Lunes, Pebrero 16, 2009

NAIBIGAY KO NA ANG ANG SALITA SA INYO

Nabubuhay tayo sa panahon ng dakilang pagpapahayag ng magandang balita sa kasaysayan. Mas maraming mangangaral, mas maraming aklat, at mas maraming mamamahayag ng magandang balita na laganap na higit pa kailanman. Gayunman hindi pa nagkaroon ng mas higit na paghihirap, kapighatian at kaguluhan sa pag-iisip sa mga tao ng Diyos. Ang mga Pastor sa mga panahon ngayon ay idinesenyo ang kanilang mga sermon para lamang maiangat ang mga tao at matulungan sila na harapin ang kanilang kawalan ng pag-asa.

Walang masama dito. Ipinangangaral ko rin ang mga katotohanang ito. Gayunman naniniwala ako na may isa lamang dahilan kung bakit kaunting tagumpay lamang at kaligtasan ang ating nakikita: ito ay kawalan ng pananalig. Ang katunayan ay, nagsalita ng ganap na maliwanag ang Diyos sa mga huling araw na ito. At ito ang kanyang sinabi, “Naibigay ko na ang Salita. Ito ay tapos na at kumpleto. Ngayon, panindigan ito.”

Huwag hayaang may magsabi sa inyo na tayo ay dumaranas ng taggutom sa Salita ng Diyos. Ang katotohanan ay nagdaranas tayo ng taggutom sa pakikinig ng Salita ng Diyos, at sa pagsunod dito. Bakit? Ang pananampalataya ay di-makatuwiran, ngunit ang pananampalataya ay hindi dumarating sa atin sa pamamagitan ng katuwiran o lohika o kaya’y sa kadahilanan. Ipinahayag ni Pablo ng simple lamang, “Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo” (Roma 10:17). Ito lamang ang paraan na ang pananampalataya ay maiaangat sa mga puso ng mga mananampalataya. Ito’y bunga ng pakikinig’—iyan ay paniniwala, pagtitiwala at pagkilos dito—sa salita ng Diyos.

“Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig…Agad dinirinig daing ng matuwid at inililigtas sila sa mga panganib…Ang mga taong matuwid masuliranin man, sa tulong ni Yahweh agad maiibsan…Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas, sa napakukupkop siyang mag-iingat” (Awit 34: 15, 17, 19, 22).

Dito lamang sa ilang mga talata mula sa Awit, binigyan na tayo ng sapat na Salita ng Diyos para mawala ang kawalan ng pananalig. Hinihikayat ko kayo ngayon: pakinggan ito, magtiwala dito, sundin ito. At sa huli, magpahinga sa mga salitang ito.