Biyernes, Setyembre 26, 2008

ANG IPINANGAKONG KAPAHINGAHAN NG DIYOS

Samakatwid, may kapahingahan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos. Sapagkat ang sinumang makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos ay magpapahinga rin sa kanyang mga gawa, tulad ng Diyos na nagpahinga na sa kanyang paglikha” (Hebreo 4:9-10).

Maaring magtaka ka, “Ano ang kahulugan na makapasok sa ipinangakong kapahingahan? Ano ang magiging pagtingin dito sa aking buhay?” Idinadalangin ko na alisin ng Diyos ang sukatan mula sa ating mga paningin at hayaan tayong panghawakan ito. Sa madaling palagay, ang pagpasok dito sa ipinangakong kapahingahan ay nangangahulugan ng ganap na pananalig na tinapos na lahat ni Kristo ang gawain ng pagliligtas sa iyo. Kailangang magpahinga ka sa kanyang mapagpalang pagliligtas, sa pamamagitan ng pananalig lamang.

Iyan ang ibig ipakahulugan ni Hesus nang hinikayat tayong, “Lumapit kayo sa akin lahat ng napapagal at bibigyan ko kayo ng kapahingahan” (Mateo 11:28). Nangangahulugan ito ng katapusan ng lahat ng iyong sariling pagpapagal, lahat ng iyong pantaong pagsisikap na makamit ang kapayapaan. Nangangahulugan ito ng lubusang pag-asa sa pagkilos ni Hesus para sa inyo.

Ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo. Nangyayari ito sa espirituwal na kaharian. Niliwanag itong mabuti ng Lumang Tipan. Sa bawat panahon, ang Israel ay gumawa ng hungkag, walang saysay na mga pangako sa Diyos: “Nais naming maglingkod sa iyo, Panginoon. Susundin namin kahit ano ang ipag-utos mo.” Ngunit pinatunayan ng kasaysayan na wala silang puso o kakayahan na tuparin ang kanilang mga salita. Inalis ng Diyos ang lahat ng pananalig nila sa kanilang mga sarili. Ang lahat ng ating pangangailangan ay manggagaling mula sa mahalagang presensiya ng Panginon.

Ipinahayag ni Pablo, “Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao” (Gawa 17:28). Ito ay nangungusap ng walang putol na pakikipag-isa. Sa pamamagitan ng tagumpay ng krus, ginawa ng Panginoon na maging handa siya para sa atin sa bawat oras ng araw o gabi. Kailangan nating magpasiya: “Nais ko si Kristo sa buhay ko. Nais kong makalaya sa lahat ng kalamnan. Kaya’t ako’y susulong, sa kanyang presensiya at angkinin ang aking pagmamay-ari. Nais kong si Hesus ang maging lahat para sa akin, ang tanging panggagalingan ng aking kasiyahan.