Huwebes, Pebrero 19, 2009

WALANG DUNGIS SA GITNA NG KASAMAAN

“Ngunit ipinasiya ni Daniel na huwag tikman man lamang ang pagkain at alak na bigay ng hari upang hindi siya makakain ng mga bagay na marumi ayon sa Kautusan. Kaya, ipinakiusap niya kay Azpenaz na huwag silang pakainin niyon” (Daniel 1:8).

Ang salitang dungisan dito ay nagmumungkahi na “makaligtas sa pamamagitan ng pagtatatwa.” Sinasabi ni Daniel sa ibang salita, “Ang anumang kompromiso ng aking pamantayan ay nanakawan ako ng aking kalayaan!” Kaya si Daniel ay nakipagkasundo na kumain lamang ng lentehas at uminom lamang ng tubig sa loob ng sampung araw. Nang sinabi niya ito kay Azpenaz, sumagot ang prinsipe, “Ilalagay mo ako sa bingit ng kamatayan! Magmumukha kang may sakit sa ikasampung araw. Lulubog ang pisngi mo—at tiyak na mapupuna ito ng hari! Narito—kumain ka kahit kaunting karne. Kakailanganin mo ang protina. Inumin mo ang alak para gumanda ang takbo ng iyong dugo. Kumain ka ng ilan sa mga matatamis na ito para lumakas ka!”

Naniniwala ako na si Daniel at ang tatlong lalaking taga Hebreo ay mayroon pang iba sa kanilang mga isipan kaysa sa pag-iwas sa mga bagay na madumi. Sila ay nabihag kasama ng mga libu-libo nilang mga kababayan. Ang kanilang nakita nang una silang dumating sa Babilonya ay hindi kapani-paniwalang sumindak sa kanila. Ito ay isang lipunan na ganap na nagwawala, walang moral at puno ng panglalait, ang espirituwal na sensibilidad ng apat na lalaking ito ay natuligsa.

Kaya ang apat ay nagkasundo. Sinabi nila sa bawat isa, “Hindi tayo makikipagkompromiso. Hindi tayo makikihalo sa pamantayan ng kanilang moralidad. Hihiwalay tayo, at tayo ay magiging disiplinado sa ating paglalakad sa pananampalataya.

Ang apat na lalaking ito ay hindi nangaral tungkol sa kanilang pamamaraan ng pamumuhay sa iba. Ito ay usapin sa pagitan nila at ng Diyos.

Tanong ko sa iyo: Kapag ikaw ay nasa kagipitan, ikaw ba’y dumaraing, “Panginoon, nasaan ka kapag kailangan kita? Hindi ba nakipagkasundo ka sa aking kaligtasan?” Ngunit paano kung sabihin sa iyo ng Panginoon, “Nasaan ka ng kailangan ko ng tinig? Kailangan ko ng tinig sa makasalanang panahon ngayon, dalisay na sisidlan na kung kanino ay maari akong makipag-usap. Sinabi mo na nais mong dumating ako sa panahon ng iyong kagipitan—samantalang ikaw ay bahagi pa rin ng kasamaan, ng sistema ng sanlibutan. Sabihin mo sa akin—ikaw ba ay nakipagkasundo para sa aking mga layunin?”