Nag-aalala ka ba tungkol sa miyembro ng iyong pamilya na mukhang hindi lumalago o hindi gumugulang kay Kristo? Habang sinusukat mo ang taong iyon, ginagamit mo ba ang sarili mong kaisipan tungkol kay Kristo para sa ating mga buhay? Naidibuho mo ba ang iyong sariling sirkulo ng kung ano ang kahulugan ng tunay na taga-sunod ni Kristo at hindi mo nakikita ang iyong mga minamahal na gumagalaw sa sirkulong iyon?
Posible ba na iyong binigyan ng hanggahan si Kristo? Ang iyong Hesus ba ay masyadong maliit, mahigpit na ginuhitan ang paligid, na hindi mo mapaniwalaan na ang Espiritu niya ay maaring gumagawa ng malalim, nakatagong gawain? Humuhusga ka ba dahil hindi naisukat sa iyong sariling pamantayan? Naniniwala ka ba na ang Diyos ay ganap na malaki upang kumilos sa kanya sa paraang hindi nakikita?
Mga 35 limang taon na ang nakalipas, isang imbing babae na nagngangalang Celeste Horvath ay pumasok sa Hamong Pangkabataan (Teen Challenge) sa Brooklyn. Siya ang madam na pinakabantog sa kasamaan sa Nuweba York, nagpapatakbo ng sindikato ng prostitusyon na ang parukyano ay mga kilalang mga kalalakihan. Si Celeste ay lumaki sa isang Pentekostal na tahanan, at ang nananalangin niyang lola ay nanghula sa kanya, ”Ikaw ay magiging ebanghelista.” Ngunit tinalikuran ni Celeste ang kanyang paglaki sa iglesya at nauwi sa protitusyon..
Habang lumalawak ang sindikato ng prostitusyon na pinamumunuan niya, siya ay nalulong sa bawal na droga. Sa lahat ng panahon na iyon, isang pakikidigma ang nagaganap sa kanyang puso. Gabi-gabi, dumadalangin siya, “O Diyos ko, nakikiusap akong hayaan mong mabuhay pa ako ng isang araw pa.” Sa huli, si Celeste ay nadakip. Ang balita ay naging pangunahing balita sa buong bansa. Sa isang pagkakataon ang kanyang kapatid na lalaki ay sumulat sa kanya, nagsabi na, “Lubos mong ipinahiya ang ating pamilya, wala ka nang pag-asa.”
Ngunit hindi siya tinalikdan ni Hesus. Isang araw sa pinakamalungkot niyang sandali, nanalangin si Celeste---at bumigay siya sa harapan ng Panginoon. Ang pagbabago sa kanya ay madalian, at biglaan siya ay naging bagong nilikha.
Ang lahat na nakakita sa pamumuhay ni Celeste mula sa labas ay naisip na siya ay lubusan ng walang pag-asa, ganap na di matitinag. Ngunit sila ay may maliit na pananaw kay Kristo. Hindi nila nakita ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa kanya sa buong buhay niya. Habang ang mga tao sa buhay ni Celeste ay nakita siya bilang isang pangkaraniwan at madumi, ang Panginoon ay nakita sa kanya ang isang ebanghelista.
Si Celeste ay nagpakita sa Hamong Pangkabataan (Teen Challenge) bago pa siya hinatulan, at tinanggap namin siya. Siya ay nakulong sa piitan na kung saan siya ay naging ebanghelista na tawag ng Diyos para sa kanya. Marami siyang inakay na kaluluwa habang nasa piitan. Pagkatapos na siya ay lumaya, siya ay naging isang makapangyarihang mangangaral sa kalsada at ito ay nauwi sa pagsisimula niya ng iglesya sa Long Island, isang kongregasyon na patuloy na nag-aalab hanggang sa ngayon.