Martes, Marso 2, 2010

ANG PANGANIB NG KASALANAN

Ang kasalanan ay mapanganib sapagkat winawasak nito ang pananampalataya. Ang kalaban ng ating kaluluwa ay hindi interesado na gawing mangangalunya ang mga Kristiyano, adikto o mga masasamang babae. Interesado lamang siya sa isang bagay—ang gawing hindi mananampalataya ang mga Kristiyano. Ginagamit niya ang tukso ng laman para talian ang isipan.

Nais ni Satanas na wasakin ka niya sa kasalanan para iwan mo na ang iyong pananampalataya. Nais niya na pagdudahan mo ang katapatan ng Diyos at isipin na walang sinuman ang may pakialam; na ikaw ay mabubuhay sa hirap at pusong bigo; na ikaw ay palagi nang alipin ng iyong kahibuan; na ang kabanalan ng Diyos ay hindi kayang abutin; na ikaw ay nag-iisa na ayusin ang iyong sariling mga suliranin; na ang Diyos ay wala nang pakialam sa tungkol sa iyong mga pangangailangan at damdamin. Kung magagawa niyang dalhin ka sa kawalan na ng pag-asa, maari ka niyang bahain ng kawalan ng pananampalataya—at sa ganoon ay nagtagumpay siya sa kanyang misyon. Ang tatlong payak na hakbang na patungo sa hindi paniniwalang may Diyos ay kasalanan, pagdududa at kawalan ng paniniwala.

Kinakain ng kasalanan at lakas espirituwal ng isang Kristiyano na katulad ng isang rumaragasang kanser. Nagdudulot ito ng kawalan ng kontrol sa buhay; patungo ito sa hangaring sumuko o magpahinga na sa esprituwal na gawain; at sa huli, nagdudulot ito ng kirot na pisikal at karamdaman. Katulad ng kanser, ang kasalanan ang nagpapakain sa sarili nito hanggang sa mawala na ang espirituwal na pamumuhay, at ang dulot nito sa huli ay kahinaan at isiping kahihiyan at pagkabigo.Ang pamamaraan ng pag-aalis ng kasalanan ay alisin ang kasalanan, na mukhang madali lamang, ngunit hindi ito madali. Hindi mo basta iisipin lamang na basta iwaksi ang pangatlong bagay na pumasok sa buhay mo. Marami ang sumubok at natuklasang hindi ito gumagana. Hindi ka basta makakalakad palayo sa mga bagay na nakatali.

Ang pinakamahalagang pagkilos na maari mong gawin sa buhay mo ay ang pagkilos na gagawin mo matapos mong biguin ang Diyos. Maniniwala ka ba sa kasinungalingan ng nag-aakusa sa iyo at sumuko na sa kawalan ng pag-asa, o hahayaan mo ang sarili mo na tanggapin ang daloy ng pag-ibig ng Diyos?
Natatakot ka ba na hingin ang kanyang kapatawaran sapagkat hindi ka nakakasiguro na nais mo talagang makawala mula sa bagay na nagtali sayo? Nais mo bang ang Panginoon, gayung lihim mong hinahanap ang isang bagay na hindi talaga para sayo? Kayang sagutin ng Diyos ang tapat na dalangin, para gustuhin na gawin ang kanyang ganap na kalooban. Hilingin mo sa kanya na gustuhin mong gampanan ang kanyang kalooban.