Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay nagkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit” (Mateo 18:19). Ang ilang mga Kristiyano ay tinatawag ito na “nagkakaisang pananalangin.” Ikaw ay lubos na pinagpala kapag ikaw ay mayroong matapat na kapatirang kasama sa pananalangin. Sa katunayan, ang pinakamakapangyarihang namamagitan na alam ko ay iyong ginagawa ng dalawa o tatlo.
Ang lugar na kung saan mas makapangyarihan ito na ginagawa ay sa tahanan. Ang aking may-bahay na si Gwen, at ako ay magkasamang nananalangin araw-araw, at naniniwala ako na pinagtitibay nito ng buo ang aking mag-anak. Idinalangin namin ang bawat isa sa aming mga anak sa panahon ng kanilang paglaki, na wala isa man sa kanila ang maligaw. Idinalangin namin ang kanilang pakikipag-kaibigan at kaugnayan at ang kanilang hinaharap na mapapangasawa, at ngayon ay ito rin ang aming ginagawa sa aming mga apo.
Kaunti lamang sa mga Kristiyanong pamilya ang nagbibigay panahon sa pananalangin sa tahanan. Ako’y nagpapatotoo na ako ay nasa ministeryo ngayon dahilan sa kapangyarihan ng pamilyang pananalanagin. Noong bata pa ako, araw-araw, kahit saan kaming magkakapatid naglalaro, sa harapan ng aming bahay o doon sa kalsada, ang ina namin ay tatawagin kami sa harapan ng aming bahay, “David, Jerry, Juanita, Ruth, oras na para manalangin!” (Ang kapatid kong si Don ay hindi pa ipinapanganak noon.)
Ang lahat ng aming mga kapitbahay ay alam ang oras ng aming pampamilyang pananalangin. Minsan hindi ko gustong marinig ang tawag na iyon, at masama ang loob ko at dumadaing tungkol dito. Ngunit may maliwanag na nangyari sa mga panahong iyon ng pananalangin, ang Espiritu ay kumikilos sa kalagitnaan ng aming pamilya at hinihipo ang aming mga espiritu
Maaring hindi mo maibagay ang iyong sarili na gumagawa ng pampamilyang pananalangin. Maaring mayroon kang maybahay na hindi nakikipagtulungan o may anak kang rebelde. Minamahal, hindi mahalaga kung sino ang ayaw na maka-ugnay. Maari ka pa ring magtungo sa hapag-kainan upang yumuko at manalangin. Iyon ang magsisilbing sandali ng iyong pananalangin sa pamamahay at ang bawat bahagi ng pamilya ay malalaman ito.