Marami sa atin ay nananalangin na katulad ni David: “Pag ako’y tumawag, ako’y iyong dinggin” (Awit 102:2). “Ib’san mo na ako sa bigat ng pasan” (Awit 69:17). Ang Hebreong salita para sa madalian ay nagmumungkahi ng “ngayon na, bilisan, sa mismong sandali na tumawag ako, gawin na!” Sinasabi ni David, “Panginoon, inilalagay ko ang pananalig ko sa iyo—ngunit bilisan mo!”
Ang Diyos ay hindi nagmamadali. Hindi siya naglulumundag sa ating mga utos. Sa katunayan, maaring iniisip mo kung sasagutin ka pa niya. Tumatawag ka, umiiyak, nagmamadali at umaasa—ngunit dumaan ang mga araw, mga lingo, mga buwan, maging mga taon na, at hindi mo pa rin natatanggap kahit na maliit na patunay na naririnig ka ng Diyos. Una tinatanong mo ang iyong sarili: “Mayroong bagay na humahadlang sa aking mga panalangin.” Nagiging gulo ang isip mo, at sa magdamagan ang iyong saloobin sa Diyos ay nagiging katulad nito: “Panginoon, ano ang dapat kong gawin para ang panalanging ito ay masagot? Ipinangako mo sa iyong Salita na bibigyan mo ako ng kasagutan, at nanalangin ako ng may pananalig. Gaano pa kadami ang iluluha ko?”
Bakit ibinibinbin ng Diyos ang kasagutan sa mga tapat na panalangin? Ito ay hindi dahil sa kulang ang kapangyarihan niya. At higit pa na nais niyang makatanggap tayo mula sa kanya. Hindi, matatagpuan ang kasagutan sa talatang ito: “Isinaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalangin lagi at huwag manghinawa” (Lucas 18:1).
Ang Griyegong salita para sa nawalan ng pag-asa, o manghinawa sa saling-wika ng King James, ay nangangahulugan na “magpahingalay o mag-libang-libang, na manghina o napapagal sa pananampalataya, sumuko sa pagsisikap, hindi na nahintay ang kapunuan.” Sinabi ng Galacia 6:9, Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.” Ang Panginoon ay naghahanap ng mga nananalanging mga tao na hindi magpapahingalay o mapapagal sa paglapit sa kanya. Ang mga taong ito ay maghihintay sa Panginoon, hindi susuko hanggang sa matapos ang kanyang gawain. At matatagpuan silang naghihintay kapag dala na niya ang kasagutan.