisap: Ang Kapangyarihan ng Pag-iisip na Hindi Nag-iisip (Blink: The Power of Thinking Without Thinking). Ang palagay ay, “Magtiwala sa iyong talino. Isang kisap-matang pagpapasiya ang napatunayang mabisa.”

Isipin ang tungkol sa lahat ng minadaling “isang kisap na wika” na naririnig natin araw-araw: “Ito ang alok ng siglo. Kaya mong gawin ang isang bigkis sa isang gabi lamang. Kaya lamang ay maliit lang ang iyong pagkakataon. Gawin mo na ito ngayon!” Ang nagtutulak na espiritu sa likod ng lahat ng ito ay , “Kisap, kisap, kisap!”

Ang ganitong kaisipan ay nagsimula nang mahawahan ang iglesya, na nakapipinsala sa mga pasiyang nagawa na hindi lamang ng mga “kumikisap na Kristiyano” kundi pati na ng “kumikisap na mga ministro.” Maraming bilang ng mga naguguluhang mga taga parokya ay sumulat sa amin nagsasabi ng katulad na salaysay. “Ang aming pastor ay bumalik galing sa pagdalo sa isang komperensiya ng pagpapalago ng iglesya at madaliang ibinalita, ‘Mula sa araw na ito, ang lahat ay may pagbabago.’ Nagpasiya siya ng isang gabi lamang na kami ay magiging isa sa mga bantog na sama sa agos na iglesya! Hindi man lamang niya hiniling na ipanalangin namin ang tungkol dito…naguguluhan kaming lahat.”

Mga ilang taon lamang ang nakakalipas, ang kasabihan sa mga Kristiyano ay, “Naipanalangin ba ninyo ang tungkol dito? Kumunsulta ba kayo sa Panginoon hinggil sa bagay na ito? Ang inyo bang mga kapatiran ay nakapaligid sa inyo sa pananalangin? Nakatanggap ba kayo ng makadiyos na pagpapayo? Tanong ko sa inyo, ito ba’y inyong nakaugalian? Sa mga nakalipas na mga taon, ilang mahahalagang pasiya ang inyong nagawa na kung saan ay inyo muna itong inihain sa Diyos at taimtim na ipinanalangin? O,ilan sa mga pasiyang iyon ang inyong ginawa “sa isang kisap-mata lamang”? Ang dahilan kung bakit nais ng Diyos ng ganap na pamamahala sa ating mga buhay ay upang mailigtas tayo sa mga kapahamakan---na kung saan ay doon nauuwi ang ating mga “isang kisap-matang mga pasiya.”

Martes, Setyembre 2, 2008

PAGSUNOD SA KABANALAN

Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin sa di-tiyak na kasunduan: “Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganito” (Hebreo 12:14).

Narito ang katotohanan, malinaw at simple lang. Kung walang kabanalan na itinuro si Kristo lamang---isang mahalagang handog na ating pinararangalan sa pamamagitan ng pamumuhay na matapat sa pagsunod sa bawat Salita niya---wala isa man sa atin ang makakakita sa Panginoon. At ito ay tumutukoy hindi lamang sa langit, kundi sa atin ding pangkasalukuyang pamumuhay. Kung walang kabanalan, hindi natin makikita ang presensiya ng Diyos sa ating pang-araw-araw na paglalakad, sa ating pamilya, sa ating mga pakikipagrelasyon, sa ating patotoo o sa ating ministeryo.

Hindi mahalaga kung gaano karami ang mga Kristiyanong pagpupulong ang ating dinaluhan, gaano karaming pangangaral ang ating napakinggan, gaano karaming pag-aaral ng Bibliya na ating sinamahan. Kung tayo ay may kinukupkop na malala ng kasalanan, kung ang Panginoon ay may alitan sa atin dahil sa ating kasalanan, kung ganon ay wala kahit anong paghihirap natin ang magbubunga ng makadiyos na bunga. Sa halip, ang ating kasalanan ay lalo lamang lalala at makahahawa sa mga nakapaligid sa atin.

Sa katunayan, ang paksang ito ay higit pa sa lahat ng pagnanasa, maging sa katiwalian ng espiritu din. Inilarawan ni Pablo ang katulad na nakawawasak na kasalanan sa talatang ito nang sinabi niya, “Huwag din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya sila’y nilipol ng “Anghel na Mamumuksa” (1 Corinto 10:10).

Kaya, minamahal na banal, papayagan mo ba ang Banal na Espritu na harapin niya ang lahat ng pagnanasa na maari mong kinukupkop? At sa halip ba ay hahanapin mo at pagtitiwalaan ang pagtakas na ibinigay niya para sa iyo? Hinihimok kita na maglinang ng banal na takot at manalig sa mga huling araw na ito. Pananatilihin ka nitong dalisay, gaano pa man umigting ang kasalanan sa kapaligiran mo. At itutulot nito na maglakad ka sa kabanalan ng Diyos, na siyang humahawak ng kanyang nanatiling presensiya.

Ang lahat ng ito ay ang kahalagahan ng pananampalataya. Ipinangako ni Kristo na hindi ka niya hahayaang bumagsak, at bibigyan ka niya ng kapangyarihan na umiwas sa kasalanan---kung ikaw lamang ay mananalig sa kanyang sinabi. Kaya, manalig ka sa makadiyos na takot na ito. Ipanalangin mo ito at magiliw na tanggapin. Panghahawakan ng Diyos ang Salita niya sa iyo. Hindi ka makatatakas sa kapit-kamatayan ng batbat na kasalanan sa pamamagitan ng sariling-sikap, sa pamamagitan ng mga pangako, o sa anumang pantaong kakayahan lamang. “Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang” (Zacarias (4:6).

Lunes, Setyembre 1, 2008

ANG PINAKAHULING PLANO NG DIYOS

Sa pagsasara ng aklat ng Genesis, pumili ang Diyos ng munting grupo ng mga di-kilalang tao upang maging mangangaral na nasyon. Nais niyang magbuo ng mga tao na magiging buhay na patotoo ng kanyang kabutihan sa makasalanang sanlibutan. Kaya’t, upang makagawa ng isang patotoo, dinala ng Diyos ang kanyang mga tao sa isang lugar na wala sa kanilang sariling pamamahala. Ibinukod niya ang Israel sa ilang, na kung saan ay siya lamang ang panggagalingan ng kanilang buhay, kumakalinga sa kanilang bawat pangangailangan.

Ang Israel ay walang kapangyarihan na kontrolin ang kanilang pananatili sa walang-taong lugar na iyon. Wala silang kontrol sa makukunan ng pagkain at tubig. Hindi nila kayang kontrolin ang ang kanilang patutunguhan, sapagkat wala silang kompas o mapa, Paano sila kakain o iinom? Anong direksiyon ang patutunguhan nila? At saan sila hahantong?

Ang Diyos ang gagawa ng lahat ng ito para sa kanila. Gagabayan niya ang mga ito araw-araw sa pamamagitan ng himalang ulap, yaong magniningning sa gabi at papawiin ang kadiliman sa harapan nila. Pakakainin niya sila ng pagkain ng mga anghel mula sa langit at bibigyan sila ng tubig mula sa bato. Oo, ang bawat pangangailangan nila ay ibibigay ng Panginoon, at walang kaaway ang maaring makagapi sa kanila.

“Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayo’y turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy” (Deutoronomo 4:36). Ang mga tao ng Diyos ay maririnig ang kanya mismong mga salita na gagabay sa kanila, at kapalit nito’y magpapatotoo sila, “Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy at nanatiling buhay?” (tingnan 4:32-34).

Ang mga bansa na pumapaligid sa lumang Israel ay puno ng mga “ibat-ibang diyos,” mga diyus-diyusan na gawa sa kahoy, sa pilak at ginto. Ang mga diyus-diyusang ito ay pipi, hindi nakakakita o nakakarinig, hindi maaring umibig, gumabay o magtanggol sa mga taong sumasamba sa kanila. Gayunman kahit isa sa mga bansang ito ay maaring tumingin sa Israel at makikita ang mga itinatanging mga tao na siyang dinala ng Diyos sa nakakatakot na ilang. Makikita nila ang isang Diyos na nakikipag-usap sa kanyang mga tao, umiibig at nakadadama, sumasagot sa mga panalangin at nagbibigay ng himala. Narito ang buhay na Diyos, na siyang gumagabay sa kanyang mga tao sa bawat bahagi ng kanilang buhay.

Nagbuo ang Diyos ng mga tao na kanyang sasanayin. Kailangang may mga tao na mabubuhay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, ganap na mananalig sa kanya, na ibibigay ang buong pamamahala sa bawat bahagi ng kanilang buhay. Ang mga taong ito ang kanyang magiging patotoo.

Bakit nanaisin ng Diyos ang magkaroon ng ganap na pamamahala sa mga tao at ipipilit ang kanilang ganap na pagtitiwala sa lahat ng oras? Sapagkat ang Diyos lamang ang nakakaalam ng daan at siya ang gagawa ng mga imposible na kinakailangan para madala sila doon.