Huwebes, Pebrero 25, 2010

GINAGALIT ANG BANAL NG ISRAEL

“Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, ginagalit nilang lagi ang Banal ng Israel” (Awit 78:41). Ang salitang ginagalit dito ay nanggaling sa dalawang ugat na salita, “big sabihin, “pinagdadalamhati ang Diyos sa pamamagitan ng pagguhit ng linya.” Sa madaling sabi, pinipigilan ang Diyos sa pagguguhit ng linya at sinasabing, “Ang Diyos ay nasa loob nito at hindi siya makalalabas.” Ito ay naglalarawan ng kaisipan ng maraming mananampalataya. Ginuhitan natin sa ating isipan ang maliit na linya, o kaisipan, ng saklaw ni Kristo.

At iyan ang ginawa ng mga naunang iglesya sa Jerusalem. Pinigilan nila si Kristo sa maliit na sirkulo, pinanatili siya sa populasyon lamang ng mga Hudyo. Ngunit hindi maaring pigilan si Hesus. Siya ay patuloy na lumalabas sa ating maliit, na pinanatilihang sirkulo at palaging inaabot ang pinakamalayo.

Hayaan niyong magbigay ako ng halimbawa. Humigit kumulang sa 40 taon, ang mga Pentekostal ay animoy nagkaroon ng pagbibinyag ng Banal na Espiritu na pinanatili sa kanilang kilusan. Inisip ng maraming Pentekostal, “Kami ay iglesyang pinuspos ng Banal na Espiritu!” Ang mga mangangaral na Pentekostal ay idinaing ang pagkamatay ng nagungunang mga denominasyon, “Wala silang kabuuan ng ebanghaelyo na katulad natin,” pahayag nila.

Biglaan ay, sumabog ang Espiritu ng Diyos lampasan sa lahat ng iginuhit na sirkulo. Ang Banal na Espiritu ay pumasok sa lahat ng mananampalataya sa lahat ng uri ng denominasyon. Isang klasikal na aklat ang inakda tungkol dito sa pagkilos ng Espiritu, tinawag na Nagsalita Sila Sa Ibang Wika (They Speak With Other Tounges) mula kay John L. Sherrill.

Ginamit din ng Panginoon ang aking aklat na pinamagatang, Ang Krus at ang Balisong (The Cross and the Switchblade), lalo na sa sirkulo ng mga Katoliko. Gayunman, katulad ni Pedro at ng mga naunang iglesya, kailangan kong hayaang kumilos ang Diyos sa puso ko bago ko matanggap kung ano ang nangyayari. Ako ay pinalaking Pentekostal, at sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko nakita ko ang mga pari na tumatangis na may paniniwala, tumatangis kay Kristo.

Hindi nagtagal mayroong mga pentekostal na mangangaral na nakikipagtalo sa akin, at nagtatanong, “Paano yaong mga maka-Mariang Katoliko? Paano ka makapangangaral sa mga taong naniniwala sa ganoon? “ nakita ko ang sarili kong tumugon katulad ni Pedro: “Wala akong alam tungkol sa maka-Mariang paniniwala. Ang alam ko lamang ay, mayroong mga gutom na tao sa Iglesya ng Katoliko. At mayroong mga tunay na sumasampalataya kay Hesus mula sa mga pari. Pinupuspos ng Diyos ng Espiritu ang mga taong ito.

Ang Diyos ay may tao sa lahat ng lugar, at hindi natin dapat tawagin ang sinuman sa kanila na pangkaraniwan o madumi. Kailangang maging maingat tayo na hindi natin ilalarawan si Hesus bilang maliit at ikahon siya sa ating mga mahinang kaisipan.