Biyernes, Pebrero 13, 2009

BAKIT AKO NALULUNGKOT?

Paulit-ulit, itinatanong ng Mang-aawit, “Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Pakiramdam ko ay wala na kong silbi, napabayaan. Labis ang pagkabahala ng kalooban ko. Bakit, Panginoon? Bakit damdam ko ay labis ang panghihina ko sa kapighatian?” (Tingnan Awit 42:11 at Awit 43:5). Ang mga katanungang ito ay laganap sa maraming nagmamahal at naglilingkod sa Diyos.

Tingnan natin ang makadiyos na si Elijah, bilang halimbawa. Nakita natin siya sa ilalim ng puno, nagmamakaawa sa Diyos na patayin na siya. Labis ang kanyang kalungkutan, nasa punto na siya na nais na niyang mamatay. Natagpuan din natin si Jeremias na labis ang pagkabahala sa kawalan ng pag-sa. Dumaing ang propeta, “Panginoon, iniligaw mo ako. Sinabihan mo ako na hulaan ang lahat ng mga bagay na ito ngunit isa man dito ay hindi nangyari. Wala akong ginawa sa buong buhay ko kundi ang hanapin ka. At ganito ang naging kabayaran sa akin? Ngayon hindi ko na sasambitin ang pangalan mo.”

Ang bawat isa sa mga lingkod na ito ay nasa ilalim ng pag-atake ng pansamantalang kawalan ng pananalig. Ngunit nauunawaan ng Panginoon ang kanilang kalagayan sa panahon ng kalituhan at pagdududa. At pagkatapos ng isang panahon, lagi niya silang iginagabay palabas sa kanilang katayuan. Sa gitna ng kanilang kapighatian binubuksan ng Espiritu Santo ang ilaw para sa kanila.

Isa-alang-alang ang patotoo ni Jeremias: “Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo’y aking kagalakan. Ako’y sa iyo, Yahweh, Diyos na makapangyarihan sa lahat” (Jeremias 15:16). “Walang anumang nagsalita sa kanya si Yahweh” (1 Hari 19:9). Sa isang banda, ang bawat isa sa mga lingkod na ito ay naalala ang Salita ng Diyos. At ito’y naging kagalakan at kaluguran ng kanilang mga buhay, nagligtas sa kanila sa kawalan ng pag-asa.

Ang katotohanan ay, sa buong panahon na ito ang mga taong ito ay nagdurusa, ang Panginoon ay naghihintay. Narinig niya ang kanilang mga daing, ang kanilang paghihirap. At pagkalipas ng ilang panahon, sinabi niya sa kanila,”Pinagdaanan na ninyo ang panahon ng inyong paghihirap at pagdududa. Ngayon nais kong manalig kayo sa akin. Babalik ba kayo sa aking Salita? Panghahawakan ba ninyo ang aking pangako sa inyo? Kung gagawin ninyo, ang Salita ko ang magliligftas sa inyo.”