Lunes, Setyembre 8, 2008

TAGLAYIN NINYO ANG ISIPANG ITO

“Magpakababa kayo tulad ni Kristo-Hesus” (Filipos 2:5).

Sa mabuting panghihikayat ang apostol Pablo ay nagsasabi sa mga tao ng Diyos, “Hayaang ang pag-iisip na na kay Kristo---sa sariling pag-iisip ni Hesus---“ay maging pag-iisip din ninyo. Ang kanyang takdang-isipan ay siyang dapat nating hanapin lahat.

Ano ang ibig sabihin na magkaroon ng pag-iisip ni Kristo. Sa madaling sabi, nangangahulugan ito na mag-isip at kumilos na katulad ni Hesus. Nangangahulugan ito na gumawa ng mga pasiya na katulad ni Kristo na siyang titiyak kung paano tayo mabubuhay. Nangangahulugan ito ng pagdadala ng bawat bahagi ng ating isipan na makayanan kung paano natin makakamit ang pag-iisip ni Kristo.

Sa tuwinang titingin tayo sa salamin ng Salita ng Diyos, tatanungin natin ang ating mga sarili: “Ang nakikita ko ba tungkol sa aking sarili ay sumasalamin sa kalikasan at kaisipan ni Kristo? Ako ba’y pabago-bago ng imahe, na alinsunod sa pagiging kawangis ni Hesus sa bawat karanasan na dinadala ng Diyos sa buhay ko?

Ayon kay Pablo, narito ang kaisipan ni Kristo. “Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang tao” (Filipos 2:7).

Si Hesus ay nagpasiya habang siya ay nasa langit pa. Nakipagkasundo siya sa Ama na iiwanan ang kanyang makalangit na kaluwalhatian at bumaba sa sanlibutan bilang isang tao. Siya ay bababa sa sanlibutan bilang isang mapagkumbabang alipin. At pipiliin niyang mangaral kaysa mapangaralan.

Para kay Kristo, ito ay nagangahulugan ng pagsasabi, “Pupunta ako para tuparin ang iyong kalooban, Ama.” Sa katunayan, tiniyak na niya bago pa mangyari, “Iiwanan ko ang aking sariling kalooban upang tuparin ang iyo, Ama. Susupilin ko ang aking kalooban upang mayakap ko ang iyo. Bawat sasabihin at gagawin ko ay sa iyo manggagaling. Iiwanan ko ang lahat upang lubos na umasa sa iyo.”

Bilang kapalit, ang pakikipagkasundo ng Ama sa Anak ay para ipahayag ang kalooban niya sa kanya. Sinabi ng Diyos sa kanya na may kakanyahan, “Ang aking kalooban ay hindi maitatago sa iyo. Palagi mong malalaman ang aking gagawin. Mapapasa-iyo ang aking isipan.”

Nang ipinahayag ni Pablo ng buong tapang, “Nasa akin ang isipan ni Kristo,“ Ipinahayag niya, “Ako man ay ginawa ko ang sarili ko na walang puri. Katulad ni Hesus, tinanggap ko ang aking papel bilang alipin.” Pinanindigan ni Pablo na ang katulad nito ay maaari para sa bawat mananampalataya: “Ngunit ang pag-iisip ni Kristo’y taglay natin” (1 Corinto 2:16).