At kung ako ma’y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin…” (Galacia 2:20).
“Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao, siya’y bago na” (2 Corinto 5:17).
Maari mong sabihin, “Alam ko na ako ay na kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Naisip ko na ako ay bagong nilalang, ngunit patuloy pa rin akong naghihirap dahil sa mga dating kinagawian. Ginagawa nito na mawalan ako ng pag-asa.” Nais ni Satanas na mapaniwala kayo na pinabayaan na kayo ng Diyos. Nais niyang isipin ninyo na ang tingin ng Diyos sa inyo ay marumi, talamak sa kasalanan. Ngunit lahat ito ay kasinungalingan. Ang inyong nararanasan ay ang pakikipaglaban ng laman sa espiritu na nasa inyo. Ang pakikipaglabang ito ay karaniwan na sa mga mananampalataya. At habang kayo’y nasa kalagitnaan nito, nais ni Satanas na papaniwalain kayo na ang “dating sarili“ ay siya pa ring namamayani sa inyo.
Ano man ang inyong katatayuan, hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos para sa inyo. Hindi siya kailanman tumigil sa pag-ibig niya sa lahi ni Adan, kahit pa sa kanilang kabalakyutan, pagsamba sa diyus-diyusan, pagnanasa sa laman. Pinag-ingatan niya sila sa buong kasaysayan hanggang sa huling mga araw, nang siya ay pumasok na dala ang kanyang plano ng kaligtasan. Sa pamamagitan ng krus, naging possible na ang lahi ni Adan ay magkipagkasundo.
Kailangan ninyong malaman na ang katayuan ninyo sa Diyos ay nakasalalay sa isang bagay: kayo ay nagtagumpay ng dahil sa krus. Ang tagumpay na ito ay hindi nanggaling sa anumang kabutihan na ginawa ninyo. Ayon sa sinabi ni Pablo, “At ang nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaring kalugdan ng Diyos” (Roma 8:8).