Maraming Kristiyano ang kinagawian ng nagbabasa ng Bibliya, naniniwala na ito ang buhay, na pahayag na Salita ng Diyos para sa kanilang buhay. Paulit-ulit sa mga pahina ng Kasulatan, nababasa nila ang mga salin-lahi na nadinig ang tinig ng Diyos. Nabasa nila ang pakikipag-usap ng Diyos sa kanyang mga tao ng paulit-ulit, sa paulit-ulit na pariralang ito bawat panahon: “At sinabi ng Diyos…’Gayunman marami ang mga Kristiyanong ito ang nabubuhay na para bang hindi na nangungusap ang Diyos sa kanyang mga tao ngayon.”
Isang buong salin-lahi ng mga Kristiyano ay nagpasiya sa kanilang mga sarili, na hindi nananalangin o kumukunsulta man lamang sa Salita ng Diyos. Marami ang basta na lamang gagawin ang gusto nila at pagkatapos ay hihilingin sa Diyos na bigyang-bisa ang mga ito. Basta gagawin nila ito ng sapilitan, ang kanilang tanging panalangin ay, “Panginoon, kung hindi mo ito kalooban, pigilan mo ako.”
Tayo ngayon ay nabubuhay sa panahong tinatawag na “kumikisap na salin-lahi.” Ang mga tao ay basta na lamang gumagawa ng mga mabigat na pasiya sa isang kisap lamang. Isa sa pinaka-mabiling aklat ay naakda sa kaisipang ito, ay pinamagatang Kumisap: Ang Kapangyarihan ng Pag-iisip na Hindi Nag-iisip (Blink: The Power of Thinking Without Thinking). Ang palagay ay, “Magtiwala sa iyong talino. Isang kisap-matang pagpapasiya ang napatunayang mabisa.”
Isipin ang tungkol sa lahat ng minadaling “isang kisap na wika” na naririnig natin araw-araw: “Ito ang alok ng siglo. Kaya mong gawin ang isang bigkis sa isang gabi lamang. Kaya lamang ay maliit lang ang iyong pagkakataon. Gawin mo na ito ngayon!” Ang nagtutulak na espiritu sa likod ng lahat ng ito ay , “Kisap, kisap, kisap!”
Ang ganitong kaisipan ay nagsimula nang mahawahan ang iglesya, na nakapipinsala sa mga pasiyang nagawa na hindi lamang ng mga “kumikisap na Kristiyano” kundi pati na ng “kumikisap na mga ministro.” Maraming bilang ng mga naguguluhang mga taga parokya ay sumulat sa amin nagsasabi ng katulad na salaysay. “Ang aming pastor ay bumalik galing sa pagdalo sa isang komperensiya ng pagpapalago ng iglesya at madaliang ibinalita, ‘Mula sa araw na ito, ang lahat ay may pagbabago.’ Nagpasiya siya ng isang gabi lamang na kami ay magiging isa sa mga bantog na sama sa agos na iglesya! Hindi man lamang niya hiniling na ipanalangin namin ang tungkol dito…naguguluhan kaming lahat.”
Mga ilang taon lamang ang nakakalipas, ang kasabihan sa mga Kristiyano ay, “Naipanalangin ba ninyo ang tungkol dito? Kumunsulta ba kayo sa Panginoon hinggil sa bagay na ito? Ang inyo bang mga kapatiran ay nakapaligid sa inyo sa pananalangin? Nakatanggap ba kayo ng makadiyos na pagpapayo? Tanong ko sa inyo, ito ba’y inyong nakaugalian? Sa mga nakalipas na mga taon, ilang mahahalagang pasiya ang inyong nagawa na kung saan ay inyo muna itong inihain sa Diyos at taimtim na ipinanalangin? O,ilan sa mga pasiyang iyon ang inyong ginawa “sa isang kisap-mata lamang”? Ang dahilan kung bakit nais ng Diyos ng ganap na pamamahala sa ating mga buhay ay upang mailigtas tayo sa mga kapahamakan---na kung saan ay doon nauuwi ang ating mga “isang kisap-matang mga pasiya.”