Biyernes, Pebrero 27, 2009

ANG PANATILIHIN ANG BUHAY NA MAPANALANGIN

Kailangan kong mapanatili ang buhay na mapanalangin para mapangibabawan ang espirituwal na pagkatuyo. Bakit wala sa atin ang nananalangin sa paraang nararapat? Alam natin na ang ating mga dalahin ay maiaangat kapag tayo ay kasama niya. Ang tinig ng Espiritu Santo ay patuloy na nananawagan sa atin na manalangin, “Halika!”

Lumapit ka sa tubig na magbibigay kasiyahan una sa pagka-uhaw ng espiritu. Lumapit ka sa Ama, na nahahabag sa kanyang mga anak. Lumapit ka sa Panginoon ng buhay, na nangangako na magpatawad sa bawat kasalanan na nagawa. Lumapit ka sa Kanya na tumatanggi na kondenahin ka o pabayaan ka o magtago sa iyo.

Maaring subukin natin na magtago sa Diyos sa dahilan ng pagkakasala at pagkondena ngunit hindi siya magtatago sa atin. Lumapit ka sa kanyang trono ng grasya, maging ikaw ay nagkasala man o nabigo. Agad niyang pinatatawad yaong mga nagsisisi na may makadiyos na pighati. Hindi mo kailangang gumugol ng oras at mga araw sa pagsisisi o paghirapan ang iyong pagbabalik patungo sa kanyang mabubuting grasya. Lumapit sa Ama, lumuhod, buksan ang puso, idaing ang iyong paghihirap at kirot. Sabihin mo sa kanya ang iyong kalungkutan, pakiramdam ng pagkakabukod, takot at mga kabiguan.

Sinubukan natin ang lahat maliban sa pananalanagin. Nagbabasa tayo ng aklat, naghahanap ng mga pormula at mga pamamaraan. Lumalapit tayo sa mga kaibigan, mga ministro, at mga tagapayo, naghahanap kahit saan para sa salita na magbibgay aliw o payo. Naghahanap tayo ng mamamagitan at kinalimutan ang isang Tagapamagitan na may kasagutan sa lahat ng bagay.

Walang makapag-aalis ng pagkatuyo at kahungkagan ng mabilisan ng higit pa sa isang oras o dalawa na kasama ang Diyos. Walang makapapalit sa pananalangin sa Ama doon sa nabubukod na lihim na silid. Iyan ang kasagutan sa lahat ng pagkatuyot.

“Aking ibubuhos ang saganang tubig sa tuyong lupain, sa uhaw na lupa ay maraming batis ang padadaluyin. Aking Espiritu’y ibubuhos ko sa ‘yong mga supling. At ang liping susunod sa iyo ay pagpapalain” (Isaias 44:3).

Huwebes, Pebrero 26, 2009

DUMARAAN SA PAGKATUYOT

Kahit na ako ay nangangaral sa libu-libo, may panahon na nadarama ko ang pagkatuyo, malayo mula sa mainit na presensiya ng Diyos. Kapag ako ay tuyo at hungkag, wala akong pakiramdam ng pagkagutom para magbasa ng Salita at maliit ang hangad na manalangin. Alam ko na ang pananampalataya ko ay buo at ang pag-ibig ko kay Jesus ay matatag, at wala akong pagnanais na tikman ang mga bagay ng sanlibutang ito. Ito ay ang hindi ko mahipo ang Diyos ng mga ilang araw, maging mga linggo.

Nakita mo na ba ang ibang Kristiyano na pinagpapala habang ikaw ay walang nararamdaman? Nagpapatotoo sila ng mga kasagutan sa kanilang mga dalangin at lumuluha sa kagalakan. Mukha silang naninirahan sa tuktok ng bundok na may maliligayang karanasan habang ikaw ay gumagayod lamang, iniibig si Jesus ngunit hindi pinag-aapoy ang sanlibutan.

Naniniwala ako na ang lahat na tunay na mananampalataya ay dumaranas ng tagtuyot sa ibat-ibang panahon sa kanilang mga buhay Kristiyano. Maging si Jesus ay nadama ang pagkakabukod ng siya’y dumaing ng malakas, “Ama, bakit mo ako pinabayaan?”

Kung wala ang pagkakalapit sa Diyos, hindi magkakaroon ng kapayapaan. Ang pagkatuyot ay mapipigilan lamang kung may hamog ng kanyang kaluwalhatian. Ang kawalan ng pag-asa ay mawawala lamang sa katunayan na ang Diyos ay sumasagot. Ang apoy ng Espiritu Santo ay kailangang pag-initin ang isipan, katawan at espiritu.

May panahon na nadarama kong ako ay hindi karapat-dapat, katulad na pinakamasamang uri ng makasalanan, ngunit kahit na ganoon, alam ko na hindi siya malayo. Kahit paano naririnig ko ang natatanging, maliit na tinig na tumatawag, “Halika, anak ko. Alam ko ang lahat ng nararanasan mo. Iniibig pa rin kita at hindi kita iiwan o pababayaan man. Haharapin natin itong magkasama sapagkat ako pa rin ang iyong Ama at ikaw pa rin ang aking anak.” Mayroong apoy sa akin na hindi mawawala at alam ko ilalabas niya ako sa pagkatuyot.

“Pagkat ito ang bayan na kanyang hinirang. Si Jacob na itinanging maging kanya lamang. Sila’y natagpuan niya sa ilang lupaing halos walang mabuhay na halaman. Sila’y kinandili at pinatnubayan nang buong tiyaga at pagmamahal” (Deutoronomo 32:9-10).

“Narito at masdan ang nagawa ko’y isang bagong bagay na hanggang sa ngayo’y di mo mamasdan. Ako’y magbubukas ng isang landasin sa gitna ng ilang, maging ang disyerto ay patutubigan. Ako’y igagalang niyong mga hayop na pawang mailap, gaya ng avestrus at ng asong-gubat; ang dahilan nito, sa disyerto ako’y nagpabukal ng saganang tubig para may mainom ang aking hinirang” (Isaias 43:19-20).

Miyerkules, Pebrero 25, 2009

NADAMA MO BA SA MGA NAKARAAN NA IKAW AY SUSUKO NA?

Ilang mga ministro ay sumulat sa akin na nagpapahayag ng kanilang pag-aalala sa mga taga parokya na sumusuko na. “Mga mabubuting tapat na Kristiyano ay napangingibabawan ng panunumbat at pagkondena na nagbubunga ng kawalan ng pag-asa. Kapag hindi nila napatunayan ang inaasahan sa kanilang sarili, kapag nahulog sa pagkakasala, nagpasiya na sumuko na…”

Dumadaming bilang ng mga Kristiyano ay nasa punto na ng pagbagsak. Kaunting Kristiyano ay hindi mag-iisip na bigyang pansin ang isipin na huminto na sa kanilang pag-ibig kay Jesus, ngunit sa kawalan ng pag-asa iniisip nila na sumuko na.

Ilang mga ministro sa ngayon ay patuloy na nangangaral ng mga positibong bagay lamang. Na marinig silang nagsasabi sa kanila, na ang bawat Kristiyano ay nakatatanggap ng mga himala, na ang lahat ay tumatanggap ng madaliang sagot sa kanilang mga dalangin; ang bawat isa ay mabuti ang pakiramdam, namumuhay ng maayos, at ang buong sanlibutan ay maliwanag at mabulaklak. Gusto kong marinig ang ganoong uri ng pangangaral sapagkat hangad ko ang lahat ng ganoong mabuti at malusog na bagay para sa tao ng Diyos. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari sa maraming bilang ng mga matatapat at sinserong Kristiyano.

Hindi kataka-taka na ang mga kabataan ay sumusuko sa pagkatalo. Hindi sila makapamuhay sa imahe, na nilikha ng relihiyon, na walang-alalahanin, mayaman, matagumpay, laging may paositibong pag-iisip na mga Kristiyano. Ang kanilang mga salita ay hindi ideal; namumuhay silang bigo ang puso, oras-oras na kagipitan, at pampamilyang mga suliranin.

Nagpahayag si Pablo tungkol sa kapighatian: “…mga kapighatian na dinanas namin…napakabigat ng aming dinanas, anupat nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa” (2 Corinto 1:8).

Ang positibong pag-iisip ay hindi makapag-aalis ng mga suliraning ito at “ikukumpisal” na ang mga suliraning ito ay hindi talaga nangyayari ay hindi makapagbabago sa isang bagay. Ano ang makalulutas? Mayroong dalawang ganap na nagdala sa akin ng dakilang kaaliwan at tulong.

- Iniibig ako ng Diyos. Siya ay mapagmahal na Ama na gusto lamang na maiangat tayo palabas sa ating mga kahinaan.

- Ang aking pananampalataya ang nakalulugod sa kanya ng labis. Nais niya na magtiwala ako sa kanya.

Martes, Pebrero 24, 2009

MALALAMPASAN MONG LAHAT

Ang kaligayahan ay hindi nangangahulugan na mabubuhay kang walang kirot o pasakit—hindi maari. Ang tunay na kaligayahan ay ang matutunan na mabuhay sa bawat isang araw, kahit na may kalungkutan o kirot. Ito ay ang matutunan na magsaya sa Panginoon, anuman ang nangyari sa nakaraan.

Maaring maramdaman mo na ikaw ay tinanggihan o pinabayaan. Ang pananalig mo ay maaring nanghihina at iniisip mo na ikaw ay ibinilang na bagsak. Kalungkutan, luha, kirot, at kahungkagan ay maring lamunin ka na sa isang pagkakataon, ngunit ang Diyos ay nananatili pa rin sa trono. Siya ay Diyos pa rin!

Hikayatin mo ang iyong sarili na malalampasan mo ang lahat ng ito. Makakalabas ka dito at, mabuhay o mamatay, ikaw ay nasa Panginoon. Ang buhay ay magpapatuloy at masosorpresa ka na malaman kung gaano ka makakatagal sa tulong ng Diyos.

Hindi mo matutulungan ang sarili mo o pigilan ang kirot, ngunit ang ating mapagpalang Panginoon ay darating sa iyo. Ilalagay niya ang kanyang mapagmahal na kamay sa ilalim mo at iiangat ka para maupong muli sa malalangit na lugar. Ililigtas ka niya sa takot na kamatayan at ipahahayag niya ang walang kamatayan niyang pag-ibig para sa iyo.

Tumingin ka sa itaas! Bigyan mo ng lakas ng loob ang sarili mo sa Panginoon. Kapag napalibutan ka ng ulap at di mo makita ang palabas sa iyong suliranin. Humiga ka sa mga kamay ni Jesus at manalig ka. Gagawin niya ang lahat! Nais niya ang iyong pananalig at ang iyong pagtitiwala. Nais niyang itangis mo ng malakas, “Iniibig ako ni Jesus! Kasama ko siya! Hindi niya ako pababayaan! Ginagawan niya ng lahat ng paraan, ngayon din! Hindi ako babagsak! Hindi ako magagapi! Hindi ako magiging biktima ni Satanas! Hindi masisira ang aking isipan o mawawala ang aking direksyon. Ang Diyos ay nasa tabi ko! Iniibig ko siya at iniibig niya ako!”

Ang huling kauuwian ay ang pananampalataya. At ang pananampalataya ay nakapahinga sa isang ganap na: “Wala nang sandatang gagamitin sa iyo…” (Isaias 54:17).

Lunes, Pebrero 23, 2009

HINDI HAHAYAAN NG DIYOS NA IKAW AY TULUYANG MADUROG

Ipaalala mo sa iyong sarili na alam ng Diyos kung ano lamang ang iyong makakayanan, at hindi niya hahayang marating mo ang dulo ng pagkawasak.

Sinabi ng ating mapagmahal na Ama, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin ng higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).

Ang pinakamasamang uri ng pagwawalang-pakundangan ay isipin na ang Diyos ay may kinalaman sa iyong mga pasakit at kirot, na iyon ay ang Amang nasa langit na dinisiplina ka, na iniisip ng Diyos na kailangang mo pa ang isa o dalawa pang kabiguan bago mo tanggapin ang kanyang mga pagpapala. Hindi maaring mangyari iyon!

Totoo na kinakastigo ng Diyos ang kanyang mga iniibig, ngunit ang pagkastigo ay para lamang sa isang panahon at hindi para saktan tayo. Ang Diyos ay hindi ang umakda ng kaguluhan sa iyong buhay; maging ikaw man. Ang kalaban ay sinusubok na saktan tayo sa pamamagitan ng ibang tao, katulad ng saktan nila si Job sa pamamagitan ng kanyang asawa na walang paniniwala.

Ang Amang nasa langit ay nagbabantay sa inyo na may matatag na pagtingin. Ang bawat galaw ay binabantayan; ang bawat patak ng luha ay inilalagay sa botelya. Nararamdaman niya ang bawat kirot at alam niya kapag ikaw ay nalantad sa lubhang kahihiyan mula sa kaaway. Hahakbang siyang papasok at sasabihing, “Tama na!” Kapag ang kirot ay hindi na naglalapit sa iyo palapit sa Panginoon at sa halip, ay nagsisimula ng bumagsak ang iyong espirituwal na buhay, papasok ang Diyos. Hindi niya papayagan na ang isang nagtitiwalang anak niya ay tuluyang babagsak dahilan sa labis na kirot at paghihjirap ng espiritu.

Ililigtas ka ng Diyos mula sa pakikipaglaban, sa tamang pagkakataon. Hindi niya papayagan na ang kirot ay sirain ang iyong isipan. Ipinangako niya na darating siya, sa tamang pagkakataon, para punasan ang mga luha mo at bigyan ka niya ng kaaliwan para sa iyong pagluluksa. Sinabi ng Salita ng Diyos, “Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak” (Awit 30:5).

Biyernes, Pebrero 20, 2009

NAKIPAGKASUNDO NA MAGHAHANAP

“Dahil dito, buong taimtim akong dumulog kay Yahweh…Ganito ang dalangin ko: ‘Panginoong dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos…Patuloy ako sa pananalangin. Ipinahahayag ko ang aking kasalanan at ng bayan…” (Daniel 9:3,4, at 20). Ito ang mga mapanalanging mga lalaki.

Nakita mo, ang unang kasunduan na kanilang ginawa ay—mamuhay na nakahiwalay—ay kailangang masundan ng pangalawang pakikipagkasundo, na hahanapin ang Diyos. Katunayan, imposible ang mamuhay ng banal na pamumuhay na hindi gumugugol ng maraming panahon sa pagkakaluhod, naghahanap sa Diyos para sa kapangyarihan at karapatan na mamuhay ng ganoon.

Huwag magkamali—ang tapat na pananalangin ay hindi mag-aalis sa iyo sa kagipitan. Sa kabila nito, mas higit pa itong magdadala sa iyo sa nag-aapoy na pugon at kulungan ng mga leon. Ngunit ang pananalangin ay ihahanda ka na harapin ang lahat ng ito na may pagtitiwala—na maging buhay na sakripisyo para sa kapakanan ni Jesus.

Ang pananalangin ni Daniel ay nagdala sa kanya sa kulungan ng leon. At ang pagsubok na ito ay dumating pagkatapos ng maraming taon ng mga lalaking taga Hebreo—nang si Daniel ay nasa ika-walumpong-taon na! Maaring makabigla ito sa iyo, kung iisipin mo kung gaano ito tatagal bago matapos ang iyong mga pighati. Maaring naisip mo na natutunan mo na ang lahat ng “mahalagang” pagsubok pagkatapos ng maraming taon sa Panginoon. Gayunman, narito pinayagan ng Diyos ang isa sa pinakadakila niyang mandirigma—isang lalaki na may tahimik, mapagmahal na espiritu—para harapin ang kagipitan ng kanyang buhay pagkatapos ng mga dekada ng matapat na pamamagitan.

Mga minamahal, ang pagsubok ay matatapos lamang kapag dumating na si Jesus—o kapag namatay ka na na kay Cristo! Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pananalangin. Maari kang makipagkasundo na mamuhay ng walang dungis—ngunit ang pakikipagkasundong iyan ay mahirap magampanan kung walang pakikipagkasundo na hanapin ang Diyos.

Huwebes, Pebrero 19, 2009

WALANG DUNGIS SA GITNA NG KASAMAAN

“Ngunit ipinasiya ni Daniel na huwag tikman man lamang ang pagkain at alak na bigay ng hari upang hindi siya makakain ng mga bagay na marumi ayon sa Kautusan. Kaya, ipinakiusap niya kay Azpenaz na huwag silang pakainin niyon” (Daniel 1:8).

Ang salitang dungisan dito ay nagmumungkahi na “makaligtas sa pamamagitan ng pagtatatwa.” Sinasabi ni Daniel sa ibang salita, “Ang anumang kompromiso ng aking pamantayan ay nanakawan ako ng aking kalayaan!” Kaya si Daniel ay nakipagkasundo na kumain lamang ng lentehas at uminom lamang ng tubig sa loob ng sampung araw. Nang sinabi niya ito kay Azpenaz, sumagot ang prinsipe, “Ilalagay mo ako sa bingit ng kamatayan! Magmumukha kang may sakit sa ikasampung araw. Lulubog ang pisngi mo—at tiyak na mapupuna ito ng hari! Narito—kumain ka kahit kaunting karne. Kakailanganin mo ang protina. Inumin mo ang alak para gumanda ang takbo ng iyong dugo. Kumain ka ng ilan sa mga matatamis na ito para lumakas ka!”

Naniniwala ako na si Daniel at ang tatlong lalaking taga Hebreo ay mayroon pang iba sa kanilang mga isipan kaysa sa pag-iwas sa mga bagay na madumi. Sila ay nabihag kasama ng mga libu-libo nilang mga kababayan. Ang kanilang nakita nang una silang dumating sa Babilonya ay hindi kapani-paniwalang sumindak sa kanila. Ito ay isang lipunan na ganap na nagwawala, walang moral at puno ng panglalait, ang espirituwal na sensibilidad ng apat na lalaking ito ay natuligsa.

Kaya ang apat ay nagkasundo. Sinabi nila sa bawat isa, “Hindi tayo makikipagkompromiso. Hindi tayo makikihalo sa pamantayan ng kanilang moralidad. Hihiwalay tayo, at tayo ay magiging disiplinado sa ating paglalakad sa pananampalataya.

Ang apat na lalaking ito ay hindi nangaral tungkol sa kanilang pamamaraan ng pamumuhay sa iba. Ito ay usapin sa pagitan nila at ng Diyos.

Tanong ko sa iyo: Kapag ikaw ay nasa kagipitan, ikaw ba’y dumaraing, “Panginoon, nasaan ka kapag kailangan kita? Hindi ba nakipagkasundo ka sa aking kaligtasan?” Ngunit paano kung sabihin sa iyo ng Panginoon, “Nasaan ka ng kailangan ko ng tinig? Kailangan ko ng tinig sa makasalanang panahon ngayon, dalisay na sisidlan na kung kanino ay maari akong makipag-usap. Sinabi mo na nais mong dumating ako sa panahon ng iyong kagipitan—samantalang ikaw ay bahagi pa rin ng kasamaan, ng sistema ng sanlibutan. Sabihin mo sa akin—ikaw ba ay nakipagkasundo para sa aking mga layunin?”

Miyerkules, Pebrero 18, 2009

NAGSIMULA ITO SA PAGSISISI

Ang iglesya sa ating pagkakaalam ngayon ay nagsimula na may pagsisisi. Nang ipinangaral ni Pedro ang krus sa Pentekostes, libu-libo ang lumapit kay Cristo. Ang bagong iglesyang ito ay ginawa sa isang katawan lamang, sama-sama ang lahat ng lahi, puno ng pag-ibig sa bawat isa. Ang nagkakaisang buhay nito ay minarkahan ng ebanghelismo, espiritu ng sakripisyo, maging ng pagiging martiryo.

Ang kahanga-hangang simula ay nagsasalarawan ng salita ng Diyos kay Jeremias: “Maganda ka noon ng aking itanim, tulad ng malusog na binhi ng piling ubas” (Jeremias 2:21). Gayunman ang mga sumunod na salita ng Diyos ay naglarawan ng madalas na nangyayari sa ganoong gawain: “Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para kang ubas na ligaw, maasim ang bunga at walang pakinabang” (2:21). Sinasabi ng Diyos, “Itinanim kita ng tama. Ikaw ay akin, dala ang aking pangalan at kalikasan. Ngunit ngayon ikaw ay walang pakinabang.”

Ano ang naging dahilan ng walang kapakinabangan sa iglesya? Ito ay dati pa, at patuloy na mangyayari, pagsamba sa diyus-diyusan. Ipinahahayag ng Diyos ang tungkol sa pagsamba sa diyus-diyusan ng sinabi niya kay Jeremias, “Ngunit pinalitan ako ng bayan ko, hindi naman makatutulong sa kanila” (2:21)

Ang madalas na ipinangangaral ng mga Kristiyano ngayon ay nagpapakilala sa diyus-diyusan bilang bagay na nanggagaling sa pagitan niya at ng mga tao ng Diyos . Gayunman iyan ay bahagi lamang ng paglalarawan ng pagsamba sa diyus-diyusan.

Ang pagsamba sa diyus-diyusan ay may kinalaman sa mas malalim na paksa ng puso. Ang nauunang diyus-diyusan sa mga tao ng Diyos ay hindi pangangalunya, pornograpiya o alak. Ito ay mas makapangyarihang pagkasabik sa laman. Ano ang diyus-diyusang ito? Ito ay ambisyosong pagkagutom sa tagumpay. At mayroon itong sariling doktrina para mabigyan katuwiran ito.

Ang diyus-diyusan ng pagiging tagumpay ay naglalarawan ng marami sa tahanan ng Diyos ngayon. Ang mga taong ito ay marangal, may moralidad, at puno ng mabubuting gawa. Ngunit sila ay nagtalaga ng diyus-diyusan ng ambisyon sa kanilang mga puso, at hindi sila mauuga mula sa mga bagay na ito.

Gusto ng Diyos na pagpalain niya ang kanyang mga tao. Nais niya na ang mga tao niya ay magtagumpay sa lahat ng kanilang ginagawa ng tapat. Ngunit ngayon ay may rumaragasang espiritu sa lupa na lumalampas sa nakararami—ito ay espiritu ng pag-ibig para makilala at makamtan ang maraming bagay.


Isang tao na makamundo ang nagsabi kamakailan, “Kung sino ang mamamatay na maraming laruan—ay siyang magwawagi.” Nakalulungkot, maging ang mga Kristiyano, ay napasama sa ganitong pakikipagsabayan.

Gaano kalayo na tayong naligaw mula sa mabuting balita ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagkamatay sa pagkamakasarili, at makamundong ambisyon.

Martes, Pebrero 17, 2009

SI CRISTO AY DUMATING NA MAY PAANYAYA AT BABALA

Si Jesus ay tumayo sa may templo at inanyayahan ang lahat na tanggapin ang kanyang may kahabagang pangangalaga. Tinawag niya ang mga bulag, may sakit, ketongin, mga mahihirap, mga naliligaw, lahat para lumapit at matagpuan ang pagpapagaling at kapatawaran. Ngunit ang mga relihiyoso ay tumanggi sa kanyang alok. Kaya si Cristo ay nagpatotoo sa kanila,”Ngunit ayaw ka!” (Mateo 23:37).

Habang binabasa ko ito, isang katanungan ang pumasok: Dito sa Bagong Tipan, itatapon ba ng Diyos ang lumang gawain katulad ng ginawa niya sa Luma? Itatapon ba niya yaong mga tumanggi sa kanyang alok ng grasya, kahabagan at pagpukaw?

Oo, gagawin niya, sinagot ni Jesus yaong mga tumanggi sa kanya sa pagsasabi ng, “Kaya’t lubusang pababayaan ang iyong tahanan” (Mateo 23:38). Sinabi niya sa kanila, “Ang templong ito ngayon ang inyong magiging tahanan, hindi akin. Iiwan ko na ito. Iiwan ko ang inyong inaksaya at pinabayaan.”

Idinagdag pa niya, “Sinasabi ko sa inyo: hindi na ninyo ako makikita hanggang dumating ang oras na sabihin ninyo, ‘Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’” (23:39). Ipinapahayag niya sa kanila, “Ang kaluwalhatian ko ay wala na sa lumang gawain.”

Isipin ang mga bagay na ito. Tumayo siyang may kahabagan at grasyang nagkatawang tao, sinasabi na, “Ang lumang bagay ay hindi na sa akin.” At pagkatapos ay nagtungo na si Jesus patungo sa Pentekostes, sa panimula ng bagong bagay. Sisimulan na niya ang magtatag ng bagong iglesya, hindi katulad ng dati. At gagawin niya itong bago mula sa pundasyon. Ito ay magiging iglesya ng mga bagong pari at mga tao, lahat ay muling isinilang sa kanya.

Hayaan ninyong tanungin ko kayo: Ang nakikita ba ninyo sa mga nangyayari sa iglesya ngayon ay kumakatawan kung sino si Jesus? Ang nakikita ba natin ay tunay na matagumpay na iglesya, walang dungis na nobya ni Cristo? Ipinahahayag ba nito sa ligaw na sanlibutan ang tunay na kalikasan ng Diyos? Ito ba ang pinakamahusay na maibubunga ng Espiritu ng Diyos sa mga huling araw na ito?

Natagpuan mo na ba ang iglesya na kung saan ay tunay na nandoon ang presensiya ni Cristo at ang Salita ay tapat na ipinangangaral? Tunay na dapat kayong magpasalamat. Maaring ikaw ay kasama ng marami na hindi makita ang iglesya na may buhay. Naririnig ko ang kanilang mga daing, “Hindi ko makita ang iglesya na kayang ibigay ang aking espirituwal na pagkagutom. Masyadong maraming kalibangan—masyadong makasarili—masyadong tuyot.”

Huwag mag-alala—malapit ng yanigin ng Diyos ang mga bagay sa hindi kapani-paniwalang pamamaraan. Doon sa nakasisindak na pagyanig ng lahat ng mga bagay, iaangat ng Diyos ang mga tunay na pastol na magpapakain ng mga nagugutom na tupa.

Lunes, Pebrero 16, 2009

NAIBIGAY KO NA ANG ANG SALITA SA INYO

Nabubuhay tayo sa panahon ng dakilang pagpapahayag ng magandang balita sa kasaysayan. Mas maraming mangangaral, mas maraming aklat, at mas maraming mamamahayag ng magandang balita na laganap na higit pa kailanman. Gayunman hindi pa nagkaroon ng mas higit na paghihirap, kapighatian at kaguluhan sa pag-iisip sa mga tao ng Diyos. Ang mga Pastor sa mga panahon ngayon ay idinesenyo ang kanilang mga sermon para lamang maiangat ang mga tao at matulungan sila na harapin ang kanilang kawalan ng pag-asa.

Walang masama dito. Ipinangangaral ko rin ang mga katotohanang ito. Gayunman naniniwala ako na may isa lamang dahilan kung bakit kaunting tagumpay lamang at kaligtasan ang ating nakikita: ito ay kawalan ng pananalig. Ang katunayan ay, nagsalita ng ganap na maliwanag ang Diyos sa mga huling araw na ito. At ito ang kanyang sinabi, “Naibigay ko na ang Salita. Ito ay tapos na at kumpleto. Ngayon, panindigan ito.”

Huwag hayaang may magsabi sa inyo na tayo ay dumaranas ng taggutom sa Salita ng Diyos. Ang katotohanan ay nagdaranas tayo ng taggutom sa pakikinig ng Salita ng Diyos, at sa pagsunod dito. Bakit? Ang pananampalataya ay di-makatuwiran, ngunit ang pananampalataya ay hindi dumarating sa atin sa pamamagitan ng katuwiran o lohika o kaya’y sa kadahilanan. Ipinahayag ni Pablo ng simple lamang, “Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo” (Roma 10:17). Ito lamang ang paraan na ang pananampalataya ay maiaangat sa mga puso ng mga mananampalataya. Ito’y bunga ng pakikinig’—iyan ay paniniwala, pagtitiwala at pagkilos dito—sa salita ng Diyos.

“Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig…Agad dinirinig daing ng matuwid at inililigtas sila sa mga panganib…Ang mga taong matuwid masuliranin man, sa tulong ni Yahweh agad maiibsan…Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas, sa napakukupkop siyang mag-iingat” (Awit 34: 15, 17, 19, 22).

Dito lamang sa ilang mga talata mula sa Awit, binigyan na tayo ng sapat na Salita ng Diyos para mawala ang kawalan ng pananalig. Hinihikayat ko kayo ngayon: pakinggan ito, magtiwala dito, sundin ito. At sa huli, magpahinga sa mga salitang ito.

Biyernes, Pebrero 13, 2009

BAKIT AKO NALULUNGKOT?

Paulit-ulit, itinatanong ng Mang-aawit, “Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Pakiramdam ko ay wala na kong silbi, napabayaan. Labis ang pagkabahala ng kalooban ko. Bakit, Panginoon? Bakit damdam ko ay labis ang panghihina ko sa kapighatian?” (Tingnan Awit 42:11 at Awit 43:5). Ang mga katanungang ito ay laganap sa maraming nagmamahal at naglilingkod sa Diyos.

Tingnan natin ang makadiyos na si Elijah, bilang halimbawa. Nakita natin siya sa ilalim ng puno, nagmamakaawa sa Diyos na patayin na siya. Labis ang kanyang kalungkutan, nasa punto na siya na nais na niyang mamatay. Natagpuan din natin si Jeremias na labis ang pagkabahala sa kawalan ng pag-sa. Dumaing ang propeta, “Panginoon, iniligaw mo ako. Sinabihan mo ako na hulaan ang lahat ng mga bagay na ito ngunit isa man dito ay hindi nangyari. Wala akong ginawa sa buong buhay ko kundi ang hanapin ka. At ganito ang naging kabayaran sa akin? Ngayon hindi ko na sasambitin ang pangalan mo.”

Ang bawat isa sa mga lingkod na ito ay nasa ilalim ng pag-atake ng pansamantalang kawalan ng pananalig. Ngunit nauunawaan ng Panginoon ang kanilang kalagayan sa panahon ng kalituhan at pagdududa. At pagkatapos ng isang panahon, lagi niya silang iginagabay palabas sa kanilang katayuan. Sa gitna ng kanilang kapighatian binubuksan ng Espiritu Santo ang ilaw para sa kanila.

Isa-alang-alang ang patotoo ni Jeremias: “Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo’y aking kagalakan. Ako’y sa iyo, Yahweh, Diyos na makapangyarihan sa lahat” (Jeremias 15:16). “Walang anumang nagsalita sa kanya si Yahweh” (1 Hari 19:9). Sa isang banda, ang bawat isa sa mga lingkod na ito ay naalala ang Salita ng Diyos. At ito’y naging kagalakan at kaluguran ng kanilang mga buhay, nagligtas sa kanila sa kawalan ng pag-asa.

Ang katotohanan ay, sa buong panahon na ito ang mga taong ito ay nagdurusa, ang Panginoon ay naghihintay. Narinig niya ang kanilang mga daing, ang kanilang paghihirap. At pagkalipas ng ilang panahon, sinabi niya sa kanila,”Pinagdaanan na ninyo ang panahon ng inyong paghihirap at pagdududa. Ngayon nais kong manalig kayo sa akin. Babalik ba kayo sa aking Salita? Panghahawakan ba ninyo ang aking pangako sa inyo? Kung gagawin ninyo, ang Salita ko ang magliligftas sa inyo.”

Huwebes, Pebrero 12, 2009

ANG PANGAKO KO LAMANG ANG IYONG KAILANGAN

Ang pananampalataya ay mapaghanap. Hinihingi nito na kapag nadinig na natin ang Salita ng Diyos, kailangang sundin natin ito, na walang kailangang patunay para mabigyan ng direksyon. Hindi mahalaga kung gaano kalaki man ang nakahadlang, gaano kaimposible ang sitwasyon. Kailangang maniwala tayo sa kanyang Salita at gawin ito, na walang nagpapatunay para magpatuloy. Sinabi ng Diyos, “Ang pangako ko lamang ang iyong kailangan.”

Katulad ng lahat ng salinlahi bago pa sa atin, nagtataka din tayo, “Panginoon, bakit ako humaharap sa ganitong pagsubok? Ito’y hindi abot ng aking pang-unawa. Hinahayaan mo ang maraming bagay sa aking buhay na walang saysay. Bakit walang paliwanag sa lahat ng aking pinagdadaanan? Bakit lubos na magulo ang aking Espiritu, punung-puno ng mga mabibigat na pagsubok?”

Pakinggan mo akong muli. Ang hinihiling ng pananampalataya ay ganap na di-makatuwiran sa buong sangkatauhan. Kaya, paano sinasagot ng Panginoon ang ating mga daing? Ipinapadala niya ang kanyang Salita, ipinapaalala ang kanyang mga pangako. At sinasabi niya, “basta sundin mo ako. Magtiwala ka sa Salita ko sa iyo.” Hindi niya tinatanggap ang anumang dahilan, walang pabagu-bago ng isip, kahit na gaano kaimposible ang sitwasyon natin.

Huwag mo sana akong di-maunawaan. Ang ating Diyos ay mapagmahal na Ama. Hindi niya hinahayaan ang kanyang mga tao na magdusa ng walang katuturan, ng walang dahilan. Alam natin na nasa kanyang lahat ang kapangyarihan at kakayahan na maalis ang suliranin at kabiguan ng puso. Maari siyang bumigkas ng maiksing salita at tanggalin sa atin ang lahat ng pagsubok at paghihirap.

Gayunman, ang katunayan ay, hindi ipakikita ng Diyos sa atin kung paano o kailan niya tutuparin ang kanyang mga pangako sa atin. Bakit? Hindi niya kailangang magpaliwanag sa atin, kapag naibigay na niya ang kasagutan sa atin. Naibigay na niya ang lahat ng ating pangangailangan para sa habang-buhay at kabutihan galing sa kanyang Anak, na si JesuCristo. Siya lamang ang ating kailangan sa bawat sitwasyon na ibabato ng buhay sa atin. At paninindigan ng Diyos ang kanyang Salita na kanya ng naipahayag: “Nasa iyo ang Salita na abot-kamay mo lamang. Ang mga pangako ko sa iyo ay oo at amen para doon sa mga nananalig. Kaya, manalig ka sa aking Salita. Paniwalaan mo ito at sundin mo.”

Miyerkules, Pebrero 11, 2009

ANG WALA SA KATUWIRAN NG PANANAMPALATAYA

Nang sinabi ng Diyos sa sangkatauhan, “Sumampalataya,” hinihingi ang isang bagay na lubos na malayo sa katuwiran. Ang pananampalataya ay ganap na wala sa katuwiran. Ang mismong paliwanag nito ay may kinalaman sa isang bagay na di-makatuwiran. Isipin ang tungkol dito: Sinabi ng Hebreo na ang pananampalataya ay diwa ng isang bagay na inaasahan, patunay na hindi nakikita. Sinabihan tayo sa madaling sabi na, “Walang di nadaramang diwa, walang nakikitang katunayan.” Gayunman, hinihiling sa atin na maniwala.

Tinutukoy ko ang paksang ito para sa mahalagang dahilan. Sa mga sandaling ito, sa buong sanlibutan, maraming mananampalataya ay mababang nakayuko sa kawalan ng pag-asa. Ang katunayan ay, patuloy tayong haharap sa kawalan ng pag-asa sa buhay na ito. Gayunman naniniwala ako na kung mauunawaan natin ang kalikasan ng pananampalataya—ito’y walang katuwiran, di-makatuwirang kalikasan—makikita natin ang tulong na kakailanganin natin para makalampas sa lahat ng ito.

Isa-alang-alang ang pananampalataya na hiningi kay Noah. Nabuhay siya sa isang salinlahi na nawalan na ng kontrol. Ang kalagayan ng mga tao ay lubusan nang naging nakasisindak. Hindi na makayanan ng Diyos. Sa huli, sinabi iya, “Tama na! Ganap nang pinupuksa ng tao ang sangkatauhan—kailangang magwakas na ito” (tingnan Genesis 6).

Isip-isipin mo ang kalituhan ni Noah habang pilit niyang inuunawa ito. Magpapadala ang Diyos ng isang malaking kapahamakan, isa na gugunaw sa buong daigdig. Gayunman ang lahat na sinabi kay Noah tungkol sa bagay na ito ay ilang maiksing salita mula sa langit. Payak niyang tatanggapin ito sa pamamagitan ng pananampalataya, na hindi na makatatanggap ng anumang direksyon sa loob ng 120 taon.

Isip-isipin ang tungkol sa kung anong pananampalataya ang hiniling mula kay Noah. Binigyan siya ng isang dambuhalang tungkulin para magtayo ng isang malaking arko, at pansamantala siya ay mabubuhay sa mapanganib na sanlibutan. Kailangang patuloy siyang manalig habang ang sanlibutan sa paligid niya ay nagsasayawan, nagsasaya at lumalangoy sa kalamnan. Ngunit sumunod si Noah sa sinabi ng Diyos. Patuloy siyang nagtitiwala sa salitang ibinigay sa kanya, sa mahigit na isang siglo. At dahil sa kanyang pagiging masunurin, sinabi ng Kasulatan, si Noah ay “ibinilang na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananalig” (Hebreo 11:7).

Sa Genesis 12: 1-4, siabi ng Diyos kay Abraham, “Bumangon ka, lumabas ka at lisanin mo ang bansa.” Tunay ngang nagtaka si Abraham, “Ngunit saan, Panginoon?” maaring payak na sasagot ang Diyos, “Hindi ko sinasabi sa iyo, basta humayo ka.”

Ito ay hindi makatuwiran. Ito’y ganap na di-makatuwirang kahilingan mula sa isang nag-iisip na tao. Isasalarawan ko sa pamamagitan ng pagtatanong sa bawat asawa ng Kristiyano: Isip-isipin mo na ang iyong asawa ay umuwi isang araw at sinabi na, “Mag-empake ka ,mahal, aalis tayo.”Siyempre, gusto mong malaman kung bakit, o saan, o paano. Ngunit ang tanging sagot na ibinigay sa iyo ay, “Hindi ko alam, alam ko lamang ay sinabi ng Diyos basta humayo kayo.” Hindi tugma o walang katuwiran sa ganitong kahilingan. Ito’y payak na di-makatuwiran.

Gayunman ito mismo ang di-makatuwirang direksyon na sinunod ni Abraham. “Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abraham nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon” (Hebreo 11:8) Ang lahat lamang ng alam niya ay ang maiksing salita na sinabi sa kanya ng Diyos: “Humayo ka, Abraham, at ako’y kasama mo. Walang masamang mangyayari sa iyo.” Hiningi ng pananalig na gampanan ni Abraham ito nang walang iba pang gagawin kundi ang pangakong ito.

Isang mabituing gabi, sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tumingin ka sa kalawakan. Nakikita mo ang hindi mabilang na mga bituin? Bilangin mo sila kung kaya mo. Iyan ang dami na magiging lahi mo” (tingnan Genesis 15:5) Maaring napailing si Abraham tungkol dito. Ngunit ngayon siya ay matanda na, katulad ng kanyang asawa na si Sarah. Sila ay lampasan na sa panahon na maari pa silang magka-anak. Gayuman dito ay binigyan siya ng pangako na siya ay magiging ama ng maraming bansa. At ang lahat ng katunayan na kanya lamang pinanghahawakan ay ang salita mula sa langit” “Ako ang Panginoon” (Genesis 15:7).

Ngunit sumunod si Abram. At sinabi sa kanya ng Bibliya ang katulad din ng sinabi nito kay Noah; “Nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ni Yahweh” (Genesis 15:6). Muli pa, nakita natin ang isang di-makatuwirang tagpo. Gayunman ang pananampalataya ng isang lalaki ay naisalin sa pagiging makatuwiran.

Ang hinihiling sa iyo ng Diyos ay maaring di-makatuwiran. Hinihiling niya na manalig tayo kahit hindi siya nagbibigay ng katunayan na sasagutin niya ang ating mga panalangin, kapag ang kalagayan ay mukhang wala ng pag-asa at sigurado tayo na ang lahat ay tapos na. “Manalig ka sa akin”—sinabi ng Panginoon. Di-makatuwiran? Oo. Ngunit sa mga nagdaang siglo napatunayan ng Panginoon na siya laging nasa panahon at hindi niya hinahayaan si Satanas na magkaroon ng huling salita. Laging dumarating ang Diyos—sa perpektong Espiritu Santong sandali.

Martes, Pebrero 10, 2009

ANG PATULOY NA PAGLAGO NG PAGBUBUHOS

Sa kabanata 47 ng Ezekiel, ipinakikita sa propeta ang mga sumusunod: Sa mga huling araw, ang iglesya ni JesuCristo ay higit na magiging maluwalhati, higit na magtatagumpay, ng higit pa sa buong kasaysayan. Ang tunay na katawan ng Panginoon ay hindi manghihina o magbubuga. Hindi ito mababawasan ng bilang, o mababawasan ang kapangyarihan o ng espirituwal na kapangyarihan. Hindi, ang kanyang iglesya ay lalabas na nag-aapoy at may kaluwalhatian. At magsasaya ito sa kabuuan ng pahayag ni Jesus na hindi pa naranasan ninuman.

Isinulat ni Ezekiel, “Pupuntahan ito ng mga mangingisda” (Ezekiel 47:10). May darating na maraming mananampalataya na lalangoy sa tumataas na tubig sa harapan ng Panginoon.

Ito ang ipinakikita ng Diyos sa atin sa pangarap ni Exekiel ng tumataas na tubig (tingnan Ezekiel 47:3-4).

Nangungusap dito si Ezekiel ng paglago ng Espiritu Santo. Sa mga huling araw, darami ang presensiya ng Diyos sa kanyang mga tao.

Ang pinaka bukal at katatagan ng ilog na ito ay ang krus. Makikita natin ang literal na imahe nito sa mga susunod na talata; “Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig” (Juan 19:34).

Ang patuloy na paglago ng pagdaloy ng tubig ay ang imaheng Pentekostes, nang ipinagkaloob ang Espiritu Santo sa mga alagad. Kasama ng handog na Espiritu, ang mga tagasunod ni Cristo ay binigyan ng pangako na siya ay magiging ilog ng buhay na bubukal sa kalooban nila. At ang ilog na iyan ay dadaloy sa buong sanlibutan (tingnan Juan 7:38-39).

Ang ilog ng buhay ay tataas bago bumalik ang Panginoon. Ito ay naipahayag bago ibinigay ang bisyon kay Ezekiel. Dinala ng Diyos ang propeta sa isang kahanga-hangang paglalakbay. May dalang panukat, nilakad ng Panginoon ang 1,000 metro, mga makatlong-milya. Sa distansang iyon, ang Panginoon at si Ezekiel ay naglakad sa tubig na sa puntong iyon ay may taas na hanggang bukung-bukong.

Saksi ni Exekiel, “Lumusong kami sa tubig” (Ezekiel 47:3). At patuloy na hinihikayat ng Panginoon ang propeta na magpatuloy , palalim at palayo. Pagkatapos ng 1,000 metro pa, ang tubig ay umabot na hanggang tuhod. At patuloy pa itong tumataas.

Nakikita mo ba kung ano ang nangyayari dito? Si Ezekiel ay lumalakad patungo sa kinabukasan, sa ating mismong panahon. Ang mga Kristiyano ngayon ay nabubuhay sa natitirang 1,000 metro ng ilog sa bisyon na ito. Tayo ay nasa huling natititirang sukatan ng tubig. At sinasabi ni Ezekiel na noong siya ay humakbang sa gilid ng sinukat na ito, ang tubig ay lubhang malalim na para sa kanya, lubos na nakadadaig na. “Hindi na ako makalulusong. Malalim na ang tubig at kailangang languyin upang matawid” (47:5).

Nasa imahinasyon ko lamang ang pagtataka ng lalaking ito habang hinihikayat siya ng Paginoon, “Ezekiel. Ano ang dagat na ito na tumaas? Kung ang ilog na ito ay tungkol lahat sa buhay at muling-pagkabuhay ng kapangyarihan, sino ang mga pagpapalain para languyin ang ganitong kaluwalhatian? Makikita lamang niya sa bisyon kung ano ang ating tinatamasa sa ngayon.

Maaring naranasan mo ang presensiya ng Panginoon ng masagana. Maaring mapukaw ang damdamin mo ng kasalukuyang pagpapahayag tungkol sa kanya. Gayunman, sinasabi ko sa iyo, hindi mo pa nakikita ang paghahambing na padating para sa mga makatuwiran. Bubuksan ni Cristo ang ating mga mata at nakamamanghang pagpapakita niya sa ating kalagitnaan. Ipakikita niya ang kanyang sarili sa atin, ibubuhos niya sa atin ang higit sa kanyang buhay na kaya nating mapanindigan na wala sa pagiging may maluwalhating katawan.

Lunes, Pebrero 9, 2009

KAPAG DUMATING NA ANG PAGBUBUKOD

“Simon, Simon! Makinig ka!Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin” (Lucas 22:31).

Kailangang maunawaan ninyo na hangad lamang ni Satanas na subukin lamang yaong mga banta sa kanyang gawain. Pinupuntirya niya yaong puno na maaaring magbunga ng hitik. Ngunit bakit hinangad ng dimonyo na ibukod si Pedro? Bakit siya labis na balisa na subukin siya? Kasi, sa loob ng tatlong taon si Pedro ay nagpapalayas ng diyablo at nagpapagaling ng may sakit. Narinig ni Satanas na ipinangako ni Jesus sa alagad ang isa pang bautismo, isa ng Espiritu Santo at ng apoy—at siya ay nangatog! Ngayon, narinig ng diyablo ang ultimong balak ng Diyos para kay Pedro. Naisip iya na ang nakalipas na tatlong taon ay hindi maikukumpara sa mga dakilang gawain na siyang gagawin ni Pedro at ng iba pang alagad. Bilang naibagsak na niya si Judas, hahanap siya ng paraan ng katiwalian na maibibintang kay Pedro para mapabagsak ang pananampalataya niya.

Maaring, katulad ni Pedro, ikaw ay nasa pagsubok sa mga sandaling ito, niyuyugyog at ibinubukod. Ngunit, naitanong mo, bakit ako? At bakit ngayon? Una sa lahat, dapat kang magsaya sapagkat mayroon kang ganoong reputasyon sa impiyerno! Hindi hihilingin ni Satanas sa Diyos ang pahintulot na subukin ka kung hindi ka rin lamang tumawid sa guhit ng pagiging masunurin. Bakit pa siya mag-aasakya ng panahon na guluhin ka at ligaligin, takutin ka at yanigin ng lahat ng mayroon ka? Sinusubok ka niya sapagkat may mahalaga kang ginagampanan sa iglesya ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang Diyos ay muling gumagawa ng mga bagong bagay dito sa huling salinlahi, at ikaw ibinukod niya bilang isa sa mga makapangyarihang saksi sa marami. Pinalaya ka niya at inihahanda ka niya para sa kanyang walang-hanggang layunin. At mas mayroon kang mahalagang handog, mas posible ka na mapili, na mas mahalaga ang iyong pagsuko sa kalooban ng Diyos—mas mahigit ang iyong pagsubok.

Kapag mayroon dumaraan sa apoy ng pagsubok, ano ang dapat gawin ng mga nakapaligid sa kanya? Ano ang ginawa ni Jesus tungkol sa maaring pagbagsak ni Pedro? Sinabi niya sa kanya, “Subalit idinalangin ko na huwag lubusang mawala ang iyong pananampalataya” (Lucas 22:32).

Nakatingin ako dito sa nakamamanghang halimbawa ng pag-ibig ni Cristo at nakita ko halos wala akong nalalaman tungkol sa kung paano ibigin yaong mga bumagsak. Tunay nga na si Jesus ay siyang, “May pagkakaibigang madaling lumamig, nguit may kaibigang higit pa sa kapatid” (Kawikaan 18:24). Nakita niya ang parehong mabuti at masama kay Pedro at nagbigay siya ng kongklusyon, “Ang lalaking ito ay karapatdapat na iligtas. Hangad siya ni Satanas, ngunit mas hinahangaad ko siya.” At tunay na iniibig ni Pedro si Jesus, at sinabi sa kanya ni Jesus,”Idinalangin kita.” Ito ay matagal ng nakita ni Jesus na parating. Maaring gumugol siya ng maraming oras sa harapan ng Ama at pinag-uusapan nila si Pedro—kung gaano niya siya kamahal, kung gaano siya kailangan sa kaharian ng Diyos, kung gaano niya siya pinahahalagaham bilang isang kaibigan.

Panginoon, ipagkaloob mo sa amin ang ganoong uri ng pag-ibig! Kapag nakita namin ang mga kapatirang babae at lalaki na pabagsak na at patungo sa kaguluhan o kapahamakan, hayaan mong ibigin namin sila ng sapat para mabigyan sila ng babala na matatag katulad ng pagbibigay babala ni Jesus kay Pedro. At ng sa ganoon ay masasabi naming, “Idinadalangin kita.”

Ngayon mayroon pang isa “Ito ay nakasulat” na kung saan ay maari tayong makipagdigma kay Satanas. Ito ay: “Idinalangin kita para hindi bumagsak ang iyong pananampalataya.” Maari mong sabihin sa diyablo, “Maaring nakahingi ka ng pahintulot na subukin ako, subukin na pabagsakin ang aking pananampalataya. Ngunit kailangan malaman mo ito: “Idinadalangin ako ni Jesus!”

Biyernes, Pebrero 6, 2009

ANG TUMAWID SA GUHIT

Nang maglakad si Jesus sa sanlibutan, alam niya ng lubusan ang kabagsikan ng kapangyarihan ni Satanas, at dumating siya dala ang lahat ng sandata ng impiyerno para paghiwa-hiwalayin ang mga tao ng Panginoon. Palagay ko ay wala isa man sa atin ang kayang unawain ang mabigat na hidwaan na nagngangalit ngayon sa daigdig ng espirituwal. O kaya ay hindi natin nauunawaan kung gaano kasidhi ang pagnanasa ni Satanas na puksain ang lahat ng mananampalataya na itinuon ng madiin ang kanilang gutom na puso ng tuluy-tuloy para kay Cristo. Ngunit totoo na sa Kristiyanong paglalakad natin, tayo ay tumawid sa guhit—ang guhit ng pagsunod—na nagpatunog ng lahat ng alarma sa Impiyerno. At sa sandaling tumawid tayo sa guhit patungo sa buhay ng pagiging masunurin sa Salita ng Diyos at pagtitiwala kay Jesus lamang, tayo ay naging banta sa kaharian ng kadiliman at naging pangunahing tudlaan ng makadimonyong kapangyarihan. Ang patotoo ng bawat mananampalataya na tumanggap sa Panginoon ng buong puso ay kasama ang biglaang pag-atake ng kakaiba at masidhing mga kaguluhan at mga pagsubok.

Kapag tumawid ka sa guhit ng pagiging masunirin, ikaw ay gumagawa ng alon sa daigdig na hindi nakikita. Sa Lucas 22:28-34 iniharap ni Jesus ang paksa ng paghihiwalay ng mga banal. “Simon, Simon!...Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin” (t. 31). Sa araw ni Cristo, ang mga manggagawa ng grano ay gumagamit ng bistay bago nila ilagay sa sako ang mga butil. Pinapala nila ang trigo at inilalagay sa kuwadradong kahon na may takip ng lambat hanggang sa ang matira na lamang ay ang mga butil ng grano. Sa talatang ito ang paghihiwalay ay nangangahulugan “na yugyugin at pagbukud-bukudin”—para mayugyog sa pamamagitan ng pagpukaw ng biglaang mga pagsubok. Ginamit ni Jesus ang kahalintulad nito para sabihin kay Pedro: “Naniniwala si Satanas na ikaw ay walang-ibig-sabihin kundi isa kang buhangin at dumi lamang, at kapag inilagay ka niya sa bistayan at niyugyog, ikaw ay mahuhulog sa lupa!”

Mayroong mga paglilitis at mga pagsubok, at pagkatapos ay paghihiwa-hiwalay. Nakita ko na ang paghihiwa-hiwalay ay isang mayor, panglahatang makadimonyong pag-atake. Ito ay kadalasang siksik sa isang maiksi ngunit masidhing kapanahunan. Para kay Pedro, ang paghihiwa-hiwalay ay tatagal lamang ng ilang araw, ngunit ang mga araw na iyon ay magiging pinakamatinding pagyugyog sa pananampalataya, nakagigimbal at nakapagsisising mga araw ng kanyang buhay. Ang panahon ng paghihiwalay ay yumanig sa pagmamataas na nagpabagsak kay Pedro. Ang pagyugyog na yaon ay nag-alis sa kanyang espiritu ng mga hadlang na maaring pumuksa sa kanyang patotoo ng lubus-lubusan.

Salamat sa Diyos, hindi bumagsak ang pananampalataya ni Pedro at sa tiyakan na sa pananalangin ni Jesus na ang kanyang “pananampalataya ay hindi babagsak,” kaya siya ay nananalangin para sa atin na katulad noon.

Huwebes, Pebrero 5, 2009

ANG ORAS NG PAGBUBUKOD

Alam ko kung paano humarap sa banal na katahimikan, ang hindi marinig ang tinig ng Diyos sa isang kapanahunan. Naglakad ako sa kapanahunan ng ganap na kaguluhan na walang pumapatnubay, at nanatiling ganap na tahimik ang maliit na tinig sa likuran ko. May panahon na wala akong kaibigan na malapitan para aliwin ang puso ko ng kanyang mga payo. Ang dating paraan ng patnubay sa akin ay nabaluktot ng lahat, at ako’y naiwan sa ganap na kadiliman. Hindi ko na makita ang aking daraanan, at nagsunod-sunod ang aking mga pagkakamali. Nais kong sabihin, “O, Diyos ko, ano ang nangyari? Hindi ko na alam ang patutunguhan ko!”

Talaga bang itinatago ng Diyos ang kanyang mukha doon sa mga iniibig niya? Hindi ba maaring itaas niya ang kanyang kamay ng ilang sandali para turuan tayo ng pagtitiwala at pag-asa? Sinagot ng Bibliya ng maliwanag: “Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin siya” (2 Cronico 32:31).

Maaring dumaraan ka sa baha ng pagsubok sa mga sandaling ito. Alam mo ang ibig kong sabihin sa sinasabi kong ang langit ay katulad ng tanso. Alam mo ang paulit-ulit na mga kabiguan. Hintay ka ng hintay sa kasagutan sa mga panalangin. Inihain sa iyo ang isang tasa ng kapighatian. Wala at walang sinuman ang maaring humipo ng pangangailangang ito ng iyong puso!

Iyan ang panahon para manindigan ka! Hindi mo kailangang tumawa o magsaya, sapagkat wala kang kaligayahan sa mga sandaling ito. Sa katunayan, maaring walang natitira sa iyo kundi kaguluhan sa iyong espiritu. Ngunit maari mong malaman na ang Diyos ay kasama mo pa rin, sapagkat sinabi ng Kasulatan, “Siya rin ang naghahari sa dagat na kailaliman, namumuno siya roon bilang hari, walang hanggan” (Awit 29:10).

Di magtatagal maririnig mo ang kanyang tinig: Huwag magpadalus-dalos, huwag matakot. Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa akin. Ipagkaloob ang lahat sa akin. At malalaman mo na ikaw ang matitirang layon ng kanyang kahanga-hangang pag-ibig.

Miyerkules, Pebrero 4, 2009

NAANTALANG KASAGUTAN SA PANALANGIN!

Marami sa atin ay nananalangin na katulad ni David: “Pag ako’y tumawag, ako’y iyong dinggin” (Awit 102:2). “Ib’san mo na ako sa bigat ng pasan” (Awit 69:17). Ang Hebreong salita para sa madalian ay nagmumungkahi ng “ngayon na, bilisan, sa mismong sandali na tumawag ako, gawin na!” Sinasabi ni David, “Panginoon, inilalagay ko ang pananalig ko sa iyo—ngunit bilisan mo!”

Ang Diyos ay hindi nagmamadali. Hindi siya naglulumundag sa ating mga utos. Sa katunayan, maaring iniisip mo kung sasagutin ka pa niya. Tumatawag ka, umiiyak, nagmamadali at umaasa—ngunit dumaan ang mga araw, mga lingo, mga buwan, maging mga taon na, at hindi mo pa rin natatanggap kahit na maliit na patunay na naririnig ka ng Diyos. Una tinatanong mo ang iyong sarili: “Mayroong bagay na humahadlang sa aking mga panalangin.” Nagiging gulo ang isip mo, at sa magdamagan ang iyong saloobin sa Diyos ay nagiging katulad nito: “Panginoon, ano ang dapat kong gawin para ang panalanging ito ay masagot? Ipinangako mo sa iyong Salita na bibigyan mo ako ng kasagutan, at nanalangin ako ng may pananalig. Gaano pa kadami ang iluluha ko?”

Bakit ibinibinbin ng Diyos ang kasagutan sa mga tapat na panalangin? Ito ay hindi dahil sa kulang ang kapangyarihan niya. At higit pa na nais niyang makatanggap tayo mula sa kanya. Hindi, matatagpuan ang kasagutan sa talatang ito: “Isinaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalangin lagi at huwag manghinawa” (Lucas 18:1).

Ang Griyegong salita para sa nawalan ng pag-asa, o manghinawa sa saling-wika ng King James, ay nangangahulugan na “magpahingalay o mag-libang-libang, na manghina o napapagal sa pananampalataya, sumuko sa pagsisikap, hindi na nahintay ang kapunuan.” Sinabi ng Galacia 6:9, Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.” Ang Panginoon ay naghahanap ng mga nananalanging mga tao na hindi magpapahingalay o mapapagal sa paglapit sa kanya. Ang mga taong ito ay maghihintay sa Panginoon, hindi susuko hanggang sa matapos ang kanyang gawain. At matatagpuan silang naghihintay kapag dala na niya ang kasagutan.

Martes, Pebrero 3, 2009

PAGKASTIGO NG MAY PAG-IBIG

Sapagkat iniibig kayo ng Diyos, kikilos siya para linisin kayo. Ngunit ito ay may pag-ibig na pagkastigo doon sa mga nagsisi at bumalik sa kanya. Maaring madama ninyo ang palaso ng Diyos sa inyong espiritu dahil sa inyong mga nakalipas at kasalukuyang mga kasalanan, ngunit kung may puso kayong nagsisisi at nais tumalikod sa pagkakasala, maari kayong tumawag sa kanyang may pag-ibig na pagkastigo. Kayo ay itatama—ngunit may kasamang dakilang pagkaawa at habag. Hindi ninyo madadama ang kanyang poot na katulad ng mga makakasalanan, kundi ang palo ng kanyang pagdisiplina, na ginamitan ng kanyang mapagmahal na kamay.

Maaring ang inyong pagdurusa ay nanggaling sa paggawa ng mga maling pagpapasiya. Ilang mga kababaihan ang nagdurusa sapagkat pinakasalan nila ang mga lalaking nagbabala ang Diyos na huwag nilang pakasalan? Ilang mga anak ang sinaktan ang puso ng kanilang mga magulang, nagdala sa kanila sa dulo ng kanilang mga lubid? Gayunman ang nga ito ay nangyari dahil sa mga kasalanan, pagpapabaya at kompromiso ng kanilang mga magulang sa mga nakalipas na taon.

Kapag umabot ka na sa pinakamababang punto ng iyong buhay, ito ay panahon na para hanapin ang Panginoon sa iyong mga kabiguan, pagsisisi at pananampalataya. Panahon na para tanggapin ang bagong pagpupuno ng lakas ng Espiritu Santo. Panahon na para manumbalik at magpalakas. Para mag-umapaw ang espirituwal na lakas sa kalooban mo.

Tingnan mo, kapag tumawag ka sa Diyos, ibubuhos niya ang kanyang lakas para sa iyo: “Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako…Kahit ako’y nababatbat ng maraming suliranin, ako’y walang agam-agam panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway. Ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo’y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap” (Awit 138:3, 7-8).

Ang isa sa mga pinakamahirap na bagay na di kayang tanggapin ng mga Kristiyano ay ang pagdurusa ng mga makatuwiran. Hanggang sa panahon ni Cristo, iniugnay ng mga Hudyo ang kaunlaran at magandang kalusugan sa pagiging maka-Diyos. Naniniwala sila na kapag ikaw ay mayaman, nasa mabuting kalusugan o kaya’y pinagpapala, ito’y dahilan sa ang Diyos ay nagpapakita na siya ay nalulugod sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga alagad ni Jesus ay nahirapang unawain ang kanyang pahayag na “Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman” (Mateo 19:24). Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila, “Kung gayon, sino po ang maliligtas?”

Katulad sa panahon ngayon, mayroong maling doktrina na nagsasabing kung ikaw ay may pakikipagkasundo sa Diyos ay hindi ka magdurusa; tumawag ka lang sa Diyos at patakbo siyang darating para lutasin agad ang lahat ng madalian. Ngunit hindi ito ang magandang balita! Ang mga bayani ng mananampalataya na nakatala sa Hebreo 11 ay naglalakad na may malapit na kaugnayan ng pananalig sa Diyos at sila’y nagdusa sa pambabato, pangungutya, pagpapahirap at marahas na kamatayan (t. 36-38).

Nais ng Diyos na magtanim sa atin ng ilang bagay sa ating mga puso sa pamamagitan ng mga paglilitis at mga pagsubok. Nais niyang makaya nating sabihin na, ” Panginoong Jesus, ikaw ang aking Tagapag-tanggol, at naniniwala ako na ikaw ang namamahala sa mga nangyayari sa aking buhay. Kung may mangyayari sa akin, ito’y dahilan sa ito ay pinayagan mo, at nagtitiwala ako sa iyong dahilan sa paggawa nito. Tulungan mo akong maunawaan ang aral na nais mong matutunan ko sa mga bagay na ito. Kung ako’y lalakad sa katuwiran at mayroon akong kagalakan mo sa aking puso, kung ganon ang aking pamumuhay at kamatayan ay magdadala ng kaluwalhatian sa iyo. Nananalig ako na ikaw ay mayroong inihandang kaluwalhatian, ilang walang-hanggang layunin na hindi kayang unawain ng aking may hangganang kaisipan. Ngunit kahit ano pa ang mangyari, sasabihin kong, ‘Jesus, kahit na mamatay o mabuhay ako, ako’y iyo!”

Lunes, Pebrero 2, 2009

SINABI NG DIYOS SA AKIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI KO INAASAHAN MARINIG!

Isang gabi habang nasa isang pulong ng pananalangin, may sinabi ang Diyos sa akin tungkol sa aming iglesya na hindi ko inaasahan na marinig.

Ibinulong ng Panginoon sa akin, “Kailangan ng iglesya ng isang nakakasindak na pakikitungo! Masyadong marami na ang lumalagong kontento at basta nasisiyahan na lamang. Nararamdaman mong panatag at ligtas mula sa hangin at alon ng mga maling doktrina na laganap sa sanlibutan—ngunit hindi ka handa sa kung ano ang padating!”

Minamahal, ang mensahe ng pagkakaroon ng patotoo ng Espiritu na kumikilos sa iyo ay hindi isang pakiusap—ito ay may kinalaman sa buhay at kamatayan! Kung wala sa iyo ang patotoo ng Espiritu sa mga huling araw na ito, hindi mo ito maliligtasan! Bibigay ka sa padating na espiritu ng Antikristo!

Kailangan mo ng patotoo ng Espiritu Santo araw-araw—sa iyong trabaho, sa gawaan, at sa paaralan. Kailangan matutunan mong husgahan ang mga politiko at mga pinuno para hindi ka basta madadala ng sistema ng antikristo.

Iyan ang sinusubukang sabihin ni Jesus sa atin tungkol sa hangal na dalaga na naubusan ng langis para sa kanilang lampara. Mayroon silang panustos ng Espiritu Santo—ngunit wala silang patotoo nito sa huling sandali.

Huwag mauwi sa pagiging hangal na dalaga! Kung ikaw ay maubusan ng langis—magtiwala sa iyong iglesya o sa iyong pastor para pangalagaan ang iyong kaluluwa—pagkatapos ay magsisi! Magpakumbaba at suriin ang iyong puso! Dumaing sa Diyos para maalis sa iyong espiritu ang lahat ng poot at pait. Ikumpisal ang iyong mga kasalanan at iwaksi ang mga ito. At muling sumandal sa Diyos para sa lahat ng bagay!

Kamtin mo ang kapayapaan ng Diyos sa iyong puso, para magkaroon ka ng patotoo ng Espiritu Santo. At hingin sa Diyos ang isang dakilang pagpapahalaga ng Espiritu. Imbitahan mo siyang maging patotoo mo at patnubay sa lahat ng bagay!

May kabayaran ang magpatuloy para kay Jesus, ngunit makatatanggap din tayo ng gantimpala. Ito ay isang simpleng pagpapala na makasama si Cristo na manindigan kasama natin. Mayroon pang maraming ibang gantimpala (tingnan Mateo19:29), ngunit babanggitin ko ang isang ito sapagkat ito lamang ang kakailanganin natin.

Nang si Pablo ay mabilanggo sa Jerusalem, ang buong sistema ng relihiyon ay nais siyang patayin. Inakusahan siyang nilalapastangan niya ang banal na lugar at nangangaral ng mga huwad na doktrina. Ang buhay niya ay nanganganib, maging ang mga kawal ay “Natakot ang pinuno baka lurayin nila si Pablo” (Gawa 23:10). Kaya’t kinuha siya ng sapilitan at ikinulong sa kuta. Nang sumunod na gabi kinausap si Pablo mismo ng Panginoon, at dala ang nakamamanghang salita: “Magsaya ka! Mayroon pang mga padating na kaguluhan!”

Ang kabayaran sa pagsunod kay Cristo ay maliwanag sa mga buhay ng mga taong ito ng Diyos—at kung tayo ay gagaya sa ating Panginoon, kung ganoon ay yayakapin din natin ang kabayarang ito. Ang magpakatatag ay nagiging isang kaluguran sapagkat ipinangako ni Jesus na sasamahan tayo sa lahat ng kalalagayan. At kaya nating harapin ang lahat o sinuman kapag alam nating kasama natin ang Panginoon.

Kaya’t bilangin ang kabayaran at alamin na ang iyong gantimpala, sa lahat ng bagay, ay ang mahalagang presensiya ni JesuCristo.