Biyernes, Agosto 1, 2008

ANG PAGTABOY SA MGA BUWITRE

Sa Genesis 15, ang Diyos ay gumawa ng isang maluwalhating pahayag kay Abraham. Inutusan niya ang patriarka na kumuha ng isang dumalagang baka at dumalagang kambing at hatiin ang mga ito sa dalawa. At si Abraham ay kukuha ng isang ibong batu-bato at kalapati at ilapag sa lupa na magkatabi. Ginawa ito ni Abraham ayon sa utos sa kanya, at habang ang mga nilalang na ito ay nakalatag na duguan, ang mga buwitre o maninila ay nagsimulang bumaba sa mga patay na ibong ito. Biglaan ay, nakadama si Abraham ng nakakatakot na kadiliman na pumaligid sa kanya. Ano ang kadilimang ito? Ito ay si Satanas na biglang nasindak.

Paano mo iisipin ang reaksyon ni Satanas kapag nakita niya na ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay naging sa iyo, habang ibinibigay mo ang iyong buhay sa Panginoon, may isang paraan lamang kung paano ang kanyang reaksyon: ang buong impiyerno ay biglaang nayayanig sa sindak.

Ano ang ginawa ni Abraham ng dumating ang mga buwitre? Sinabi ng Kasulatan, na kanya itong itinaboy. Kahalintulad, ipinakita ng Panginoon sa atin ang paraan kung paano haharapin ang nagbababalang-panganib na ito. Hindi tayo dapat matakot sa pagsalakay ng diyablo, sapagkat binigyan tayo ng makapangyarihang sandata ng pakikipaglaban.

Kapag may tinig ng pagdududa o pagtatanong ang pumapasok sa isipan ko, akin itong ihahambing laban sa nalalaman ko tungkol sa mapagmahal na Panginoon. Hindi ko matatanggap ang anumang isipin ay tunay, kung ito ay ibinatay lamang sa kung ano ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. Ang mga ito ay dapat na sukatin laban sa mga ipinangako ni Hesus sa akin tungkol sa kanya at tungkol sa tagumpay na napagwagian para sa akin.

Sa madaling sabi, kapag may pumasok sa isipan ko na nag-aakusa---kung ang mga ito ay nagdudulot ng pagdududa at takot, o humusga, o nagdadala ng damdamin ng pagtanggi---alam ko na hindi ito sa Diyos. Lahat tayo ay kailangang laging handa sa mga nakapanghihilakbot na isiping darating. Maging ang Panginoon ay sinaklaw ng ganitong isipin mula sa mga kalaban sa panahon ng panunukso sa kanya sa ilang.

Kapag ang mga buwitre ay sumalakay sa iyo, may dalang isipin ng di-karapat-dapat at di-katiwasayan, itaboy ang mga ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang sakripisyo na ipinanguna ng Panginoon sa iyo ay nakalulugod sa kanya, at ito ay pararangalan niya.