Nang maglakad si Jesus sa sanlibutan, alam niya ng lubusan ang kabagsikan ng kapangyarihan ni Satanas, at dumating siya dala ang lahat ng sandata ng impiyerno para paghiwa-hiwalayin ang mga tao ng Panginoon. Palagay ko ay wala isa man sa atin ang kayang unawain ang mabigat na hidwaan na nagngangalit ngayon sa daigdig ng espirituwal. O kaya ay hindi natin nauunawaan kung gaano kasidhi ang pagnanasa ni Satanas na puksain ang lahat ng mananampalataya na itinuon ng madiin ang kanilang gutom na puso ng tuluy-tuloy para kay Cristo. Ngunit totoo na sa Kristiyanong paglalakad natin, tayo ay tumawid sa guhit—ang guhit ng pagsunod—na nagpatunog ng lahat ng alarma sa Impiyerno. At sa sandaling tumawid tayo sa guhit patungo sa buhay ng pagiging masunurin sa Salita ng Diyos at pagtitiwala kay Jesus lamang, tayo ay naging banta sa kaharian ng kadiliman at naging pangunahing tudlaan ng makadimonyong kapangyarihan. Ang patotoo ng bawat mananampalataya na tumanggap sa Panginoon ng buong puso ay kasama ang biglaang pag-atake ng kakaiba at masidhing mga kaguluhan at mga pagsubok.
Kapag tumawid ka sa guhit ng pagiging masunirin, ikaw ay gumagawa ng alon sa daigdig na hindi nakikita. Sa Lucas 22:28-34 iniharap ni Jesus ang paksa ng paghihiwalay ng mga banal. “Simon, Simon!...Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin” (t. 31). Sa araw ni Cristo, ang mga manggagawa ng grano ay gumagamit ng bistay bago nila ilagay sa sako ang mga butil. Pinapala nila ang trigo at inilalagay sa kuwadradong kahon na may takip ng lambat hanggang sa ang matira na lamang ay ang mga butil ng grano. Sa talatang ito ang paghihiwalay ay nangangahulugan “na yugyugin at pagbukud-bukudin”—para mayugyog sa pamamagitan ng pagpukaw ng biglaang mga pagsubok. Ginamit ni Jesus ang kahalintulad nito para sabihin kay Pedro: “Naniniwala si Satanas na ikaw ay walang-ibig-sabihin kundi isa kang buhangin at dumi lamang, at kapag inilagay ka niya sa bistayan at niyugyog, ikaw ay mahuhulog sa lupa!”
Mayroong mga paglilitis at mga pagsubok, at pagkatapos ay paghihiwa-hiwalay. Nakita ko na ang paghihiwa-hiwalay ay isang mayor, panglahatang makadimonyong pag-atake. Ito ay kadalasang siksik sa isang maiksi ngunit masidhing kapanahunan. Para kay Pedro, ang paghihiwa-hiwalay ay tatagal lamang ng ilang araw, ngunit ang mga araw na iyon ay magiging pinakamatinding pagyugyog sa pananampalataya, nakagigimbal at nakapagsisising mga araw ng kanyang buhay. Ang panahon ng paghihiwalay ay yumanig sa pagmamataas na nagpabagsak kay Pedro. Ang pagyugyog na yaon ay nag-alis sa kanyang espiritu ng mga hadlang na maaring pumuksa sa kanyang patotoo ng lubus-lubusan.
Salamat sa Diyos, hindi bumagsak ang pananampalataya ni Pedro at sa tiyakan na sa pananalangin ni Jesus na ang kanyang “pananampalataya ay hindi babagsak,” kaya siya ay nananalangin para sa atin na katulad noon.