Niliwanag ng Bibliya na mayroong takot sa Panginoon na dapat pagyamanin ng bawat mananampalataya. Ang tunay na takot sa Diyos ay kabilang ang pitagang takot at paggalang, ngunit higit pa doon ang mga ito. Sinasabi ni David sa atin, “Kasalana’y nagungusap sa puso ng mga masasama, sa ubod ng puso nila’y doon ito nagwiwika; tumatanggi ito sa Diyos at ni takot ito ay wala” (Awit 36:1). Sinasabi ni David, “Kapag nakakakita ako ng taong nalululong sa kasalanan, sinasabi ng puso ko na ang taong ito ay walang takot sa Diyos. Hindi nito binibigyan ng halaga ang katotohanan tungkol sa kasalanan, o tungkol sa tawag ng Diyos sa kabanalan.
Ang katunayan ay, ang makadiyos na takot ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang mapanatili ang tagumpay sa mga makasalanang panahon. Kaya, paano natin makakamit ang takot na ito? Sinagot ni Jeremias sa pamamagitan ng hulang ito mula sa Salita ng Diyos: “Magkakaisa sila ng puso at diwa sa pagsunod sa akin at ito’y para sa kanilang kabutihan din at ng mga anak nila. Makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang hanggang tipan; pagpapalain ko sila habang panahon at tuturuang sumunod sa akin ng buong puso upang hindi na sila tumalikod sa akin” (Jeremias 32:39-40).
Ito ay isang kahanga-hangang pangako mula sa Panginoon. Tinitiyak nito sa atin na bibigyan niya tayo ng ganitong banal na pagkatakot. Hindi ito basta ibinabagsak sa ating mga puso ng Diyos sa isang kahima-himalang saglit lamang. Hindi, inilalagay niya ang takot sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita.
Nangangahulugan ba ito na ang takot sa Diyos ay itinatanim sa ating mga puso sa pagbabasa lamang ng Bibliya? Hindi, hindi ganoon, nangyayari ito kapag tayo ay may kamalayan na nagpasiya na susundin natin ang bawat salita na nababasa natin sa Salita ng Diyos. Tinataglay ito ng Kasulatan. Sinabi nito sa atin na ganito kung paanong ang makadiyos na katatakutan ay dumating kay Esdras: “Itinalaga ni Esdras ang kanyang sarili upang pag-aralan, isagawa, at ituro sa Israel ang mga tuntunin ng kautusan” (Esdras 7:10).
Ang takot sa Diyos ay hindi lamang kaisipang pang Lumang Tipan. Nakita natin na ang makadiyos na takot ay parehong nabanggit sa parehong Tipan. Sinasabi ng Lumang Tipan, “Matakot ka sa Diyos, lumayo sa kalikuan” (Kawikaan 3:7). Kahalintulad, ipinahayag ng Bagong Tipan, “Ang pagkatakot sa Diyos ay walang pitak sa kanilang puso” (Roma 3:18). Idinagdag ni Pablo, “Linisin natin ang ating mga sarili sa lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at espiritu. Sikapin nating mamuhay na may takot sa Diyos hanggang sa lubusan nating maitalaga sa kanya ang ating sarili” (2 Corinto 7:1).