Martes, Setyembre 9, 2008

LUBOS NA PAMAMAHALA

Walang pormula para sa pamumuhay na lubusang umaasa sa Panginoon. Ang tanging maiaalay ko sa inyo ay kung ano ang itinuturo ng Diyos sa akin sa ganitong kalagayan. Ipinakita niya ang dalawang simpleng bagay kung paano ko ibinigay sa kanya ang lubos na pamamahala.

Una, kailangang ako ay nahimok na ang Panginoon ay balisa at handang ipaalam ang kanyang kalooban sa akin, pati na sa pinakamaliit na bahagi ng aking buhay. Kailangang manalig ako na ang Espiritu na naninirahan sa akin ay alam ang kalooban ng Diyos para sa akin, at ako ay gagabayan niya, pangungunahan at mangungusap sa akin.

“Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan... Pararangalan niya ako, sapagkat sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo” (Juan 16:13-14).

Maaring sa kasalukuyan kayo ay nasa kalagitnaan ng ilang kapighatian, maaring ito ay dahilan ng biglaang pagpapasiya. Kahit na, nangako ang Panginoon sa iyo, “Ang iyong loob na pandinig ay maririnig ang aking Espiritu na nangungusap sa iyo, ‘Humayo ka. Gawin mo ito. At huwag mong gawin iyan…’”

Pangalawa, kailangang manalangin tayo ng walang alinlangang pananalig sa kapangyarihan na sumunod sa utos ng Diyos. Sinabi ng Kasulatan, “Subalit ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinglangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon” (Santiago 1:6-7).

Marami sa atin ang nananalangin, “Panginoon, alam ko kung ano ang sinabi mo sa akin. Ngunit hindi ako nakatitiyak na yaon ay tinig mo na nagsasalita. Hindi ako nakatitiyak na sapat ang aking pagka espirituwal upang makilala ang iyong tinig. Nakikiusap ako, basta buksan o isara ang pintuan para sa akin sa bagay na ito.”

Hindi yaon ang katugunang may pananalig na hinahanap niya mula sa kanyang mga anak. Maari kang manalangin hanggang gusto mo, kahit na maraming oras o maging sa bawat araw sa bawat panahon. Ngunit kung hindi ka mananalangin ng may pananalig---nananalig na gagabayan ka ng Banal na Espritu, katulad ng pangako ni Hesus---hindi mapapasaiyo ang isipan ng Diyos na ipinapahayag sa iyo. Maghihintay siya hanggang sa makita niya na ginawa mong tanggapin anuman ang sinasabi niya, at ang sumunod dito ng walang tanong .