Milyun-milyon ang nakakilala sapagkat may isang lalaki ang naghintay na madinig ang tinig ng Diyos “nagpatirapa at nadinig ang tinig na iyon” at nang siya’y maging si Pablo, patuloy niyang nadidinig ang tinig. Ang Panginoon ay nangusap sa kanya ng lalaki sa lalaki.
Hinayaan ni Pedro na dumating sa kaniya ang tinig. “Kinabukasan, habang naglalakbay sila at papalapit na sa lungsod, si Pedro ay umakyat sa bubong ng bahay upang manalangin. Noon ay ikaanim na ang oras…Dumating sa kaniya ang isang tinig” (Mga Gawa 10:9,13).
Ang kabuuan ng lahi ng mga Hentil ay sinalubong sa kaharian, kasama ang sambahayan ni Cornelio, sapagkat ang tinig ay sinunod. Tayo ay nananahan sa tulad ng panahon ng Lumang Tipan katulad ni Pablo at Pedro at tayo man, ay dapat na hayaang dumating ang tinig niya sa atin. “Ngunit sa araw na ito, kung madidinig mo ang tinig niya…” Ano ang mnaaring gawin ng Diyos sa mga Kristiyanong natutunang making sa tinig na galing sa langit!
Sa halip na hintayin ang tinig Niya na dumating sa atin, tumatakbo ang mga tao sa mga tagapayo at mga Kristiyanong pisikolohiya, sa isang sesyon o sa isa pa, at nagbabasa ng mga aklat at nakikinig sa mga nirekord na mga aral—nais na makadinig mula sa Diyos. Naghahanap tayo ng maliwanag na direksyon para sa ating mga buhay at nais nating sabihin sa atin ng mga pastor kung ano ang mali at tama. Hinahangad natin na ang pinuno ay sumunod, sa isang balakin sa hinaharap. Ngunit kaunti lamang ay may alam na magtungo sa Panginoon at pakinggan ang kayang tinig. Maraming may alam kung paano kunin ang pansin ng Diyos—na tunay na hipuin ang Diyos—ngunit wala silang alam kung paano lumapit ang Diyos sa kanila.
“Ang may pandinig ay makinig…” (tingnan ang Mateo 11:15).
Nais ng Diyos na yanigin ang daigdig ng minsan pa.
“Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinatanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung ang mga tumanggi sa nagsalita sa lupa ay hindi makakaligtas sa paghatol. Ang ating kahatulan ay lalong tiyak kung tatalikuran natin siya na nagmula sa langit. Noon ang kaniyang tinig ay yumanig sa lupa. Ngunit ngayon siya ay nangako na sinasabi: Minsan na lang ay yayanigin ko hindi lamang ang lupa kundi gayundin ang langit” (hebreo !2:25-26).
Ipinangako niya, “Minsan pa ang aking tinig ay diringgin. Yaong mga makaririnig ay yayanigin ang sanlibutan, at ang langit at lupa at gagalaw. Sa pamamagitan ng pakikinig sa aking tinig, ang anumang maluwag sa sanlibutan ay magiging maluwag din sa langit.”
Sa nahuhuling iglesya, ang iglesya ng Laodicea, nagsabi ang Panginoon:
Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko” (Pahayag 3:20)
“Hinihiling ko na ako ay madinig. Buksan mo ang sarili mo. Hayaan mo ako sa iyong lihim na silid. Hayaan mo akong makipag-usap sa iyo at makipag-usap ka sa akin. Iyan ang paraan paano kita ilalayo sa oras ng mga tukso na dumarating sa sanlibutan.”