Ang alibughang anak ay kinailangan ang tinatawag ng apostol Pablo na “muling pagpapanibago ng kaisipan.” Gustung-gusto kong basahin ang mga salitang ito mula sa parabola: “Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya” (Lucas 15:22-23).
Ang alibugha ay may kaisipan ng paghuhusga, at ito ay inilagay sa kanya ni Satanas. Ngayon, ang mga katulad na bagay ay nangyayari sa maraming anak ng Diyos. Ang ating Ama ay nagbubunyi para sa atin, niyayakap tayo ng mapagmahal niyang mga kamay. Gayunman iniisip natin ang pagpapakumbaba ay nangangahulugan ng pagsasabi sa Diyos kung gaano tayo naging kasama, hinuhukay ang mga nakaraang kasalanan sa halip na magtiwala sa pagpapadama ng kanyang pag-ibig. At sa mga panahong ito iniisip natin ng may kabigatan, “Tiyak na galit siya sa akin. Nagkasala ako ng higit pa sa iba.”
Nang dinala ng mga alila ang pinakamahusay na damit at isinuot ito sa kanyang anak, naglalarawan ito na siya ay dinadamitan sa katuwiran ni Kristo. At pagkatapos ay sinuutan siya ng singsing, nagpapahayag ng kanyang pakikipag-isa kay Kristo. Sa huli, sinuutan siya ng panyapak, naglalarawan ng pagtanggap ng Magandang Balita ng kapayapaan ni Kristo. Ang mapagmahal na amang ito ay nagpapakita sa kanyang anak: “Ilayo ang basahan ng laman, yaong mga pira-pirasong pansariling pagsisikap para malugod ako. Hayaan mong ipakita ko sa iyo kung paano kita tinitingnan. Dumating ka sa aking tahanan at sa aking presensiya bilang isang bago, makaharing anak. Hindi ka dumating bilang isang namamalimos o isang alipin, kundi bilang anak ko, na kinasisiyahan ko ngayon! Ngayon pumasok ka ng walang-takot at may katiyakan.”
Katulad pa rin iyan ngayon para sa atin. Kailangan nating magbago ng ating kaisipan kung paano tayo tinatanggap ng Diyos sa kanyang presensiya. “Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makapapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Hesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing --- alalaong baga’y ang kanyang katawan…Lumapit tayo sa Diyos na may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya” (Hebreo 10:19-20, 22 aking italika).
Ang salitang “walang-takot” ay hinango mula sa ugat na salitang nangangahulugan ng “isang pinalayang alipin.” Nangangahulugan ito na wala na sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan, kundi sa ilalim ng alituntunin ng kabutihan. Sa madaling sabi, ito ay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Ama---sa pamamagitan ng kanyang kahabagan lamang---na tayo ay may karapatang pumasok sa kanyang presensiya. At narito ang katangiang kailangan: “At magpasalamat tayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang sa magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak” (Colosas 1:12-13 aking italika).