Lunes, Pebrero 15, 2010

“INAGAPANG” PAG-IBIG

“Dinalaw mo siya…na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (Awit 21:3). Sa unang tingin, ang bersong ito ni David ay munting palaisipan. Ang salitang “agapan” ay madalas na iniuugnay sa hadlang, hindi ng pagpapala. Ang makabagong saling-wika dito ay, “Inagapan ng Panginoon si David na may kasamang pagpapala ng kabutihan.”

Gayunman ang makabibliyang salita para sa “agapan” ay nagpapahayag ng ganap na naiibang kahulugan. Nangangahulugan ito ng “inagapan, pinangunahan, hinulaan at ginampanan ng nauuna, makabayad ng utang bago pa dumating ang takdang panahon ng pagbabayad.” Higit pa rito, sa lahat halos ng pagkakataon, ito ay nagpapahiwatig ng kaluguran.

Binigyan tayo ni Isaias ng siglaw ng ganitong uri ng kaluguran. Nanggaling ito sa Diyos inaasahan ang pangangailangan at isinagawa ng una sa panahon. “Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, ibibigay yaong hinihiling” (Isaias 65:24).

Ang bersong ito ay nagbigay sa ating ng di-kapani-paniwalang larawan ng pag-ibig ng Panginoon sa atin. May katunayan, siya ay balisa upang biyayaan tayo, ganap na handa na isagawa ang kanyang mapagmahal na kabutihan sa ating mga buhay, na hindi na niya kailangang hintayin pa na sabihin natin sa kanya ang ating mga pangangailangan. Kaya’t tumalon siya papasok at isinagawa ang akto ng kahabagan, biyaya at pag-ibig para sa atin. At iyon ay lubos na kaluguran para sa kanya.

At yaon ang sinasabi ni David sa Awit 21: “Panginoon, ibinuhos mo ang mga pagpapala at kabutihan sa akin bago ko pa man ito hiniling. At ibinigay mo’y higit pa sa aking inaasahan.”

Tinutukoy ni David ang ilang kahanga-hangang gawain na isinagawa ng Diyos para sa kanya sa daigdig ng espirituwal. At ito ang bagay na nagbigay ng tagumpay kay David laban sa kanyang mga kaaway, nangingibabaw na kapangyarihan. At ginawa lahat ito ng Diyos bago pa man siya nanalangin, upang alisin ang kabigatan ng kanyang puso o iharap ang kanyang kahilingan. Minsang ibinuhos ni David ang kanyang puso, natuklasan niya na itinakda na ng Diyos na magapi niya ang kanyang mga kaaway. Ang tagumpay ni David ay tiniyak na bago pa man siya nakalapit sa larangan ng digmaan.