Huwebes, Hulyo 3, 2008

KAILANGAN KITA

Mayroong ilang mga Kristiyano ay ayaw na maiugnay sa ibang bahagi ng katawan ni Kristo. Nakikipagkumunyon sila kay Hesus, ngunit sadya nilang inilalayo ang kanilang sarili sa ibang mga mananampalataya. Ayaw nilang magkaroon ng kinalaman sa mga kasapi, maliban sa namumuno.

Ngunit ang katawan ay hindi mabubuo ng isang bahagi lamang. Mailalarawan mo ba ang isang ulo na may isang kamay lamang na tumutubo dito? Ang katawan ni Kristo ay hindi mabubuo na isang ulo lamang, kung wala itong mga bisig at mga paa o mga sangkap. Ang kanyang katawan ay binubuo ng maraming mga bahagi. Hindi tayo maaring makipag-isa kay Kristo kung hindi tayo makikipag-isa sa kanyang katawan.

Ang ating pangangailangan ay hindi para sa ulo lamang, kundi sa buong katawan nito. Tayo ay nilalang magkakasama hindi lamang sa ating pangangailangan kay Hesus, kundi sa atin na ring pangangailangan sa bawat isa. Ipinahayag ni Pablo, “Kaya’t hindi masasabi ng mata sa kamay, hindi kita kailangan, ni ng ulo, sa mga paa, hindi ko kayo kailangan” (1 Corinto 12:21).

Itala ang pangalawang bahagi ng bersong ito. Maging ang ulo hindi maaring magsabi sa ibang bahagi, “Hindi kita kailangan.” Isang di-kapani-paniwalang pahayag! Sinasabi ni Pablo sa atin, “Hindi kailanman sasabihin ni Kristo sa ibang mga bahagi ng kanyang katawan, ‘Hindi ko kayo kailangan.” Ang ating ulo ay kusang iniugnay ang kanyang sarili sa bawat isa sa atin. Higit pa doon, sinabi niya tayong lahat ay mahalaga, kinakailangan sa pagkilos ng kanyang katawan.

Ito ay sadyang may katunayan sa mga kasapi na sugatan at nagdurusa. Idiniin ni Pablo, “Sa katunayan, ang mga bahaging wari’y mahihina ang siya pang kailangang-kailangan” (12:22). Idinagdag pa ng apostol, “Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pag-aalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ay siya nating pinagaganda” (12:23). Nangungusap siya tungkol doon sa mga bahagi ng katawan ni Kristo na hindi nakikita, nakatago, hindi kilala. Sa mga mata ng Diyos, ang mga bahaging ito ay may dakilang karangalan. At sila’y lubos na kinakailangan sa gawain ng kanyang katawan.

Ang talatang ito ay may malalim na kahulugan para sa ating lahat. Sinasabi ni Pablo sa atin, “Hindi mahalaga kung gaano kababa ang iyong pagkatao. Maaring maisip mo na hindi mo masukat ang iyong sarili bilang Kristiyano. Ngunit ang Panginoon mismo ang nagsabi, ‘Kailangan kita. Hindi ka lamang mahalagang bahagi ng aking katawan. Ikaw ay lubos na mahalaga at higit na kailangan upang ito ay gumalaw.’”

Bilang mahalagang bahagi ng katawan ni Kristo, ang mga mananampalataya ay kailangang bumangon at gumawa ng taimtim na pagkilos laban sa pagsalakay ni Satanas laban sa mga kapwa mananampalataya. Ang nakakagulat ay, ang utos na ito ay binabale-wala ng maraming Kristiyano. Kapag nakita natin ang isang mananampalataya na nagdurusa, nais nating mag-alay ng kaaliwan, at iyon ay isang gawa ng makadiyos na pag-ibig. Ngunit hindi iyon sapat! Ang bawat mananampalataya ay dapat na igapos si Satanas sa pangalan ni Hesus at ihagis siya sa ibayong kadiliman. Iyon ang hudyat ng isang tunay na bahagi ng katawan.