Huwebes, Hulyo 10, 2008

ANG LIHIM NA SILID

“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim” (Mateo 6:6).

Sa nakaraan naisip ko na dahil sa pangangailangan na kailangang maghanap-buhay, maari tayong magkaroon ng isang “lihim na silid na dasalan” kahit saan: sa kotse, sa bus, sa sandali ng pamamahinga sa trabaho. Sa kasukatan, ito ay totoo. Ngunit mayroon pang higit na kailangan para dito. Ang salitang Griyego sa “silid” sa bersong ito ay nangangahulugan ng “isang pribadong silid, isang lihim na lugar.” Ito ay maliwanag sa mga nakikinig kay Hesus, sapagkat ang mga tahanan sa kanilang kultura ay mayroong sa loob pang silid na nagsisilbing parang isang silid taguan. Ang utos ni Hesus ay magtungo sa lihim na silid na iyon ng nag-iisa at isara ang pinto pagpasok mo. At doon ay papasok sa isang uri ng pananalangin na hindi nangyayari sa iglesya o pag may kasamang nananalangin.

Si Hesus ay nagpakita ng halimbawa para dito, noong nagtungo siya sa isang ilang na pook para manalangin. Paulit-ulit ang Kasulatan ay nagsabi sa atin na “nagtungo siya sa isang tabi” upang manalangin. Walang sinuman ang lubos na abala, habang patuloy siyang hinihingan ng tulong ng mga nakapaligid sa kanya, na halos wala ng panahon para sa sarili niya. Gayunman, tayo’y sinabihan, “Madaling araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin” (Marcos 1:35). “Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi” (Mateo 14:23).

Tayong lahat ay maraming dahilan kung bakit hindi tayo nananalangin ng palihim, sa isang lihim na pook na nag-iisa. Sinasabi natin na wala tayong ganoong pribadong pook, o walang panahon upang gawin ito. Si Tomas Manton, isang makadiyos na Puritanong manunulat, ay nagsabi ng ganito: “Sinasabi natin na wala tayong panahon manalangin ng palihim. Ngunit may panahon tayo para sa ibang bagay: panahon upang kumain, uminom, para sa mga bata, ngunit walang panahon para sa bagay na nagsusustina sa lahat ng ito. Sinasabi natin na wala tayong pribadong pook, ngunit si Hesus ay natagpuan ang burol, si Pedro sa ibabaw ng bubong, ang mga propeta sa ilang. Kung iniibig mo ang isang tao, makakatagpo ka ng isang pook upang makapag-isa.”

Nakita mo ba ang kahalagahan ng paglalagay ng iyong puso upang manalangin sa isang lihim na lugar? Hindi ito tungkol sa legalidad o pagkakagapos, kundi tungkol sa pag-ibig. Ito’y tungkol sa kabutihan ng Diyos sa atin. Nakikita niya ang parating at alam niya ang ating mga pangangailangan, pang-araw-araw na pangpuno-muli. Lahat ng iyon ay matatagpuan sa lihim na pook kasama siya.