Miyerkules, Marso 31, 2010

ANO ANG IBIG SABIHIN NG LAHAT NG ITO?

Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito kapag nanatiling hindi sinasagot ang mga panalangin? Kapag nagpatuloy ang kirot at kapag mukhang walang ginagawa ang Diyos bilang sagot sa ating pananampalataya? Madalas ay ganap ang pag-ibig sa atin ng Diyos sa ng panahong iyon ng higit pa sa dati. Sinabi ng Salita na, “Kinakastigo ng Diyos ang kanyang mga minamahal.” Ang pagmamahal na may pagkastigo ay nauuna sa lahat ng kilos ng pananampalataya, angat sa bawat panalangin, angat sa bawat pangako. Ang nakikita ko na nakasasakit sa akin ay maaring ang kanyang pag-ibig sa akin. Maaring ito ay ang kanyang banayad na kamay na pinapalo ako dahil sa katigasan ng aking ulo at pagmamataas.

Mayroon tayong pananalig sa ating pananampalataya. Binibigyan natin ng diin ang kapangyarihan ng ating mga panalangin ng higit pa na tanggapin ang kapangyarihan sa atin. Nais nating mauri ang Diyos ng sa gayon ay mabasa natin siyang parang isang aklat. Hindi natin gusto na masorpresa o maguluminahan at kapag ang mga bagay ay nangyari ng hindi ayon sa ating pagkakakilala sa Diyos, sinasabi natin, “Hindi iyon galing sa Diyos; hindi ganoon kumilos ang Diyos.”

Lubha tayong abala na kumilos sa Diyos, nalimutan na natin na kumikilos siya para sa atin. Iyan ang lahat tungkol sa buhay na ito: ang Diyos ang kumikilos sa atin, sinusubukan na gawin tayong sisidlan ng kaluwalhatian. Masyado tayong abala sa pananalangin para mabago ang mga bagay, wala na tayong panahon na hayaan ang panalangin na baguhin tayo. Hindi inilagay ng Diyos ang pananalangin sa ating mga kamay na para bang may dalawang kasangkapan na kung saan mayroong piniling grupo ng mga “dalubhasa” na marunong makialam sa kanya. Sinabi ng Diyos na mas nais niya ang magbigay kaysa sa tumanggap. Bakit natin ginagamit ang panalangin at pananampalataya bilang “susi” o kasangkapan para mabuksan ang isang bagay hindi naman nakasarado?

Ang panalangin ay hindi para sa kapakinabangan ng Diyos, kundi para sa atin. Ang pananampalataya ay hindi para sa kanyang kapakinabangan kundi para sa atin. Kung sasabihin ng Diyos, “Ang matalino ay makukuha ang gantimpala.”

Lubha nating inaalintana ang usapin ng pananalangin at pananampalataya; may kapangahasan pa tayo na isipin na ang Diyos ay ating “genie” na ibibigay ang lahat ng ating kahilingan. Iniisip natin na ang pananampalataya ay isang paraan para mapilitan ang Diyos sa kanyang mga pangako. Iniisip natin na ang Diyos ay nalulugod sa ating pagsusumikap na ilagay siya sa sulok at isigaw na “Panginoon hindi mo maaring baliin ang iyong mga pangako. Nais ko ang mga bagay na parating sa akin. Nakatali ka sa iyong mga Salita. Kailangan gawin mo ang mga ito kung hindi ay hindi totoo ang iyong mga Salita.”

Ito ang dahilan kuing bakit tayo nalalayo sa tunay na kahulugan ng panalangin at pananampalataya. Nakikita lamang natin ang Diyos bilang tagabigay at tayo ang taga-tanggap. Ngunit ang panalangin at pananampalataya ang paraan na kung saan ay tayo ang nagiging tagabigay sa Diyos. Kailangang magamit ito, hindi bilang paraan para tumanggap mula sa Diyos, kundi bilang paraan na maibigay sa kanya ang mga bagay na makalulugod sa kanya.

Martes, Marso 30, 2010

SINUSUBOK SI KRISTO

“Huwag ninyong susubukin ang Panginoon, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya sila’y pinuksa ng mga ahas” (1 Corinto 10:9).

Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo dito nang nagwika siya ng “sinusubok si Kristo”? Sa madaling sabi, ang panunukso kay Kristo ay paglalagay sa kanya sa pagsubok. Sinusubok natin siya kapag tinatanong natin siya ng, “Gaano magiging mahabagin ang Diyos sa akin kapag ipinagpatuloy ko ang kasalanan kong ito? Gaano ako maaaring manatili sa kasalanan ko bago magsiklab ang kanyang poot? Alam ko na ang Diyos ay mahabagin at ito ang panahon ng pagpapala, na walang paghuhusga sa mga makasalalanan. Paano niya ako mahuhusgahan kung ako ay anak niya?”

Maraming mga Kristiyano ay kaswal na nagtatanong ng katulad na katanungan ngayon, habang naglalaro sila sa makasalanang panunukso. Nais nilang makita kung gaano nila kalapit na mararating ang apoy ng impiyerno na hindi haharap sa kahihinatnan ng kasalanan.

Sa anumang sandali na tayo ay sumalungat sa katotohanan na maliwanag na ipinakita ng Espiritu ng Diyos sa atin, itinatapon natin ang babala ni Pablo: “Kaya nga mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya’y nakatayo, baka siya mabuwal…Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya’t 23,000 ang namatay sa isang araw” (1 Corinto 10:12, 8).

Tanungin ninyo ang inyong mga sarili kung inyong sinusubukan ang hangganan ng mahalagang handog ng pagpapala ng Diyos. Sinusubok ba ninyo si Kristo na nagpalayaw kayo sa inyong kasalanan sa mukha ng inyong ganap na paghihimagsik? Nahikayat ba ninyo ang inyong sarili, “Ako ay mananampalataya ng Bagong Tipan, ako ay nasa ilalim ng dugo ni Hesus. Kung gayon, hindi ako huhusgahan ng Diyos.”

Sa pagpapatuloy ninyo sa inyong kasalanan, ipinagpapalagay ninyo ang dakilang pagpapakasakit ni Hesus para sa inyo ng walang pakundangan. Inilalagay ninyo siya sa lantarang kahihiyan dahil sa inyong kasalukuyang sinasadyang kasalanan, hindi lamang sa mata ng sanlibutan, kundi sa lahat ng harapan ng langit at impiyerno (tingnan ang Hebreo 6:6).

Sa 1 Corinto 10:13 inilalarawan ni Pablo ang daanan ng tatakasan mula sa lahat ng pagsubok: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin ng higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito.”

Ano itong kahulugan ng tatakasan? Ito ay patuloy na paglago ng kaalaman at karanasan sa banal na takot sa Diyos.

Lunes, Marso 29, 2010

TAYO MAN AY PABALIK SA LUPA

Napansin mo ba na sa panahong ito ay halos hindi napag-uusapan ang tungkol sa langit at tungkol sa paglisan dito sa sanlibutang ito? Sa halip, tayo ay binobomba ng mga mensahe ng kung paano gagamitin ang ating pananampalataya para maparami pa ang ating mga ari-arian. “Ang susunod na muling pagbabangon,” sabi ng isang kinikilalang guro, “ay isang muling pagbangon ng pananalapi. Ang Diyos ay magbubuhos ng pagpapalang pinansyal sa lahat ng mga mananampalataya.”

Ang anumang mensahe tungkol sa kamatayan ay nakagugulo sa atin. Pilit nating binabalewala ang mga isipin tungkol dito at iniisip na yaong mga nag-uusap tungkol dito ay mga kakila-kilabot. Paminsan-minsan pinag-uusapan natin ano ba ang hitsura ng langit, ngunit kadalasan ang usapin tungkol sa kamatayan ay ipinag-babawal.

Isang minamaliit na usapin ng walang-hanggang layunin ng Diyos! Hindi kataka-taka maraming Kristiyano ay takot na isipin ang tungkol sa kamatayan. Ang katotohanan ay, malayo tayo sa pagkakaunawa sa panawagan ni Cristo na iwaksi ang sanlibutan at ang lahat ng nakabalot dito. Tinawag niya tayo na lumapit at mamatay—at mamatay ng hindi nagtatatag ng alaala para sa sarili natin. Ang mamatay ng hindi inaalala kung paano maalala ng iba. Walang iniwan na isinulat na pansariling kabuhayan—walang masalimuot na himpilan—walang unibersidad o kolehiyo ng Bibliya. Wala siyang iniwan para pamaligiin ang kanyang alaala kundi ang tinapay at alak.

Ano ang kaibahan ng mga naunang Kristiyano. Madalas ipahayag ni Pablo ang tungkol sa kamatayan. Sa katunayan, ang ating pagmumuling buhay mula sa kamatayan ay ibinatay sa Bagong Tipan bilang isang banal na pag-asa. Ngunit sa mga panahong ito, ang kamatayan ay ipinapalagay na bilang isang nanghihimasok na inihihiwalay tayo mula sa mabuting pamumuhay na nakasanayan na natin. Lubha nating ginulo ang ating buhay sa pamamagitan ng mga materyal na bagay, tayo ay bumagsak na. hindi na natin makayanang dalhin ang isipin na iiwan na natin ang ating magagandang bahay, ang mga magagandang bagay, ang ating mga magandang minamahal. Ang iniisip na lang natin ay, “Ang mamatay ngayon ay isang malaking kawalan. Iniibig ko ang Panginoon—ngunit kailangan ko pa ng panahon para makapagpasasa sa aking mga ari-arian. Pinakasalan ko ang aking asawa. Kailangan ko pang patunayan ang aking kakayahan. Kailangan ko pa ng panahon.”

Ano ang pinakadakilang pagpapahayag ng ating pananampalataya, at paano ito magagamit? Matatagpuan mo ito sa Hebreo: “Ang lahat ng mga taong ito ay namuhay ayon sa pananampalataya hanggang sa mamatay... at inamin nila na sila ay mga dayuhan at mga pansamantalang nanunuluyan sa lupa… Ngunit ngayon, hinangad nila ang higit na mabuting bayan na maka-langit, kaya nga, hindi ikinakahiya ng Diyos na tawagin nila siyang Diyos. Siya ay naghanda ng isang lungsod para sa kanila” (Hebreo 11:13 at 16).

Biyernes, Marso 26, 2010

ANG BUHAY AY HINDI NAKABALOT SA KABIBI LAMANG

Ang katawang tao natin ay hindi parang kabibi lamang, at ang buhay ay hindi nakabalot sa kabibi lamang. Ang kabibi ay hindi para taguan, kundi isang pansamantalang taguan lamang ng patuloy na lumalaki, patuloy na gumugulang na puwersa ng buhay. Ang katawan ay isa ng kabibi na tumatayong tagapagbantay ng buhay sa loob. Ang kabibi ay isang imitasyon lamang kung ihahambing sa buhay na walang hanggan na binabalutan nito.

Ang bawat tunay na Kristiyano ay pinunan ng buhay na walang hanggan. Ito ay itinanim bilang isang binhi sa ating katawang tao at patuloy na gumugulang. Ito ay nasa loob natin na patuloy na lumalaki, patuloy na lumalawak na proseso ng pagsulong—at ito ay kinakailangang mabasag sa takdang panahon para bumuo ng isang bagong buhay. Ang maluwalhating buhay na ito ng Diyos ay nagbibigay diin sa kabibi, na kung sa sandali na dumating na ang muling pagkabuhay, ang kabibi ay mababasag. Ang imitasyong kinalalagyan ay mababasag, katulad ng isang bagong silang na sisiw, ang kaluluwa ay pinalaya na mula sa kulungan. Sambahin ang Panginoon!

Ang kamatayan ay isang mistulang pagbasag lamang ng kabibi. Sa itinakdang panahon ng pagpapasiya ng ating Panginoon ang ating kabibi ay nagampanan na ang gamit nito, kailangan ng iwanan ng mga tao ng Diyos ang matanda na at tiwaling katawan pabalik sa alabok mula sa pinanggalingan nito. Sino ang mag-iisip na pulutin ang pira-pirasong bahagi ng kabibing ito ang puwersahang ibalik ang sisiw pabalik sa pinanggalingan nito? At sino ang mag-iisip na hilingin sa mahal sa buhay na sumakabilang buhay na bitiwan ang bago at maluwalhating katawan—na ginawa sa imahe ni Cristo—at muling bumalik sa nabubulok na kabibi na kung saan siya ay nakalaya na?

Sinabi ni Pablo ito: “Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Filipos 1:21). Ang ganitong uri ng usapan ay ganap na estranghero sa ating makabango, espirituwal na bokabularyo. Tayo ay naging mananamba ng buhay, wala halos tayong pagnanais na lumisan para makapiling ang Panginoon.

Sinabi ni Pablo, “Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti: Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo” (Filipos 1:23-24). Gayunman, alang-alang sa pagbibigay halaga sa mga nagbago na, naisip niya na mabuti pang “manatili sa kabibi.” O sa kanyang paglalagay dito, “manindigan para sa laman.”

Si Pablo ba ay nalulungkot? Mayroon ba siyang hindi makatuwirang paniniwala tungkol sa kamatayan? Nagpakita ba si Pablo ng kawalan ng paggalang para sa pinagpalang buhay na ibinigay ng Diyos sa kanya? Hindi! Nabuhay si Pablo ng sapat. Para sa kanya, ang buhay ay isang handog, at ginamit niya ito ng mabuti nakipaglaban ng isang mabuting laban. Napaglabanan niya ang takot ng “kamandag ng kamatayan” at maari niya ngayong sabihin, ‘mas mabuti pang mamatay at makasama ang Panginoon kaysa manatili sa laman.”

Huwebes, Marso 25, 2010

ANG SAMPUNG UTOS

Marami sa Amerika ang alam ay ang Pinakamataas na Hukuman ng Estados Unidos ay ipinag-utos na ang Sampung Utos ay hindi maaring ipaskil sa mga hukuman ng pamahalaan. Ang minarkahang pasiyang ito ay malawakang sinaklaw ng mga tagapamahayag. Ngunit ano ang ibig sabihin ng kautusang ito?

Sa hukuman ay kung saan ang batas ay ipinatutupad. Ang Sampung Utos ay kumakatawan sa marangal na batas ng Diyos, na hindi kailanman magagalaw o magbabago. Ito ay nakapirmi na katulad ng batas ng hulugbigat. Kung susuwayin mo ang batas na iyon, ito ay katulad ng pagdaplis ng pagtapak mo mula sa tuktok ng mataas na gusali. Maari mong itanggi na hindi ka naapektuhan ng batas, ngunit may mga kahihinatnan na tiyak na pagbabayaran mo.

Sa madaling sabi, ang Sampung Utos ay walang-hanggang batas na binalangkas ng Diyos upang maiiwas ang lipunan na wasakin ang sarili nito. Gayunman, ang nakakagulat ay, maraming mapagpasabog na kompanya ay kumikilos sa ngayon na gumigiling ng palayo sa mga Utos na yaon---pati na sa pangalan ng Diyos---kung saan man nakalilok sa pader ng mga hukuman.

Isang nakapanghihilakbot na larawan ng kalagayan ng ating lipunan. Ang mga di-mababagong batas na ito ay orihinal na inukit sa bato ng daliri ng Diyos. At ngayon ito ay binubura mula sa bato ng batas ng tao.

Ilang mga Kristiyano ay nagsasabi, “Ano ang mahalaga doon? Wala tayo sa ilalim ng batas. Bakit ito bibigyan ng pansin?” Hindi, wala tayo sa ilalim ng batas ng Hebreo, na may kahulugan ng 613 na idinagdag na mga utos ng gurong Hudyo. Ngunit ang bawat Kristiyano ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng marangal na batas ng Diyos, na pinagsama-sama sa Sampung Utos.

Nababaghan ako kung ano ang laman ng isip ng Diyos habang ang mga mapagwasak na lipunang ito ay binubura ang mga batas niya sa harapan natin. Inaangkin ng ilang mananampalataya, “Hindi natin kailangan ang pagpapakita ng mga Utos na ito. Ang mahalaga para sa atin ay maisulat ito sa ating mga puso” Hindi iyon ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Isaalang-alang ang nakikitang presensiya ng Utos na inilaan para sa mga Utos habang ito ay inilahad sa kanyang mga tao:

“Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong mga isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan” (Deutoronomo 6:6-9).

Miyerkules, Marso 24, 2010

ANG KALAYAAN MULA SA PAGKAALIPIN NG KASALANAN AY KAILANGANG TANGGAPIN NG MAY PANANAMPALATAYA

Ang pananampalataya ay isang bagay na ginagawa mo ang alam mo. Ang kaalaman ay walang silbi kung hindi gagamitin.

Tinanggap ng mga anak ng Israel ang mabuting salita na ibinigay sa kanila ng Diyos ang Canaan bilang kanilang magiging tahanan. Ang balitang iyan ay maaring walang kwenta sa kanila kung sila ay mananatili sa Egipto bilang mga alipin. Ngunit sinabi ng Bibliya, “Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto… Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula” (Hebreo 11:27,29).

Ang mga Israelitas ay hindi nagmartsa sa hangganan ng Canaan, isang buhos ng mga pana at asahang ang lahat ng mga kalaban ay magkakamatay. Ang lupain ay kanila, ngunit kailangang makuha nila ito “isang patay na kawal sa bawat pagkilos.”

Ano ang kinalaman nito sa pagkamit ko ng tagumpay laban sa hawak ng kasalanan? Lahat! Naisaayos na ni Cristo ang usapin ng pagkaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapahayag na ikaw ay malaya na mula kapangyarihan nito, ngunit kailangang paniwalaan mo ito hanggang sa punto na kailangang kumilos ka.

Hindi sapat na sabihing , “Oo, naniniwala ako na pinatawad na ako ni Cristo. Naniniwala ako na siya ang Panginoon. Alam ko na kaya niyang baliin ang kapangyarihan ng kasalanan sa aking buhay.” Ikaw sa iyong isipan ay umaasa lamang sa iyong narinig , ngunit ang pananampalataya ay higit pa doon. Ang pananampalataya ay ang lumabas sa pangako ng kalayaan at kumilos tungkol dito.

Ang mga mananampalatay ay napaglabanan ang kapangyarihan ng kasamaan sa sanlibutang ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang tunay na pananamapalataya ay siyang natatanging bagay na makakatulong sa iyo na manindigan ng may pagtitiwala sa sarili laban sa kapangyarihan ng tukso. Ang pagpipigil sa sarili ay maari lamang kung, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang katotohanan tungkol sa kalayaan ay tinatanggap. “Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat. Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. “ (1 Juan 5:3-4).

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. ” (1 Pedro 5:8-11).

Martes, Marso 23, 2010

ANG KUMIKISAP NA SALIN-LAHI

Maraming Kristiyano ang kinagawian ng nagbabasa ng Bibliya, naniniwala na ito ang buhay, na pahayag na Salita ng Diyos para sa kanilang buhay. Paulit-ulit sa mga pahina ng Kasulatan, nababasa nila ang mga salin-lahi na nadinig ang tinig ng Diyos. Nabasa nila ang pakikipag-usap ng Diyos sa kanyang mga tao ng paulit-ulit, sa paulit-ulit na pariralang ito bawat panahon: “At sinabi ng Diyos…’Gayunman marami ang mga Kristiyanong ito ang nabubuhay na para bang hindi na nangungusap ang Diyos sa kanyang mga tao ngayon.”

Isang buong salin-lahi ng mga Kristiyano ay nagpasiya sa kanilang mga sarili, na hindi nananalangin o kumukunsulta man lamang sa Salita ng Diyos. Marami ang basta na lamang gagawin ang gusto nila at pagkatapos ay hihilingin sa Diyos na bigyang-bisa ang mga ito. Basta gagawin nila ito ng sapilitan, ang kanilang tanging panalangin ay, “Panginoon, kung hindi mo ito kalooban, pigilan mo ako.”

Tayo ngayon ay nabubuhay sa panahong tinatawag na “kumikisap na salin-lahi.” Ang mga tao ay basta na lamang gumagawa ng mga mabigat na pasiya sa isang kisap lamang. Isa sa pinaka-mabiling aklat ay naakda sa kaisipang ito, ay pinamagatang Kumisap: Ang Kapangyarihan ng Pag-iisip na Hindi Nag-iisip (Blink: The Power of Thinking Without Thinking). Ang palagay ay, “Magtiwala sa iyong talino. Isang kisap-matang pagpapasiya ang napatunayang mabisa.”

Isipin ang tungkol sa lahat ng minadaling “isang kisap na wika” na naririnig natin araw-araw: “Ito ang alok ng siglo. Kaya mong gawin ang isang bigkis sa isang gabi lamang. Kaya lamang ay maliit lang ang iyong pagkakataon. Gawin mo na ito ngayon!” Ang nagtutulak na espiritu sa likod ng lahat ng ito ay , “Kisap, kisap, kisap!”

Ang ganitong kaisipan ay nagsimula nang mahawahan ang iglesya, na nakapipinsala sa mga pasiyang nagawa na hindi lamang ng mga “kumikisap na Kristiyano” kundi pati na ng “kumikisap na mga ministro.” Maraming bilang ng mga naguguluhang mga taga parokya ay sumulat sa amin nagsasabi ng katulad na salaysay. “Ang aming pastor ay bumalik galing sa pagdalo sa isang komperensiya ng pagpapalago ng iglesya at madaliang ibinalita, ‘Mula sa araw na ito, ang lahat ay may pagbabago.’ Nagpasiya siya ng isang gabi lamang na kami ay magiging isa sa mga bantog na sama sa agos na iglesya! Hindi man lamang niya hiniling na ipanalangin namin ang tungkol dito…naguguluhan kaming lahat.”

Mga ilang taon lamang ang nakakalipas, ang kasabihan sa mga Kristiyano ay, “Naipanalangin ba ninyo ang tungkol dito? Kumunsulta ba kayo sa Panginoon hinggil sa bagay na ito? Ang inyo bang mga kapatiran ay nakapaligid sa inyo sa pananalangin? Nakatanggap ba kayo ng makadiyos na pagpapayo? Tanong ko sa inyo, ito ba’y inyong nakaugalian? Sa mga nakalipas na mga taon, ilang mahahalagang pasiya ang inyong nagawa na kung saan ay inyo muna itong inihain sa Diyos at taimtim na ipinanalangin? O,ilan sa mga pasiyang iyon ang inyong ginawa “sa isang kisap-mata lamang”? Ang dahilan kung bakit nais ng Diyos ng ganap na pamamahala sa ating mga buhay ay upang mailigtas tayo sa mga kapahamakan---na kung saan ay doon nauuwi ang ating mga “isang kisap-matang mga pasiya.”

Lunes, Marso 22, 2010

HINDI NA MAGIGING ALIPIN

Nasabi na si Abraham Lincoln ang “nagpalaya sa mga alipin” sa pamamagitan ng Pagpapahayag ng Pagpapalaya. Ang legal na papeles na ito ay nagpahayag na patay na ang pang-aalipin at ang lahat ng mga alipin ay pinalaya na.

Nang kumalat ang balitang ito sa buong pataniman sa katimugan, marami sa mga alipin ay hindi makapaniwala. Patuloy silang nagpapaalipin sa kanilang mga amo, naniniwala na ang pangako ng kalayaan ay isa lamang panlilinlang. Marami sa mga tiwaling nagmamay-ari ng mga lupa ay nagsabi na ang mga balitang ito ay usap-usapan lamang at patuloy silang inaalipin. Ngunit unti-unti. Ang katotohanan ay gumising sa kanila habang nakikita nila na ang mga kapwa nila mga alipin ay malaya ng naglalakad-lakad, masaya sa nakita nilang kalayaan. Isa-isa binitiwan nila ang mga buhat nila, tumalikod sa pagkaalipin at naglakad palayo para magsimula ng panibagong buhay.

Maaring hindi mo pa naririnig, o maaring lubhang hindi kapani-paniwala ang katotohanang ito, ngunit pinalaya na ni Cristo ang lahat ng alipin ng kasalanan sa Krus ng Kalbaryo. Maari ka nang lumakad palayo sa diyablo! Maari mo nang itapon ang buhat-buhat mong kasalanan, lumayo sa kapangyarihan ni Satanas at pumasok sa bagong buhay na may kalayaan.

Hayaan mong ipakita ko sa iyo ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag sinabi nito ang tungkol sa pagkamatay sa kasalanan. Nang pinalaya ni Lincoln ang mga alipin, ang “usapin” ng pagkaalipin ay namatay na. Hindi ang amo ng pagkaalipin—hindi ng alipin. Ang alipin ang maaring maglakad na nang malaya palayo, sinasabi sa sarili, “ang Pagkaalipin ay isa nang patay na usapin.”

Ngayon ang alipin ay maari nang bumalik sa lupang inaani para kumuha ng rolyo ng bulak—maaring sa pamamagitan ng takot o pakiramdam lamang—ngunit hindi iyon nangangahulugan na siya ay muling magpapaalipin. Siya ay malaya na, ngunit kailangan niyang danasin ang kanyang kalayaan. Ang pahayag ay hindi maaring mamuwersa ng pagsunod, maging ang kanilang mga amo ay pilitin silang bumalik bilang alipin. Ito ay usapin na ng kagustuhan ng mga alipin.
Sinabi ng Bibliya, “Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya” (Taga Roma 6:7-8).
Ganito lamang ang ibig sabihin nito: dahil sa ang usapin ng iyong pagkaalipin ay isa ng patay na usapin, nakikita na ipinahayag na ni Cristo ang kalayaan, ikay ay malaya na ngayon na mamuhay bilang isang bagong katauhan kay Cristo sa pagtanggap na ikaw ay kumalas na sa pagkakagapos.

Hindi maaring ipagawa ni Cristo sa iyo ang tama, at hindi maaring ipagawa sa iyo ni Satanas ang mali, ngunit kaliangang kumilos ka bilang isang malayang tao.

Biyernes, Marso 19, 2010

ANG DIYOS AY MAY PANGMADALIANG PLANO PARA SA BAWAT MANANAMPALATAYA

Gaano pa man maging kagulo ang sanlibutan, ang mga tao ng Diyos ay maaring magpahinga at panatilihin ang kagalakan na dumadaloy, sapagkat ang ating Panginoon ay nangako ng isang espesyal na pagtatanggol kapag ito ay kinailangan.

Hindi ba’t ang Diyos ay may pangmadaiang plano para sa mga anak ng Israel sa panahon ng pangsalibutang tagtuyot? Pinauna niya si Jose sa Egipto, itinalaga siya bilang Pinuno at pinuno ang bodega ng sapat na binhi na sasapat sa panahon ng tagtuyot. At pagkatapos ay inilipat niya ang kaniyang mga tao malapit dito at pinakain sila ng busog sa buong panahon ng tagtuyot.

Hind ba’t may pangmadaliang plano ang Diyos para kay Elijah? Habang ang kanyang bansa ay gumugulong na sa tindi ng pagbagsak ng ekonomiya at ang pagkain ay mauubos na dahilan sa tagtuyot—isang makasalanang hari ay naglagay ng putong sa kanyang ulo—isinagawa ng Diyos ang kaniyang pangmadaliang plano para kay Elijah. Itinago siya sa isang tahimik na lugar at pinakain siya sa pamamagitan ng pagdadala ng pagkain sa kanya ng ibon. Ang plano para makaligtas siya ay may kasamang isang mahiwagang bariles ng binhi na hindi nauubos.

Paano naman si Noah? Isang napaka detalyadong plano ng pagliligtas ang isinagawa ng Diyos para sa kanya at kaniyang pamilya. Isang Arko—pinalutang siya at ang kaniyang pamilya ng ligtas sa kamatayan at pagkapuksa ng pangsalibutang baha.

At si Lot? Sadyang nagpadala ng anghel ang Diyos para hilahin siya at kaniyang mga anak palabas sa isinumpang siyudad ng Sodom. Nakatali ang kamay ng Diyos hanggang sa maging ligtas si Lot palabas ng siyudad. Higit pa ito sa pagkawala ng kaniyang trabaho, higit pa sa pagbagsak ng ekonomiya, higit pa sa pagbagsak ng pamahalaan—ito ay ganap na pagpuksa ng kanyang lipunang ginagalawan. Ngunit si Lot ay nailigtas.

Pinatunayan ni Pablo ang pangmadaliang plano ng Diyos ng paulit-ulit. Ang apostol na ito ay bagsak na, tinutugis ng mga magnanakaw, ikinulong, inakusahan ng kataksilan at binalak na ipapatay, gayunman sa bawat krisis ang Diyos ay may nakahandang pamamaraan ng kaligtasan. Hanggang sa malaman ng Diyos na ang kaniyang lahi ay mawawala na, saka niya inilabas ang huli niyang nakahandang plano, tinawag siya para sa kanyang muling pagkabuhay.

Tayo man ay mayroon ding pangmadaliang plano ng kaligtasan—sadyang inihanda para sa bawat mananampalataya.

Huwag nang magkaroon ng pagdududa at pagtatanong tungkol dito—ang Diyos ay ililigtas tayo sa bawat krisis!

Huwebes, Marso 18, 2010

PAGSUNOD SA KABANALAN

Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin sa di-tiyak na kasunduan: “Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganito” (Hebreo 12:14).

Narito ang katotohanan, malinaw at simple lang. Kung walang kabanalan na itinuro si Kristo lamang---isang mahalagang handog na ating pinararangalan sa pamamagitan ng pamumuhay na matapat sa pagsunod sa bawat Salita niya---wala isa man sa atin ang makakakita sa Panginoon. At ito ay tumutukoy hindi lamang sa langit, kundi sa atin ding pangkasalukuyang pamumuhay. Kung walang kabanalan, hindi natin makikita ang presensiya ng Diyos sa ating pang-araw-araw na paglalakad, sa ating pamilya, sa ating mga pakikipagrelasyon, sa ating patotoo o sa ating ministeryo.

Hindi mahalaga kung gaano karami ang mga Kristiyanong pagpupulong ang ating dinaluhan, gaano karaming pangangaral ang ating napakinggan, gaano karaming pag-aaral ng Bibliya na ating sinamahan. Kung tayo ay may kinukupkop na malala ng kasalanan, kung ang Panginoon ay may alitan sa atin dahil sa ating kasalanan, kung ganon ay wala kahit anong paghihirap natin ang magbubunga ng makadiyos na bunga. Sa halip, ang ating kasalanan ay lalo lamang lalala at makahahawa sa mga nakapaligid sa atin.

Sa katunayan, ang paksang ito ay higit pa sa lahat ng pagnanasa, maging sa katiwalian ng espiritu din. Inilarawan ni Pablo ang katulad na nakawawasak na kasalanan sa talatang ito nang sinabi niya, “Huwag din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya sila’y nilipol ng “Anghel na Mamumuksa” (1 Corinto 10:10).

Kaya, minamahal na banal, papayagan mo ba ang Banal na Espritu na harapin niya ang lahat ng pagnanasa na maari mong kinukupkop? At sa halip ba ay hahanapin mo at pagtitiwalaan ang pagtakas na ibinigay niya para sa iyo? Hinihimok kita na maglinang ng banal na takot at manalig sa mga huling araw na ito. Pananatilihin ka nitong dalisay, gaano pa man umigting ang kasalanan sa kapaligiran mo. At itutulot nito na maglakad ka sa kabanalan ng Diyos, na siyang humahawak ng kanyang nanatiling presensiya.

Ang lahat ng ito ay ang kahalagahan ng pananampalataya. Ipinangako ni Kristo na hindi ka niya hahayaang bumagsak, at bibigyan ka niya ng kapangyarihan na umiwas sa kasalanan---kung ikaw lamang ay mananalig sa kanyang sinabi. Kaya, manalig ka sa makadiyos na takot na ito. Ipanalangin mo ito at magiliw na tanggapin. Panghahawakan ng Diyos ang Salita niya sa iyo. Hindi ka makatatakas sa kapit-kamatayan ng batbat na kasalanan sa pamamagitan ng sariling-sikap, sa pamamagitan ng mga pangako, o sa anumang pantaong kakayahan lamang. “Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang” (Zacarias 4:6).

Miyerkules, Marso 17, 2010

ITINURO NG KRUS SA ATIN KUNG PAANO ITANGGI ANG ATING SARILI

Hindi minsan man sinabi ng Panginoon, “Yumuko at hayaan mong ipasan ko sa iyo ang krus.” Wala si Jesus sa trabaho ng pagguhit, ang kaniyang hukbo ay boluntaryo lahat. Hindi lahat ng Kristiyano ay nagpapasan ng krus. Maari kang maging isang mananamapalataya kahit na hindi ka nagpapasan ng krus, ngunit hindi ka maaring maging isang alagad.

Nakita ko ang maraming mananampalataya na tinanggihan ang daan patungo sa krus. Pinili nila ang magandang buhay na may karangyaan, pagdami ng ari-arian, popularidad at tagumpay. Naniniwala ako na marami sa kanila ay makararating sa langit—maililigtas nila ang kanilang mga sarili—ngunit hindi nila makikilala si Cristo. Sa pagtanggi sa pagdurusa at kalungkutan ng krus, wala silang magiging kakayahang makilala at malugod sa kaniya sa walang-hanggan, na katulad ng lahat ng banal na nagpapasan ng krus na pumasok sa pakikipag-isa sa pagdurusa.

Kailangang pasanin mo ang krus hanggang matutunang mong tumanggi. Tumangi sa ano? Ang isang bagay na madalas na hadlang sa pagkilos ng Diyos sa ating buhay—ang ating sarili. Sinabi ni Jesus, “Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). Tayo man ay nagkamali ng paliwanag sa mensaheng ito kapag itinuon natin sa pagtanggi sa sarili, iyan ay, ang pagtanggi sa mga material o labag sa batas na mga bagay. Hindi tayo tinawag ni Jesus para matutunan ang pagdisiplina sa sarili bago natin pasanin ang sariling krus. Higit pa itong matindi kaysa dito. Hinihiling ni Jesus na itanggi natin ang ating sarili. Ang ibig sabihin nito ay itanggi ang sariling kakayahan na pasanin anumang krus sa sarili nating lakas. Sa madaling sabi, “huwag pasanin ang sariling krus hanggang hindi ka handa na iwaksi ang bawat isiping maging banal na alagad bilang kalalabasan ng sarili mong pagsisikap.”

Miyun-milyong nagsasabing Kristiyano sila ay ipinagmamalaki ang pagtanggi sa sarili nila. Hindi sila umiinom ng alak, naninigarilyo, nagmumura o nangbabae—sila ay halimbawa ng matinding pagdisiplina sa sarili. Ngunit hindi sa daang taon ay aaminin nilang na ito ay nagawa nila maliban sa hindi nila sariling kakayahan. Ginagawa nila ang pagtanggi, ngunit hindi nila itinanggi ang sarili nila kailanman. Sa isang banda, ganoon din tayo. Nadaranasan natin ang “pagsulpot” ng kabanalan, kasama ang damdamin ng kadalisayan. Ang mabuting gawa ay kadalasang nagdudulot ng mabuting pakiramdam, ngunit hindi tayo hahayaan ng Diyos na isipin natin na ang mabuting gawa natin at kaugalian ay makapagliligtas sa atin. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan natin ang krus.

Nainiwala ako na sadyang sinasabi ni Jesus sa atin, “Bago mo pasanin ang iyong krus, kailangang maging handa kang harapin ang sandali ng katotohanan, ang sarili momg kakayahan, ang sarili mong pamumuno. Maari kang tumindig at sumunod sa akin bilang isang tunay na alagad kung kaya mo nang tanggapin ng maluwag na wala kang magagawa sa pamamagitan ng sarili mong kakayahan—hindi mo kayang paglabanan ang kasalanan sa sarili momg kakayanan—ang iyong mga tukso ay hindi mapaglalabanan sa pamamagitan ng sariling pagsisikap lamang—hindi mo kayang ayusin ang anumang bagay sa sarili mong talino lamang.

Ang pag-ibig mo kay Jesus ay makapagpapaluhod sa iyo ngunit ang iyong krus ay ilalagak sa sarili mong mukha.

Martes, Marso 16, 2010

ANG PINAKAHULING PLANO NG DIYOS

Sa pagsasara ng aklat ng Genesis, pumili ang Diyos ng munting grupo ng mga di-kilalang tao upang maging mangangaral na nasyon. Nais niyang magbuo ng mga tao na magiging buhay na patotoo ng kanyang kabutihan sa makasalanang sanlibutan. Kaya’t, upang makagawa ng isang patotoo, dinala ng Diyos ang kanyang mga tao sa isang lugar na wala sa kanilang sariling pamamahala. Ibinukod niya ang Israel sa ilang, na kung saan ay siya lamang ang panggagalingan ng kanilang buhay, kumakalinga sa kanilang bawat pangangailangan.

Ang Israel ay walang kapangyarihan na kontrolin ang kanilang pananatili sa walang-taong lugar na iyon. Wala silang kontrol sa makukunan ng pagkain at tubig. Hindi nila kayang kontrolin ang ang kanilang patutunguhan, sapagkat wala silang kompas o mapa, Paano sila kakain o iinom? Anong direksiyon ang patutunguhan nila? At saan sila hahantong?

Ang Diyos ang gagawa ng lahat ng ito para sa kanila. Gagabayan niya ang mga ito araw-araw sa pamamagitan ng himalang ulap, yaong magniningning sa gabi at papawiin ang kadiliman sa harapan nila. Pakakainin niya sila ng pagkain ng mga anghel mula sa langit at bibigyan sila ng tubig mula sa bato. Oo, ang bawat pangangailangan nila ay ibibigay ng Panginoon, at walang kaaway ang maaring makagapi sa kanila.

“Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayo’y turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy” (Deutoronomo 4:36). Ang mga tao ng Diyos ay maririnig ang kanya mismong mga salita na gagabay sa kanila, at kapalit nito’y magpapatotoo sila, “Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy at nanatiling buhay?” (tingnan 4:32-34).

Ang mga bansa na pumapaligid sa lumang Israel ay puno ng mga “ibat-ibang diyos,” mga diyus-diyusan na gawa sa kahoy, sa pilak at ginto. Ang mga diyus-diyusang ito ay pipi, hindi nakakakita o nakakarinig, hindi maaring umibig, gumabay o magtanggol sa mga taong sumasamba sa kanila. Gayunman kahit isa sa mga bansang ito ay maaring tumingin sa Israel at makikita ang mga itinatanging mga tao na siyang dinala ng Diyos sa nakakatakot na ilang. Makikita nila ang isang Diyos na nakikipag-usap sa kanyang mga tao, umiibig at nakadadama, sumasagot sa mga panalangin at nagbibigay ng himala. Narito ang buhay na Diyos, na siyang gumagabay sa kanyang mga tao sa bawat bahagi ng kanilang buhay.

Nagbuo ang Diyos ng mga tao na kanyang sasanayin. Kailangang may mga tao na mabubuhay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, ganap na mananalig sa kanya, na ibibigay ang buong pamamahala sa bawat bahagi ng kanilang buhay. Ang mga taong ito ang kanyang magiging patotoo.

Bakit nanaisin ng Diyos ang magkaroon ng ganap na pamamahala sa mga tao at ipipilit ang kanilang ganap na pagtitiwala sa lahat ng oras? Sapagkat ang Diyos lamang ang nakakaalam ng daan at siya ang gagawa ng mga imposible na kinakailangan para madala sila doon.

Lunes, Marso 15, 2010

HINDI MO KAYANG PASANIN ANG SARILI MONG KRUS

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga disipulo, “Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). Gayunman, hindi kayang pasanin ni Jesus ang kaniyang krus at maging ikaw man.

Habang pinapasan ni Jesus ang kaniyang krus patungo sa Golgota, na pinangungunahan ng nagpaparusa sa kaniya, siya’y lubhang nanghihina at pagod na pagod para pasanin pa ito ng matagal. Nang marating na niya ang sukdulan ng kaniyang kakayahan, ang krus ay binuhat ng iba para sa kaniya. Hindi sinabi ng Bibliya sa atin gaano kalayo pinasan ni Jesus ang kaniyang krus ngunit alam natin na si Simon ay napilitang pasanin ito at dalhin ito sa lugar kung saan ipinako si Jesus (tingnan Mateo 27:32).

Ano ang ibig sabihin nito sa atin? Ipagagawa ba sa atin ng Panginoon ang isang bagay na hindi niya kayang gawin? Hindi ba sinabi niya, “…Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:27). Ang krus ay isang krus, maging ito man ay kahoy o espirituwal. Hindi sapat na sabihin, “Ang kaniyang krus ay naiiba—ang ating krus ay espirituwal.

Bilang pansarili, nagbibigay ito ng dakilang pag-asa na malamang hindi kayang pasanin ni Jesus ang sarili niyang krus. Nagpapalakas ito ng loob sa akin na malamang hindi ako lamang ang may dalahin sagad na at hindi na kayanin ng sariling lakas.

Alam ni Jesus ang kaniyang sinasabi nang tinawag niya tayo “Pasanin mo ang iyong krus at sumunod ka sa kaniya.” Naalala niya ang sarili niyang krus at may ibang papasan nito para sa kaniya. Bakit niya tayo papapasanin ng krus na alam niyang magpapabagsak sa atin? Alam niya ang lahat ng pagdurusa, ang kahinaan, at ang idinudulot ng pasanin. Alam niya na hindi natin kakayanin itong pasanin sa pamamagitan lamang ng sarili nating lakas.

Mayroon katotohanang nakatago dito na dapat nating matuklasan, isang katotohanang lubhang makapangyarihan, na makapagbabago sa ating pananaw sa lahat ng ating mga kaguluhan at pagdurusa. Maaring isa itong kalapastanganan na imungkahi kay Jesus na hindi pinasan ang sarili niyang krus, ngunit iyan ang katotohanan.

Alam ng Diyos na wala sinuman sa kaniyang mga anak ang may kakayahang pasanin ang kanilang krus kapag sumunod kay Cristo. Nais nating maging mabuting alagad sa pagtanggi sa ating sarili at pasanin ang sarili nating krus, ngunit mukhang nalilimutan natin ang katulad na krus din ang magdadala sa atin sa sukdulan ng kakayahan ng tao. Sadya kayang hihilingin sa atin ni Jesus na pasanin ang krus na alam niyang sisipsip ng lahat ng lakas ng tao at iwan tayong nanghihina, maging sa punto na hindi na natin kakayanin? Oo! Nagbabala si Jesus sa atin,”Kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman” (Juan 15:5). Kayat hiniling niya sa atin na pasanin natin ang ating krus, paghirapan ito, hanggang sa matutunan natin ang liksiyon nito. Hindi natin matututunan ang liksiyong ito hanggang hindi tayo ibinabagsak nito na hindi sa pamamagitan ng sarili nating lakas, kapangyarihan at katatagan,kundi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. Iyan ang ibig sabihin ng Bibliya sa atin na ang kaniyang lakas ay ginawang ganap sa ating kahinaan.

Biyernes, Marso 12, 2010

ANG KAYAMANAN NG DIYOS SA SISIDLAN

Ang isa sa pinaka nakakapagapalakas loob na Kasulatan sa Bibliya ay 2 Corinto 4:7: “Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak—kung baga sa sisidlan ay palayok lamang—upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin.“ At pagkatapos ay nagpatuloy na isinalarawan ang mga sisidlan—ang mga malapit nang mamatay na kalalakihan, nagdurusa sa bawat sulok, naguguluhan, itinaboy. At kahit na hindi pinabayaan o nasa kawalan ng pag-asa, ang mga taong ito na ginamit ng diyos ay patuloy na nasa ilalim ng mga dalahin ng kanilang katawan, nangangambang mabihisan ng bago.

Tinutuya ng Diyos ang kapangyarihan ng tao. Pinagtatawanan niya ang ating may kahambugang pagsisikap na maging mabuti. Hindi niya ginagamit ang mataas at makapangyarihan ngunit, sa halip, ginagamit ang mga kahinaan ng mga bagay ng sanlibutang ito para guluhin ang mga marurunong.

“Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyong paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan, sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila sa sanlibutan. Kaya’t walang maaring magmalaki sa harapan ng Diyos” (1 Corinto 1:26-29).

Iyan ba ay naglalarawan sa akin! Mahihinang bagay—walang-kabuluhang bagay-kinamumuhiang bagay—pinagmulang bagay—walang dignidad—walang kaayusan. Gayunman iyan ang kanyang walang bahid na plano—ang pinakadakilang hiwaga ng sanlibutan. Tinawag tayo ng Diyos sa ating kahinaan. Inilagay niya ang kanyang walang halagang kayamanan sa ating sisidlang ito sapagkat nagagalak siya na gawin ang mga imposible sa pamamagitan ng wala.

Nakita ko si Israel Narvaez ang pinuno ng Mau Mau gang, na lumuho at tinanggap si Cristo bilang Panginoon. Hindi ito isa lamang na may emosyong pang-ibabaw na karanasan lamang—tunay niyang ginawa ito. Ngunit si israael ay bumalik sa kanyang gang at nauwi sa kulungan, kasama sa kaso ng pagpatay. Ang Diyos ba ay iniwan na siya? Hindi ni isang minuto man lang. Ngayon si Israel ay isa nang ministro ng mabuting balita, tumanggap sa pag-ibig at kapatawaran ng matagal na nagdusang Tagapagligtas.

Nabigo ka na ba? Mayroon bang kasalanan na madaling magpaulit-ulit sa iyo. Nadarama mo bang katulad ka ng isang nanghihinang duwag, hindi makayamang magtagumpay laban sa lihim na kasalanan? Ngunit sa kahinaang iyan na nasa iyo, mayroon din bang gutom at pananabik sa Diyos? Nasasabik ka ba sa kanya—iniibig siya—nais abutin siya? Ang pagkagutom at pagka-uhaw ay susi sa iyong tagumpay. Iyan ang pinag-kaiba mo sa iba na nagkasala na biguin ang Diyos. Iyan ang nagbigay kaibahan sa iyo. Kailangan mong panatilihin ang pagkagutom na iyan na buhay. Patuloy na mauhaw sa katuwiran. Huwag mong bigyan ng katuwiran ang iyong kahinaan—huwag bibigay dito—at huwag tanggapin ito bilang bahagi ng iyong buhay.

Miyerkules, Marso 10, 2010

ISANG TAGTUYOT

Nakapangaral na ako sa libu-libo, ngunit mayroong mga pagkakataong nadarama ko ang pagkatuyot—lubhang malayo sa presensiya ng diyos. Sa ganoong mga sandali, wala akong kasabikang magbasa ng Salita. Ang pagbabasa ng Bibliya, sa panahon ng pagkatuyo, ay nagagawa lamang dahil sa ito ay isang obligasyon. Kapag ako ay tuyot at hungkag, hindi ko nadarama ang diin na manalangin kahit na alam kong ang aking pananampalataya ay hindi nagkukulang, at ang pag-ibig ko kay Jesus ay matatag.

Nakaupo ka na ba sa simbahan at nakamasid sa paligid mo na ang lahat ay pinagpapala, habang ikaw ay walang nadarama? Nag-iiyakan sila; nananalangin sila; sumasamba sila ng taos puso. Ngunit hindi ka man lang nakadarama kahit ano. Nagsisimula kang mag-isip kung mayroong mali sa iyong espirituwal na pamumuhay.

Naniniwala ako na ang lahat ng tunay na mananampalataya ay nakakaranas ng pagkatuyot sa ilang bahagi ng kanilang buhay espirituwal. Maging si Jesus ay nadama ang pag-iisa—ng tumangis siya ng malakas, “Ama ko, bakit mo ako pinabayaan?’

Ano ang dapat kong gawin para mapaglabanan ang espirituwal na pagkatuyot?

1. Kailangang mapanatili ko ang buhay na mapanalanginin!

Walang makaaalis ng pagkatuyot at kahungkagan ng mabilisan kaysa isang oras o dalawa na kasama mo ang Diyos. Ang magpaliban sa iyong pakikipag-isa kasama ang Diyos sa Kanyang lihim na silid ay nagdudulot ng malaking kakulangan. Alam natin na ang ating pag-ibig sa kanya ay dapat magdala sa atin sa kanyang presensiya, masyado nating ginagawang abala ang ating sarili sa maraming ibang bagay—dumaraan ang sandal ng mabilis, at hindi binibigyang pansin ang Diyos. Ibinabato natin sa kanyang direksyon ang maraming “panalangin sa isipan lamang.” Ngunit walang makakapalit sa lugar ng lihim na silid—sarado ang pinto—nananalangin sa Ama ng nag-iisa.

Lumapit ng buong-loob sa trono ng kanyang grasya—kahit na ikaw ay nagkasala at nabigo. Mabilis siyang magpatawad—doon sa mga nagsisisi ng may makaDiyos na kalungkutan.

1. Hindi na ako dapat matakot sa maliliit na paghihirap.

Ang muling pagkabuhay ni Cristo ay sinundan ng maiksing pagdurusa. Tayo ay mamamatay! Tayo ay magdurusa! Mayroong kirot at kalungkutan.

Hindi natin nais na magdusa o manglaban o masaktan! Nais natin ng walang kirot na kaligtasan! Nais natin ng sobrenatural na pakikialam niya. “Gawin mo ito o Diyos,” dalangin namin, “sapagkat ako ay mahina at palaging mahina. Gawin mo lahat ito, habang ako patuloy sa aking gawain, habang naghihintay sa sobrenatural na pagliligtas!”

Ngunit, salamat o Diyos, ang pagdurusa ay palaging maiksing panahon lamang bago sa huling tagumpay. “Ang Diyos ng lahat ng biyaya, ang siyang tumawag sa inyo sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Pagkatapos ninyong maghirap ng maikling panahon, siya rin ang magpapaging-ganap, magpapalakas, magbibigay ng kakayanan at magpapatatag sa inyo” (1 Peter 5:10).

Martes, Marso 9, 2010

ANG ALIBUGHA AT ANG KANYANG AMA

Naniniwala ako na ang alibughang anak (tingnan ang Lucas 15) ay bumalik sa tahanan nila dahilan sa kasaysayan nila ng kanyang ama. Ang batang anak na ito ay kilala ang pagkatao ng kanyang ama, at hayagang natanggap niya ang dakilang pag-ibig mula sa kanya. Kung hindi, bakit pa siya babalik sa amang maaring galit at maghihiganti, na maaring bugbugin siya at pabayaran sa kanya ang bawat sentimong kanyang nilustay?

Natitiyak ng alibugha na kung babalik siya ay hindi siya kagagalitan at huhusgahan sa kanyang mga kasalanan. Maaring naisip niya, “Alam ko na mahal ako ng ama ko. Hindi niya ibabato ang kasalanan ko sa aking mukha. Muli niya akong tatanggapin.” Kapag mayroon kang ganyang kasaysayan, maaari kang bumalik palagi.

Masdan kung paano siya “inagapan” ng ama sa mga pagpapala ng kabutihan. Ang batang lalaki ay nagtangka na mag-alay ng taus-pusong pangungumpisal sa kanyang ama, sapagkat ito ay pinaghandaan niya habang pauwi. Gayunman nang makaharap niya ang kanyang ama, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na lubusang magkumpisal. Pinigilan siya ng kanyang ama sapagkat patakbo siyang sinalubong at niyakap.

“Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan” (Lucas 15:20). Ang kanyang ama ay lubos na maligaya sapagkat bumalik ang kanyang anak, pinaghahagkan siya at sinasabing, “Mahal na mahal kita, anak. Magbalik ka at muling magbago.”

Ginawa lahat ito ng ama bago pa man matapos ng anak ang pangungumpisal. Ang batang lalaki ay nagawang simulan ang kanyang pagsasalita. Ngunit ang kanyang ama ay hindi na siya pinayagan pang makatapos. Para sa kanya, ang kasalanan ng anak ay napatawad na. Ang tanging tugon ng ama ay mag-utos sa kanyang mga lingkod na: “Suutan siya ng pinakamahusay na damit at singsing. Maghanda ng pagkain at tayo ay magdiriwang. Lahat ay magalak, sapagkat ang anak ko’y bumalik na!”

Hindi paksa ang kasalanan sa kanyang ama. Ang tanging paksa sa isipan niya ay pag-ibig. Nais niyang malaman ng anak niya siya ay tinanggap bago pa man makabigkas ng pangungumpisal. At iyan ang punto na nais ng Diyos para sa ating lahat: “Ang kanyang pag-ibig ay pinakadakila higit pa sa ating mga kasalanan. “Hindi mo ba alam na binigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti niya sa iyo?” (Roma 2:4).

Lunes, Marso 8, 2010

SI JESUS AT ANG BAGYO

Inutusan ni Jesus ang kanyang mga disipulo na sumakay ng bangka na patungo sa isang banggaan. Sinabi ng Bibliya na kanyang “inutusan sila na sumakay sa bangka…” na patungo sa maalong dagat na kung saan ito ay hahampas-hampasin ng malalakas na alon na parang isang tapon. Ang mga disipulo ay dinala sa isang mapanganib na karanasan—at alam ni Jesus ang lahat ng ito.

“Pinasakay kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa isang bangka. Pinauna niya sila sa kabilang ibayo, habang pinaaalis niya ang napakaraming tao” (Mateo 14:22).

Nasaan si Jesus? Siya ay nasa itaas ng bundok nakatanaw sa dagat. Nandoon siya nananalangin para sa kanila na huwag silang mabigo sa pagsubok na alam niya na dapat nilang pagdaanan. Ang paglalakbay sakay ng bangka, ang bagyo, ang malakas na alon, ang malakas na hangin ay bahagi lahat ng pagsubok na kasama sa plano ng Ama. Matututunan na nila ang pinakamahalagang liksyon na dapat nilang maranasan—ang kung paano kilalanin si Jesus sa sandali ng bagyo.

Sa puntong ito, kilala ng mga disipulo si Jesus bilang gumagawa ng himala, ang Lalaki na ginawang himalang pagkain ang mga tinapay at isda. Kilala nila siya bilang kaibigan ng mga makasalanan, Siyang nagdala ng kaligtasan sa bawat uri ng sankatauhan. Kilala nila siya bilang tagapamahagi ng lahat ng kanilang mga pangangailangan, maging ang pagbabayad ng kanilang mga buwis ng salapi na galing sa bibig ng isda.

Kilala nila si Jesus bilang “si Cristo, ang tanging Anak ng Diyos.” Alam nila na nasa kanya ang salita ng buhay na walang hanggan. Alam nila na may kapangyarihan siya laban sa lahat ng gawain ng diyablo. Kilala nila siya bilang guro, nagturo sa kanila paano manalangin, ang magpatawad, ang magtali at ang makaalis sa pagkakatali. Ngunit hindi nila nakilala si Jesus sa sandali ng bagyo.

Ito ang ugat na pinamulan ng halos lahat ng ating mga kaguluhan sa panahong ito. Nagtitiwala tayo kay Jesus para sa mga himala at pagpapagaling. Naniniwala tayo sa kanya para sa ating kaligtasan at kapatawaran ng ating mga kasalanan. Nakatingin tayo sa kanya bilang siyang tagapamahagi ng lahat ng ating mga pangangailangan at nagtitiwala tayo sa kanya na dadalhin niya tayo sa kaluwalhatian isang araw. Ngunit kapag biglang dumating ang bagyo sa ating buhay at ang lahat ay mukhang wala ng pag-asa, nahihirapan tayo na makita si Jesus sa tabi natin. Hindi tayo makapaniwala na hahayaan niya ang bagyo na turuan tayo kung paano magtiwala. Hindi tayo makasiguro na malapit lamang siya kapag dumating ang mga mabibigat na pagsubok.

Mayroon lamang isang liksyon para sa mga disipulo na dapat matutunan sa bagyong ito—isa lamang! Isang payak na liksyon—hindi isang malalim, mahiwaga, isang makayanig-mundo. Nais lamang ni Jesus na mapanatili nila ang kanilang kagalakan at tiwala sa sarili maging sa pinakamadilim na bahagi ng ating mga pagsubok. Iyon lamang!

Biyernes, Marso 5, 2010

MAGTUNGO “SA ESPIRITU”

Maari kang magtungo “sa Espiritu” kahit saang bansa sa mundo. Maari mong hipuin ang mga hindi maabot na tao habang ikaw ay nakaluhod. Sa katunayan, ang iyong lihim na silid ay maaring maging himpilan mo para sa kilusan ng Espiritu ng Diyos para sa isang buong bansa.

Naisip ko ang halimbawa ni Abraham. Ipinanalangin niya ang walang diyos , makasalanang Sodoma. At tumugon si Yahweh, “Hindi ko ipinahamak ang lunsod dahil sa limampung matuwid” (Genesi 18:26).

Nang marinig ito ni Abraham, nagsimula siyang makipagkasundo kay Yahweh. Itinanong niya, “Kung wala pong limampu, at apatnapu’t lima lamang ang matuwid, wawasakin ba ninyo ang lunsod?” (18:28). Tinatanong ni Abraham, “Sa katapusa’y sinabi ni Abraham, ‘Ito na po lamang ang itatanong ko: Kung sampu lamang ang matuwid na naroon? Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod dahil sa sampung iyon,’ tugon ni Yahweh” (18:32).

Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin ng isang bagay tungkol sa Panginoon. Payag siyang iligtas ang buong lipunan kung makatatagpo lamang siya ng pangkat ng matutuwid na mga tao sa loob nito. Ito ay naglalarawan ng mga tao na hinahanap ang kanyang mukha para sa kapakanan ng bansa.

Ang Diyos ay nagpakalayo pa sa paksang ito higit pa sa ginawa niya kay Abraham. Sa Ezekiel 22, Ang Diyos ay nagpahayag ng paghahanap ng isang mananampalatayang maninindigan: “Humahanap ako ng isang taong makapaglalagay ng pader upang ipagsanggalang ang lunsod sa araw na ibuhos ko ang aking poot, ngunit wala akong makita” (Ezekiel 22:30).

Sa panahon ng hula ni Ezekiel, ang Israel ay espirituwal na marumi. Ang mga propeta ay mga lapastangan, lumalabag kaliwa’t kanan sa batas ng Diyos. Ang mga tao ay api, galit sa lahat ng paligid nila, puno ng makalamang pagnanasa, ninanakawan ang bawat isa. Wala isa mang tao sa kanila ang tumangis sa Panginoon. Wala isa man ang tumayo sa pader upang mamagitan. Gayunman ililigtas sana ng Diyos ang buong bansa para lamang sa isang mamamagitan.

Kung hindi ka man pisikal na makapupunta sa mga bansa, maari kang maging bahagi ng mga tumatangkilik na samahan ng mga namamagitan. At tayo ay tutulong para doon sa mga taong nag-alay ng kanilang sarili upang magtungo sa mga bansang ito. Nang isinulat ni Pablo ang kanyang mga paglalakbay, binanggit niya hindi lamang si Timoteo at Tito bilang kanyang mga katulong, kundi pati na si Lydia at iba pang mga mahalagang kababaihan na tumulong sa kanya. Ang lahat ng mga ito ay mga matapat na lingkod na kung saan ang kanilang tulong ay nakatulong na hipuin ang bansa sa pamamagitan ng ebanghelyo.

Huwebes, Marso 4, 2010

IDALANGIN ANG PANGINOON NG PAG-AANI

Habang nakatingin si Hesus mula sa kanyang sariling panahon hanggang sa katapusan ng panahon, tinukoy niya ang isang kakila-kilabot na suliranin. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani” (Mateo 9:37).

Habang binabasa ko ang mga salitang ito, nag-isip ako, “Ano ang kasagutan? Paano makapagpapadami ng manggagawa upang magtungo sa mga bansa?” Ibinigay ni Hesus ang sagot sa sumunod na berso: mayroon dapat manalangin para sa mga manggagawang ito para sa pag-aani. “Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala ng mga manggagawa sa kanyang aanihin” (Mateo 9:38).

Maari ninyong isipin, “Ang mga pintuan ay nagsasara sa buong sanlibutan.” Maaring iyan ay totoo, ngunit hindi mahalaga gaano man kasarado ang ibang bansa sa ating mga paningin. Kung kaya ng Diyos na wasakin ang Bakal na Kurtina sa Europa at ang Kawayang Kurtina sa Asya, walang makapipigil sa kanya sa paggawa kung saan man niya naisin.

Sa mga panahon ng 1980, noong aming ministeryo ay nakahimpil sa Texas, gumugol ako ng isang taon sa pananalangin sa Diyos na sana ay magpadala siya ng tao sa Nuweba York upang magtatag ng iglesya sa Times Square. Nangako ako na tutulong sa kung sinuman ang pipiliin ng Diyos: ang magpadami ng salapi, magsagawa ng mga pagpupulong, magpadami ng mga tatangkilik. Gayunman, habang ako ay nananalangin sa Diyos na sana’y magpadala siya dito sa tinukoy na pag-aani, inilagay ng Panginoon ang pasanin sa akin.

Ang apostol na si Pablo ay ipinadala bilang misyonaryo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng panalangin. Nangyari ito sa Antioch, na kung saan ang mga pinuno ng mga iglesya ay nananalangin para sa pag-aani (tingnan ang Gawa 13:2-6). Ang unang paglalakbay niya bilang misyonaryo ay nangyari pagkatapos ng pulong-panalangin. Ito ang tiyakang bunga ng pagsunod ng mga makadiyos na kalalakihan sa mga salita ni Hesus, na manalangin upang magpadala ang Diyos ng mga manggagawa sa pag-aani.

Iyan ay totoo sa mga panahon ngayon. Kailangan din natin manalangin para sa pag-aani, katulad nang ginawa ng mga makadiyos sa Antioch. Ang katunayan ay, habang tayo ay nananalangin, ang Banal na Espiritu ay naghahanap sa buong mundo, naglalagay ng pangangailangang madalian sa puso nang mga nagnanais na magamit ng Panginoon. Hinihipo niya ang mga tao sa lahat ng lugar, itinatakda sila para sa paglilingkod sa kanya.

Sa Mateo 8, isang senturyon ang lumapit kay Hesus humihiling ng pagpapagaling para sa kanyang mamamatay ng alipin. Sinagot ni Hesus ang senturyon, “Umuwi na kayo; mangyayari ang hinihiling ninyo ayon sa inyong pananalig. Noon di’y gumaling ang alipin ng Kapitan” (8:13). Naniniwala ako ito ay nangyayari din sa lahat ng mga namamagitan para sa pag-aani. Habang hinihiling natin sa Diyos na magpadala ng manggagawa, ang Banal na Espiritu ay namumukaw sigla ng ibang mga tao sa ibang lugar at hindi mahalaga kung saan man ito nangyayari. Ang makapangyarihang katotohanan ay, ang ating mga panalangin ay ginagamit upang magpadala ng mga manggagawa para sa pag-aani.

Miyerkules, Marso 3, 2010

ANG WALANG KATAPUSANG KAPATAWARAN NG DIYOS

Mahal na kaibigan, huwag mong limitahan ang pagpapatawad ng Diyos para sa iyo! Walang katapusan ang kanyang pagpapatawad. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, “Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, 'Nagsisisi ako,' kailangang patawarin mo siya” (Lucas 17:4).

Makapaniniwala ka sa ganoon? Pitong ulit sa isang araw na ang taong ito ay sinadyang magkasala sa harapan ko mismo, at pagkatapos ay sasabihing “Patawarin mo ako.” At kailangang patawarin ko siya—ng patuloy. Gaano pa kaya ang ating Amang nasa langit na magpatawad sa kanyang mga anak na lumapit sa kanya na nagsisisi! Huwag tumigil sa pagbibigay ng katuwiran dito—at huwag itanong kung paano o bakit maluwag sa kanya ang magpatawad. Basta tanggapin ito!

Hindi sinabi ni Jesus, “Patawarin mo ang iyong kapatid ng minsan o dalawang ulit, at sabihin sa kanya na humayo na at huwag na muling magkasala. Sabihin sa kanya na kung gagawin pa niya ito, siya ay itatakwil na. Sabihin sa kanya na siya ay nagkakasala ng paulit-ulit. “Hindi! Si Jesus ay nagbibigay ng walang katapusan at walang kapalit sa pagpapatawad!

Kalikasan na sa Diyos ang magpatawad. Sinabi ni David, “Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili” (Mga Awit 86:5). Ang Diyos ay naghihintay ngayong mga sandaling ito na bahain ang buhay mo ng may kagalakan ng pagpapatawad. Kailangan mong buksan ang lahat ng pintuan at bintana ng iyong kaluluwa at hayaan na ang Espiritu na bahain ka ng pagpapatawad.

Si Juan, nangungusap bilang isang Kristiyano, ay sumulat na, “Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao” (1 Juan 2:2).

Ayon kay Juan, ang pakay ng bawat Kristiyano ay “huwag magkasala.” Nangangahulugan ito na ang Kristiyano ay nakatuon patungo sa kasalanan, sa halip, ay sumandal patungo sa Diyos. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang nakasandal na anak na ito ay nagkasala?

Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, na isang matuwid” (1 Juan 2:1).

“Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9)

Isuko mo ang iyong kasalanan, kaibigan. Hindi mo kailangan dalhin ang pabigat na iyan ng isang minuto pa. buksan mo ang mga pintuan at mga bintana ng iyong puso, at hayaang pumasok ang pag-ibig ng Diyos. Pinatatawad ka niya—paulit-ulit! Bibigyan ka niya ng kapangyarihan na makita ang iyong pagpapakahirap patungo sa tagumpay. Kung hihilingin mo—kung magsisisi ka—patatawarin ka! Tanggapin mo ito—ngayon na!

Martes, Marso 2, 2010

ANG PANGANIB NG KASALANAN

Ang kasalanan ay mapanganib sapagkat winawasak nito ang pananampalataya. Ang kalaban ng ating kaluluwa ay hindi interesado na gawing mangangalunya ang mga Kristiyano, adikto o mga masasamang babae. Interesado lamang siya sa isang bagay—ang gawing hindi mananampalataya ang mga Kristiyano. Ginagamit niya ang tukso ng laman para talian ang isipan.

Nais ni Satanas na wasakin ka niya sa kasalanan para iwan mo na ang iyong pananampalataya. Nais niya na pagdudahan mo ang katapatan ng Diyos at isipin na walang sinuman ang may pakialam; na ikaw ay mabubuhay sa hirap at pusong bigo; na ikaw ay palagi nang alipin ng iyong kahibuan; na ang kabanalan ng Diyos ay hindi kayang abutin; na ikaw ay nag-iisa na ayusin ang iyong sariling mga suliranin; na ang Diyos ay wala nang pakialam sa tungkol sa iyong mga pangangailangan at damdamin. Kung magagawa niyang dalhin ka sa kawalan na ng pag-asa, maari ka niyang bahain ng kawalan ng pananampalataya—at sa ganoon ay nagtagumpay siya sa kanyang misyon. Ang tatlong payak na hakbang na patungo sa hindi paniniwalang may Diyos ay kasalanan, pagdududa at kawalan ng paniniwala.

Kinakain ng kasalanan at lakas espirituwal ng isang Kristiyano na katulad ng isang rumaragasang kanser. Nagdudulot ito ng kawalan ng kontrol sa buhay; patungo ito sa hangaring sumuko o magpahinga na sa esprituwal na gawain; at sa huli, nagdudulot ito ng kirot na pisikal at karamdaman. Katulad ng kanser, ang kasalanan ang nagpapakain sa sarili nito hanggang sa mawala na ang espirituwal na pamumuhay, at ang dulot nito sa huli ay kahinaan at isiping kahihiyan at pagkabigo.Ang pamamaraan ng pag-aalis ng kasalanan ay alisin ang kasalanan, na mukhang madali lamang, ngunit hindi ito madali. Hindi mo basta iisipin lamang na basta iwaksi ang pangatlong bagay na pumasok sa buhay mo. Marami ang sumubok at natuklasang hindi ito gumagana. Hindi ka basta makakalakad palayo sa mga bagay na nakatali.

Ang pinakamahalagang pagkilos na maari mong gawin sa buhay mo ay ang pagkilos na gagawin mo matapos mong biguin ang Diyos. Maniniwala ka ba sa kasinungalingan ng nag-aakusa sa iyo at sumuko na sa kawalan ng pag-asa, o hahayaan mo ang sarili mo na tanggapin ang daloy ng pag-ibig ng Diyos?
Natatakot ka ba na hingin ang kanyang kapatawaran sapagkat hindi ka nakakasiguro na nais mo talagang makawala mula sa bagay na nagtali sayo? Nais mo bang ang Panginoon, gayung lihim mong hinahanap ang isang bagay na hindi talaga para sayo? Kayang sagutin ng Diyos ang tapat na dalangin, para gustuhin na gawin ang kanyang ganap na kalooban. Hilingin mo sa kanya na gustuhin mong gampanan ang kanyang kalooban.

Lunes, Marso 1, 2010

MAARI NATING MARINIG ANG KANYANG TINIG

Milyun-milyon ang nakakilala sapagkat may isang lalaki ang naghintay na madinig ang tinig ng Diyos “nagpatirapa at nadinig ang tinig na iyon” at nang siya’y maging si Pablo, patuloy niyang nadidinig ang tinig. Ang Panginoon ay nangusap sa kanya ng lalaki sa lalaki.

Hinayaan ni Pedro na dumating sa kaniya ang tinig. “Kinabukasan, habang naglalakbay sila at papalapit na sa lungsod, si Pedro ay umakyat sa bubong ng bahay upang manalangin. Noon ay ikaanim na ang oras…Dumating sa kaniya ang isang tinig” (Mga Gawa 10:9,13).

Ang kabuuan ng lahi ng mga Hentil ay sinalubong sa kaharian, kasama ang sambahayan ni Cornelio, sapagkat ang tinig ay sinunod. Tayo ay nananahan sa tulad ng panahon ng Lumang Tipan katulad ni Pablo at Pedro at tayo man, ay dapat na hayaang dumating ang tinig niya sa atin. “Ngunit sa araw na ito, kung madidinig mo ang tinig niya…” Ano ang mnaaring gawin ng Diyos sa mga Kristiyanong natutunang making sa tinig na galing sa langit!

Sa halip na hintayin ang tinig Niya na dumating sa atin, tumatakbo ang mga tao sa mga tagapayo at mga Kristiyanong pisikolohiya, sa isang sesyon o sa isa pa, at nagbabasa ng mga aklat at nakikinig sa mga nirekord na mga aral—nais na makadinig mula sa Diyos. Naghahanap tayo ng maliwanag na direksyon para sa ating mga buhay at nais nating sabihin sa atin ng mga pastor kung ano ang mali at tama. Hinahangad natin na ang pinuno ay sumunod, sa isang balakin sa hinaharap. Ngunit kaunti lamang ay may alam na magtungo sa Panginoon at pakinggan ang kayang tinig. Maraming may alam kung paano kunin ang pansin ng Diyos—na tunay na hipuin ang Diyos—ngunit wala silang alam kung paano lumapit ang Diyos sa kanila.

“Ang may pandinig ay makinig…” (tingnan ang Mateo 11:15).

Nais ng Diyos na yanigin ang daigdig ng minsan pa.

“Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinatanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung ang mga tumanggi sa nagsalita sa lupa ay hindi makakaligtas sa paghatol. Ang ating kahatulan ay lalong tiyak kung tatalikuran natin siya na nagmula sa langit. Noon ang kaniyang tinig ay yumanig sa lupa. Ngunit ngayon siya ay nangako na sinasabi: Minsan na lang ay yayanigin ko hindi lamang ang lupa kundi gayundin ang langit” (hebreo !2:25-26).

Ipinangako niya, “Minsan pa ang aking tinig ay diringgin. Yaong mga makaririnig ay yayanigin ang sanlibutan, at ang langit at lupa at gagalaw. Sa pamamagitan ng pakikinig sa aking tinig, ang anumang maluwag sa sanlibutan ay magiging maluwag din sa langit.”

Sa nahuhuling iglesya, ang iglesya ng Laodicea, nagsabi ang Panginoon:

Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko” (Pahayag 3:20)

“Hinihiling ko na ako ay madinig. Buksan mo ang sarili mo. Hayaan mo ako sa iyong lihim na silid. Hayaan mo akong makipag-usap sa iyo at makipag-usap ka sa akin. Iyan ang paraan paano kita ilalayo sa oras ng mga tukso na dumarating sa sanlibutan.”