Biyernes, Enero 30, 2009

ANG PATOTOO NG ESPIRITU!

“Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan” (1 Juan 5:6).

Mayroong pagkakataon na kung saan ang pagpapatotoo ng Espiritu Santo ay hindi ako hinahayaang manahimik. Ang Espiritu ay nabubuhay sa akin at kailangang magsalita ako.

Ang Espiritu Santo ay naninirahan sa atin para ipahayag kung ano ang katotohaan at ano ang mali. Nangungusap siya sa matatag, maliit na tinig, sa kailaliman ng puso. Marami sa ating mga ninuno ay naniniwala sa ganitong gawain ng Espiritu sa mga mananampalataya. Nangangaral sila ng matagalan tungkol sa “pagkakaroon ng patotoo.” Ngunit hindi ko na naririnig ang katotohanang ito ay ipinangangaral pa. Sa katunayan, ang patotoo ng Espiritu ay hindi na naririnig sa mga iglesya ngayon!

Ang mga mananampalataya ay nangangailangan ng patotoo ng Espiritu ng mas higit pa kaysa noon. At kakailanganin natin ito ng higit pa lalo habang palapit na ang pagbabalik ng Panginoon! Si Satanas ay dumating na hayag-hayagan bilang anghel ng liwanag para manlinlang, kung maari lamang, sa mga pinili ng Diyos. Ang kanyang makadiyablong panunukso ay mamumukadkad: mga huwad na katuruan, mga huwad na mangangaral, mga huwad na magandang balita.

Ang malalim na patotoo ng Espiritu ay kumikilos sa “prinsipyo ng kapayapaan.” Ang kapayapaan ng Diyos ang pinakadakila na maari mong makamit. At kapag ginulo ang iyong kapayapaan, makasisiguro ka na mangungusap sa iyo ang Espiritu Santo! Kapag may kaguluhan sa iyong espiritu—isang nakayayanig at isang kaguluhan sa iyong kaibuturan—sinasabi sa iyo ng Diyos na may bagay na mali. Madarama mo ang kanyang kahihiyan—ang kanyang pighati at galit!

“At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo” (Colosas 3:15). Anumang nakatago, hindi pa pinagsisihang kasalanan ay nanakawan ang isang mananampalataya ng kanyang itinatanging kapayapaan! Ang kanyang puso ay pupunitin ng kasalanan, pagkondena at takot—at ang Espiritu ay mangungusap sa kanya ng dalawang salita lamang. “Magsisi! Lumayo!”

Oo, ang Espiritu ay mangungusap sa iyo para itama ka; haharapin ka niya tungkol sa iyong kasalanan, katuwiran at paghahatol. Ngunit pagdating sa iyong patutunguhan—iyan ay, ang nakatigil, maliit na tinig na nagungusap sa iyo ano ang gagawin at saan magpupunta—hindi siya kikilos sa maduming sisidlan!

Kapag nagpatuloy ka sa kasalanan—kapag hindi mo ikinumpisal o hinarap ito—ang puso mo ay magpapakain sa iyo ng sunud-sunod na mga kasinungalingan. Makaririnig ka ng mga katuruan na gagawin kang parang sanay na sa iyong kasalanan, “Ang suliranin ko ay hindi ganyan kasama. Hindi ko nadarama na ako ay hinahatulan.” Ngunit ikaw ay ganap itutulak para maligaw!

Si Isaias ay nangusap tungkol sa mga tao na inaangkin ang pagnanais ng tunay na pagsangguni sa Diyos. Sinasabi ninyo: “Dali-dalian mo nang aming makita ang iyong gagawin; maganap na sana ang panukala mo, Banal ng Israel, nang malaman namin” (Isaias 5:19).

Ngunit ang mga taong ito ay may pandaraya sa mga puso nila—at nauwi silang pilipit sa lahat ng kanilang pagpapayo! Pinilipit ng kasalanan ang kanilang mga paghuhusga! Bilang bunga, hindi na nila makilala kung alin ang diyablo. At ang lahat ng banal at dalisay ay tinatawag nilang mali. Sinabi ni Isaias sa kanila, “Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, ang masama naman ay minamabuti, ang kaliwanaga’y inaaring dilim at ang kadilima’y liwanag ang turing. Mapait na apdo ang sabi’y matamis at ang matamis ay minamapait!” (Isaias 5:20).

Huwebes, Enero 29, 2009

MAGPAHINGA SA PAG-IBIG NG AMA

Nagkaroon ka ba ng kaibigan o mahal sa buhay na sinabi sa iyo ng biglaan: “Galit ka ba sa akin? May ginawa ba akong mali?”

Maaring nanahimik ka lamang, nag-iisip ng malalim. Kaya sumagot ka, “Hindi, hindi ako galit. Wala kang ginawa para makasakit sa akin. Nanahimik lang ako ngayon.”

Ngunit ipinagpipilitan sa iyo: “Ito ba’y tungkol sa sinabi ko?”

“Wala, wala kang sinabing anuman. Lahat ay ayos lang.”

Sa huli, para makumbinsi ang taong iyon, kailangan yakapin mo siya: “Tumingin ka, mahal kita—hindi ako nagagalit. Ngunit kung ipagpipilitan mo, maaring matuluyan akong mainis!”

Mga minamahal, ganito natin tinatrato ang ating Amang nasa langit! Sa pagtatapos ng araw, nagpupunta tayo sa ating lihim na silid at sinasabi: “Tingnan natin ngayon, paano ko pinasama ang loob ni Hesus sa akin? Ano ang ginawa kong mali—ano ang nalimutan kong gawin? Masyado akong magulo, hindi ko alam kung paano niya ako iibigin. Panginoon, patawarin mo ako minsan pa. Pagdating ng araw magiging masunurin ako, madali na sa iyo para ibigin ako.” Ngunit ang Diyos ay nandoon sa lahat ng sandali, naghihintay na yakapin ka! Ibig niyang ipakita sa iyo kung gaano ka niya iniibig at nais niyang ikaw ay sumandal at magpahinga sa kanyang pag-ibig!

Nang umuwi ang alibughang anak, siya ay tinanggap ng ama sa kanyang tahanan. Tumanggap siya ng bagong damit, kumain sa hapag kainan ng ama at nagkartoon ng ganap na kapatawaran. Ang isang bagay na alam ng anak na ito ay, siya ay nakasisiguro sa pag-ibig ng ama. Alam niya na pagbibigyan siya ng ama, kasamang gagawa, mamahalin siya. Iyan ang kung paano ang ating Amang nasa langit para sa atin.

Gaano man kalayo tayo naligaw mula sa ating Ama, mayroon tayong patuloy na bukas na pinto para bumalik sa kanya. Ngunit kailangang maniwala tayo sa sinasabi ng salita ng Diyos—“…sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin…” (Efeso 1:6).

Naghihintay siyang bukas ang mga kamay para yakapin tayo para sa lahat na tumatanggap ng bukas na daanan at pabalik sa kanyang pag-ibig.

Miyerkules, Enero 28, 2009

NILIMITAHAN KO ANG DIYOS SA PAGIGING NASISISYAHAN SA KAKAUNTI LAMANG!

Ang Diyos ay masagana na ibig niya kayong bigyan. Ang nais niya ay “buksan ang mga durungawan ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala, na hindi sapat ang paglalagyan para tanggapin ito” (Malakias 3:10). Nakatayo siya sa punung-puno na pinaglalagyan, sinasabi, “Ako’y mapagbigay, mapagmahal na Diyos—ngunit kaunti lamang ang makatatanggap mula sa akin. Hindi nila hinahayaang maging Diyos ako sa kanila!

Katunayan, kailangang magpasalamat tayo sa Diyos para sa lahat ng ginawa niya at naibigay na sa atin. Gayunman hindi tayo dapat masiyahan sa ating palagay ay sapat na! Maraming Kristiyano ay nasisiyahan na na nakaupo sa iglesya at pinagpapala sa presensiya ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga tinatawag na “nasisiyahang espongha”! Sinisipsip nila ang lahat—ngunit nililimitahan nila ang Diyos sa kanilang mga buhay, kapag nais niyang pahiran sila ng langis para maglingkod.

Nang magtaka ang mga disipulo sa mga himala ni Kristo, sumagot si Hesus, “Ang Diyos ay may mas higit pang gawain para sa inyo!” Marami sa atin ay tulad ng mga disipulo. Nakakita tayo ng isang himala, at nasisiyahan na tayo na pag-usapan ito hanggang sa wakas ng ating mga buhay. Ngunit kung talagang kilala natin ang Diyos at hahayaan natin siyang maging Diyos para sa atin, hihingi pa tayo sa kanya ng higit pa:

· Makakarating tayo sa kalangitan sa pamamagitan ng panampalataya, naniniwala na ibabagsak ng Diyos ang mga walang diyos na pinuno sa mga lokal, estado, at mga federal na ahensiya.
· Maniniwala tayo na tutulungan tayo ng Diyos na matigmak ang ating lunsod ng Mabuting Balita ni Hesus. Maninindigan tayo sa pananampalataya laban sa mga sandata na nakaumang sa atin, at maibabagsak natin ang mga pinagkukutaan ni Satanas sa ating mga pamilya at mga iglesya.

Ang ating mga bisyon ay walang limitasyon. Mananalig tayo sa Diyos sa higit pang mga dakilang mga bagay para sa kanyang kaharian!

Martes, Enero 27, 2009

ANG MAKILALA ANG DIYOS SA PARAANG NAIS NIYANG MAKILALA SIYA

Sumagot si Hesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” (Juan 14:9). Kailangan makita natin si Hesus hindi sa paraan na itinuturo ng tao, kundi sa pamamagitan ng pahayag ng Espiritu—sa paraang nais ng Diyos na makilala at makita natin siya! Kailangan makuha natin ang bisyon ng Diyos at ang patotoo ni Kristo—at makikilala natin ang Diyos sa paraang nais niyang makilala siya!

Narito ang aking paniniwala kung paano ninanais ng Diyos na makita ang kanyang Anak: “Bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa langit. Hindi siya nagbabago. Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim” (Santiago 1:17).

Si Hesus ay isang handog! Ibinalot ng Diyos ang lahat ng pangangailangan galing sa kanya kay Hesus—“ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak…” (Juan 3:16). Si Kristo ang pinakamabuti at ganap na handog ng Diyos sa atin, bumaba galing sa Ama! Nakikita mo ba na si Hesus ang ganap na handog para sa iyo? Nakikita mo ba siya na siya lamang ang lahat ng kakailanganin mo para mabuhay ng masaya, matagumpay, makatuwiran, puno ng kapayapaan at kapahingahan?

Maraming panahon na ang nakakalipas, bago ka pa nilikha, nakita na ng Diyos ang mga kapighatian at mga kakailanganin mo. Alam niya ng una pa sa panahon ano ang kakailanganin mo para malutas ang mga suliranin mo. Hindi niya ibinalot ang mga sagot niya at ipinadala sa iyo bilang isang aklat ng mga alituntunin o bilang hukbo ng ”mga tagasagot na tao.” Hindi—binigyan niya tayong lahat ng isang kasagutan sa lahat ng ating mga paghihirap at pangangailangan—isang Lalaki, isang Daan, isang Sagot sa lahat ng ating mga pangangailangan: si HesuKristo!

Sinabi ng Diyos sa iyo, “Hidi ko ibig mabuhay para sa kinabukasan! Maari ka lamang lumingon at tingnan na ngayon ay maaring ito ang pinakamabuting panahon para sa iyo. Hindi magiging higit pa at malakas si Hesus para sa iyo ng higit pa ngayon. Bakit hindi mo hayaang maging Diyos ako sa iyo ngayon?”

Lunes, Enero 26, 2009

PARA MAKILALA ANG TINIG NIYA

Yaong tunay na nakakakilala sa Diyos ay natutunang makilala ang kanyang tinig higit pa sa lahat. Ibig niya na kayo ay ganap na nahikayat na nais niyang makipag-usap sa inyo—para sabihin ang mga bagay na hindi ninyo nakikita at naririnig noon.

Naniniwala ako na may tatlong bagay na kailangan para doon sa mga makaririnig ng tinig ng Diyos:

1. Isang di matitinag na pagtitiwala na nais ng Diyos na makausap kayo. Kailangang ganap na nahikayat kayo at kumbinsido tungkol dito. Katunayan, siya ay isang nagsasalitang Diyos—nais niyang makilala ninyo ang kanyang tinig para magampanan ninyo ang kanyang kalooban. Ang sasabihin ng Diyos sa inyo ay hindi lalampas sa sinasabi ng Kasulatan.

2. Mahalagang sandali at katahimikan. Kailangan na hahayaan ninyong manahimik sa presensiya ng Diyos at hayaang ang lahat ng ibang tinig ay maglalaho. Tunay, ang Diyos ay nakikipag-usap sa atin sa buong araw. Ngunit kapag mayroon siyang bagay na nais na itatag sa aking buhay, ang kanyang tinig ay darating lamang pagkatapos kapag naipaglaho ko ang iba pang mga tinig maliban sa kanya.

3. Ang humiling na may pananalig. Hindi tayo makakatanggap ng anuman mula sa Diyos (kasama na pati marinig ang kanyang tinig) maliban kung tunay tayong naniniwala na kaya niyang iparating ang kanyang isipan sa atin—para magawa natin na maunawaan ang kanyang dalisay na kalooban!

Hindi mapagbiro ang Diyos! Hindi niya hahayaan ang kaaway na linlangin tayo. Kapag nagsalita ang Diyos, ay kasunod ang kapayapaan—at hindi kayang gayahin ni Satanas ang kapayapaang iyan!

“Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang mga pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig” (Juan 10:2-5).

Biyernes, Enero 23, 2009

SAAN KA NAKATAYO

Sa Exodo 33, hindi alam ni Moises ngunit siya’y dadalhin na ng Diyos sa mas dakilang pagpapahayag ng kanyang kaluwalhatian at kalikasan. Ang pahayag na ito ay higit pa sa pagiging magkaibigan, higit pa sa pagiging malapit sa isa’t isa. Ito ay pahayag na ibig ng Diyos na malaman ng lahat mga nasasaktang mga tao niya.

Sinabi ng Panginoon kay Moises na ipakikita niya sa kanya ang kanyang kaluwalhatian: “Makikita mo ang lahat ng aking katangian at sasabihin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh” (Exodo 33:19). Pagkatapos ay sinabi niya, “…ngunit hindi mo maaring makita ang aking mukha sapagkat tiyak na mamatay ang sinumang makakita niyon. Dito sa tabi ko’y may matatayuan kang bato. Pagdaan ko, ipapasok kita sa isang siwang nito at tatakpan kita ng aking kamay” (33:20-22.”

Ang salitang Hebreo dito para sa kaluwalhatian sa talatang ito ay nangangahulugan ng “ng aking sarili.” Sinasabi ng Diyos kay Moises, “Ako mismo ay dadaan sa tabi mo.” Isang pagsasalin ay nagsasabi ng ganito: “Pagdaan ko, ipapasok kita sa isang siwang nito at tatakpan kita ng aking kamay.”

Ito ang ibig ipakahulugan ni apostol Pablo nang sinabi niya na tayo ay “nakatago kay Kristo.” Kapag binigo natin ang Diyos—kapag nagkasala tayo ng mabigat laban sa liwanag—hindi tayo dapat manatili sa ating pagkakabagsak na katayuan. Sa halip, kailangang mabilis tayong tumakbo kay Hesus, para maitago sa Bato. Isinulat ni Pablo, “Sa ating mga ninuno…at uminom din ng iisang inuming espirituwal, mula sa Batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang Batong iyon ay si Krsito” (1 Corinto 10:1,4).

Ano ang dakilang pahayag na ibinigay ng Diyos kay Moises tungkol sa sarili niya? Ang katotohanan tungkol sa kanya na dapat masantipikahan natin sa ating mga puso? Ito iyon:

“Sinabi ni Yahweh kay Moises…Bukas gumayak ka ng maaga at magpunta ka sa akin sa taluktok ng Bundok ng Sinai…Si Yahweh ay bumaba sa ulap, lumagay sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Yahweh. Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises. Sinabi niya, ‘Akong si Yahweh ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinatawad ang kanilang kasamaan, pagsalangsang at pagkakasala” (Exodo 34:1,2 at 5-7).

Narito ang isang mas higit pang dakilang pahayag, ang kabuuan ng larawan kung sino talaga ang Diyos. Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Magpunta ka sa akin sa bundok sa umaga. Bibigyan kita ng pag-asa na mag-iingat sa iyo. Ipakikita ko sa iyo ang puso ko na hindi mo pa nakita noon.” Ano ang “kaluwalhatian” na ipinakiusap ni Moises sa Panginoon?

Narito ang kaluwalhatian: isang Diyos na “mapagpatawad at mabait, matiisin at masagana sa kabutihan at katotohanan, nagbibigay ng kahabagan sa libu-libo, kinalilimutan ang mga pagkakasala, mga kaimbian at pagmamalabis at kasalanan, at iyon ay magpapatawad sa mga nagkasala.”

Si Kristo ang ganap na paglalarawan ng kaluwalhatiang iyon. Katunayan, ang lahat ng nasa Ama ay isinasakatawan ng Anak. At si Hesus ay isinugo sa sanlibutan para magdala ng kaluwalhatian sa atin.

Huwebes, Enero 22, 2009

PANAHON NG PASASALAMAT!

Ang paksa ng pasasalamat ay dumating sa akin kamakailan habang dumaranas ako ng kabigatang pangsarili. Noong panahon na iyon, ang gusali ng aming iglesya ay nangangailangan ng mayor na pag-ayos. Ang mga suliranin ng mga taga Parokya ay nagpapatung-patong na. Lahat ng kilala ko ay mistulang dumaranas ng pagsubok. At nadama ko ang lahat ng dalahin na ito.

Pumasok ako sa aking tanggapan at naupo, nakadama ako ng awa sa sarili ko. Nagsimula akong maghimutok sa Diyos: “Panginoon gaano pa katagal mo akong hahayaan sa apoy na ito? Gaano pa katagal ako mananalangin tungkol sa lahat ng ito bago mo ito gawan ng paraan? Kailan mo ako sasagutin, Diyos ko?

Kaginsa-ginsa’y pumasok ang Espiritu Santo sa akin—at nakaramdam ako ng hiya. Ibinulong ng Espiritu sa aking puso, “Magsimula kang magpasalamat sa akin ngayon din, David. Dalhan mo ako ng sakripisyo ng pasasalamat—para sa lahat ng nagdaang nagawa ko na para sa iyo, at para sa gagawin ko pa sa mga darating na panahon. Bigyan mo ako ng sakripisyo ng pasasalamat—at kaginsa-ginsa’y ang lahat ay magbabago!”

Ang mga salitang iyon ay nanatili sa aking espiritu. Ngunit nag-isip ako: “Ano ang ibig sabihin ng Panginoon, ‘isang sakripisyo ng pasasalamat’?” Tiningnan ko ang talatang ito sa Kasulatan at ako’y namangha sa lahat ng mga pinagbatayan na natagpuan ko:

“Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya’y ibalita, umawit sa galak!” (Awit 107:22).
“Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak ang pasasalamat” (Awit 116:17).
“Pag-ibig n’yang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan n’ya’y ihayag din naman” (Awit 95:2).
“Pumasok sa kanyang templo puso’y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan” (Awit 100:4).

Nabuhay tayo sa isang araw nang ang ating nakatataas na pari, si Hesus, ay naipakita na ang sakripisyo ng sariling dugo sa Ama para sa pagtatakip sa ating mga kasalanan. Hinugasan na ni Kristo ang ating mga pagkakasala, hindi na aalalahanin pang muli laban sa atin. Kaya, para sa atin, ang gawain ng pagtatakip-sala ay tapos na.

Gayunman, katulad ng mga Israelitas, kailangan din nating humarap sa korte ng Panginoon katulad ng sinasabi sa Awit 100—may kasamang pasasalamat at pagpupuri. At kailangan magdala tayo ng dalawang “guya.” Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo kay Yahweh at sabihin ninyo, ‘Patawarin mo na kami. Kami’y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri” (Oseas 14:2). Ang salitang “guya” dito ay sumasagisag sa ating mga labi, o mga salita. Ang buong kahulugan nito sa Hebreo ay, “Maghahandog kami ng mga guya, maging ng aming mga labi.”

Ang ating handog ng pasasalamat ay kailangan gawin na may kasamang dalawang guya—isang handog ng ating mga labi, ating mga tinig. Sinasabi ng Diyos,”Dalhin mo sa aking harapan ang iyong pananalita ng pasasalamat. Magsalita ka, awitin mo ang iyong mga pagpupuri sa akin!”

Hindi na natin kailangan magdala sa Diyos ng sakripisyo ng dugo o alay na pilak at ginto para sa pagtatakip-sala. Sa halip, kailangan magdala tayo sa kanya ng sakripisyo ng pagpupuri at pasasalamat mula sa ating mga labi: “Kaya’t lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus—pagpupuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan” (Hebreo 13:15). Ang “bunga ng ating mga labi” ay pagkilala sa utang na loob at pasasalamat!

Miyerkules, Enero 21, 2009

TAMANG AWIT---MALING BAHAGI

Noong dumadaan ang mga Istaelitas sa mga pagsubok, sila ba’y dapat magpahayag ng pagkilala ng utang na loob at pasasalamat sa kalagitnaan nito? Nang sila’y napaliligiran at nasa wala ng pag-asang katayuan, talaga bang inasahan ng Diyos na magkaroon sila ng ganoong uri ng reaksiyon?

Oo—lubus-lubusan! Iyan ang lihim kung paano kung paano sila makalalabas sa kanilang kapighatian. Nakita mo, nais ng Diyos ang ganito mula sa atin sa panahon ng ating mga nakakagagaping kaguluhan at mga pagsubok. Ibig niya na maghandog tayo ng sakripisyo ng pasasalamat sa gitna ng lahat ng ito!

Naniniwala ako na natuklasan ni Santiago ang lihim na ito nang nagpaalala siya, “…magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok…” (Santiago 1:2). Sinasabi niya, “Huwag kayong susuko! Gumawa kayo ng altar sa inyong mga puso, at maghandog ng may kagalakang pasasalamat sa gitna ng inyong mga pagsubok.”

Tunay nga ang mga anak ng Israel ay nag-alay ng papuri at pasasalamat sa Panginoon—ngunit ginawa nila ito sa maling bahagi ng Pulang Dagat! Oo, ang mga tao ay nagsaya ng buong magdamag—ngunit hindi nasiyahan ang Diyos dito. Kahit sino ay maaring sumigaw ng pagkilala ng utang na loob pagkatapos ng tagumpay. Ngunit ang katanungan na ibinigay ng Diyos sa Israel ay, “Pupurihin ba ninyo ako bago ko ipadala ang tulong ko—habang nasa kalagitnaan kayo ng inyong pakikipaglaban?”

Naniniwala ako na kung nagsaya ang mga taga Israel sa “bahagi ng pagsubok” ng Pulang Dagat, hindi na sila muling susubukin sa tubig ng Marah. Kung naipasa lamang nila ang pagsubok sa Pulang Dagat, ang tubig ng Marah ay hindi maglalasang mapait, kundi matamis. At makikita ng Israel ang mga bukal ng tubig kahit saan sa disyerto, sa halip na dumanas ng pagkauhaw.

Tinulungan tayo ng Diyos na awitin ang tamang awit sa bahagi ng mga pagsubok. Ito ay nagdadala ng pinakamataas na uri ng kagalakan sa ating Amang nasa langit.

Ikaw ba ngayo’y dumadaan sa pinakamabigat na katayuan? Kung ganoon ay umawit! Magpuri! Sabihin sa Panginoon, “Magagawa mo, iniligtas mo na ako dati, maililigtas mo ako ngayon. Magpapahinga ako ng may kagalakan.

Martes, Enero 20, 2009

ANG SAKRIPISYO NG PASASALAMAT

Ang isa sa pinakamahalagang talata sa kabuuan ng Kasulatan ay matatagpuan sa unang epistola ni Pedro. Ang apostol ay nagpahayag ng pangangailangan na masubok ang ating pananampalataya: “Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si HesuKristo” (1 pedro 1:7).

Sa parehong pahina, sinabi ni Pedro sa atin ano ang maari nating asahan sa pagharap sa pagsubok sa ating pananampalataya: “…bagamat maaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon” (6).

Ang salitang Griyego na ginamit dito para sa pagsubok ay nangangahulugan “sinusubukan, sinisiyasat, sinusubok ng may kasawian at kasamaang palad.” Sinasabi ni Pedro. “Kung ikaw ay tagasunod ni HesuKristo, kung ganon ay daranas ka ng maraming mabibigat na pagsubok at mga tukso. Susubukin ka ng may kalupitan!”

Ang talatang ito ay nagmumungkahi na sinasabi ng Diyos, “Ang pananalig mo ay mahalaga sa akin—mas mahalaga kaysa sa lahat ng kayamanan ng sanlibutang ito, na isang araw ay maglalaho. At sa mga huling araw na ito—kapag ipinadala ng kaaway ang lahat ng uri ng kadiyabluhan sa inibig ko na manindigan ka ng buong lakas na may di-matitinag na pananampalataya.

Dagdag pa niyang sinabi, “Iingatan at pagpapalain kita sa bawat araw na may kadiliman! Ang bahagi mo lamang ay manatiling nananalig sa akin. Ikaw ay iingatan ng aking kapangyarihan sa pamamagitan ng pananamapalataya!”

“Sapagakat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng panahon” (5).

Sinasabi ni Pedro sa atin: “Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya…” (2 Pedro 2:9).

Isinulat ni Pablo: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito” (1 Corinto 10:13).

Maliwanag, ayaw ng Diyos na manatili tayo sa ating mga pagsubok. Bakit niya nanaisin na panatilihin tayo sa gitna ng mga pagsubok at kapighatian? Hindi siya nakakukuha ng kaluwalhatian mula sa mga pagsubok ng kanyang mga anak—kundi mula sa mga bunga ng mga pagsubok na ito!

Mayroon lamang isang paraan paano natin matatakasan ang ating mga pagsubok—at iyan ay kung nalampasan natin ang pagsubok. Isipin ang tungkol dito: Noong ikaw ay nasa paaralan pa, paano mo nalampasan ito? Naipasa mo ang huling pagsusulit. At kung hindi mo naipasa, ikaw ay pababalikin sa paaralan.

Iyan din ang kalalagayan sa lumang panahon ng Israel, nang ipinadala sila ng Diyos sa Pulang Dagat. Sinusubok ng Diyos ang kanyang mga tao, sinisiyasat sila. Dinala niya sila sa bingit ng pagkawasak—napapalibutan ng dalawang bundok sa magkabilang panig, dagat sa isa pa, at sa padating na mga kaaway sa kabila pa.

Gayunpaman inilagay ng Panginoon ang Israel sa ganoong kalalagayan umaasa sa isang tiyak na reaksiyon. Ibig ng Diyos na tanggapin nila ang kanilang kahinaan. Nais niyang marinig sila na sinasabing, “Natatandaan namin noon ng iniligtas kami ng Diyos sa mga salot. Natatandaan namin kung paano kami iniligtas ng Diyos sa pugon ng kapighatian na kung saan ay gumawa kami ng mga ladrilyo na walang dayami at walang pahinga. Iniligtas niya kami noon—at gagawin niyang muli ito! Magsaya tayo sa kanyang katapatan. Siya ay Diyos—at binigyan niya tayo ng mga pangako na kanyang tutuparin. Pangangalagaan niya tayo mula sa bawat kaaway na darating laban sa atin.”

Lunes, Enero 19, 2009

PAGKILALA SA DIYOS

Ako’y may sasabihing nakagugulat na pahayag, at tinitiyak ko ang salita nito: Hindi ko talaga kilala ang Diyos! Iyan ay, hindi ko siya kilala sa paraang ibig niyang makilala ko siya.
Paano ko alam ito? Sinabi ng Espiritu Santo sa akin. Ibinulong niya sa akin, may pagmamahal, “David, hindi mo talaga kilala ang Diyos sa paraan na ibig niyang makilala mo siya. Hindi mo talaga hinayaang maging Diyos siya sa iyo.”

Sa Lumang Tipan, nagsama ng mga tao ang Diyos—mga tao na hindi mas mayaman o mas matalino kaysa sa iba—dahil lamang para maging Diyos siya sa kanila: “Aampunin ko kayo mga Israelita at ako ang magiging Diyos ninyo” (Exodo 6:7). Sinasabi ng Diyos, sa ibang salita, “Tutruan ko kayong maging mga tao ko—para maging Diyos ninyo ako!”

Katunayan, ipinahayag ng Diyos at ipinakita niya ang sarili niya sa kanyang mga tao ng paulit-ulit. Nagpadala siya ng mga anghel. Kinausap niya sila ng malakas. Tinupad niya ang bawat pangako ng may dakilang pagliligtas. Gayunpaman, pagkatapos ng apatnapung taon ng paghihimala, mga senyales at kababalaghan, ang pagkakatuos ng Diyos sa kanyang mga tao ay: “Hindi ninyo ako kilala—hindi ninyo alam ang aking mga gawi!”

“Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, “Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko ay sinusuway!’ (Awit 95:10). Sinabi ng Diyos “Sa lahat ng ito hindi ninyo ako hinayaang maging Diyos! Sa apatnapung taon ng pagnanais ko na turuan kayo, hindi ninyo pa rin ako kilala—hindi ninyo pa rin alam kung paano ako kumilos!”

Ang Diyos ay patuloy pa ring naghahanap ng mga tao na hahayaan siyang maging Diyos sa kanila—hanggang sa puntong tunay nila akong kilala at natutunan ang aking mga gawi!

Sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Israel “Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, ginagalit nilang lagi itong Banal ng Israel” (Awit 78:41). Ang Israel ay tumalikod sa Diyos sa kawalan ng pananalig. At kahalintulad, naniniwala ako na nililimitahan natin ang Diyos ngayon sa pamamagitan ng ating mga pagdududa at kawalan ng pananalig.

Nagtitiwala tayo sa Diyos sa maraming bahagi ng ating mga buhay—ngunit ang ating pananalig ay laging may hangganan at limitasyon. Mayroon tayong kahit isang maliit na bahagi na ating hinaharangan, na kung saan ay hindi natin talaga pinaniniwalaan na ang Diyos ay magsasagawa para sa atin.

Nililimitahan ko ang Diyos sa bahagi ng pagpapagaling. Nanalangin ako para sa pisikal na pagpapagaling para sa marami, at nakita ko ang Diyos na nagsagawa ng maraming himala. Ngunit pagdating sa sarili kong katawan, nilimitahan ko ang Diyos! Takot ako na hayaan siyang maging Diyos sa akin. Ginagamot ko ang sarili ko o tumatakbo sa manggagamot bago pa man ako manalangin para sa sarili ko! Hindi ko sinasabi na mali ang magpunta sa manggagamot. Ngunit minsan ako ay natutulad sa larawan ng “sa halip na kay Yahweh, sa mga manggagamot siya sumangguni” (2 Cronica 16:12).

Tanong ko sa iyo: Nanalangin ka ba sa Diyos para pabagsakin ang pader ng Tsina o Cuba—ngunit pagdating sa kaligtasan ng iyong sariling pamilya, wala ka ni isang onsa ng pananampalataya? Naisip mo, “Maaring ayaw ng Diyos na gawin ito. Ang mga mahal ko sa buhay ay lubos na matitigas. Maaring di ako naririnig ng Diyos sa bagay na ito.”

Kung ito ay totoo, hindi mo siya nakikita bilang Diyos! Ignorante ka sa kanyang mga gawi! Ang kagustuhan ng Diyos ay, ”Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin” (Efeso 3:20).

Ang pitumpung mga nakatatanda sa Israel ay kumain at uminom sa mismong presensiya ng Diyos sa bundok. Gayunpaman, sinabi ng Panginoon sa kanila, “Hindi ninyo pa rin ako nakikilala o nalalaman ang aking mga gawi!”

Ang mga disipulo ay gumugol ng tatlong taon sa presensiya ng Diyos—kasama si Kristo, na Diyos na nagkatawang tao. Nakaupo sila sa kanyang pangangaral at kasama siya gabi’t araw. Gayunman, sa huli, ay tinalikdan nila siya at tumakas—sapagkat hindi nila alam ang kanyang mga gawi!

Sinabi ni Hesus na hindi naririnig ng Diyos ang ating mga dalangin at pagpupuri dahil lamang ito’y sinasambit natin ng paulit-ulit, maraming oras minsan. Maaaring manalangin, mag-ayuno at gumawa ng mabubuting bagay, at hindi pa rin marating ang lugar na kinagugutuman nating makilala siya at simulang maunawaan ang kanyang mga gawi. Hindi natin matututunan ang kanyang mga gawi sa pamamagitan lamang ng lihim na silid, gayunpaman ang lahat na tunay na nakakakilala sa Panginoon ay ganap na malapit sa kanya. Hindi mo malalaman ang mga gawi ng Diyos kung hindi ka gugugol ng maraming oras sa pananalangin sa kanya. Ngunit ang pananalangin ay kailangang may kasamang mahalagang sandali na kung saan ay hahayaan natin siyang maging Diyos sa atin—inihahain ang lahat ng bawat pangangailangan at kahilingan sa kanyang mga kamay at iiwan ito doon.

Biyernes, Enero 16, 2009

NASA DULO NG LUBID?

Ikaw ba’y nasa dulo na ng lubid? Pagal, bagsak, halos sumuko na? Hinahamon kita na sagutin ang mga sumusunod na katanungan ng simpleng oo o hindi lamang:

· Ang Salita ba ng Diyos ay nangako na ibibigay ang lahat ng iyong pangangailangan?
· Sinabi ba ni Hesus na hindi ka niya iiwan, kundi sasamahan ka hanggang sa huli?
Sinabi ba niya na hindi ka niya pababayaang bumagsak at ihaharap ka niya sa trono ng Ama na walang kapintasan?
Sinabi ba niya na ipagkakaloob niya ang lahat ng iyong kakailanganin sa lahat ng panahon? Ipinangako ba niya ang lahat ng binhi na kakailanganin mo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita?
Mas handa ba siyang magbigay ng higit sa iyong tatanggapin? Mas dakila ba siya kaysa sa iyo ng higit pa na nasa salibutan?
Ang iniisip ba niya tungkol sa iyo ay kabutihan lamang? Siya ba’y nagbibigay ng gantimpala sa mga taimtim na naghahanap sa kanya?
Naghahanda ba siya ng lugar para sa iyo sa kaluwalhatian? Siya ba’y darating na nasa ulap para ipunin ang kanyang mga tao pauwi? Sasama ka ba sa kanya kapag dumating na siya?

Ang sagot mo sa lahat ng ito ay dapat na, “lubus-lubusang oo!”

Ngayon—tuusin mo. Tanungin mo ang sarili mo, naniniwala ba talaga ako na ang Diyos ay tapat sa kanyang salita o ako ay nag-aalinlangan sa aking pananalig?

“Aking kapatid, bilangin mo lahat ito ng may kagalakan kapag dumanas ka ng maraming pagsubok; bilang alam ito, na ang pagsubok sa iyong pananampalataya ay ginagawa ng may pagtitiis. Ngunit hayaang ang pagtitiis ay magkaroon ng walang kapintasang paggawa, para ikaw ay maging walang kapintasan at buo, hindi naghahangad ng anuman.”

“Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan; sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay at di nanunumbat. Subali’t ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon” (Santiago 1:2-7).

Mapanghahawakan mo ang karunungan ng Diyos, lahat ng karunungan na kakailanganin para malutas ang suliranin ng mga buhay—kung ikaw ay mananalig ng walang pagdududa sa pamamagitan ng pag-aalay ng iyong buhay at kinabukasan sa pangakong ito.

Ang Diyos ay nagbibigay sa lahat ng tao…bukaskamay…karunungan.

Huwebes, Enero 15, 2009

IBUHOS MO ANG PUSO MO DITO!

Hindi tinatanggap ng Diyos ang paglilingkod na may mabigat na kalooban mula kaninuman. “Anuman ang inyong ginagawa, gawin niyo ng magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon” (Colosas 3:23). Ang magaan sa kalooban ay nangangahulugan, “ng buong puso—buong lakas, lahat ng nasa kalooban mo.”

Isinulat ni Pablo, “Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob” (2 Corinto 9:7). Ang apostol ay gumawa ng dalawang paraan ng pagbibigay na ganito: kailangang may kinalaman ito sa pagbibigay ng pananalapi—at ang pagbibigay ng sarli nating buhay sa gawain ng Diyos!
Isinulat ni Pablo na ang iglesya sa Macedonia ay literal na nakiusap sa kanya na hayaan silang kumuha ng koleksyon para sa mahihirap, na nagdudusang mga banal sa Herusalem. Ang mga taga Macedoniang ito ay buhos ang loob sa Panginoon, nagbibigay sila galing sa kanilang kahirapan!

“At higit pa sa inaasahan ko; inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos , sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos” (2 Corinto 8:5). Sinabi ni Pablo na ang mga taga Macedonia ay nagbigay ng higit pa sa salapi. Sinabi niya sa kanila, “Narito ang aming handog. Ngayon ano ang ibig mong gawin namin? Kusang loob naming iniaalay ang aming paglilingkod para sa gawain ng Diyos!” Wala silang iniwan sa paglilingkod sa Panginoon at sa kanilang mga kapatiran! “…Sila’y kusang loob na nag-abuloy hindi lamang ayon sa kanilang kaya, kundi higit pa” (8:3). Nagbigay sila ng higit pa sa kakayanan nila—nang may lubos na pananalangin!

Kung magbibigay ka dahil lamang naniniwala ka na ito ay iniutos—o kung lagi mong iniisip, “Ang pagbibigay ba ng ikapu ay isang paglalarawang isip lamang sa Bagong Tipan, o sa Lumang Tipan lamang?”—ang saloobing puso mo ay maling lahat! Kung magbigay ka ng ikapu dahil ito’y hiningi ng pastor mo sa iyo, iyan ay mali din. Wala anuman dito ay tumatama sa pinag-uusapan—sa puso na kung ano ang kahulugan ng pagbibigay!

Kung ibibigay mo nang buo ang iyong sarili sa Panginoon at sa paglilingkod sa kanya, kailangan mo itong gawin ng may kagalakan! “…pagkat ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob” (2 Corinto 9:7).

Ako’y ganap na nahikayat ng talatang ito—pagkat madalas patuloy akong namumuhay at nagmiministeryo ng walang kagalakan sa Panginoon. Narinig ko na maraming Kristiyano ang nagsabi, “Lubos akong napapagal, hindi ko alam kung paano ko magagawa ito. O, Diyos, kailangan kita at bigyan mo ako ng lakas!” Iyan ay daing ng isang tao na karaniwan sa ating lahat. Ngunit ang ibigay ang sarili para malugod ang Diyos, kailangang manggaling ito sa isang nagagalak na espiritu—na makukuha sa ating lahat sa pamamagitan ng simpleng, parang batang pananampalataya.

Ang salitang nagagalak sa Griyego ay nangangahulugan na “masayang-maingay, masaya, magalak”—mayroong malambot na puso, pagkukusa, kagalakan; may maingay na kasiyahan. Sinasabi ng Diyos, “Anuman ang ginagawa mo sa paghihirap mo para sa akin—kung ito man ay namamagitan, sumasamba sa akin sa aking tahanan, o hinahanap ako sa inyong lihim na silid—gawin itong may kagalakan! Maging masayahin at mapagbigay sa lahat ng bagay—sa iyong pananalapi, sa iyong paglilingkod, sa iyong panahon, at sa iyong buhay!”

Tanong ko sa iyo: Ang paglilingkod ba a Panginoon ay naging nakapapagod, kumakaladkad sa iyo? Ito ba’y isang dalahin, iniiwan kang madalas na malungkot at napapagal?

Ayaw ng Diyos na dumadaing ka sa iyong dalahin—nais niyang alisin mo ang mga ito sa iyong buhay sa paghawak sa kanyang Salita!

Ang iyong tseke sa kanyang pagkukunan ng mga pangangailangan ay pananampalataya! Sinasabi niya, “Naihanda ko na ang panustos para sa iyo. Ano ang kailangan mo sa buhay na lubhang mahalaga na hindi ko kayang ipagkaloob ng higit pa sa kailangan mo?!

Miyerkules, Enero 14, 2009

SAPAT SA LAHAT NG MGA BAGAY

Bakit maraming mga mananampalataya ay nakakaranas ng kahinaan, damdamin ng kawalan ng pag-asa at kahungkagan, para bang hindi na nila kayang magpatuloy pa? Ito ay dahilan sa wala silang pahayag na ibinigay ng Espiritu kay Pablo—isang pahayag ng lahat ng panustos na ginawang posible ng Diyos para doon sa mga aangkin nito sa pananampalataya!

Ikaw ba’y bumabagay sa larawan ni Pablo na isang masaganang lingkod—isang mayroon lahat ng kakailanganin at higit pa, sa lahat ng panahon, sa bawat kagipitan? Napatunayan mo ba ito sa pagkuha sa yaman ng langit?

Sa maraming taon na nakatrabaho ko si Kathryn Kuhlman. Nangaral ako ng buong puso sa kanyang mga pagpupulong umaga at gabi, at kadalasan sa pagpapatapos ng araw ako’y pagod na. Isang gabi sinabi ni Kathryn kay Gwen at sa akin, “Halina, lumabas tayo at humanap ng makakain.” Sinabi ko sa kanya, “Ipagpaumanhin mo—pagod na ako. Kailangan bumalik na ako sa hotel at matulog na.”

May pagatatanong na tumingin siya sa akin at nagtanong, “David, ikaw ba’y nangaral na may pahid ng langis ng Espiritu ngayong gabi?” Sumagot ako, “Alam mo na ako’y may pahid ng langis. Ang altar ay puno!”

Tahimik na sinabi ni Kathlyn, “Kung ganoon may nawawala sa iyo. Kung ikaw ay nangangaral sa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, kailangang mas malakas ka sa pagtatapos ng pangangaral nang higit pa nang magsimula ka—sapagkat siya’y nagpapabilis na Espiritu! Madadaig mo ang iyong laman, pagkat sa Espiritu ay maari mong angkinin ang kalayaang iyan.” Mula noon ay napatunayan ko ang katotohanang iyan sa aking ministeryo.

“Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay-higit pa sa inyong pangangailangan—upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa” (2 Corinto 9:8). Ang managana dito ay literal na nangangahulugan, “patuloy na dumadami; na magkaroon ng higit pa sa pagtatapos kaysa sa simula.” Sa ibang salita, habang lalong umiinit ang pakikipaglaban, ang grasya ng Diyos ay lalong dumadami! Sa pagdating ng kahinaan sa iyo, ang lakas niya ay dumadating na higit pang makapangyarihan—kung mananalig ka dito.

Martes, Enero 13, 2009

NAIHANDA NA NIYA ANG PANUSTOS

Kapag tayo ay tinawag ng Diyos para sa anumang tiyak na gawain, naihanda na niya ang panustos para sa lahat na kakailanganin natin para magampanan ito.

“Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay—higit pa sa inyong pangangailangan—upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa” (2 Corinto 9:8).

Ang talatang ito ay hindi lamang isang pag-asa—ito ay pangako! Nagsisimula ito sa salitang, “Magagawa ng Diyos!”

Ang Diyos ay hindi interesado lamang na maibigay ang inyong pangangailangan. Ibig niya lagi na magbigay ng higit pa sa pangangailangan ninyo. Iyan ang kahulugan ng masagana—patuloy na dumadaming panustos!

“Sa Diyos na makakagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin” (Efeso 3:20).

Isipin kung ano ang ipinangangako dito: Kapag ikaw ay bagsak na at hindi na halos makayanang magpatuloy pa, kaya ng Diyos na palakasin ka na magkaroon ka ng lahat ng iyong kakailanganin—sa lahat ng sandali, sa lahat ng posibleng kalagayan.

Ito ay para bang sinasabi ng Panginoon, “Makinig, kayong lahat na mga pastol! Makinig, kayong lahat na dumadalo sa aking tahanan at nagpapagal sa pananalangin, pagpupuri at namamagitan! Nais ko kayong bigyan ng masaganang lakas, pag-asa, kagalakan, katahimikan, kapahingahan, pananalapi, pagpapalakas-loob, karunungan. Katunayan, ibig kong magkaroon kayo ng labis labis na inyong kakailanganin—sa lahat ng panahon!”

Hindi hinangad ng Diyos na tayo’y maging espirituwal na hikahos, pulubi sa mga bagay ng Panginoon. Sa kabaliktaran, ang masaganang lingkod ay isang nagsasaya sa pahayag ng lahat ng dakilang panustos na inihanda ng Diyos para sa kanya! At hangad niyang marating ang pahayag na ito sa pamamagitan ng pananampalataya.

“Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya. Subali’t ito’y inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos” (1 Corinto 2:9_10).

Pagbibigay-kahulugan, “Hindi masimulang unawain ng ating mga ninuno ang lahat ng mga dakilang panustos na inihanda ng Diyos! Hndi ito pumasok sa kanilang mga kaisipan, pandinig o imahinasyon. Ngunit walang dahilan para magbulag-bulagan tungkol sa mga bagay na ito, magpatuloy na hindi alamin ang para sa atin. Kailangan makita ng mga mata natin, kailangan marinig ng mga tainga natin, kailangan pumasok sa ating mga puso at isipan—sapagkat tayo ang mga tao na pinaghandaan ng Diyos para sa lahat ng ito! Ipinahayag ito ng Espiritu Santo sa atin!”

Katunayan, sinabi ng Bibliya na kailangang hanapin natin siya para sa pahayag na ito. Isinulat ni Pablo, “Hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu ng Diyos ang tinanggap natin upang ating maunawaan ang mga kaloob niya sa atin…sa mga nagtataglay ng Espiriru, ang ipinaliliwanag nami’y mga katotohanang espirituwal…mga pananalitang turo ng Espiritu…mauunawaan lamang sa paraang espirituwal” (12-14).

Naniniwala ako na maraming Kristiyano ay hindi tapat na humarap sa kapangyarihan ng mga pangako ng Diyos! Nabasa namin ng maraming ulit, ngunit nanatiling patay na liham ang mga ito para sa amin. Hindi namin nahawakan ang mga ito at Sinabi, “Panginoon, ihayag mo sa amin ang iyong mga inihanda! Ibukas ang isipan ko at ang aking espiritu sa iyong mga panustos. Sinabi ng Salita mo kailangang malaman ko ang mga bagay na ito na walang bayad na ibinigay sa akin para maangkin ko sila para sa iyong kaluwalhatian!”

Lunes, Enero 12, 2009

ANG MASAGANANG LINGKOD!

Kamakailan ako ay lumapit sa Panginoon sa pananalangin na may mabigat na puso, puno ng mga dalahin. Nagsimula akong ipakiusap ang aking mga dalahin sa kanya:

“O, Panginoon, hindi pa ako naging ganito kapagal sa buong buhay ko. Hindi ko na halos makayanang magpatuloy!” Pagkatapos ay nagsimula akong umiyak. Lubos akong pagod na pagod na halos sumabog ang mga luha ko. Habang nakahiga akong umiiyak, naisip ko, “Tiyak na maaantig ng mga luha ko ang puso ng Diyos!”

Tunay ngang dumating ang Espiritu Santo at nagministeryo sa akin—ngunit hindi sa paraang iniisip ko! Naghahanap ako ng awa, pagpapalakas-loob, pang-unawa. At ibinigay niya ang lahat ng iyan—ngunit sa paraang naiiba sa inaasahan ko.

Malumanay na inutusan ako ng Panginoon na basahin ang 2 Corinto 9:6-11 at sinabi niya na ang lahat na kailangan ko ay nandito sa mga talatang ito:

“Tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aai ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan—upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.

“Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: Siya’y namudmod sa dukha; walang hanggan ang kanyang kabutihan. Ang Diyos ay nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos sa dahil sa inyong tulong na dadalhin sa kanila.”

Paulit-ulit kong binasa ang mga talatang ito—ngunit wala akong nakuha. Sa huli, isinara ko ang BIbliya ko at nanalangin, “Panginoon. Naguguluhan ako. Wala akong nakikita dito na makatutulong o makapagpapalakas ng loob sa akin.”

Sa huli, nangusap ng madiin ang Espiritu sa akin ngunit may pag-ibig sa aking kalooban: “David, ang lahat ng ito ay may kinalaman sa lahat ng pinagdadaanan mo. Sa mga nagdaang panahon ikaw ay naglilingkod sa akin ng walang masagana at nagsasayang espiritu! Nasaan ang iyong kagalakan at kaligayahan sa iyong paglilingkod sa akin? Ang aking Salita ay hindi tungkol sa pananalapi lamang para makatulong sa mahihirap. Ito ay nangungusap ng pamiministeryo sa akin at sa aking katawan!

“Tinawag kita sa lunsod ng Nuweba York at hindi kita isinugo na walang tulong o masaganang pagkukunan ng mga pangangailangan. Lahat ng kailangan mo ay nakahanda para sa iyo—lakas, kapahingahan, kapangyarihan, kaalaman, kagalakan at kasiyahan. Walang dahilan para sa iyo na magpagal ng may kalungkutan,na maging labis sa dalahin. Mayroon kang pagkukunan sa lahat ng lakas at kagalakan!”

Biyernes, Enero 9, 2009

MATUTONG MANINDIGAN AT LUMABANG NAG-IISA

Kailangang matutunan mong makipaglaban sa sarili mong laban. Hindi ka maaring umasa sa iba para sa kaligtasan mo!

Maaring mayroon kang mananalanging kaibigan na maari mong tawagin at sabihing, “Mayroon akong pinaglalabanan ngayon. Maari mo ba akong ipanalangin? Alam ko na malakas ka sa Diyos!” Iyan ay nasa Kasulatan—ngunit hindi iyan ang ganap na kalooban ng Diyos para sa iyo! Ibig ng Diyos na ikaw ay maging mandirigma! Ibig niyang matuto kang manindigan laban sa diyablo.

Ipinangako ng Diyos kay Gedeon, “Maililigtas mo ang Israel pagkat tutulungan kita. Lulupigin mo ang mga Madianitang ito na para ka lang pumatay ng isang tao” (mga Hukom 6:16). Sinabi ng Diyos sa kanya, “Isinugo kita—sasamahan kita!”

Ngunit ang mga tao ng lunsod ay hinanap ang tao na nagpabagsak ng kanilang mga idolo (tingnan mga Hukom 6:28-30). Nasaan si Gedeon? Siya ay nagtatago—hindi nakasisiguro sa pangako ng Diyos, patuloy na nag-iisip kung kasama niya ang Diyos. Sinabi ni Gedeon: “Bakit ganito ang pamumuhay namin kung sumasaamin si Yahweh? Bakit wala siyang ginagawang kababalaghan ngayon, tulad noong ialis niya sa Egipto ang aming mga ninuno, ayon na rin sa kwento nila sa amin?” (13). At iyon ay katulad din ng marami sa atin! Ipinangako ni Hesus sa atin, “Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan” (Mateo 28:20). Gayunpaman, hindi pa rin natin natututunan ang manindigan sa kanyang Salita at lumaban!

Ang mga bagay ay magsisimulang magbago—sa sandaling ikaw ay ganap nang nahikayat na ang Diyos ay nasa iyo. Na nangungusap siya sa iyo at ipakikita niya ang lahat ng dapat mong malaman!

Ikaw ay malakas ng higit pa sa iniisip mo! Katulad ni Gedeon maaring iniisip mo, “Paano ako makipaglalaban? Ako’y lubhang nanghihina, walang karanasan. “ Ngunit sinabi ng Diyos kay Gedeon, “Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo” (6:14). “Ano ang maaring mangyari?” tanong mo. Ang lakas ni Gedeon ay nakatali sa salita ng Diyos sa kanya: “Tiyak na sasamahan kita.”

Minamahal, ang parehong salita na iyan—“Ako’y kasama mo”—ay ang iyong lakas! At matatanggap mo ang lakas na iyan nananalig na iyan ay totoo—at sa pagkilos dito!

Huwebes, Enero 8, 2009

HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT AT KAWALAN NG PANANALIG

Nalulong ang Israel sa pagsamba sa diyus-diyusan. Ngunit ang ugat ng kasalanan nila ay ang kawalan ng pananalig pa rin, nagbunga ng lahat ng uri ng takot! At nagpadala ng propeta ang Diyos sa kanila para ibunyag ang ugat ng kanilang kasalanan.

Sinabi sa kanila ng propeta sa maraming salita, “Nang marinig ni Yahweh ang daing ng mga Israelita dahil sa pahirap ng mga Madianita, sila’y pinadalhan niya ng propeta, at ipinasabi ang ganito: Inialis ko kayo sa Egipto. Iniligtas ko kayo sa kanilang pang-aalipin, at sa lahat ng inyong kaaway. Nalupig ninyo sila at ibinigay sa inyo ang kanilang lupain. Sinabi ko sa inyo na ako si Yahweh, lakip ang habiling huwag kayong sasamba sa diyus-diyusan ng mga Amorreo, ngunit hindi kayo nakinig” (tingnan mga Hukom 6:7-10).

Maraming Kristiyano ay natatakot na pupuksain sila ng diyablo. Natatakot sila na magkamali o mabalik sa pagkakasala, at magagawa ng diyablo ang gusto niya. Ngunit iyan ay kasinungalingan galing sa ilalim ng impiyerno! Sinabi ng Bibliya na hindi kayo dapat matakot sa inyong paglalakad sa buhay na ito!

Nang pinanghawakan ninyo ang takot, ito’y nakahahawa. Ang lahat sa paligid mo ay mahahawahan nito! Nang inipon ni Gedeon ang kanyang hukbo, sinabi ng Diyos na pauwiin ang lahat ng kawal na takot: “Kaya, sabihin mo sa kanila na lahat ng natatakot ay maari nang umuwi” (mga Hukom 7:3).

Ang Diyos ay nangungusap ng tulad na pahayag sa kanyang iglesya ngayon. Tinatanong niya, “Bakit kayo natatakot? Bakit kayo nagkakasala sa pamamagitan ng kawalan ng pananalig na mabigyan ko kayo ng tagumpay sa inyong buhay? Ipinangako ko na pupuksain ko ang bawat maladimonyong kapangyarihan na darating laban sa iyo!”

Ang ama ni Gedeon na si Joas, ay nagtayo ng sagradong poste ni Baal at Ashera, gawa sa malalaking bato. Ang katuwiran niya ay, “Binigyan ni Baal ng kapangyarighan ang Madianita laban sa atin, kaya kung sasambahin natin ang diyos nila ay bibigyan din tayo ng kapangyarihan.” Maraming tao ang nagdatingan na milya ang pinaggalingan para sumamba doon, kasama na ang mga Madianita at Moabitas; isa itong makapangyarihang, maladimonyong humahawak sa Israel.

Sinabi ng Diyos kay Gedeon, “Hindi ko ililigtas ang Israel hanggang hindi mo naaalis ang idolong ito na tumatayo sa pagitan natin. Itumba mo ito—putul-putulin ito!” Kaya sa gitna ng gabi “isinama ni Gedeon ang sampu sa kanyang mga bataan at ginawa ang iniutos sa kanya” (mga Hukom 6:27). Kumuha siya ng toro at gumamit ng lubid para hilahin pabagsak ang sagradong poste ni Baal at Ashera!

Ang Diyos ay nagbigay ng parehong mensahe ngayon na katulad ng mensahe na ibinigay niya kay Gedeon: “Ibig ko kayong tulungan—ngunit hindi ko magagawa kung hindi kayo mananalig sa akin. Puno kayo ng takot. At bago ako magdala ng kaligtasan, kailangang iwaksi ninyo ang matinding humahawak sa inyo, itong batbat na kasalanan! “Iwaksi natin ang kasalanan, at anumang balakid na pumipigil sa atin” (Hebreo 12:1). Kailangang ibagsak natin ang lahat na nakasasakal na takot at kasalanan!

Ibinagsak ni Gedeon ang maladimonyong humahawak gamit ang isang malakas na toro. Ngunit binigyan tayo ng sandata na higit na makapangyarihan kaysa na kay Gedeon (tingnan 2 Corinto 10:4-5).

Ang tagumpay ay dumarating kapag nanalangin na may pananampalataya. Hindi ito nangangahulugan nang malamig, walang laman na pananalangin kundi dalangin sa Espiritu, dalangin na may pananalig na sasagutin ng Diyos: “Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu” (Efeso 6:18).

Miyerkules, Enero 7, 2009

PAANO MANINDIGAN AT MAKIPAGLABAN

Sa lahat ng pinag-uusapan sa iglesya tungkol sa espirituwal na pakikipaglaban, ang mga Kristiyano ay hindi pa rin natututo paano makipaglaban sa kaaway. Tayo ay pinagtutulak-tulakan lamang ng diyablo!

Hindi ako naniniwala na ang bawat kasawian na nagpapabagsak sa isang Kristiyano ay nanggagaling sa diyablo. Mali nating siyang inaakusahan para sa marami nating sariling kapabayaan, hindi pagsunod, at katamaran.

Madaling sisihin ang diyablo para sa ating mga kamalian. Sa ganoong paraan, hindi na natin kailangang harapin ito. Ngunit mayroong tunay na diyablo na nandito ngayon sa sanlibutan—at siya ay abalang kumikilos!

Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo ang isang bagay na pamamaraan ni Satanas. Kung hindi niya kayang hilahin paalis ang Pinakamakapangyarihan sa kanyang trono, susubukin niyang punitin ang imahe ng Diyos sa iyo! Gagawin niyang mga bumubulung-bulong at walang-pakundangan ang mga mananamba.

Hindi kayang umatake ni Satanas sa iyo ng basta gusto niya. Naglagay ng pader na apoy ang Diyos sa paligid ng bawat mga anak niya, at hindi makakapasok si Satanas sa pader na iyan ng walang pahintulot ang Diyos.

Hindi kayang basahin ni Satanas ang laman ng isipan ng isang Kristiyano. Ilang mga tao ay takot manalangin sapagkat iniisip nila na nakikinig ang diyablo sa kanila! Ang iba ay iniisip na nababasa ng diyablo ang bawat detalye ng isipan nila. Hindi maari! Ang Diyos lamang ang nasa-lahat-ng-lugar at nakaaalam ng lahat.

Iniutos ng Kasulatan sa atin na manindigan, maging malakas at makipaglaban laban sa laman at sa diyablo: “Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananalig. Magpakatapang kayo at magpakatibay” (1 Corinto 16:13). “Magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya” (Efeso 6:10).

Kailangang mapuno na kayo sa pagkakahatak pababa ng diyablo sa inyo—nabubuhay na mababa, matamlay, walang kagalakan, hungkag, naguguluhan!

Sinabi ng aklat ng mga Hukom sa atin, “Tumalikod na naman kay Yahweh ang bansang Israel, kaya sila’y ipinasakop niya sa Madian sa loob ng pitong taon. Hindi makalaban sa mga Madianita ang mga Israelita, at napilitan silang magtago sa mga kuweba sa kabundukan” (mga Hukom 6:1-2).

Ang mga Israelita ay nasa pinakamababang punto ng katayuan nila. Napilitan silang magtago sa mga madidilim at basang kuweba, nagugutom, natatakot at nanghihina. At pagkatapos ay may nangyari. Nagmula ito kay Gedeon, at ito ay kumalat sa buong kampo: Napuno at napagod na ang Israel sa pagtatago sa mga madidilim na kuweba!

Sinabi ni Gedeon sa sarili niya, “Hanggang kailan pa tayo magtitiis sa ganitong kalagayan? Nakakapasok sila sa ating mga lupa ng walang sumasalungat. Walang naninindigan at kumikilos tungkol dito! Sinabihan tayo na may Diyos tayong kumikilos para sa ating mga ninuno. Ngunit tingnan ninyo ang mga sarili natin ngayon—tayo’y nahubaran, nanghihina. Nabubuhay tayo sa patuloy na takot!” Mayroong namuo sa kalooban ni Gedeon. At sinabi niya ang matagal nang ibig marinig ng Diyos: “Ito ay sukdulan na! Naglilingkod tayo sa isang makapangyarihan, matagumpay na Diyos. Bakit tayo nagpapatuloy, araw-araw. Na tinatanggap ang mga pang-aabusong ito?”

Ang Diyos ay walang gagawin hanggang hindi ka lubusang nasusuklam—hanggang sumawa ka na sa pagiging pagod na. Kailangang gawin mo ang ginawa ni Gedeon—dumaing ka sa Diyos! Naglilingkod tayo sa parehong Diyos na pinagligkuran ng Israel. Kung narinig niya ang daing ng Israel sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan, maririnig niya rin kayo—sa inyong buong katapatan.

Martes, Enero 6, 2009

ANG DALANGIN NA WALANG PANANALIG

Narinig mo na ang dalangin na may pananampalataya. Naniniwala ako na may katulad ang dalanging ito, dalangin na tumutukoy sa laman. Tinawag ko itong dalangin na walang pananalig.

Ibig kong magbigay ng katanungan sa iyo. Narinig mo na ba na sinabi ng Panginoon sa iyo, “Tumigil ka na sa pananalangin—tumayo ka sa pagkakaluhod mo”? Inutusan ka na ba ng Espiritu niya, “Huminto ka na sa pag-iyak, at punasan mo ang iyong mga luha. Bakit ka humaharap sa akin?”

Sinabi mismo ng Panginoon ang mga salitang ito kay Moises: ”Sinabi ni Yahweh kay Moises, Bakit mo ako tinatawag?” (Exodo 14:15). Ang literal na kahulugan ng talatang ito ay, “Bakit ka tumatangis sa akin? Bakit ang lakas ng pakikiusap mo sa aking mga tainga?”

Bakit sasabihin ng Diyos ito kay Moises? Narito ang isang makadiyos, mapanalangining lalaki, na nasa kagipitan ng kanyang buhay. Ang mga Isrelita ay tinutugis ng mga Paraoh, na walang tatakasan. Marahil maraming Kristiyano ay ganon din ang gagawin na katulad ni Moises. Nagtungo siya sa ilang na gilid ng bundok at nakipag-isa sa Panginoon. At doon ay ibinuhos niya ang puso niya sa pananalangin.

Nang marinig ng Diyos si Moises na tumatangis, sinabi niya sa kanya, “Tama na.” Hindi maliwanag sa Kasulatan ang mga sumunod na pangyayari. Ngunit sa puntong iyon ay maaring sinabi ng Diyos, “Wala kang karapatang magpakahirap sa harapan ko, Moises. Ang iyong pag-iyak ay isang kawalan ng paggalang sa aking katapatan. Naibigay ko na sa iyo ang aking taimtim na pangako ng kaligtasan. At mariin kong ipinag-utos sa iyo kung ano ang gagawin mo. Ngayon, huminto ka na sa pag-iyak.”

Habang humaharap tayo sa ating mga kagipitan, maari nating hikayatin ang ating mga sarili, “Ang manalangin ang pinakamahalagang bagay na maari kong gawin ngayon.” Ngunit may panahon na tatawagin tayo ng Diyos para kumilos, para sundin ang kanyang Salita sa pananamapalataya. Sa panahong iyon, hindi niya tayo hahayaang umatras sa ilang para manalangin. Iyan ay hindi pagsunod at anumang dalangin ay iniaalay ng walang pananalig.

Ang panalangin ng walang pananalig ay ipinalalagay lamang sa kabutihan ng Diyos. Binabalewala nito ang kabagsikan ng kanyang banal na mga paghuhusga. Isinulat ni Pablo, “Dito’y makikita natin ang kabutihan ng Diyos at kabagsikan niya” (Roma 11:22). Sinadyang tukuyin ng apostol dito ang kabutihan at kabagsikan niya na may parehong kahulugan. Sinasabi niya na ang isa ay hindi maaring ihiwalay sa isa.

Sa Lumang Tipan, pinahayag ito ni Isaias ng ganito: “Si Yahweh ay laging malakas upang iligtas ka, hindi s’ya bingi’t ang mga daing mo ay diringgin niya. Ngunit ang sala ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at siya ring dahilan sa paglalayo ninyo. Nagkasala kayo, natigmak sa dugo iyang mga kamay, at sa inyong labi ang namumutawi’y kasinungalingan” (Isaias 59:1-3).

Mga minamahal, ang Diyos ay hindi nagbago sa pagitan ng Lumang Tipan at ng Bago. Siya ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan, na siyang tinutukoy ni Isaias. Ngunit kinamumuhian niya pa rin ang kasalanan sapagkat siya ay banal at makatarungan. Kaya niya sinabi sa Israel, “Hindi ko kayo naririnig dahil sa inyong mga kasalanan.”

Isa-alang-alang ang mga salita ng mang-aawit na si David: “No’ng ako’y balisa, ako ay dumaing, dumaing sa Diyos na dapat purihin; handa kong purihin ng mga awitin. Kung sa kasalana’y ako’y magtutuloy, di ako diringgin nitong Panginoon; ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan, yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan, at ang pag-ibig niya ay aking kinamtam” (Awit 66:17-20).

Sinasabi ng mang-aawit, “Nakita ko na may kasalanan sa aking puso, at inayawan kong mamuhay sa ganito. Kaya lumapit ako sa Panginoon para linisin. At narinig niya ang aking dalangin. Ngunit kung humawak ako sa aking kasalanan, hindi diringgin ng Diyos ang aking pagtangis.”

Lunes, Enero 5, 2009

ANG KABILANG PANIG NG PAKIKIPAG-ISA

Ang maglakad sa kaluwalhatian ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na tinanggap natin ang pag-ibig ng Ama, kundi ibinabalik din natin sa kanya ang pag-ibig na ito. Ito ay tungkol sa magkatuwang na pagmamahalan, parehong nagbibigay at tumatanggap ng pag-ibig. Sinasabi ng Bibliya sa atin, “Ibigin ninyo siya ng buong puso, kaluluwa at lakas” (Deutoronomo 6:5).
Sinabi ng Diyos sa atin, “ Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay” (Kawikaan 23:26). Ang kanyang pag-ibig ay naghahanap na kailangan natin itong ibalik, ang ibalik ang pag-ibig na ganap, walang kahati, hinihingi ang buong puso natin, kaluluwa, isipan at lakas.

Gayunpaman, sinasabi sa atin ng walang pasubali, “Hindi mo maaring kitain ang aking pag-ibig. Ang pag-ibig na ibinibigay ko sa iyo ay hindi nababayaran!” Isinulat ni Juan, “Ito ang pag-ibig: hindi sa iniibig natin ang Diyos kundi tayo ang iniibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan” at “Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin” (1 Juan 4:10, 19).

Habang ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay may marka ng kapahingahan at pagsasaya, ganoon din ang pag-ibig natin sa kanya ay dapat na mayroon din katulad na dalawang mga elementong ito:

1. Ipinahayag ni David ang kapahingahan ng pag-ibig niya sa Diyos nang isinulat niya , “Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa’y aking kailangan” (Awit 73:25). Ang puso na umiibig sa Diyos ay ganap nang hindi naghahanap ng kaaliwan sa iba. Sa halip, natagpuan na nito ang ganap na kaligayahan sa kanya. Sa umiibig na ito, ang mapagmahal na kabutihan ay higit pa sa buhay mismo!
2. Ang pusong ganito ay nagdidiwang din sa pag-ibig nito sa Diyos. Umaawit ito at nagsasayaw na may ganap na kagalakan sa Panginoon. Kapag alam ng anak ng Diyos kung gaano siya iniibig ng Ama, nagbibigay ito ng kasiyahan sa kaluluwa niya!

Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng isa sa pinakamakapangyarihang talata sa kabuuan ng Kasulatan. Ibinigay sa atin ng Kawikaan ang hinulaang salita ni Kristo: “Ako’y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya’y aliw. Ako ay nagdiwang nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos” (Kawikaan 8:30-31).

Mga minamahal, tayo ang mga anak na tinutukoy dito! Mula sa pinagmulan ng daigdig, nakita ng Diyos ang isang samahan ng mga mananampalatya na sumama sa kanyang Anak. At maging ang Ama ay naaliw at nagdiwang sa mga anak na ito. Pinatunayan ni Hesus, “Ako ang kaaliwan ng Ama, ang kagalakan ng kanyang katauhan. At ngayon ang lahat na lumalapit sa kanya ay kaaliwan din sa kanya!”

Kaya, paano natin maibabalik ang pag-ibig kay Hesus? Sinagot ni Juan, “Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos” (1 Juan 5:3).

Ano ang kanyang mga utos? Sinabi ni Hesus, na may kakanyahan, mayroong dalawa at “Sa dalawang utos na ito nakasasalalay ang lahat ng Kautusan ni Moises at ang mga turo ng mga propeta” (Mateo 22:40). Ang una at ang pinakamahalaga ay ang ibigin ang Panginoon ng buong puso, kaluluwa at isip. Wala tayong itatago sa kanya. At ang pangalawa ay ang ibigin ang ating kapuwa ng katulad ng pag-ibig natin sa ating mga sarili. Ang dalawang simpleng at di mahirap sunding mga utos na ito ay siyang bumubuo sa lahat ng kautusan ng Diyos.

Sinasabi ni Hesus dito na hindi tayo maaring makipag-isa sa Diyos o maglakad sa kanyang kaluwalhatian kung mayroon tayong sama ng loob na dinadala kaninuman. Kung ganoon, ang ibigin ang Diyos ay nangangahulugan na ibigin ang bawat kapatiran na katulad ng pag-ibig ng Diyos sa atin.

Biyernes, Enero 2, 2009

ISANG BUHAY NG PAKIKIPAG-ISA

Maraming lahi ng Diyos ay kaunti lamang o walang nalalaman sa buhay ng pakikipag-isa sa kanya. Bakit ito nagkaganito?

Naniniwala ako na na ang ganitong Kristiyano ay may malungkot, na pilipit na kaisipan tungkol sa Amang nasa langit. Natatandaan ko pa ang parabola ni Hesus tungkol sa isang lingkod na itinago ang kanyang karunungan sapagkat mayroon siyang pilipit na kaisipan tungkol sa kanyang amo. Sinabi ng lingkod na ito, “Alam ko pong kayo’y mahigpit” (Mateo 25:24).

Kahalintulad, maraming mananampalataya ngayon ay nag-iisip na, “Hindi maaring malugod ang Diyos sa akin, nagsasaya at umaawit ng may pag-ibig. Maraming ulit ko siyang lubos na binigo, nagbigay ng kahihiyan sa kanyang pangalan. Paano pa niya ako iibigin, lalo na sa kapighatiang hinaharap ko ngayon?”

Naniniwala ako na ito ang isang makapangyarihang dahilan kung bakit maraming Kristiyano ay ayaw na mapalapit sa kanilang Amang nasa langit. Natatakot silang mapalapit sa kanya sapagkat iniisip nilang binigo nila siya kahit paano. Ang nasa isipan lamang nila ay puno siya ng galit at poot, handang humusga at parusahan sila.

Ang katanungang nasa ating lahat ngayon ay, paano natin aayawan na mapalapit sa isang Ama na sumusulat ng liham ng pag-ibig sa atin, nagsasabi na nasasabik siyang makasama tayo, siyang laging handang yakapin tayo, nagsasabi na wala siyang iniisip kundi ang kabutihan tungkol sa atin? Sa kabila ng ating mga kamalian, sinisiguro niya sa atin, “Maaring sabihin ni Satanas na ikaw ay walang silbi, ngunit sinasabi ko na ikaw ang aking kagalakan!”

Maaring iniisip mo, “Tiyak na hindi nagsasaya ang Panginoon sa isang nasa kasalanan pa rin. Hindi ko inaasahan na iibigin pa rin niya ako kapag nagpatuloy ako sa pagiging makasalanan. Ang ganoong kaisipan ay nasa gilid ng walang-pakundangan.”

Oo, iniibig ng Diyos ang kanyang mga tao ngunit hindi niya iniibig ang kanilang mga kasalanan. Sinasabi ng Bibliya na, siya ay isang anak na nagpapatuloy sa kasalanan, ngunit ginagawa niya itong may pagdudusa. At pagkatapos na paalalahanan tayo, ang kanyang Espiritu ay pinupuno tayo ng kaisipan ng galit sa kasalanan.

Sa lahat ng ito, ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi nagbabago. Sinabi ng Salita, “Ako si Yahweh, hindi ako nagbabago” (Malakias 3:6). “Mula sa Ama…hindi siya nagbabago. Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim” (Santiago 1:17). “Ako’y Diyos at hindi tao” (Oseas 11:9).

Hindi pinapayagan ng Diyos na ang pag-ibig niya sa atin ay maglalaho at dadaloy na katulad ng sa atin para sa kanya. Ang ating pag-ibig ay nagbabago halos araw-araw, nangagaling sa init at taimtim bago nagiging matabang o nagiging malamig. Katulad ng mga disipulo, maari tayong nakahandang mamatay para kay Hesus isang araw at pagkatapos at tatalikuran natin siya at tatakbo kasunod.

Tatanungin ko kayo kung kaya ninyong sabihin, “Ang aking Amang nasa langit ay iniibig ako! Sinasabi niya na ako’y matamis at maganda sa kanyang mga paningin at naniniwala ako sa kanya. Alam ko na kahit ano pa ang pagdaanan ko, o gaano pa man ako natutukso o sinusubok, ililigtas niya ako. Babantayan niya ako sa lahat ng ito, hindi niya papayagan na ako ay mawasak. Lagi siyang magiging mabuti at mapagmahal sa akin!”

Dito nagsisimula ang tunay na pakikisama. Kailangang maniwala tayo sa bawat araw sa hindi nagbabagong pag-big ng Diyos para atin. At kailangan nating ipakita sa kanya na naniniwala tayo sa kanyang pahayag tungkol sa kanyang sarili. Isinulat ni Juan, “Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig at nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos” (1 Juan 4:16).

Huwebes, Enero 1, 2009

TUNAY NA PAKIKIPAG-ISA

Maraming Kristiyano ang nagsasalita tungkol sa kapalagayang-loob sa Panginoon, naglalakad kasama siya, kilala siya, at may pakipag-isa sa kanya. Ngunit hindi tayo maaring magkaroon ng tunay na pakikipag-isa sa Diyos hangga’t hindi natin tinatanggap sa ating mga puso ang tunay na kabuuan ng pagpapahayag ng kanyang pag-ibig, grasya at kahabagan.

Ang pakikipag-isa sa Diyos ay kinapapalooban ng dalawang bagay:

1. Ang pagtanggap sa pag-ibig ng Ama, at
2. Ibalik ang pag-ibig sa kanya

Maaring gumugol ka ng mahabang mga oras sa bawat araw sa pananalangin, sinasabi sa Panginoon kung gaano mo siya iniibig, ngunit hindi iyan pakikipag-isa. Kung hindi mo pa tinatanggap ang pag-ibig niya, ay wala ka pang pakikipag-isa sa kanya. Hindi mo basta maibabahagi ang pakikipag-isa sa Panginoon hangga’t hindi ka nakasisiguro sa kanyang pag-ibig sa iyo.

Alam ko kapag lumalapit ako sa aking Panginoon, hindi ako lumalapit sa isang matigas, galit, mapaghanap na Ama. Hindi niya ako hinihintay na may galit na pagmumukha, balisa na hatawin ako sa likod. Hindi niya ako sinusundan, hinihintay na ako’y magkamali para sabihin sa akin, “Huli ka!”

Hindi, lumalapit ako sa isang Ama na ipinahayag ang kanyang sarili bilang dalisay, walang kondisyon ang pag-ibig. Siya ay mabuti at may mapagmahal na puso, puno ng grasya at kahabagan, balisang akuin ang aking mga alalahanin at mga dalahin. At alam ko na hindi niya ako tatanggihan kapag tumawag ako sa kanya.

Kung kaya’t lumalapit ako sa kanyang harapan na may pagpupuri at pasasalamat sapagkat nagpapasalamat ako sa aking Diyos. Inaalala niya ang lahat tungkol sa akin! (tingnan Awit 100).

Ang propetang si Zofonias ay may sinabing di-kapani-paniwala tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa atin, “Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, parang bayaning nagtagumpay; makikigalak siya sa iyong katuwaan, babaguhin ka ng kanyang pag-ibig; at siya’y masayang aawit sa laki ng kagalakan” (Zofonias 3:17).

Ang talatang ito ay may sinasabi sa atin na dalawang mahahalagang mga bagay tungkol sa kung paano tayo iniibig ng Diyos:

1. Ang Diyos ay nagpapahinga sa kanyang pag-ibig para sa kanyang mga tao. Sa Hebreo, ang pahayag na “magpapahinga siya sa kanyang pag-ibig” ay mababasa ng,”magiging tahimik siya dahil sa kayang pag-ibig.” Sinasabi ng Diyos na may kakanyahan, “Natagpuan ko ang tunay kong pag-ibig, at ako’y ganap na nasisiyahan! Hindi ko na kailangan pang tumingin sa iba, sapagkat wala akong idinadaing. Ganap ko nang naisakatuparan ang aking pakikipag-isang ito, at hindi ko babawiin ang aking pag-ibig. Ang pag-ibig ko ay naipagkasundo na!”
2. Ang Diyos ay nakakuha ng dakilang kaluguran mula sa kanyang mga tao. Pinatunayan ni Zofonias “nagsasaya siya na umaawit.” Sinasabi niya, “Ang pag-ibig ng Diyos sa iyo ay lubos na dakila, na ito’y naglalagay ng awitin sa kanyang mga labi!”

Ang malugod ay nangangahulugan na “magkaroon ng kagalakan at kasiyahan.” Ito ay isang panlabas na pagpapadama ng panloob na kasiyahan. Ito rin ang pinakamataas na pagpapadama ng pag-ibig. Ang salitang Hebreo na ginamit ni Zofonias para sa “kaluguran” dito ay tripudiare ay nangangahulugan na “lumundag, habang napagtagumpayan ng isa ng may lubos na kagalakan.”

Maisasalarawan mo ba ang iyong Amang nasa langit na lubos na umiibig ay maglulundag ng may kagalakan sa pag-iisip lamang tungkol sa iyo? Matatanggap mo ba ang kanyang salita na iniibig ka niya bago pa man nilikha ang sanlibutan, bago pa man nagkaroon ng sankatauhan, bago ka pa man isinilang? Matatanggap mo ba na inibig ka niya kahit na nahulog ka sa kasalanang katulad ng kay Adan at naging kaaway sa kanya?