“Muling nagsalita si Hesus sa mga tao. Wika niya, ‘Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman.” (Juan 8:12).
Si Hesus ang, at siya pa rin, ang ilaw ng sanlibutan. Sinabi ni Juan na ang ilaw na ito ay bunga ng buhay na na kay Kristo: “Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan” (Juan 1:4). Sa madaling sabi, ang buhay na mayroon si Kristo ay siyang pinanggagalingan ng liwanag ng sanlibutan. At ang lahat na nananalig “magkakaroon ng ilaw na nagbibigay buhay” (Juan 8:12). Ano ang “buhay sa likod ng liwanag” na siyang tinutukoy ng Kasulatan?
Marami sa atin ang nag-iisip na ang buhay na ito ang walang-hanggang kapanatilihan na siyang naglalarawan kay Kristo. Nakikita natin ito bilang kanyang kapangyarihan na magbigay ng walang-hanggang kapanatilihan sa lahat ng nananalig. Ngunit si Juan ay nangungusap ng bagay na higit pa dito. Nang ginamit niya ang salitang “buhay”, ang tinutukoy niya ay ang buong talambuhay ng kapanatilihan ni Hesus.
Sinasabi ni Hesus na dapat tayong mamuhay na katulad niya. Upang maging kawangis niya dito sa sanlibutan, ang kanyang buhay ay dapat nating malaman at maranasan. Kailangan nating maiugnay ito sa ating mga buhay.
Nais kong sabihin kung paano ko iniugnay ang buhay ko sa buhay na na kay Kristo. Nagagalak ako sa uri nito, maliliit na bagay na ginawa ni Hesus, hinipo at sinabi. Naniniwala ako sa pang-araw-araw na gawain niya, salita at paglalakad kasama ang Ama ay nangahulugan para mabigyan ng kahulugan ang buhay na kawangis ni Kristo.
Naisip ko ang pakikipagkaibigan ni Hesus kay Lazaro. Naisip ko siya noong tumago siya mula sa maraming tao pagkatapos ng mahabang panahon ng pagmiministeryo niya. Naisip ko siya habang nagagalak siya sa panahong nasa tahanan siya nina Maria, Marta at Lazaro. Naisip ko siya habang hawak niya ang mga maliliit na bata sa kanyang mga kamay at binabasbasan sila. Naisip ko ang pagiging masunurin niya sa kanyang ina, kahit na nagkagulang na siya, nang ginawa niyang alak ang tubig sa isang kasalan. Naisip ko ang pag-ibig niya para sa mga hinahamak, sa mga hindi maganda, at sa mga mahihirap. Naisip ko ang kanyang damdamin para sa isang babaeng nahuling nangangalunya at sa pagpaparangal niya sa isang balo na nagbigay ng dalawang sentimo lamang.
Duda ako na may sapat na aklat upang itala ang lahat ng pagmamahal, parang-lingkod na mga bagay na ginawa ni Hesus habang siya ay nasa sanlibutan. Sa mga talatang ito, nakita natin ang paraan kung paano iugnay ang ating mga buhay kay Kristo. Ito ang paraan kung paano natin mauunawaan ang buhay na siyang liwanag.