Ipaalala mo sa iyong sarili na alam ng Diyos kung ano lamang ang iyong makakayanan, at hindi niya hahayang marating mo ang dulo ng pagkawasak.
Sinabi ng ating mapagmahal na Ama, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin ng higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).
Ang pinakamasamang uri ng pagwawalang-pakundangan ay isipin na ang Diyos ay may kinalaman sa iyong mga pasakit at kirot, na iyon ay ang Amang nasa langit na dinisiplina ka, na iniisip ng Diyos na kailangang mo pa ang isa o dalawa pang kabiguan bago mo tanggapin ang kanyang mga pagpapala. Hindi maaring mangyari iyon!
Totoo na kinakastigo ng Diyos ang kanyang mga iniibig, ngunit ang pagkastigo ay para lamang sa isang panahon at hindi para saktan tayo. Ang Diyos ay hindi ang umakda ng kaguluhan sa iyong buhay; maging ikaw man. Ang kalaban ay sinusubok na saktan tayo sa pamamagitan ng ibang tao, katulad ng saktan nila si Job sa pamamagitan ng kanyang asawa na walang paniniwala.
Ang Amang nasa langit ay nagbabantay sa inyo na may matatag na pagtingin. Ang bawat galaw ay binabantayan; ang bawat patak ng luha ay inilalagay sa botelya. Nararamdaman niya ang bawat kirot at alam niya kapag ikaw ay nalantad sa lubhang kahihiyan mula sa kaaway. Hahakbang siyang papasok at sasabihing, “Tama na!” Kapag ang kirot ay hindi na naglalapit sa iyo palapit sa Panginoon at sa halip, ay nagsisimula ng bumagsak ang iyong espirituwal na buhay, papasok ang Diyos. Hindi niya papayagan na ang isang nagtitiwalang anak niya ay tuluyang babagsak dahilan sa labis na kirot at paghihjirap ng espiritu.
Ililigtas ka ng Diyos mula sa pakikipaglaban, sa tamang pagkakataon. Hindi niya papayagan na ang kirot ay sirain ang iyong isipan. Ipinangako niya na darating siya, sa tamang pagkakataon, para punasan ang mga luha mo at bigyan ka niya ng kaaliwan para sa iyong pagluluksa. Sinabi ng Salita ng Diyos, “Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak” (Awit 30:5).