Si Jesus ay tumayo sa may templo at inanyayahan ang lahat na tanggapin ang kanyang may kahabagang pangangalaga. Tinawag niya ang mga bulag, may sakit, ketongin, mga mahihirap, mga naliligaw, lahat para lumapit at matagpuan ang pagpapagaling at kapatawaran. Ngunit ang mga relihiyoso ay tumanggi sa kanyang alok. Kaya si Cristo ay nagpatotoo sa kanila,”Ngunit ayaw ka!” (Mateo 23:37).
Habang binabasa ko ito, isang katanungan ang pumasok: Dito sa Bagong Tipan, itatapon ba ng Diyos ang lumang gawain katulad ng ginawa niya sa Luma? Itatapon ba niya yaong mga tumanggi sa kanyang alok ng grasya, kahabagan at pagpukaw?
Oo, gagawin niya, sinagot ni Jesus yaong mga tumanggi sa kanya sa pagsasabi ng, “Kaya’t lubusang pababayaan ang iyong tahanan” (Mateo 23:38). Sinabi niya sa kanila, “Ang templong ito ngayon ang inyong magiging tahanan, hindi akin. Iiwan ko na ito. Iiwan ko ang inyong inaksaya at pinabayaan.”
Idinagdag pa niya, “Sinasabi ko sa inyo: hindi na ninyo ako makikita hanggang dumating ang oras na sabihin ninyo, ‘Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’” (23:39). Ipinapahayag niya sa kanila, “Ang kaluwalhatian ko ay wala na sa lumang gawain.”
Isipin ang mga bagay na ito. Tumayo siyang may kahabagan at grasyang nagkatawang tao, sinasabi na, “Ang lumang bagay ay hindi na sa akin.” At pagkatapos ay nagtungo na si Jesus patungo sa Pentekostes, sa panimula ng bagong bagay. Sisimulan na niya ang magtatag ng bagong iglesya, hindi katulad ng dati. At gagawin niya itong bago mula sa pundasyon. Ito ay magiging iglesya ng mga bagong pari at mga tao, lahat ay muling isinilang sa kanya.
Hayaan ninyong tanungin ko kayo: Ang nakikita ba ninyo sa mga nangyayari sa iglesya ngayon ay kumakatawan kung sino si Jesus? Ang nakikita ba natin ay tunay na matagumpay na iglesya, walang dungis na nobya ni Cristo? Ipinahahayag ba nito sa ligaw na sanlibutan ang tunay na kalikasan ng Diyos? Ito ba ang pinakamahusay na maibubunga ng Espiritu ng Diyos sa mga huling araw na ito?
Natagpuan mo na ba ang iglesya na kung saan ay tunay na nandoon ang presensiya ni Cristo at ang Salita ay tapat na ipinangangaral? Tunay na dapat kayong magpasalamat. Maaring ikaw ay kasama ng marami na hindi makita ang iglesya na may buhay. Naririnig ko ang kanilang mga daing, “Hindi ko makita ang iglesya na kayang ibigay ang aking espirituwal na pagkagutom. Masyadong maraming kalibangan—masyadong makasarili—masyadong tuyot.”
Huwag mag-alala—malapit ng yanigin ng Diyos ang mga bagay sa hindi kapani-paniwalang pamamaraan. Doon sa nakasisindak na pagyanig ng lahat ng mga bagay, iaangat ng Diyos ang mga tunay na pastol na magpapakain ng mga nagugutom na tupa.