Biyernes, Pebrero 26, 2010

NASA KANILA ANG BUHAY AT ANG ILAW

Ang iglesya ni Hesu-Kristo ay kulang sa esprituwal na kapangyarihan sa lipunan dahilan sa espirituwal na kakulangan.

Bakit ang mga pinuno ng ating bansa at mga tagapamahayag ay labis na mapagmataas sa mga Kristiyano? Bakit nawala ang lahat ng kahulugan at layunin ng iglesya sa mata ng sanlibutan? Bakit binura ng kabataan ang Kristiyanismo na parang lubusan ng walang kaugnayan sa mga buhay nila?

Ito ay sapagkat, sa malaking bahagi nito, ang iglesya ay hindi na nagbibigay ng liwanag. Si Kristo ay hindi namamahala sa ating lipunan sapagkat hindi siya naghahari sa ating mga buhay. Habang tinitingnan ko ang kapaligiran ngayon, ilan lang ang nakikita ko sa tahanan ng Diyos ang tunay na may pagkakaisa kay Kristo. Lubos na kaunti na lamang ang samahan sa langit. Ilang mga ministro ay tumanggi sa pamamaraan ng sanlibutan na magtiwala sa Diyos para sa kanilang patutunguhan. Nawala ang ating liwanag sapagkat nawala sa atin ang buhay ni Kristo. Upang magkaroon ng halaga ang kapangyarihan ng Diyos, kailangang maipamuhay ito sa pamamagitan ng may kapakinabangang, masunuring sisidlan.

Isaalang-alang ang kaharian ng Babilonya sa panahon ni Nebucadnezar. Ito ang pinakamakapangyarihang kaharian sa sanlibutan. Hinulaan ni Daniel na ang mga susunod na hari ay mababa, mahina ang kapangyarihan, at mahina ang impluho. Bakit? Sapagkat si Nebucadnezar ay hindi ang tunay na namamahala sa Babilonya. Ang kapangyarihan sa likod ng kaharian ay wala sa ginintuang rebulto na kanyang itinayo. Hindi, ang kapangyarihan ng Babilonya ay nasa mga kamay ng isang maliit na pangkat na pinangingibabawan ng Diyos. Ang Panginoon ay nagtakda ng isang lihim, na makalangit na pamahalaan at ito ay pinamumunuan ni Daniel at ng tatlong bata na taga Hebreo. Ang mga lalaking ito ay namamahalang kasangkapan ng Diyos, sapagkat sila ay nagpapalakad sa makalangit na kaharian. Ayaw nila na magkaroon ng kinalaman sa pamamaraan ng sanlibutan. Sa halip isinara nila ang kanilang mga sarili kasama ang Diyos.

Ang kinalabasan, alam ang panahon ng mga banal na lalaking ito. Kaya nilang sabihin sa mga tao kung ano ang layunin ng Diyos anumang panahon. Sila ay makinang, maningning na mga ilaw sa buong bansa. Sapagkat nasa kanilang kalooban ang buhay ng Diyos.

Sa 2 Hari 6, nabasa natin ang Syria na nakikipagdigmaan sa Israel. Sa panahon ng kaguluhang ito, ang propetang si Elisha ay nakaupo sa kanyang tahanan nakikipagniig sa Panginoon. Ang lalaking ito ay ang lihim na tagapamahala ng Diyos, at siya ay makapangyarihang namamahala. Si Elisha ay nakarinig mula sa Panginoon, at nagpadala ng mensahe sa hari ng Israel, nagbabala sa kanya ng bawat galaw na ginagawa ng hukbo ng Syria.

Nang matuklasan ng hari ng Syria ang tungkol sa mga humahadlang na mga mensahe ni Elisha, pinaligiran niya ang bayan ng propeta ng kanyang hukbo. Ngunit binulag ng Diyos ang mga taga Syria, at nauwi ito sa kalagayang nadakip niya ang mga ito at dinala sa kampo ng Israel.