Bago pa sa krus, walang daan patungo sa Diyos para sa lahat ng tao; ang mga matataas na pari lamang ang nakapapasok sa Pinakabanal ng mga Banal. Ngayon ang krus ni Hesus ay nagbigay daan para sa atin para makapasok sa presensiya ng Ama. Dito sa biyayang ito, dinurog ng Diyos ang pader na humahadlang sa kanyang presensiya. Ngayon makalalapit siya sa tao, para mayakap ang mga alibugha niyang anak at ang lahat ng uri ng mga makasalanan.
Isaalang-alang ang mahimalang pagliligtas sa Israel. Habang ang mga tao ng Diyos ay tumatawid sa tuyong lupa, nakita nila na ang alon ay pinalubog ang kanilang mga kaaway sa kanilang likuran. Ito’y isang maluwalhating sandali, at sila ay nagsagawa ng malakihang pulong ng pagpupuri, nagsasayawan, nag-aawitan at nagpapasalamat. “Malaya na kami! Iniligtas kami ng Diyos sa mga kamay ng kaapihan.”
Ang kasaysayan ng Israel ay naglalarawan ng ating sariling kaligtasan mula sa pagkakagapos at sa kasalanan. Alam natin na si Satanas ay nagapi as krus, at biglaan tayong napalaya sa kanyang malabakal na pagkakahawak. Gayunman mayroon pang higit na layunin ang Diyos sa pagliligtas sa atin. Nakita ninyo, hindi binalak nang Diyos na magkampo ang Israel sa gilid ng tagumpay sa Pulang-dagat. Ang mas dakila niyang layunin sa pagpapalabas sa kanila sa Ehipto ay upang dalhin sila sa Canaan, ang kanyang lupain ng kapunuan. Sa madaling sabi, inilabas niya sila upang muling papasukin: patungo sa kanyang puso, patungo sa kanyang pag-ibig. Ninais niya ang mga tao na lubusang umaasa sa kanyang kahabagan, pagpapala at pag-ibig. At iyan ay katulad pa rin para sa kanyang mga tao sa ngayon.
Ang unang pagsubok sa Israel ay nangyari ilang araw lamang ang nakalilipas, at nauwi sila sa pagbubulungan at paghihimutok, lubusang walang kasiyahan. Bakit? Nalaman nila ang pagliligtas ng Diyos ngunit hindi nila natutunan ang dakilang pag-ibig niya sa kanila.
Narito ang susi sa katuruang ito: Hindi mo mararating ang kagalakan at kapayapaan---katunayan, hindi mo malalaman paano ang maglingkod sa Panginoon---hanggang sa makita mo ang kasiyahan ng kanyang puso sa kanyang pakikisama sa iyo…hanggang sa makita mo na ang bawat pader ay natanggal sa krus…hanggang sa malaman na ang lahat ng nakaraan mo ay nahusgahan at nalinis na. Sinasabi ng Diyos, “Nais kong magpatuloy ka, sa kapunuan na naghihintay sa iyo sa aking presensiya!”
Ang nakararami ngayon ay nagbubunyi sa kahanga-hangang kabutihan na dulot ng krus. Nakalabas sila ng Ehipto, at sila ay nakatayo sa “gilid ng tagumpay” ng kanilang pagsubok sa Pulang-Dagat. Nagsasaya sila sa kanilang kalayaan, at patuloy silang nagpapasalamat sa Diyos sa paghahagis ng Diyos sa dagat sa kanilang mga kaaway. Ngunit marami sa mananampalatayang ito rin ay nawala sa kanila ang dakilang layunin ng Diyos at kabutihan para sa kanila. Nawala sa kanila kung bakit sila pinalabas---na kung saan ay upang ibalik sa kanyang presensiya.