Miyerkules, Setyembre 24, 2008

NASAAN ANG MGA TIMOTEO?

Ito ay sa mga Kristiyano sa Filipos kung saan unang ipinakilala ni Pablo ang katotohanan, “Nawa’y mapasa inyo ang kaisipan ni Kristo.” Isinulat ni Pablo ang mensaheng ito habang siya ay nakakulong sa bilangguan sa Roma.

Ito ay mula sa bilangguan na kung saan ipinahayag ni Pablo na siya ay may kaisipan ni Kristo, iwinaksi ang kanyang pagkakakilanlan upang maging alipin ni Hesus at ng kanyang iglesya. Ngayon isinulat niya, “Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko agad diyan si Timoteo para mapanatag ang loob ko matapos malaman sa kanya ang inyong kalagayan” (Filipos 2:19).

Ito ang kaisipan, ang gawain, ng kaisipan ni Kristo. Isipin ang tungkol dito: narito ang isang pastor, nakaupo sa bilangguan, gayunman hindi niya iniisip ang sariling kaginhawahan, ang sariling mahirap na kalagayan. Nag-aalala lamang siya tungkol sa espirituwal at pisikal na kalagayan ng kanyang mga tao. At sinabi niya sa kanyang mga tupa, “Ang kaginhawahan ko ay makukuha ko lamang kapag nalaman kong nasa mabuti kayong kalagayan, sa espiritu at katawan. Kaya ipapadala ko si Timoteo upang alamin ang kalagayan ninyo.”

Pagkatapos ay gumawa si Pablo ng nakakatakot na pahayag: “Wala nang hihigit pa sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit sa inyong kapakanan” (2:20). Isang nakalulungkot na pahayag! Habang isinusulat ni Pablo ito, ang mga iglesya sa kanyang paligid sa Roma ay lumalago at pinagpapala. Maliwanag, na mayroong makalangit na mga pinuno sa mga iglesya sa Roma. Ngunit, sinabi ni Pablo, “Sapagkat walang sinisikap ang iba kundi ang sariling kapakanan, hindi ang ukol kay Hesu-Kristo” (2:21). May katunayan, walang pinuno sa Roma na may puso ng isang alipin---wala isa man na nagwaksi ng sarili at maging buhay na patotoo. Sa halip, ang lahat ay nagsisiskap para lamang sa pansariling kapakanan. Wala isa man ang may kaisipan ni Kristo. Walang mapagkatiwalaan si Pablo na maipadala sa Filipos upang maging tunay na alipin ng katawan ng mga mananampalataya.

Ang mga salita ni Pablo dito ay hindi kayang palambutin: “Ang lahat ay para lamang sa kanyang sarili. Ang mga ministrong ito ay nagsisikap lamang para sa sariling kapakanan. Iyan ang dahilan kung bakit wala akong mapagkatiwalaan dito na mangalaga para sa inyong mga pangangailangan at mga pasakit, kundi si Timoteo lamang.”

Ang ating panalangin ay dapat na: “Panginoon, ayaw kong magtuon sa sarili ko lamang sa sanlibutang umiikot ng walang patutunguhan. Ayaw kong alalahanin ang tungkol sa aking kinabukasan. Alam kong hawak mo ang aking patutunghan sa iyong mga kamay. Nakikiusap ako, Panginoon, ibigay mo sa akin ang iyong isipan, ang iyong mga pag-aalala. Nais kong magkaroon ng iyong puso ng isang alipin.” Amen.