Habang binabasa natin ang Hebreo 11, nakita natin ang isang karaniwang pambahagi sa mga buhay ng mga tao na nabanggit. Bawat isa ay may namumukod na katangian na palatandaan ng pananampalataya na iniibig ng Diyos. Ano ang elementong ito? Ang kanilang pananampalataya ay isinilang sa malalim na kapalagayang-loob sa Panginoon.
Ang katunayan ay, imposible na magkaroon ng pananampalataya na nakalulugod sa Diyos na walang pagbabahagi ng kapalagayang-loob sa kanya. Ano ang ibig kong sabihin sa kapalagayang-loob? Tinutukoy ko ay ang pagiging malapit sa Panginoon na nanggagaling mula sa pananabik sa kanya. Ang ganitong uri ng kapalagayang-loob ay isang malapit na pansariling pagkabigkis, pakikisama. Dumarating ito kapag kinasabikan natin ang Panginoon ng highit pa sa anumang bagay sa buhay na ito.
“Dahil sa pananalig sa Diyos, si Abel ay naghandog ng mas mabuting hain kaysa inihandog ni Cain. Dahil doon, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Bagamat patay na, siya’y nagsasalita pa sa pamamagitan ng kanyang pananalig sa Diyos” (Hebreo 11:4). Nais kong itala ang ilang mahalagang bagay tungkol sa bersong ito. Una, ang Diyos mismo ang nagpatotoo tungkol sa handog ni Abel, o mga alay. Pangalawa, si Abel ay nagtatag ng dambana para sa Panginoon, kung saan niya dinala ang kanyang mga sakripisyo. At naghandog siya hindi lamang mga walang dungis na mga anak ng tupa bilang sakripisyo, kundi pati na ng mga taba nito. “Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi” (genesis 4:4).
Ano ang pakahulugan ng taba dito? Ang aklat ng Levitico ay nagsabi tungkol sa taba ng, “Lahat ng ito’y ibibigay niya sa saserdote at susunugin sa dambana bilang pagkaing handog na kalugud-lugod sa akin” (Levitico 3:16). Ang taba ay bahagi ng handog na nagbibigay ng mabangong halimuyak. Ang bahagi ng hayop na ito ay madaling abutin ng apoy at lamunin, nagbibigay ng mabangong halimuyak. Ang taba dito ay nagsisilbing uri ng panalangin o pakikipag-isa na katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ang naglalarawan ng ating ministeryo sa Panginoon sa lihim na silid ng panalanginan. At ang Panginoon mismo ang nagpahayag na ang pagsamba ng may kapalagayang-loob ay umaangat sa kanya na katulad ng may mabangong halimuyak na malinamnam.
Ang unang binanggit ng Bibliya na ganitong uri ng pagsamba ay kay Abel. Iyon ang dahilan kung bakit si Abel ay nakalista sa Bulwagan ng Pananampalataya ng Hebreo 11. Siya ang isang uri ng lingkod na may pakikipag-isa sa Panginoon, inihahandog ang pinakamabuting katangian at mga bagay na mayroon siya. Sa pahayag ng Hebreo, ang halimbawa ni Abel ay nabubuhay hanggang ngayon bilang patotoo ng tunay na buhay na pananampalataya, “Bagamat patay na, siya’y nagsasalita pa” (Hebreo 11:4).