Miyerkules, Agosto 13, 2008

NAKASAKAY SA PANGAKO

Dahilan sa “maagap” na pangako, nagawa nating angkinin ang tagumpay at kapangyarihan bago pa man magsimula ang labanan. Umawit si David, “Nagagalak ang hari… O Yahweh, dahilan sa lakas mong bigay, siya’y nagagalak sa kanyang tagumpay. Binigyan mo siya…ng lahat ng kanyang mga kailangan, at iyong dininig, kanyang kahilingan” (Awit 21:1-2).

Maaring magtaka ka, “Paano makapagbubunyi si David? Humarap siya sa masidhing pagsalakay na hindi pa niya naranasan. Paano siya magkakaroon ng kagalakan kung kahit siya ay maaring masugatan o mamatay?”

Tumugon si David, “Dinalaw mo siya…na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (21:3). Ang sinasabi ni David dito ay makapagpapabago ng buhay: “Humaharap ako sa isang makapangyarihang kaaway na yari na ang loob na wasakin ako. Ngunit ang espiritu ko ay payapa. Bakit? Ang Panginoon ay nakita ang aking paghihirap. At pinaliguan niya ako ng mga pangako ng katiyakan ng kanyang pag-ibig. Maaring mapatumba o mapabagsak ako ng kaaway, at may pagkakataon na maaring ako ay tinapos na. Ngunit sinabi sa akin ng Diyos na kung tatayo ako, matatanggap ko ang kanyang lakas at magwawagi sa labanan.”

At ginawa ni David ang pahayag na ito ng pananampalataya bago tumungo sa digmaan: “Na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (21:3). Ang koronang binanggit ni David dito ay sagisag ng tagumpay at kapangyarihan. Sinasabi ni David, “Patungo ako sa digmaan na nakasakay sa pangako ng Diyos sa akin. Sinabi niya na maglalakad ako palabas ng digmaan nakaputong ang korona ng tagumpay.”

Ito ang bumubuo sa paniniwala ng “maagap na kabutihan” ng Diyos: Inaasahan na niya ang lahat ng ating mga paghihirap---lahat ng pakikipaglaban natin sa kasalanan, kalamnan at sa diyablo---at sa kanyang kahabagan at kabutihan, binayaran na niya ang ating mga utang bago pa man dumating ang takdang bayaran. Ang ating tagumpay ay ganap na.

Ang maagap na kabutihan ng Diyos ay ginagamit lalo na doon sa mga umiibig kay Hesus at yaong mga nabigla sa kasalanan. Tiniyak ng Panginoon sa atin kahit na tayo ay pansamantalang bumagsak, lulutang tayo sa pakikipaglaban na nakatayo, dahil lahat ng utang natin ay binayaran na ni Hesus.