Alam ko kung paano humarap sa banal na katahimikan, ang hindi marinig ang tinig ng Diyos sa isang kapanahunan. Naglakad ako sa kapanahunan ng ganap na kaguluhan na walang pumapatnubay, at nanatiling ganap na tahimik ang maliit na tinig sa likuran ko. May panahon na wala akong kaibigan na malapitan para aliwin ang puso ko ng kanyang mga payo. Ang dating paraan ng patnubay sa akin ay nabaluktot ng lahat, at ako’y naiwan sa ganap na kadiliman. Hindi ko na makita ang aking daraanan, at nagsunod-sunod ang aking mga pagkakamali. Nais kong sabihin, “O, Diyos ko, ano ang nangyari? Hindi ko na alam ang patutunguhan ko!”
Talaga bang itinatago ng Diyos ang kanyang mukha doon sa mga iniibig niya? Hindi ba maaring itaas niya ang kanyang kamay ng ilang sandali para turuan tayo ng pagtitiwala at pag-asa? Sinagot ng Bibliya ng maliwanag: “Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin siya” (2 Cronico 32:31).
Maaring dumaraan ka sa baha ng pagsubok sa mga sandaling ito. Alam mo ang ibig kong sabihin sa sinasabi kong ang langit ay katulad ng tanso. Alam mo ang paulit-ulit na mga kabiguan. Hintay ka ng hintay sa kasagutan sa mga panalangin. Inihain sa iyo ang isang tasa ng kapighatian. Wala at walang sinuman ang maaring humipo ng pangangailangang ito ng iyong puso!
Iyan ang panahon para manindigan ka! Hindi mo kailangang tumawa o magsaya, sapagkat wala kang kaligayahan sa mga sandaling ito. Sa katunayan, maaring walang natitira sa iyo kundi kaguluhan sa iyong espiritu. Ngunit maari mong malaman na ang Diyos ay kasama mo pa rin, sapagkat sinabi ng Kasulatan, “Siya rin ang naghahari sa dagat na kailaliman, namumuno siya roon bilang hari, walang hanggan” (Awit 29:10).
Di magtatagal maririnig mo ang kanyang tinig: Huwag magpadalus-dalos, huwag matakot. Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa akin. Ipagkaloob ang lahat sa akin. At malalaman mo na ikaw ang matitirang layon ng kanyang kahanga-hangang pag-ibig.