Ang Banal na Espiritu ay nagtungo sa makadiyos na lalaking naninirahan sa Damascus na nagngangalang Ananias. Inutusan ng Espiritu si Ananias na magtungo sa bahay ni Hudas sa Tuwid na Kalsada, at ilagay ang mga kamay kay Saul at ibalik ang kanyang mga paningin.
Sa katunayan, alam ni Ananias ang pagkatao ni Saul at naisip niya na ito ay mapanganib. Gayunman, narito kung paano ipinagtagubilin ng Banal na Espiritu si Saul kay Ananias: “Siya’y nananalangin ngayon” (Gawa 9:11).
Sinasabi ng Panginoon na, may kakanyahan, ”Ananias, matatagpuan mo siyang nakaluhod. Alam niya na padating ka. Pati pangalan mo ay alam niya, at kung bakit ka ipinadala sa kanya. Nais niyang bumalik ang kanyang paningin.”
Kailan nalaman ni Saul ang malalim na kaalamang ito? Paano niya natanggap ang panaginip ito, ang purong salita mula sa Diyos? Ito ay nanggaling sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagtustos. Sa katunayan, naniniwala ako na ang salita ng Espiritu kay Ananias ay nagpahayag kung ano ang nakapagpaantig sa puso ng Diyos tungkol kay Saul: “Nananalangin siya.”
Si Saul ay saradong kasama ang Diyos sa loob ng tatlong-araw, tumanggi sa lahat ng pagkain at tubig. Ang nais lamang niya ay ang Panginoon. Kaya nagpatuloy siyang nakaluhod sa lahat ng panahong iyon, nananalangin at hinahanap ang Diyos.
Habang ako ay lumalaki, ang aking amang nangangaral ay nagturo sa akin ng, “Ang Diyos ay palaging gumagawa ng paraan para sa taong nananalangin.” Mayroong mga panahon sa buhay ko ng magbigay ang Panginoon ng di-matututulang patotoo nito. Ako ay tinawag na mangaral sa edad na walong-taong gulang, nang pumasok ang Banal na Espiritu sa akin. Tumangis ako at nanalangin, dumadaing, “Punuin mo ako, Panginoong Hesus.” Noong magbinata ako nanalangin ako hanggang ang Espiritu ay pumasok sa akin ng may masidhing kabanalan.
Bilang isang batang pastor isang malalim na pagkagutom ang nadama ko na naging dahilan upang masigasig akong nanalangin. May bagay sa puso ko na nagsabi sa akin, “Mayroon pang higit sa paglilingkod kay Hesus kaysa sa ginagawa ko.” Kaya’t ako ay umubos ng mga buwan na nakaluhod—-tumatangis at nananalangin ng maraming oras sa bawat pagkakataon---nang sa wakas ay tinawag ako ng Panginoon na magtungo sa lunsod ng Nuweba York upang mangaral sa mga barkadahang kabataan at sa mga lulong sa bawal na droga.
Ako ay nakaluhod din may dalawampung-taon na ang nakalilipas, hinahanap ang Diyos na may luha at tumatangis ng malakas, nang tinawag niya ako na bumalik sa Nuweba York upang magtatag ng iglesya sa Times Square.
Kung ako man ay nakarinig mula sa Diyos---kung mayroon mang akong pahayag ni Kristo, anumang sukat ng isipan ni Kristo---hindi ito nanggaling mula sa pag-aaral lamang ng Bibliya. Nanggaling ito mula sa pananalangin. Nanggaling ito mula sa paghahanap sa Diyos sa lihim na lugar.