Ipinangako ng Diyos na lalabas kang tagumpay sa bawat pakikipaglaban, pinutungan ng korona ng kanyang lakas. “Halina O Yahweh…Iyong ipadama ang lakas mong taglay, magdiriwang kami at mag-aawitan!” (Awit 21:13).
Paano tayo “hinahadlangan” ng Panginoon sa mga pagpapala ng kabutihan at mapagmahal na kabutihan? Inaalis ng Banal na Espiritu ang lahat ng takot mula sa atin---takot na bumagsak, o ang mapalayo sa Diyos, ang mawala ang presensiya ng Banal na Espiritu---sa pamamagitan ng pagtatanim sa atin ng kagalakan. Kailangang magpatuloy tayo na nagbubunyi, katulad ni David, sapagkat tiniyak ng Diyos na tayo ay mangingibabaw.
Gayunman kaunti lamang na mga Kristiyano ang may ganitong kagalakan at labis na kaluguran. Marami ang hindi alam ang kapahingahan ng kaluluwa o ang kapayapaan ng presensiya ni Kristo. Lumalakad sila sa paligid na animo’y nagluluksa, inilalarawan ang mga sarili nila na pinipisil ng poot ng Diyos sa halip na nasa pag-iingat ng kanyang mga pakpak. Ang tingin nila sa kanya ay isang malupit na tagapag-turo, na laging handa na hagupitin sila ng latigo sa kanilang likod. Kaya’t hindi sila nabubuhay na maligaya, na walang pag-asa, higit na patay kaysa buhay.
Ngunit sa mga mata ng Diyos, ang ating suliranin ay hindi ang kasalanan; ito ay ang pagtitiwala. Tuluyan ng tinapos ni Hesus ang ating mga suliranin sa kasalanan sa krus ng Kalbaryo. Hindi niya inuulit-ulit sa atin, “Sa pagkakataong ito ay lumampas ka sa guhit.” Hindi, hindi kailanman! Ang kanyang saloobin sa atin ay siyang kasalungat nito. Ang kanyang Espiritu ay patuloy na sinusuyo tayo, pinapaalalahanan tayo ng mapagmahal na kabutihan ng Ama maging sa kalagitnaan ng ating mga kabiguan.
Kapag tayo ay nagtuon sa ating kasalanan, nawawala ang ating pananaw sa kung ano ang higit na nais ng Diyos: “At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya. Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).
Ito ang kaisipang hinahanap ng ating Amang nasa langit na magkaroon tayo. Alam niya kung kailan natin pagsisisihan ang ating mga kabiguan at mga kasalanan. Alam niya kung kailan mangyayari ang ating pagsisisi. Ngunit hindi niya mahihintay ang takdang panahon. Kaya’t siya ay dumating, sinasabi, “nais kong tiyakin na ang aking anak ay hindi huhusgahan, sapagkat napatawad ko na siya sa pamamagitan ng dugo ng aking Anak.