Biyernes, Setyembre 19, 2008

SINUSUBOK ANG DIYOS?

Habang si Hesus ay nakatayo sa pinakamataas na lugar ng templo, binulungan siya ni Satanas, “Sige magpatihulog ka! Kung talagang Anak ka ng Diyos ililigtas ka niya.”

“Kung ikaw ang Anak ng Diyos,” sabi sa kanya, “magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,” ‘Aalalayan ka nila, upang hindi ka matisod sa bato” (Mateo 4:6).

Nakikita mo ba ang panglilito ni Satanas dito? Inihiwalay niya ang isang pangako mula sa Kasulatan---at tinukso niya si Hesus na ibigay ang buhay niya dito. Iminumungkahi niya, “Sinabi mo na ang Diyos ay nasa iyo. Kung ganon patunayan mo. Ang iyong Ama ay hinayaan ako na guluhin ka. Nasaan ang kanyang presensiya dito? Mapapatunayan mo na kasama mo siya kung magpapatihulog ka. Kung kasama mo ang Diyos, magbibigay siya ng malambot na babagsakan mo. At doon maari mong ipagtiwala ito. Kung hindi, mabuti pang mamatay ka na sa halip na patuloy kang mag-iisip kung ikaw ay nag-iisa. Kailangan mo ng himala para patunayan na ang Ama ay kasama mo.”

Paano tumugon si Hesus? Sumagot si Hesus, “nasusulat din naman, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos’” (Mateo 4:7). Ano ang ibig sabihin ni Hesus dito sa “panunubok sa Diyos”?

Ang lumang Israel ay isang halimbawa. Sampung ulit na pinatunayan ng Panginoon ang kanyang katapatan sa mga Israelitas. Ang mga tao ng Diyos ay nakita ang patotoo na ang Panginoon ay kasama nila. Gayunman, sa tuwina, ang mga tao ay paulit-ulit na nagtatanong ng katulad na katanungan: “Ang Diyos ba ay kasama natin o hindi?” Tinawag ng Diyos ito na “sinusubok siya.” Ginamit ni Hesus ang katulad na pariralang---“sinusubok ang Diyos”---sa kanyang kasagutan kay Satanas. Ano ang ipinapahayag nito sa atin? Ipinapakita nito na malaking kasalanan ang pagdudahan ang presensiya ng Diyos; hindi natin dapat tanungin kung kasama natin siya.

At para sa Israel, naibigay na sa atin ng Diyos ang kabuuan ng mga patotoo. Una, mayroon sa mga Salita niya ang napakaraming pangako ng kanyang pagiging malapit sa atin. Pangalawa, mayroon tayong pansariling kasaysayan kasama ang Diyos---ang patotoo ng napakarami na niyang mga pagliligtas sa ating mga buhay. Pangatlo, mayroon tayong Bibliya na puno ng mga magpapatotoo sa presensiya ng Diyos sa mga nagdaang siglo.

Maliwanag ang Bibliya: Kailangan nating maglakad kasama ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig at hindi ng tingin. Kung hindi, mauuwi tayong katulad ng walang pananalig na Israel.