Huwebes, Hulyo 31, 2008

“BAGAMAT PATAY NA, SIYA’Y NAGSASALITA PA”

Habang binabasa natin ang Hebreo 11, nakita natin ang isang karaniwang pambahagi sa mga buhay ng mga tao na nabanggit. Bawat isa ay may namumukod na katangian na palatandaan ng pananampalataya na iniibig ng Diyos. Ano ang elementong ito? Ang kanilang pananampalataya ay isinilang sa malalim na kapalagayang-loob sa Panginoon.

Ang katunayan ay, imposible na magkaroon ng pananampalataya na nakalulugod sa Diyos na walang pagbabahagi ng kapalagayang-loob sa kanya. Ano ang ibig kong sabihin sa kapalagayang-loob? Tinutukoy ko ay ang pagiging malapit sa Panginoon na nanggagaling mula sa pananabik sa kanya. Ang ganitong uri ng kapalagayang-loob ay isang malapit na pansariling pagkabigkis, pakikisama. Dumarating ito kapag kinasabikan natin ang Panginoon ng highit pa sa anumang bagay sa buhay na ito.

“Dahil sa pananalig sa Diyos, si Abel ay naghandog ng mas mabuting hain kaysa inihandog ni Cain. Dahil doon, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Bagamat patay na, siya’y nagsasalita pa sa pamamagitan ng kanyang pananalig sa Diyos” (Hebreo 11:4). Nais kong itala ang ilang mahalagang bagay tungkol sa bersong ito. Una, ang Diyos mismo ang nagpatotoo tungkol sa handog ni Abel, o mga alay. Pangalawa, si Abel ay nagtatag ng dambana para sa Panginoon, kung saan niya dinala ang kanyang mga sakripisyo. At naghandog siya hindi lamang mga walang dungis na mga anak ng tupa bilang sakripisyo, kundi pati na ng mga taba nito. “Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi” (genesis 4:4).

Ano ang pakahulugan ng taba dito? Ang aklat ng Levitico ay nagsabi tungkol sa taba ng, “Lahat ng ito’y ibibigay niya sa saserdote at susunugin sa dambana bilang pagkaing handog na kalugud-lugod sa akin” (Levitico 3:16). Ang taba ay bahagi ng handog na nagbibigay ng mabangong halimuyak. Ang bahagi ng hayop na ito ay madaling abutin ng apoy at lamunin, nagbibigay ng mabangong halimuyak. Ang taba dito ay nagsisilbing uri ng panalangin o pakikipag-isa na katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ang naglalarawan ng ating ministeryo sa Panginoon sa lihim na silid ng panalanginan. At ang Panginoon mismo ang nagpahayag na ang pagsamba ng may kapalagayang-loob ay umaangat sa kanya na katulad ng may mabangong halimuyak na malinamnam.

Ang unang binanggit ng Bibliya na ganitong uri ng pagsamba ay kay Abel. Iyon ang dahilan kung bakit si Abel ay nakalista sa Bulwagan ng Pananampalataya ng Hebreo 11. Siya ang isang uri ng lingkod na may pakikipag-isa sa Panginoon, inihahandog ang pinakamabuting katangian at mga bagay na mayroon siya. Sa pahayag ng Hebreo, ang halimbawa ni Abel ay nabubuhay hanggang ngayon bilang patotoo ng tunay na buhay na pananampalataya, “Bagamat patay na, siya’y nagsasalita pa” (Hebreo 11:4).

Miyerkules, Hulyo 30, 2008

DAGDAGAN ANG ATING PANANALIG

Ang Marcos 4 ay nag-ugnay ng salaysay tungkol kay Kristo at ang kanyang mga dsiipulo sa bangka tungkol sa mabagyong dagat. Sa pagpili ng tagpo, kinalma ni Kristo ang alon sa isang utos lamang. Ngayon lumingon siya sa kanyang mga disipulo at nagtanong, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” (Marcos 4;40).

Maari mong isipin na ito’y malupit pakinggan. Likas lamang sa tao ang matakot sa ganoong bagyo. Ngunit hindi sila kinagagalitan ni Hesus dahilan doon. Sa halip, sinasabi niya sa kanila, “Pagkatapos ng lahat ng sandali kasama ako, hanggang ngayon ay hindi ninyo pa ako kilala. Paano ninyo nagagawang lumakad kasama ako sa katagalang ito, at hindi ninyo ako kilala na may kapalagayang-loob?

Sa katunayan, ang mga disipulo ay namangha sa kahanga-hangang himala na kanyang ginawa. “Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa’t isa, sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?” (4:41).

Maiisip ninyo ba ito? Ang sariling disipulo ni Hesus ay hindi siya kilala. Panariling tinawag niya ang bawat isa sa mga lalaking ito na sumunod sa kanya at sila ay nangaral na katabi niya, sa maraming tao. Gumawa sila ng mga himala ng pagpapagaling, at nagpakain sa maraming nagugutom na tao. Ngunit sila ay estranghero pa rin sa kung sino talaga ang kanilang Maestro.

Sa kasamaang palad, ganon pa rin ngayon. Maraming Kristiyano ay nakasakay kasama si Hesus, nangaral katabi niya, at nakalapit sa maraming tao sa pangalan niya. Ngunit hindi nila ganap na kilala ang kanilang Maestro. Hindi sila nakapag-ubos ng panahon na mapalapit sa kanya. Hindi sila nakaupo ng tahimik sa kanyang presensiya, buksan ang puso nila sa kanya, maghintay at makinig para maunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanila.

Nakita natin ang iba pang tagpo tungkol sa pananalig ng mga disipulo sa Lucas 17. Ang mga disipulo ay lumapit kay Hesus, humihiling, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos” (Lucas 17:5). Maraming Kristiyano ngayon ang nagtatanong ng katulad na katanungan: paano ako makakakuha ng pananalig? Ngunit hindi nila hinanap ang Panginoon para sa kanilang kasagutan.

Kung nais ninyo ng dagdag na pananalig, kailangang gawin ninyo ang katulad ng bagay na sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo na gawin sa talatang ito. Paano niya sinagot ang kanilang kahilingan tungkol sa pananalig? “Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko” (17:8). Sinasabi ni Hesus na may kakanyahan, “Isuot mo ang iyong damit ng pagiging matiisin. At lumapit ka sa aking mesa at kumain ka kasama ko. Nais kong pakainin mo ako dito. Magsaya kang silbihan ako sa buong maghapon. Ngayon nais kong makisama ka sa akin. Maupo ka katabi ko, buksan mo ang iyong puso, at kilalanin mo ako.”

Martes, Hulyo 29, 2008

NALUGOD NIYA ANG DIYOS

Si Enoc ay malugod na tinatamasa ang pakikipag-isa niya sa Panginoon. Katunayan, ang kanyang pakikisama sa Diyos ay lubos na malapit, ang Panginoon ay inilipat siya sa kaluwalhatian bago pa man matapos ang buhay niya sa mundo. “Dahil sa pananalig sa Diyos, hindi namatay si Enoc, kundi inilipat sa kabilang buhay. Hindi na siya nakita sapagkat inilipat na nga siya ng Diyos. Sinasabi sa Kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod sa Diyos bago inilipat” (Hebreo 111:5).

Bakit pinili ng Diyos na ilipat si Enoc? Ang panimulang salita sa bersong ito ay nagsasabi sa atin ng malinaw na ito ay dahil sa kanyang pananalig. Higit pa dito, ang pangtapos na parirala ay nagsabi sa atin na ang pananalig ni Enoc ay kinaluguran ng Diyos. Ang ugat na salita sa Griyego dito para sa kaluguran ay nangangahulugan ng lubos na pagkaka-isa, buong pagkakasundo, ganap na magkasama. Sa maikling sabi, si Enoc ay may pinkamalapit na pakikisama sa Panginoon na maaring tamasahin ng isang tao. At ang kapalagayang-loob na ito ay kinaluluguran ng Diyos.

Sinasabi ng Bibliya sa atin na si Enoc at nagsimulang maglakad kasama ang Panginoon nang siya ay naging ama sa kanyang anak na si Metusela. Si Enoc ay 65 taong gulang noon. At ginamit niya ang sumunod na 300 daang taon sa pakikipag-isa sa Diyos ng may kapalagayang-loob. Niliwanag ng Hebreo na si Enoc ay palaging nakikipag-isa sa Ama, lubos na may kapalagayang-loob sa kanyang oras-oras na pakikipagsamahan, pinili ng Diyos na isama siya pauwi sa kanya . Sinabi ng Panginoon kay Enoc na may kakanyahan, “Hindi na kita madadala ng malayo pa sa katawang lupa. Para lalong lumago ang kapalagayang-loob ko sa iyo, kailangang dalhin kita sa tabi ko.” Kaya’t pinalis niya si Enoc sa kaluwalhatian.

Ayon sa Hebreo 11:5, ito ay ang pagiging malapit ni Enoc ang nakalugod sa Diyos. Sa ating kaalaman, ang taong ito ay hindi gumawa ng himala, hindi nakabuo ng malalim na teolohiya, hindi gumawa ng mga dakilang gawain na maaring mabanggit sa Kasulatan. Sa halip nabasa natin ang simpleng paglalarawan ng matapat na pamumuhay ng taong ito: “Si Enoc ay lumakad kasama ang Diyos”

Si Enoc ay may malapit na pakikipagsamahan sa Ama. At ang kanyang buhay ay isa pang patotoo kung ano ang kahulugan ng tunay na naglalakad sa pananalig.

Lunes, Hulyo 28, 2008

KAIBIGAN NG DIYOS

Isaalang-alang ang paraan ng paglalarawan ng Diyos sa kanyang kaugnayan kay Abraham: “Abraham na aking kaibigan” Isaias 41:8). Kahalintulad ang bagong Tipan ay nagsabi sa atin, “Si Abraham ay sumasampalataya sa Diyos…Ang tawag sa kanya ng Diyos ay ang Kaibigan kong si Abraham” (Santiago 2:23).

Isang di-kapani-paniwalang karangalan, ang matawag na kaibigan ng Diyos. Maraming Kristiyano ay inawit ang kilalang awitin, “Isang Kaibigan na Mayroon Tayo Kay Hesus.” Ang talatang ito sa Bibliya ay dinala sa tahanan ang katotohanang iyon na may kapangyarihan. Para tawagin ng Lumikha ng sansinukuban na kaibigan ang isang tao ay parang hindi abot ng pantaong pang-unawa. Gayunman ito ay nangyari kay Abraham. Ito ay hudyat ng dakilang pakikipag-isa sa Diyos.

Ang salitang Hebreo na ginamit ni Isaias para sa kaibigan dito ay nagpapahayag ng pagkagiliw at pagiging malapit. At sa Griyego, ang salita ni Santiago para sa kaibigan ay minamahal, malapit na kapanalig. Parehong nangangahulugan ng pagbabahagian ng pagpapalagayang-loob.

Ang lumagong malapit kay Kristo. Ay lalong lumalakas ang ating pagnanais na maging buo sa kanyang presensiya. Higit pa doon, nagsisimula na makita natin na mas maliwanag na si Hesus ay siyang tangi nating simulain.

Sinasabi ng Bibliya sa atin na si Abraham “habang hinihintay niyang maitatag ang lunsod, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos” (Hebreo 11:10). Para kay Abraham, walang anuman sa buhay na ito ang permanente. Ang Kasulatan ay nagsabi na ang daigdig ay isang “kakaibang lugar” para sa kanya. Hindi ito ang lugar para maglagay ng ugat. Ang makalangit na bansa na hinahanap ni Abraham ay hindi isang likas na lugar. Sa halip, ito ay ang maging nasa tahanan kasama ang Ama. Nakita mo, ang salitang Hebreo para sa pariralang ito, “makalangit na lugar,” ay Pater. Nanggaling ito sa salitang ugat na nangangahulugan na Ama. Kaya, ang makalangit na bansa na hinahanap ni Abraham, ay likas, na isang lugar kasama ang Ama.

Gayunman si Abraham ay hindi isang mistiko. Hindi siya matipid na naglagay ng banal na hangin at namuhay sa espirituwal na paghihirap. Ang taong ito ay namuhay sa sanlibutan, may malalim na kaugnayan sa gawaing pangsanlibutan. Kung tutuusin, siya ay nagmamay-ari ng libu-libong hayupan. Mayroon siyang sapat na mga utusan na maaring magbuo ng maliit na hukbo. Si Abraham ay maaring lubhang abala, pinamumunuan ang kanyang mga utusan at namimili at nagtitinda ng kanyang mga baka, tupa at mga kambing.

Gayunman kahit paano, kahit na siya ay maraming kabuhayan at pananagutan, si Abraham ay may panahon pa rin sa kanyang pagiging malapit sa Diyos.

Biyernes, Hulyo 25, 2008

ANG KAPANGYARIHAN NA MANATILING LUNTIAN

Ako ay dinala na basahin at pag-aralan ang Pahayag 9, ang kabanatang tumatalakay sa balang. Habang binabasa ko ang ika-apat na berso, tungkol sa utos ng Diyos sa mga balang na huwag puksain ang anumang bagay na kulay luntian, isang isipin ang pumukaw sa akin.

Napansin ko na nandoon ang susi para manatiling ligtas sa anumang sandali ng katatakutan: “manatiling luntian.” Isinulat ni David, “Kahoy na olibo…sa tabi ng templo, ang aking katulad, nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas” (Awit 52:8).

Ang “luntian” na tinutukoy ni David dito ay nangangahulugan ng espirituwal na kalusugan. Nangangahulugan ito na yumabong, lumago, maging mabunga. Sinasabi ni David sa atin, “Ang kalusugan ko ay nanggagaling mula sa aking pananalig sa Diyos. Yumayabong ako pagkat lumalapit ako sa kanya. Ang pananalig ko sa kanya ay nagbubunga ng espirituwal na pamumuhay sa akin”

Narito ang isang maluwalhating katotohanan tungkol sa kapangyarihan na manatiling luntian. “Sinasabi ni Yahweh, parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa, sa kapangyarihan ng mga taong may hangganan ang buhay. Ang katulad nila’y halamang tumutubo sa ilang, sa lupang tigang, at sa lupang maalat na walang ibang tumutubo; walang mabuting mangyayari sa kanya” (Jeremias 17:5-6).

Ang Panginoon ay nagbabala, “Huwag magtiwala sa tao. Kapag inilagay ang iyong pagtitiwala sa kapangyarihan ng tao na higit pa sa akin, ikaw ay isusumpa.”

Gayunman, kapag inilagay natin ang ating pananalig sa Panginoon, narito ang ibubunga ng ating pananalig: “Ngunit maligaya ang taong nananalig kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Ang katulad niya’y halamang nakatanim sa tabi ng batisan, ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mamamalaging luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umuulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga” (17:7-8).

Habang lubusan tayong nananalig sa Ama, inilalagay natin ang ugat sa batis ng kalusugan. At ang kanyang banal na lakas---makatas, luntian, espirituwal na kalusugan---ay dadaloy sa atin at sa pamamagitan natin. Habang ang lahat sa paligid natin ay nabubulok, tayo ay yayabong na parang luntiang puno, malusog at malakas. At kapag dumating ang oras ng pagsubok, hindi tayo manghihina o malalanta. Sa halip, ang ating pananalig ay patuloy na lalago.

Huwebes, Hulyo 24, 2008

ANG APOY NG DIYOS AY PATULOY NA NAG-AALAB

May kalungkutan, marami sa mga Katawan ni Kristo ngayon ay humahalintulad sa mga makabagong Lambak ng Tuyong Buto. Ito ay isang ilang na puno ng mga ibinilad na buto ng mga nahulog na Kristiyano. Mga Ministro at ibang debotong mananampalataya ay nasunog sapagkat sila’y puno ng kasalanan. Ngayon sila ay puno ng mga kahihiyan, nagtatago sa lungga na sarili nilang likha. Katulad ni Jeremias, nahikayat nila ang kanilang mga sarili, “Lilimutin ko si Yahweh at di na sasambitin ang kanyang pangalan” (Jeremias 20:9).

Ang Diyos ay patuloy pa ring nagtatanong ng katulad na katanungan na itinanong niya kay Ezekiel: “Ang mga patay na butong ito ay mabubuhay pa?” Ang kasagutan sa tanong na ito ay perpekto. “Oo!” Ito ay mangyayari sa muling pananariwa ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos ay siya mismong lumalamong apoy. Sa katunayan, ito lamang ang tunay na liwanag na mayroon tayo sa madilim na bahagi ng gabi ng ating kawalan ng pag-asa. Ito lamang ang ating pananggalang laban sa kasinungalingan ng kaaway, kapag siya ay bumulong, “Tapos na ang lahat. Nawala na ang apoy sa iyo. At hindi mo na muli itong makukuha.”

Ang isang bagay lamang na makapagpapalabas sa atin sa kadiliman ay ang ating pananampalataya. At ang pananampalataya ay nakukuha sa pakikinig sa Salita ng Diyos. Kailangan lamang natin na panghawakan ang Salita na ipinunla sa atin. Ipinangako ng Panginoon, “Hindi ko hahayaan na ikaw ay bumagsak; dahil doon, wala kang dahilan upang mawalan ng pag-asa. Walang dahilan para sumuko. Mamahinga ka sa Salita ko.”

Maari mong isipin, “Ngunit ang kadilimang ito ay ang pinakamasamang bagay na nalaman ko. Nakarinig na ako ng libong pangangaral sa Salita ng Diyos, ngunit walang anumang halaga ang mga ito sa akin ngayon.” Huwag mabalisa, ang apoy ng Diyos ay nag-aalab pa rin sa iyo, kahit na hindi mo ito nakikita. At kailangang ibuhos mo sa apoy na iyon ang panggatong ng iyong pananampalataya. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon. Kapag ginawa mo ito, makikita mo ang lahat ng iyong pagdududa at pagnanasa ay lalamunin.

Ang Espiritu ng Diyos ay humihingang muli sa bawat bahagi ng mga tuyong buto. Ipinaalala niya ang Salita na itinanim niya sa mga ito. At iyong minsang mga namatay na ay muling binuhay. Sila ay tumatangis katulad ni Jeremias, “Ang apoy ng Diyos ay matagal nang naapula sa akin sa matagal ng panahaon. Hindi ko na kayang panghawakan ito. Nadadama ko ang kapangyarihan ng Diyos na ibinabangon ako. Muli niya akong binigyang buhay. At wiwikain ko ang Salita na ibinigay niya sa akin. Aking ipapahayag ang kanyang kahabagan at kapangyarihang magpagaling.

Miyerkules, Hulyo 23, 2008

ANG AKING BUHAY AY PINANGANGALAGAN

Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na si Jacob ay nakatanggap ng di-kapani-paniwalang pahayag sa harap-harapang mukhaan sa Diyos: “Sinabi ni Jacob, ‘Nakita ko nang mukhaan ang Diyos, gayunma’y buhay pa rin ako.’ At tinawag niyang Peniel ang lugar na iyon” (Genesis 32:30). Ano ang kalagayan na pumapaligid sa pahayag na ito? Iyon ang pinakamababa, at ang pinakanakakatakot na sandali ng buhay ni Jacob. Nang sandaling iyon, si Jacob ay naipit sa dalawang makapangyarihang puwersa: ang galit niyang biyenan, na si Laban, at ang salungat at nabubuwang na kapatid, na si Esau.

Si Jacob ay nagpakahirap sa loob ng 24 na taon para kay Laban, na dumadaya sa kanya ng madalas. Sa huli, si Jacob ay napuno na, kaya’t hindi nagsasabi kay Laban, kinuha niya ang kanyang pamilya at sila’y tumakas.

Hinabol siya ni Laban mula sa silangan, kasama ang maliit na hukbo, handang patayin si Jacob. Gayunman, noong nagbabala ang Diyos kay Laban sa kanyang panaginip na huwag saktan si Jacob saka niya hinayaan na lamang ang kanyang manugang na lumayo. Hindi pa nagtatagal na wala na si Laban sa usapan, gayunman, nandito naman si Esau na dumarating mula sa kanluran. Siya ay namumuno sa isang maliit na hukbo ng 400 kawal, handang patayin ang kanyang kapatid sa pagnanakaw ng kanyang katutubong karapatan. Humarap si Jacob sa ganap na kalamidad, tanggap na mawawala na ang lahat sa kanya. Ang kalagayan ay nagmukha ng walang pag-asa; gayunman sa madilim na oras na iyon, si Jacob ay nagkaroon ng pakikipagharap sa Diyos na hindi pa nangyari kailanman. Nakipagbuno siya sa anghel na pinaniwalaan ng mga iskolar siyang Panginoon mismo.

Ngayon isipin din si Job. Sa sandali ng pinakamadilim na oras ni Job, ang Diyos ay nagpakita sa kanya sa isang buhawi. At ang Panginoon ay nagbigay sa lalaking ito ng pinakadakilang pahayag na nasaksihan ng isang tao.

Dinala ng Diyos si Job sa sansinkuban, at pagkatapos ay sa kailaliman ng dagat. Dinala siya sa pinakalihim ng likha. At nakita ni Job ang mga bagay na hindi pa nakita ng sinumang tao. Ipinakita sa kanya ang ganap na kaluwalhatian at kadakilaan ng Diyos. Lumutang si Job mula sa karanasang iyon na nagpupuri sa Diyos, nagwiwika, “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, anumang balakin mo’y walang makahahadlang. Sinong nagsasalita ng walang nalalaman? Kaya ako’y humatol ng walang katuturan, na hindi ko alam ang lahat ng bagay. Ikaw ang makinig sa aking sasabihin, at iyong ibadya ang sagot mo sa akin. Nakikilala kita sa balita lamang, ngunit ngayo’y akin nang namasdan” (Job 42: 2-5).

May kataka-takang bagay ang nangyayari kapag tayo ay tunay na nanalig. Kapayapaan ang dumarating sa atin, nagbibigay daan para sa atin na magsabi, “Hindi mahalaga anuman ang kalabasan ng mahigpit na pagsubok na ito. Ang Diyos ko ang may hawak sa lahat ng bagay. Wala akong dapat ikatakot.”

Martes, Hulyo 22, 2008

HAWAK NIYA ANG LAHAT NG SUSI

Sa kabuuan ng Kasulatan, ang pinakadakilang pahayag ng kabutihan ng Diyos ay dumating sa mga tao sa sandali ng kanilang mga kaguluhan, kalamidad, pag-iisa at paghihirap. Nakita natin ang halimbawa nito sa buhay ni Juan. Sa loob ng tatlong-taon, ang apostol na ito nasa “dibdib ni Hesus.” Iyon ay panahon ng tunay na kapahingahan, kapayapaan at kagalakan, na walang mga kaguluhan o mga pagsubok. Ang alam lamang niya ay si Hesus ay Anak ng tao. Kaya, kailan niya natanggap ang pahayag ni Kristo sa pangkalahatan ng kanyang kaluwalhatian?

Nangyari lamang ito pagkatapos na si Juan ay kinaladkad na nakakadena mula sa Ephesus. Siya ay itinapon sa isla ng Patmos, na kung saan siya ay nahusgahan ng pagtatrabaho ng mahirap. Siya ay nag-iisa, walang kasamahan, walang pamilya o mga kaibigan para aliwin siya. Iyon ay sandali ng lubos na kawalan ng pag-asa, ang pinakamababang bahagi ng kanyang buhay.

At iyon ang panahon ng matanggap ni Juan ang pahayag ng kanyang Panginoon na siyang magiging huling sangkap ng Kasulatan: ang Aklat ng Pahayag. Sa gitna ng oras ng kadiliman, ang liwanag ng Banal na Espiritu ay dumating sa kanya at nakita niya si Hesus na animo’y hindi pa niya nakita kailanman. Tunay niyang nakita si Kristo bilang Anak ng Diyos.

Hindi natanggap ni Juan ang pahayag na ito habang kasama niya ang ibang mga apostol, o maging noong panahon ni Hesus sa sanlibutan. Gayunman ngayon, sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay, nakita ni Juan si Kristo sa kabuuan ng kanyang kaluwalhatian, nagpapahayag, “At ang nabubuhay! Namatay ako ngunit masdan mo, ako’y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay” (Pahayag 1:18). Ang di-kapani-paniwalang pahayag na ito ay inilagay si Juan sa kanyang mukha. Ngunit ibinangon siya ni Hesus at ipinakita sa kanya ang mga susi na hawak niya sa mga kamay niya. At tiniyak niya kay Juan, “Huwag kang matakot” ((1:17).

Naniniwala ako na ang pahayag na ito ay dumarating sa bawat nananalangin, nagdurusang lingkod sa sandali ng kanyang pangangailangan. Sinasabi ng Banal na Espiritu, “Hawak ni Hesus ang lahat ng susi sa buhay at kamatayan. Kaya’t ang paglisan ng lahat ay nakasalalay sa kanyang mga kamay.” Ang pahayag na ito ay nangangahulugan ng pagdadala ng kapayapaan sa ating mga puso. Katulad ni Juan, kailangan nating ilarawan si Hesus na nakatayo sa harapan natin, hawak ang susi sa buhay at kamatayan, at tinitiyak sa atin, “Huwag kang matakot. Hawak ko ang lahat ng susi.” Ano ang ating magiging kasagutan? Katulad ni Job, tayo’y dapat manatili sa pananalig, “ Si Yahweh ang nagbibigay siya rin ang kukuha. Purihin si Yahweh” (Job 1:21).

Lunes, Hulyo 21, 2008

PAGPAPALA NG TAO

Madalas ginagamit ng Diyos ang anghel upang mangaral sa ibang tao. Ngunit madalas, ginagamit niya ang kanyang mapagkalingang mga tao upang mamahagi ng mga pagpapala. Ito ang isang dahilan kaya tayo’y ginawang kalahok ng kanyang mga biyaya: upang maging agusan nito. Tayo ay ginawang agusan nito para sa iba. Tinawag ko itong “pagpapala ng tao.”

“Ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo” (Efeso 4:7). Dahil sa kaaliwang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, imposible para sa atin ang magpatuloy na naghihinagpis sa ating buong buhay. Sa ibang punto, tayo ay pinagaling ng Panginoon at nagsimula tayong maging taguan ng biyaya ng Diyos.

Naniniwala ako na ito ang ibig ipakahulugan ni Pablo nang isinulat niya ang, “Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako’y ginawa niyang lingkod para sa Mabuting Balita sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan…ipahayag sa mga Hentil ang Mabuting Balita tungkol sa masagana at di-malirip na pagpapalang nagbubuhat kay Kristo” (Efeso 3:7-8). “Naging kahati ko kayo sa mga pagpapala ng Diyos” (Filipos 1:7). Ang apostol ay nagsasabi ng malalim na pahayag. Sinasabi niya, “Kapag ako ay nagpunta sa trono ng Diyos upang magtamo ng pagpapala, ito para sa iyo. Nais kong maging mahabaging pastol para sa iyo, hindi isang mapaghusga. Nais kong makapamahagi ng pagpapala sa iyo sa sandali ng iyong pangangailangan.” Ang pagpapala ng Diyos ay ginawa si Pablo na maging mahabaging pastol, na maaring tumangis kasama ng mga nalulungkot.

Isinulat ni Pedro, “Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa” (1 Pedro 4:10). Ano ang ibig sabihin ng mabuting tagapamahala, o tagapamahagi, ng marami’t ibat-ibang pagpapala ng Diyos? Ako ba’y ganitong uri ng tao? O ako ba’y nagbibigay lamang ng panahon na manalangin lamang para sa pansariling kirot, kalungkutan at mga paghihirap?

Mga minamahal, ang ating mga pangkasalukyang mga paghihirap ay nagbubunga ng mahalagang bagay sa ating mga buhay. Nagbubuo ito sa atin ng pagtangis sa handog ng kahabagan at pagpapala, upang maialok doon sa mga nasasaktan. Ang ating mga paghihirap ay ginagawa tayong maging tagapamahagi ng pagpapala.

Biyernes, Hulyo 18, 2008

TIRA-TIRAHAN

Isang babae na may anak na babaeng mainisin ay nagpupumilit na hanapin si Hesus.Sa wakas, hinikayat ng mga disipulo ang kanilang panginoon, “Panginoon, itaboy mo siya, paalisin mo siya. Ayaw niya tayong tigilan. “Itala ang tugon ni Hesus sa pakiusap ng babae: “Ngunit gaputok ma’y di tumugon si Hesus” (Mateo 15:23). Mapapansin, binalewala ni Krsito ang buong katayuan. Bakit niya ginawa ito? Alam ni Hesus na ang kasaysayan ng babaeng ito ay ikukwento sa lahat ng padating na salinlahi, at nais niyang magpahayag ng katotohanan sa lahat ng makababasa nito. Kaya’t sinubok niya ang pananampalataya ng babae sa pagsasabi ng , “Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo” (Mateo 15:23). Sinasabi ni Kristo, “Ako’y isinugo para sa kaligtasan ng mga Hudyo. Bakit ko sasayangin ang kanilang mabuting balita para sa mga Hentil?”

Ngayon ang pahayag na ito ay maaring magtaboy sa atin palayo, ngunit ang babae ay hindi natinag. Tanong ko sa inyo, gaano kadalas kayong sumusuko sa pananalangin? Gaano kadalas na kayo ay napagod at nangatuwiran “Hinanap ko ang Panginoon, nanalangin ako at humiling. Wala akong nakuhang anumang kasagutan “?

Isaalang-alang kung paano sumagot ang babae. Hindi siya sumagot na may reklamo, o may nag-aakusang daliri, sinasabi na, “Bakit mo ako itinatanggi Hesus?” Hindi, sinabi ng Kasulatan ang kabaliktaran: “Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, ‘Tulungan po ninyo ako. Panginoon’” (15:25).

Ang sumunod ay mahirap basahin. Muli, tumanggi si Hesus sa babae. Ngunit sa pagkakataong ito mas magaspang ang kanyang kasagutan. Sinabi niya sa babae, “Hindi dapat kunin ang mga pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta” (15:26). Muli pa, sinubok niya ang babae.

Ngayon sumagot ang ina sa kanya, “Tunay nga po, Panginoon, tugon ng babae, ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalaglag sa hapag ng kanilang panginoon” (15:27) Isang di-kapani-paniwalang kasagutan, Ang determinadong babaeng ito ay hindi titigil sa kanyang paglapit kay Hesus. At siya ay pinuri ng Panginoon dahil dito. Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo. At noon di’y gumaling ang kanyang anak” (15:28).

Mga minamahal, hindi tayo dapat na makuntento na lamang sa mga tira-tirahan. Tayo ay pinangakuan ng lahat ng grasya at kahabagan na kailangan natin sa ating mga kagipitan. At ito ay kasama ang bawat kagipitan na kinasasangkutan ng ating mga pamilya, ligtas man o hindi. Tayo ay inanyayahan na magpakatatag na lumapit sa trono ni Kristo na may pananalig.

Huwebes, Hulyo 17, 2008

SA DI ABOT NG PAG-ASA NG TAO

Mayroong mga pagkakataon na kung minsan sa buhay ng tao ang kalalagayan ay di abot ng pag-asa ng tao. Walang magpapayo, walang manggagamot, walang lunas o anupaman na makakatulong. Ang kalalagayan ay naging imposible na. Nangangailangan na ito ng himala, kung hindi ito ay mauuwi sa pagkawasak.

Sa mga ganitong pagkakataon, ang natitira na lamang pag-asa ay mayroong lumapit kay Hesus. Hindi mahalaga kung sino ito, maaaring ang ama, ina, o bata. Ang taong iyon ay kinakailangan na panghawakan ang pananagutan na makalapit kay Hesus. At kailangan niyang matiyak, “Hindi ako aalis hanggang hindi ako nakakarinig mula sa Panginoon. Kailangan sabihin niya sa akin, ‘Nagawa na ito. Ngayon humayo ka.’”

Sa Mabuting Balita ayon kay Juan, nakita natin ang isang pamilya na nasa kagipitan: “Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki” (Juan 4:46). Sila ay kinikilalang pamilya, marahil ay may dugong bughaw. Ang espiritu ng kamatayan ay ramdam sa tahanang iyon, habang ang mga magulang ay inaalagaan ang mamamatay ng anak. Maaring mayroon pang ibang miyembro ng pamilya sa bahay, marahil ay mga tiyahin at mga tiyuhin, mga lolo, o iba pang mga anak. Sinabihan tayo na ang buong kabahayan ay nananalig, maging ang mga katulong sa bahay. “[Ang ama] ay nanalig, at ang buong sambahayan” (4:53).

Mayroon sa naguguluhang pamilyang iyon ay kilala kung sino si Hesus, at nadinig na ang kanyang mahimalang kapangyarihan. Kahit papano, may balita na nakarating sa sambahayang iyon na si Kristo ay nasa Cana, may 25 milya lamang ang layo. Sa kanilang desperasyon, inako ng ama na makalapit sa Panginoon. Sinabi ng Kasulatan sa atin, “nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito” (4:47).

Ang pinunong ito ay may malakas na determinasyon at nakalapit kay Hesus. Sinabi ng BIbliya “Pinakiusapan niya itong [Hesus] pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo” (4:47). Isang kataka-takang larawan ng namamagitan. Ang taong ito ay iniwan ang lahat para makalapit sa Panginoon upang makapagbigay ng salita.

Sinagot siya ni Kristo, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya” (4:48). Ano ang ibig sabihin ni Hesus dito? Sinasabi niya sa pnunong ito na ang mahimalang pagliligtas ay hindi ang kanyang madiing pangangailangan. Sa halip, ang unang pinag-uusapan dito ay ang tungkol sa pananampalataya ng tao. Isipin ito: Maaring magpunta si Kristo sa tahanan ng pamilyang ito, hawakan ng kamay ang anak na mamamatay na at pagalingin siya. Gayunman ang alam lamang ng pamilyang ito ay si Hesus ay gumagawa ng himala.

May higit pang nais si Kristo para sa lalaking ito at sa kanyang pamilya. Nais niyang manampalataya sila na siya ang Diyos sa katawang tao. Kaya sinabi niya sa pinuno, na may kakanyahan, “Ngunit sinabi ng pinuno, ‘Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak’” (4:49). Sa puntong iyon, marahil ay nakita ni Hesus ang pananampalataya ng lalaking iyon. Ito ay parang sinabi ni Hesus, “Naniniwala siya na ako ang Diyos sa katawang tao.” Sapagkat sa sumunod nabasa natin, “Sumagot si Hesus, ‘Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak” (4:50).

Miyerkules, Hulyo 16, 2008

ANG BATAYAN NG PANANALIG

Ano ang naging batayan ng iyong pananalig? Ang Kasulatan ay nagsabi sa atin na ang pananalig ay nanggagaling sa pakikinig, at ang Salita ng Diyos ay binigyan tayo ng “espirituwal na pandinig,” upang makarinig tayo (tingnan ang Roma 10:17). Kaya, narito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga karanasan sa ilang sa ating mga buhay:

• “Huwag mong tulutang ako ay maanod, dalhin sa malalim at baka malunod…Sa aking pagtawag ako sana’y dinggin, sa pagkahabag mo, ako ay lingapin…Ang iyong alipi’y h’wag mong pagkublihan, ib’san mo na ako sa bigat ng pasan” (Awit 69:15-17). Maliwanag na ang tubig ng kapighatian ay bumabaha sa buhay ng mga makadiyos.

• “O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak kami’y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, pinagdala mo kami ng mabigat…Sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa” (66:10-12). Sino ang nagdala sa atin sa bitag ng kapighatian? Ang Diyos mismo ang nagdala.

• “Ang sariling dati-rati’y namumuhay ng baluktot, nang ako ay parusahan salita mo ang sinunod…Sa aki’y nakabuti ang parusang iyong dulot, pagkat aking naunawaang mahalaga ang iyong mga utos” (119:67, 71). … ang mga bersong ito ay nagbigay liwanag. Nakabuti ito para sa atin---ito ma’y pinagpala tayo---na mapighati.

Isa-alang-alang ang patotoo ng manunulat ng Awit: “Mahal ko ang Panginoon, pagkat ako’y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik…Noong ako’y mahuhulog sa bingit ng kamatayan, nadarama ko ang tindi ng takot sa libingan; lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan. Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko, at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako” (Awit 116:1-4). Narito ang matapat na lingkod na umiibig sa Diyos at may dakilang pananalig. Gayunman humarap siya sa dalamhati ng kirot, kaguluhan at kamatayan.

Makikita natin ito sa kabuuan ng Bibliya. Ang Salita ng Diyos ay malakas na nagpapahayag na ang landas patungo sa pananalig ay sa pamamagitan ng baha at apoy: “Ang landas mong dinaraana’y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat ng kalawakan” (Awit 77:19). “Narito, at masdan ang nagawa ko’y isang bagong bagay na hanggang ngayo’y di mo mamamasdan…ako’y magbubukas ng isang landasin sa gitna ng ilang” (Isaias 43:19). “Kapag ikaw ay daraan, sa karagatan, sasamahan kita; hindi ka madaraig ng mga suliranin. Dumaan ka man sa apoy, di ka maaano, hindi ka mabubuwal ng mabibigat na pagsubok” (43:2). “Ako si Yahweh na inyong Diyos at siyang nagpapalakas sa inyo, ako ang may sabing; huwag kayong matatakot at tutulungan ko kayo” (Isaias 41:13).

Ang huling bersong ito ay humahawak sa mahalagang susi: Sa bawat ilang na ating haharapin, hawak ng ating Ama ang ating mga kamay. Ngunit iyon lamang mga dumaraan sa ilang ang nakakahawak dito sa kamay ng kaaliwan. Iniaabot niya ito doon sa mga mga naiipit ng mga rumaragasang ilog ng kaguluhan.

Martes, Hulyo 15, 2008

ANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU UPANG MAGLIGTAS

“Kami’y iniligtas niya noon sa tiyak na kamatayan at patuloy na inililigtas, at umaasang patuloy na ililigtas” (2 Corinto 1:10). Isang di-kapani-paniwalang pahayag! Sinasabi ni Pablo, “Iniligtas ako ng Espiritu sa kalagayang wala ng pag-asa. At inililigtas niya ako kahit ngayon. At patuloy niya akong ililigtas, sa lahat ng aking mga kagipitan.”

Ang pagtanggap sa Banal na Espiritu ay hindi patunay ng isang madamdaming pagpapakita lamang. (Gayunman naniniwala ako na mayroong pagpapakita ng Espiritu.) Ang sinasabi ko ay ang pagtanggap sa Espiritu sa pamamagitan ng patuloy na lumalagong kaalaman. Ang pagtanggap sa kanya ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng patuloy na lumalagong liwanag tungkol sa kapangyarihan niyang magligtas, ang pagdadala niya ng mga pasanin, ng kanyang probisyon.

Inulit ko ang mga salita ni Pedro: “Tinanggap natin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay ng tapat sa Diyos. Ito’y dahil sa pagkakakilala kay Hesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan ng kanyang karangalan at kapangyarihan” (2 Pedro 1:3). Ayon kay Pedro, ang banal na kapangyarihan ng Espiritu ay hindi dumating bilang pagpapakita lamang. Una siyang dumating “sa pamamagitan ng kanyang karunungan na tumawag sa atin.

“Tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob” (Juan 1:16). Higit pa roon, ang Banal na Espiritu ay hindi lubos na natanggap hanggang hindi natin lubos na ipinagkakaloob na siya na ang ganap na mangangalaga.

Hayaan ninyong magbigay ako ng huling halimbawa, upang maisalarawan ito. Sa Genesis 19, natagpuan natin na si Lot at ang pamilya niya sa labis na kagipitan. Ang paghuhusga ay malapit ng bumagsak sa kanilang lunsod, na Sodoma, kayat ipinadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang iligtas sila. Binuksan ni Lot ang kanyang pintuan sa mga tagapaghatid na ito, at sila ay pumasok sa kanyang tahanan. Mayroon silang kapangyarihan ng langit upang iligtas ang buong pamilyang ito. Ngunit ang mga anghel ay hindi tinanggap.

Sa huli ay, ipinagpilitan ng mga anghel ang kanilang kagustuhan kay Lot at sa pamilya niya, hila silang palabas ng Sodoma. Ang tunay na plano ng Diyos ay ang iligtas sila habang sila ay tumatakas. Pakakainin niya at dadamitan at pangangalagaan sila. Ngunit, ang alam nating lahat, ang maybahay ni Lot ay lumingon at namatay.

Ang mensahe ng mga anghel ay maliwanag: “Kung nais ninyong ang Diyos ang mangalaga, kung ganon ay inyong isuko ang renda. Kung tumitingin kayo sa kanya para sa kaligtasan, kailangang bitiwan na ninyo ang inyong mga plano at kusang pumapayag na susunod sa kanyang kalooban.” Sa madaling sabi, hindi ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang kapangyarihan na iligtas ang mga nagdududa. Ang kawalan ng pananalig ang pumipigil sa kanya upang gawin ito. Kailangang kusa tayong pumapayag na baguhin niya ang mga bagay sa ating mga buhay, kung iyon ang piniling paraan ng Diyos upang mailigtas tayo.

Lunes, Hulyo 14, 2008

ANG KAGALAKAN NG DIYOS

Hindi lamang iniibig ng Diyos ang kanyang mga tao kundi nagagalak siya sa bawat isa sa atin. Siya ay lubos na nalulugod sa atin. Ang katunayan ay pinagpapala siya sa pagkupkop at pagliligtas sa atin.

Nakita ko ang ganitong kagalakan bilang magulang sa aking maybahay, na si Gwen, kapag isa sa aming mga apo ang tumatawag. Si Gwen ay nagliliwanag na parang isang makislap na puno ng kapaskuhan kapag isa sa aming mga maliliit na apo ay tumatawag sa telepono. Walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanya sa telepono. Kahit na sabihin kong ang pangulo ng bansa ay nasa aming pintuan, basta paaalisin ka niya at patuloy sa pakikipag-usap.

Paano ko pagbibintangan ang aking Amang nasa langit na nalulugod sa akin na di-gaano katulad sa aking mga supling. May panahon na ang aking mga anak ay binigo ako, gumagawa ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ko sa kanila. Ngunit minsan man ay hindi ako huminto sa aking pagmamahal o ang malugod sa kanila. Kaya, kung mayroon ako ng ganitong uri na nananatili at matatag na pag-ibig bilang isang di-perpektong ama, gaano pa kaya ang ating Amang nasa langit para sa ating mga anak niya?

Si Josua at Caleb ay tumayo sa gitna ng Israel at dumaing, “Kung loloobin ni Yahweh, ibibigay niya sa atin ang lupang iyon” (Mga Bilang 14:8). Napakasimple ngunit makapangyarihang pagpapahayag. Sinasabi nila, “Ang ating Panginoon ay iniibig tayo at nalulugod sa atin. Kanyang pupuksain ang bawat higante, sapagkat nalulugod siya na gawin ito para sa atin. Kung ganon, hindi tayo dapat tumingin sa mga nakahadlang sa atin. Kailangang patuloy tayong nakatingin sa dakilang pag-ibig ng Panginoon sa atin.”

Sa kabuuan ng Kasulatan nabasa natin na ang Panginoon ay nalulugod sa atin: “Ang lakad ng matuwid sa Panginoon ay kasiyahan” (Kawikaan 11:20). “Sa daing ng matuwid siya ay natutuwa” (15:8). “Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko malabanan. Sumalakay sila nang ako’y bagabag, ngunit si Yahweh ang sa ki’y nag-iingat. Nang nasa panganib ako’y tinutulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan!” (Awit 18:17-19

Ito ay sapilitan na dapat na tayo ay manalig na iniibig tayo ng Diyos at siya ay nalulugod sa atin. Kung gayo’y matatanggap natin na ang lahat na nangyayari sa ating mga buhay na darating din ang panahon na mapatutunayan na ito ang mapagmahal na kalooban niya sa atin. Makakaahon din tayo sa ating mga ilang na nakasandal sa mapagmahal na bisig ni Hesus. At magdadala siya ng kagalakan sa ating kapighatian.

Biyernes, Hulyo 11, 2008

ANG MAPANGIBABAWAN ANG KADILIMAN

Isang bagay lamang ang makapangingibabaw at makaaalis ng kadiliman, at ito ay ang liwanag. Ipinahayag ni Isaias, “Namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim” (Isaias 9:2). Maging si Juan ay nagpahayag din, “Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman” (Juan 1:5).

Ang liwanag ay naglalarawan ng pang-unawa. Kapag sinabi natin, “Nakita ko ang liwanag,” sinasabi natin na, “Ngayon naunawan ko na.” nakita mo ba kung ano ang sinasabi ng Kasulatan? Ang Panginoon ay bubuksan na ang ating mga mata, hindi upang makita ang diyablo na nagtagumpay kundi ang makatanggap ng bagong pahayag. Ang ating Diyos ay nagpadala sa atin ng Banal na Espiritu, na ang kapangyarihan ay mas higit pa sa lahat ng kapangyarihan ng impiyerno: “Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa makasanlibutan” (I Juan 4:4).

Sa aklat ng Pahayag nabasa natin na ang impiyerno ay bumuga ng mga balang at alakdan na may makapangyarihang lakas. Nabasa natin ang dragon, mga hayop, mga nilikhang may sungay, pati na ang padating na Anti-kristo. Gayunman hindi natin alam ang kahulugan ng lahat ng mga nilikhang ito. At ito, ay hindi na natin dapat malaman pa. Hindi tayo dapat mag-alala tungkol sa Anti-kristo o sa marka ng hayop.

At doon ay namumuhay sa atin ang Espiritu ng Makapangyarihang Diyos at ng kanyang si Kristo. Ipinahayag ni Pablo na ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay kumikilos sa atin. Sa ibang salita, ang Banal na Espiritu ay buhay na nasa atin sa mga sandaling ito.

Kaya, paano kumikilos ang Espiritu sa atin sa kalagitnaan ng kahirapan? Ang kanyang kapangyarihan ay inaalpasan lamang habang tinatanggap natin siya bilang tagadala ng ating mga pasanin. Ang Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin dahil lamang dito, upang magdala ng ating mga pasanin at mga alalahanin. Kaya, paano natin sasabihin na tinanggap natin siya kung hindi pa natin ibinibigay ang mga pasanin sa kanya?

Ang Banal na Espiritu ay hindi nanahimik sa kaluwalhatian, kundi narito, naninirahan sa atin. At siya ay balisang naghihintay upang mangalaga sa lahat ng kalagayan ng ating mga buhay, kasama na ang ating mga kagipitan. Kaya, kapag tayo ay nagpatuloy sa takot---kawalan ng pag-asa, pagtatanong, patuloy na nawawalan ng pag-asa---kung ganon ay hindi natin siya tinanggap bilang taga-aliw, katulong, gabay, tagapagligtas at kalakasan.

Ang saksi sa sanlibutan ay ang Kristiyano na naghagis ng lahat ng kanyang pasanin sa Banal na Espiritu. Katulad ng mga taga Tesalonica, ang mga mananampalataya ay nakita ang mga nakagagaping suliranin sa lahat ng paligid, gayunman nasa kanya ang kagalakan sa Panginoon. Nagtitiwala siya sa Espiritu ng Diyos para sa kanyang kaaliwan, at sa gabay palabas sa kanyang kagipitan. At mayroon siyang makapangyarihang patotoo sa naligaw na sanlibutan, sapagkat pinangangatawanan niya ang kagalakan kahit na napapaligiran ng kadiliman. Ang kanyang buhay ay nagsasabi sa sanlibutan, “Ang taong ito ay nakita ang liwanag.”

Huwebes, Hulyo 10, 2008

ANG LIHIM NA SILID

“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim” (Mateo 6:6).

Sa nakaraan naisip ko na dahil sa pangangailangan na kailangang maghanap-buhay, maari tayong magkaroon ng isang “lihim na silid na dasalan” kahit saan: sa kotse, sa bus, sa sandali ng pamamahinga sa trabaho. Sa kasukatan, ito ay totoo. Ngunit mayroon pang higit na kailangan para dito. Ang salitang Griyego sa “silid” sa bersong ito ay nangangahulugan ng “isang pribadong silid, isang lihim na lugar.” Ito ay maliwanag sa mga nakikinig kay Hesus, sapagkat ang mga tahanan sa kanilang kultura ay mayroong sa loob pang silid na nagsisilbing parang isang silid taguan. Ang utos ni Hesus ay magtungo sa lihim na silid na iyon ng nag-iisa at isara ang pinto pagpasok mo. At doon ay papasok sa isang uri ng pananalangin na hindi nangyayari sa iglesya o pag may kasamang nananalangin.

Si Hesus ay nagpakita ng halimbawa para dito, noong nagtungo siya sa isang ilang na pook para manalangin. Paulit-ulit ang Kasulatan ay nagsabi sa atin na “nagtungo siya sa isang tabi” upang manalangin. Walang sinuman ang lubos na abala, habang patuloy siyang hinihingan ng tulong ng mga nakapaligid sa kanya, na halos wala ng panahon para sa sarili niya. Gayunman, tayo’y sinabihan, “Madaling araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin” (Marcos 1:35). “Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi” (Mateo 14:23).

Tayong lahat ay maraming dahilan kung bakit hindi tayo nananalangin ng palihim, sa isang lihim na pook na nag-iisa. Sinasabi natin na wala tayong ganoong pribadong pook, o walang panahon upang gawin ito. Si Tomas Manton, isang makadiyos na Puritanong manunulat, ay nagsabi ng ganito: “Sinasabi natin na wala tayong panahon manalangin ng palihim. Ngunit may panahon tayo para sa ibang bagay: panahon upang kumain, uminom, para sa mga bata, ngunit walang panahon para sa bagay na nagsusustina sa lahat ng ito. Sinasabi natin na wala tayong pribadong pook, ngunit si Hesus ay natagpuan ang burol, si Pedro sa ibabaw ng bubong, ang mga propeta sa ilang. Kung iniibig mo ang isang tao, makakatagpo ka ng isang pook upang makapag-isa.”

Nakita mo ba ang kahalagahan ng paglalagay ng iyong puso upang manalangin sa isang lihim na lugar? Hindi ito tungkol sa legalidad o pagkakagapos, kundi tungkol sa pag-ibig. Ito’y tungkol sa kabutihan ng Diyos sa atin. Nakikita niya ang parating at alam niya ang ating mga pangangailangan, pang-araw-araw na pangpuno-muli. Lahat ng iyon ay matatagpuan sa lihim na pook kasama siya.

Miyerkules, Hulyo 9, 2008

NAKAUPONG KASAMA SI HESUS

Ayon kay Pablo, tayo na nananalig kay Hesus ay ibinangon mula sa kamatayang espirituwal at nakaupo kasama siya sa kalangitan. “Tayo’y binuhay niya kay Kristo kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. (Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang loob.) Dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo-Hesus, tayo’y muling binuhay na kasama niya at pinaupong kasama niya sa kalangitan” (Efeso 2:5-6).

Saan ang kalangitang ito na kung saan tayo nakaupo kasama si Hesus? Ito’y walang iba kundi ang sariling tronong-silid ng Diyos--ang trono ng grasya, ang tirahan ng Makapangyarihan. Pagkatapos ng dalawang berso nabasa natin kung paano tayo dinala sa kahanga-hangang lugar na ito: “Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo. Ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos , hindi mula sa inyo” (2:8).

Ang tronong-silid na ito ay ang luklukan ng lahat ng kapangyarihan at lupang pinamamahalaan. Ito ang luklukan na kung saan ang Diyos ang naghahari sa lahat ng kapangyarihan, at naghahari sa lahat ng gawain ng mga tao. Dito sa tronong-silid, nakikita niya ang bawat galaw ni Satanas at sinisiyasat ang bawat isipan ng tao.
At si Kristo ay nakaupo sa kanang kamay ng Ama. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya” (Juan 1:3). At, “Sapagkat ang buong kalakasan ng Diyos ay na kay Kristo nang siya’y maging tao” (Colosas 2:9). Kay Hesus naninirahan ang lahat ng karunungan at kapayapaan, lahat ng kapangyarihan at lakas, lahat ng kailangan upang mabuhay sa isang matagumpay, mabungang buhay. At binigyan ng daan patungo sa mga kayamanang na kay Kristo.

Sinasabi ni Pablo sa atin, “Sa katiyakan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa kamatayan, tayo ay ibinangon kasama niya sa pamamagitan ng Ama. At, sa katiyakan na si Hesus ay dinala sa trono ng kaluwalhatian, dinala tayo kasama niya sa katulad na lugar ng kaluwalhatian. Sapagkat tayo ay nasa kanya, tayo man ay nandon din kung nasaan siya. Iyan ang karapatan ng lahat ng mga mananampalataya. Nangangahulugan ito na tayo ay nakaupong kasama niya sa kalangitan na kung saan siya naninirahan.”

Sinasabi ni Pablo sa atin, “Sa katiyakan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa kamatayan, tayo ay ibinangon kasama niya sa pamamagitan ng Ama. At, sa katiyakan na si Hesus ay dinala sa trono ng kaluwalhatian, dinala tayo kasama niya sa katulad na lugar ng kaluwalhatian. Sapagkat tayo ay nasa kanya, tayo man ay nandoon din kung nasaan siya. Iyan ang karapatan ng lahat ng mga mananampalataya. Nangangahulugan ito na tayo ay nakaupong kasama niya sa kalangitan na kung saan siya naninirahan.”

Martes, Hulyo 8, 2008

ISANG DAKILANG PAGPUKAW

Ano ang ibig kong sabihin sa isang dakilang pagpukaw? Ang sinasabi ko’y tungkol sa inilalarawan ni Pablo bilang isang pahayag at pagpapaliwanag.: “At hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya” (Efeso 1:17-19).

Sinasabi ni Pablo sa mga taga Efeso, “Ipinanalangin ko na bigyan nawa kayo ng Diyos ng isang sariwang pahayag, na buksan niya ang inyong mga mata sa pagtawag na ibinigay niya sa inyo. Hiniling ko sa kanya na bigyan kayo ng bagong pang-unawa tungkol sa inyong mamanahin, ang kayamanan na na kay Kristo na inyong pag-aari. Mayroong makapangyarihang lakas na nais ng Diyos na pakawalan sa inyo. Ito’y katulad ng kapagyarihan na na kay Hesus. Oo, katulad ng kapangyarihan na nasa nakaupong si Kristo sa langit ay nasa inyo ngayon.”

Ayon kay Pablo, “Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos,” ay katulad “ang walang-hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya (1:20, 19). Sa dahilang ito, hinikayat ni Pablo, “Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya” (2 Corinto 13:5).

Paano natin titiyakin ang ating mga sarili? Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagsukat sa ating mga sarili laban sa kahanga-hangang pangako ng Diyos. Kailangan nating tanungin ang ating mga sarili: “Kumukuha ba ako ng lakas mula kay Kristo upang mapaglabanan ang kasamaan? Gumagamit ba ako ng kanyang kapangyarihan upang mapaglabanan ko ang kasalanan? Patuloy ba akong namumuhay sa kagalakan, kapayapaan at kapahingahan na ipinangako ni Hesus sa bawat mananampaltaya na walang pinipili?”

Ang inyong pansariling “dakilang pagpupukaw” ay dumating sa araw na tumingin ka sa iyong buhay at dumaing, “Mayroong pang higit sa buhay kay Kristo kaysa dito. Ang lahat ng aking mga plano ay naisiwalat, lahat ng aking mga pangarap ay nawasak. Ako’y nabubuhay bilang alipin ng aking mga kinatatakutan at makalamang pagnanasa. Ngunit hindi ko na kaya itong gawin.

“Alam kong tinawag ako ng Panginoon para sa nakahihigit pa kaysa sa dito sa bigong buhay. At hindi ako magkukunwa. O, Diyos, mayroon ba talagang lugar na kung saan ay mabibigyan mo ako ng lakas na mamuhay na tagumpay? Tunay ba talagang papayagan mo ako na maging higit pa sa isang manlulupig sa aking mga pagsubok? Totoo ba na nagbigay ka ng lugar na may lubos na kapayapaan para sa akin sa gitna ng aking mga pakikipaglaban?

“Tunay ba talagang maaari na magkaroon ako ng patuloy kapalagayang-loob sa iyo? Totoo ba na hindi ko na kailangang madulas sa pagkawalang-bahala o pagpupunyagi para malugod ka? Mayroon ba talagang kapahingahan sa iyo na kung saan ay hindi ko na kailangan ang pagmumuling-buhay, sapagkat ang panananlig ko ay mananatiling matatag?”

Lunes, Hulyo 7, 2008

PUSPOS NG ESPIRITU

“Tinanggap natin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay ng tapat sa Diyos. Ito’y dahil sa ating pagkakilala kay Hesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan ng kanyang karangalan at kapangyarihan” (2 Pedro 1:3).

Sa maraming taon inangkin ko na mapuspos ng Espiritu. Nagpatotoo ako na nabinyagan sa Espiritu. Nangaral ako na ako ay binigyan ng kapangyarihan para magpatotoo, at ako ay nasantipikahan niya. Nanalangin ako sa Espirtu, nakipag-usap sa Espiritu, lumakad sa Espiritu at nadinig ang kanyang tinig. Lubos akong naniniwala na ang Banal na Espiritu ay ang kapangyarihan ng Diyos.

Madadala kita sa lugar na kung saan ako napuspos ng Epiritu, sa gulang na walong taon. Nabasa ko ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Banal na Espiritu. Gayunman itong mga nakaraan, nakita ko ang sarili ko na nananalangin, “Tunay ko bang kilala ang di-kapani-paniwalang kapangyarihan na nananahan sa akin? O ang Espiritu ba ay isa lamang doktrina para sa akin? Kahit paano ipinagsasawalang-bahala ko ba siya? Hindi ko ba hinihiling sa kanya na gawin niya para sa akin ang dahilan ng pagdating niya?

Ang katunayan ay, maari kang magkaroon ng bagay na mahalaga ngunit hindi mo alam ito. At hindi mo matamasa ang isang bagay na mayroon ka, sapagkat hindi mo alam kung gaano kahalaga ito.

Mayroong isang salaysay tungkol sa isang magsasaka na nagtatrabaho sa buong buhay niya sa kanyang maliit na sakahan. Sa maraming dekada sinaka niya ang mabatong lupa, namumuhay na mahirap lamang at sa huli ay namatay na walang-kasiyahan. Sa kanyang kamatayan, ang sakahan ay napabigay sa anak. Isang araw, habang nag-aararo, ang anak ay nakatuklas ng isang munting pirasong ginto. Kanya itong ipinauri at sinabihan na ito ay isang purong ginto. At agad na natuklasan ng nakababatang lalaki na ang sakahan ay puno ng ginto. Biglaan, siya ay naging mayaman. Gayunman ang kayamanan ay nawala sa kanyang ama, kahit na ito ay nasa kanyang lupa buong buhay niya.

Kaya’t ito man ay nasa Banal na Espiritu. Marami sa atin ay namumuhay ng walang kaalaman sa kung ano mayroon tayo, sa kapangyarihan na naninirahan sa atin. Mayroon mga Kristiyano na nabubuhay na iniisip na mayroon sila ng lahat ng dala ng Banal na Espiritu gayunman hindi nila talaga lubusang tinanggap siya sa kanyang kapunuan at kapangyarihan. Hindi niya naisasagawa ang walang hanggang gawain na siyang dahilan kung bakit siya ipinadala.

Biyernes, Hulyo 4, 2008

PAMPAMILYANG PANALANGIN

Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay nagkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit” (Mateo 18:19). Ang ilang mga Kristiyano ay tinatawag ito na “nagkakaisang pananalangin.” Ikaw ay lubos na pinagpala kapag ikaw ay mayroong matapat na kapatirang kasama sa pananalangin. Sa katunayan, ang pinakamakapangyarihang namamagitan na alam ko ay iyong ginagawa ng dalawa o tatlo.

Ang lugar na kung saan mas makapangyarihan ito na ginagawa ay sa tahanan. Ang aking may-bahay na si Gwen, at ako ay magkasamang nananalangin araw-araw, at naniniwala ako na pinagtitibay nito ng buo ang aking mag-anak. Idinalangin namin ang bawat isa sa aming mga anak sa panahon ng kanilang paglaki, na wala isa man sa kanila ang maligaw. Idinalangin namin ang kanilang pakikipag-kaibigan at kaugnayan at ang kanilang hinaharap na mapapangasawa, at ngayon ay ito rin ang aming ginagawa sa aming mga apo.

Kaunti lamang sa mga Kristiyanong pamilya ang nagbibigay panahon sa pananalangin sa tahanan. Ako’y nagpapatotoo na ako ay nasa ministeryo ngayon dahilan sa kapangyarihan ng pamilyang pananalanagin. Noong bata pa ako, araw-araw, kahit saan kaming magkakapatid naglalaro, sa harapan ng aming bahay o doon sa kalsada, ang ina namin ay tatawagin kami sa harapan ng aming bahay, “David, Jerry, Juanita, Ruth, oras na para manalangin!” (Ang kapatid kong si Don ay hindi pa ipinapanganak noon.)

Ang lahat ng aming mga kapitbahay ay alam ang oras ng aming pampamilyang pananalangin. Minsan hindi ko gustong marinig ang tawag na iyon, at masama ang loob ko at dumadaing tungkol dito. Ngunit may maliwanag na nangyari sa mga panahong iyon ng pananalangin, ang Espiritu ay kumikilos sa kalagitnaan ng aming pamilya at hinihipo ang aming mga espiritu

Maaring hindi mo maibagay ang iyong sarili na gumagawa ng pampamilyang pananalangin. Maaring mayroon kang maybahay na hindi nakikipagtulungan o may anak kang rebelde. Minamahal, hindi mahalaga kung sino ang ayaw na maka-ugnay. Maari ka pa ring magtungo sa hapag-kainan upang yumuko at manalangin. Iyon ang magsisilbing sandali ng iyong pananalangin sa pamamahay at ang bawat bahagi ng pamilya ay malalaman ito.

Huwebes, Hulyo 3, 2008

KAILANGAN KITA

Mayroong ilang mga Kristiyano ay ayaw na maiugnay sa ibang bahagi ng katawan ni Kristo. Nakikipagkumunyon sila kay Hesus, ngunit sadya nilang inilalayo ang kanilang sarili sa ibang mga mananampalataya. Ayaw nilang magkaroon ng kinalaman sa mga kasapi, maliban sa namumuno.

Ngunit ang katawan ay hindi mabubuo ng isang bahagi lamang. Mailalarawan mo ba ang isang ulo na may isang kamay lamang na tumutubo dito? Ang katawan ni Kristo ay hindi mabubuo na isang ulo lamang, kung wala itong mga bisig at mga paa o mga sangkap. Ang kanyang katawan ay binubuo ng maraming mga bahagi. Hindi tayo maaring makipag-isa kay Kristo kung hindi tayo makikipag-isa sa kanyang katawan.

Ang ating pangangailangan ay hindi para sa ulo lamang, kundi sa buong katawan nito. Tayo ay nilalang magkakasama hindi lamang sa ating pangangailangan kay Hesus, kundi sa atin na ring pangangailangan sa bawat isa. Ipinahayag ni Pablo, “Kaya’t hindi masasabi ng mata sa kamay, hindi kita kailangan, ni ng ulo, sa mga paa, hindi ko kayo kailangan” (1 Corinto 12:21).

Itala ang pangalawang bahagi ng bersong ito. Maging ang ulo hindi maaring magsabi sa ibang bahagi, “Hindi kita kailangan.” Isang di-kapani-paniwalang pahayag! Sinasabi ni Pablo sa atin, “Hindi kailanman sasabihin ni Kristo sa ibang mga bahagi ng kanyang katawan, ‘Hindi ko kayo kailangan.” Ang ating ulo ay kusang iniugnay ang kanyang sarili sa bawat isa sa atin. Higit pa doon, sinabi niya tayong lahat ay mahalaga, kinakailangan sa pagkilos ng kanyang katawan.

Ito ay sadyang may katunayan sa mga kasapi na sugatan at nagdurusa. Idiniin ni Pablo, “Sa katunayan, ang mga bahaging wari’y mahihina ang siya pang kailangang-kailangan” (12:22). Idinagdag pa ng apostol, “Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pag-aalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ay siya nating pinagaganda” (12:23). Nangungusap siya tungkol doon sa mga bahagi ng katawan ni Kristo na hindi nakikita, nakatago, hindi kilala. Sa mga mata ng Diyos, ang mga bahaging ito ay may dakilang karangalan. At sila’y lubos na kinakailangan sa gawain ng kanyang katawan.

Ang talatang ito ay may malalim na kahulugan para sa ating lahat. Sinasabi ni Pablo sa atin, “Hindi mahalaga kung gaano kababa ang iyong pagkatao. Maaring maisip mo na hindi mo masukat ang iyong sarili bilang Kristiyano. Ngunit ang Panginoon mismo ang nagsabi, ‘Kailangan kita. Hindi ka lamang mahalagang bahagi ng aking katawan. Ikaw ay lubos na mahalaga at higit na kailangan upang ito ay gumalaw.’”

Bilang mahalagang bahagi ng katawan ni Kristo, ang mga mananampalataya ay kailangang bumangon at gumawa ng taimtim na pagkilos laban sa pagsalakay ni Satanas laban sa mga kapwa mananampalataya. Ang nakakagulat ay, ang utos na ito ay binabale-wala ng maraming Kristiyano. Kapag nakita natin ang isang mananampalataya na nagdurusa, nais nating mag-alay ng kaaliwan, at iyon ay isang gawa ng makadiyos na pag-ibig. Ngunit hindi iyon sapat! Ang bawat mananampalataya ay dapat na igapos si Satanas sa pangalan ni Hesus at ihagis siya sa ibayong kadiliman. Iyon ang hudyat ng isang tunay na bahagi ng katawan.

Miyerkules, Hulyo 2, 2008

IPINAGKATIWALA SA PANGANGALAGA NG DIYOS

Sinabi ni Hesus, “…Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat…Ang mga tao ay hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan” (Lucas 21:25-26). Nagbabala si Kristo sa atin, “Kapag nawalan ng pag-asa sa akin, maraming mga tao ay tiyak na mamamatay sa takot!”

Para sa mga taga-sunod ni Hesus, gayunman, yaong mga nananalig sa mga pangako ng Diyos na pangangalagaan niya ang kanyang mga anak, ay may maluwalhating kalayaan mula sa anumang katatakutan. Ang katunayan, ang lahat ng kumakapit sa kapangyarihan ni Kristo ay hindi na kailangan matakot kailanman, kung panghahawakan lamang nila ang sumusunod na lihim: Ang tunay na kalayaan sa takot ay yaong lubos na isinuko ang buhay sa mga kamay ng Panginoon.

Ang pagsuko ng ating mga sarili sa pangangalaga ng Diyos ay isang akto ng pananalig. Ito ay nangangahulugan ng lubusang paglalagay ng ating mga sarili sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, kaalaman at kahabagan, na iginagabay at pinangangalagaan ayon sa kanyang kalooban lamang. Kapag ginawa natin ito, ang Diyos ng sansinukuban ay nangangako na siya ang bahala sa atin, para pakainin tayo, damitan at kupkupin tayo, at mabantayan ang mga puso natin mula sa lahat ng masama.

Si Hesus ay nagbigay ng ultimong halimbawa ng ganitong uri ng banal na pagsuko nang siya ay ipinako sa krus. Noong bago pa niya isinuko ang kanyang Espiritu, sumigaw siya ng malakas “…Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking Espiritu!” (Lucas 23:46).

Ganap na inilagay ni Kristo ang pagkupkop sa kanyang buhay at walang-hanggang kinabukasan sa pangangalaga ng Ama. At sa paggawa nito, inilagay niya ang mga kaluluwa ng kanyang mga taga-sunod sa mga kamay ng Ama.

Maaring magtaka ka, “Walang makakakuha nito sa akin; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli” (Tingnan ang Juan 10:18). Kung mayroon siyang kapangyarihang “kunin muli ang kanyang buhay,” bakit niya isinuko sa mga kamay ng Diyos upang pangalagaan ito? Ang kasagutan ay hayagan: Ginawa ito ni Hesus upang magpakita ng halimbawa para sa lahat ng kanyang mga taga-sunod upang ito’y tularan!

Kapag hiniling sa atin na ipagkatiwala ang ating mga buhay sa isang tao, kung gayon ay malaman natin na ang Taong ito ay may kapangyarihan na mapag-ingatan tayo sa lahat ng panganib, pananakot at karahasan. Isinulat ni Pablo, “…Gayunma’y hindi ko ikinahihiya ang mga nangyayaring ito sa akin, sapagkat lubos kong nakikilala ang aking pananaligan at natitiyak kong maiingatan niya hangganag sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya” (2Timoteo 1:12).

Martes, Hulyo 1, 2008

ISANG DAAN PATUNGO SA TRONO

Hindi mo maaring itangis ang daan patungo sa maka-langit na kalagayan. Hindi mo maaring pag-aralan o naisin ang daan patungo dito. Hindi, ang tanging daan patungo sa buhay-trono ay ang daan ng buhay ng pagpapakasakit: “Iaalay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang dapat na pagsamba ninyo sa kanya” (Roma 12:1).

Si Pablo ay nagpapahayag mula sa kanyang karanasan. Narito ang isang lalaki na tinanggihan, tinukso, inusig, binugbog, ibinilanggo, winasak, pinagbabato. Na kay Pablo rin ang lahat ng pangangalaga ng iglesya . Gayunman, nagpatotoo siya, “Sa bawat kalagayan, ako ay nasisiyahan.”

Ngayon sinasabi niya sa atin, “Kaya, nais ninyong malaman kung paano ko natutunan ang makalangit na paglalakad na ito? Nais ninyo bang malaman kung paano ko natamo ang kasiyahan anuman ang katayuang kinalalagyan ko, kung paano ko nakita ang tunay na kapahingahan kay Kristo? Narito ang daan, ang lihim ng pagtatakda ng iyong makalangit na kalagayan: Iaalay mo ang iyong sarili bilang handog na buhay sa Panginoon. Natamo ko ang kasiyahan sa pamamagitan lamang ng sarili kong paghahangad.”

Ang ugat na salita sa Griyego para sa “namumuhay” dito ay nagmumungkahi ng “habang-buhay.” Si Pablo ay nagpapahayag dito tungkol sa nakataling pangako, isang pagpapakasakit na ginawa minsan lamang sa buong-buhay. Gayunman, huwag bigyan ng maling kahulugan; hindi ito isang pagpapakasakit na may kinalaman sa pagtatakip-sala sa kasalanan. Ang tanging pagpapakasakit ni Kristo sa krus lamang ang karapat-dapat sa pagtatakip sa kasalanan: “Subalit minsan lamang siyang nagpakita, ngayong magtatapos na ang panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog” (Hebreo 9:26).

Hindi, si Pablo ay nagpapahayag ng naiibang uri ng pagpapakasakit. Gayunman, huwag magkamali; hindi kinalugdan ng Diyos ang pagpapakasakit na gawang-tao sa Lumang Tipan. Sinasabi ng Hebreo sa atin, “Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan” (10:6). Bakit hindi kinalugdan ng Panginoon ang mga pagpapakasakit na ito? Sa madaling sabi, ang mga ito ay hindi nangailangan ng puso.

Ang pagpapakasakit na ipinahayag ni Pablo ay iyong kinalugdan ng Diyos, tiyak sapagkat ito ay ginawa na galing sa puso. Ano ang pagpapakasakit na ito? Ito ay ang kamatayan ng ating sariling paghahangad, nang pagsasaisang-tabi ng ating sariling kakayahan at pagwawalang-bahala sa ating mga hangarin.

Nang manghikayat sa mabuti si Pablo, “Iaalay mo ang iyong sarili,” sinasabi niya na, “lumapit ka sa Panginoon.” Gayunman, ano talaga ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na lumapit sa Diyos na may hangaring iaalay ang buong sarili sa kanya. Nangangahulugan ito ng paglapit sa kanya hindi sa pamamagitan ng sarili nating kakayahan, kundi bilang isang bata na muling-nabuhay, na banal sa katuwiran ni Hesus, bilang tinanggap ng Ama sa pamamagitan ng ating katayuan kay Kristo. Sa sandaling isinuko mo ang iyong sariling hangarin sa kanya, ang pagpapakasakit ay nagawa na. Nangyayari ito kapag itinigil mo ang pagpapakahirap na malugod ang Diyos sa iyong pansariling kakayahan. Ang gawaing ito na may pananalig ay ang “makatuwirang paglilingkod” na siyang tinutukoy ni Pablo. Ang lahat ng ito ay tungkol sa ating pananalig sa kanya sa pamamagitan ng ating sariling paghahangad, nananalig na ipagkakaloob niya ang lahat ng pagpapala na kailangan natin.