Lunes, Pebrero 1, 2010

ANG KADAHILANAN NG TUKSO

Ang tukso ay isang pag-aanyaya o isang pang-aakit para mahulog sa isang mahalay na gawa. Sa mga sandaling ito si Satanas ay nananalasa sa buong sanlibutan katulad ng isang nagngangalit na leon para ubusin ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng matinding pang-aakit tungo sa mahalay na gawain. Walang sinumang ligtas at habang palapit ka ng palapit sa Diyos, ay lalo pang higit na nanaisin ni Satanas na salain ka.


Ang mga makasalanan ay hindi na matutukso—kundi ang mga tunay na anak ng Diyos! Hindi na masasagi ng ulan ang isang katawang nasa ilalim na ng tubig. Ang mga makasalanan ay lunod na sa impiyerno at bilang anak ni Satanas, gumagawa sila ayon sa dikta niya. Hindi na sila kailangan pang tuksuhin o akitin, sapagkat sila ay mga imoral na—nahusgahan na. bilang mga alipin, sila ay hindi malayang mamili. Sila ay patuloy na nauwi mula sa kamatayan patungo sa doble pang pagkamatay, “bilang sa mga binubunot na ugat.” Ang mga kasalanan ay tinutuya ng diyablo ngunit hindi tinutukso. Tinutuya ni Satanas ang sarili niyang mga anak patungo sa lalo pang malalim at madilim na balon ng kahalayan ngunit sila ay patay na sa kanilang mga kasalanan at hindi na nakikipaglaban sa pakikipagdigma ng mga buhay. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi sa atin ng Panginoon na magsaya kapag tayo ay nahulog sa ibat-ibang kasalanan. Tayo ay nakararanas ng mga bagay na kakaiba para sa mga matagal nang mga Kristiyano.


Ang tukso ay isang “pagsasanay sa ilalim ng kalagayan ng pakikipaglaban.” Ito ay isang “limitadong” pakikidigma—hinahayaan ito ng Diyos sa punto ng “makakayanan.” Gusto niya ng mga beterano na sa pakikipaglaban na mga mandirigma na maaring sumaksi, “Ako’y nasa gitna ng putukan! Ako’y galing na sa digmaan! Ang mga kalaban ay na buong paligid ko, pinapuputukan ako, sinusubok na patayin ako, ngunit ipinakita sa akin ng Diyos paano tanggapin ito at huwag matakot. Mayroon na akong karanasan, kaya’t sa susunod hindi na ako matatakot.”


Ang tukso ay hindi isang tanda ng kahinaan o isang pag-ayon patungo sa sanlibutan. Sa halip, ito ay isang pagtatapos, isang tanda na nagtitiwala ang Diyos sa atin. Ang Espiritu ay nag-akay kay Jesus sa lugar ng labanan ng tukso sa ilang para mapag-aralan niya ang lihim ng kapangyarihan laban sa lahat ng tukso. Sa katunayan, sinasabi ng Diyos kay Jesus, “Anak, ibinigay ko sayo ang Espiritu na walang sukatan. Napatunayan na kita sa harap ng sanlibutan. Ngayon hinahayaan ko si Satanas na ibato sa iyo ang lahat ng kanyang magagamit—upang makita mo na wala siyang kapangyarihan—kayat hindi mo kailanman katatakutan ang kanyang kapangyarihan—upang ikaw ay magpatuloy sa pangangaral sa kaharian na may pananampalataya na si Satanas ay nagapi na—na hindi ka niya maaring hipuin kahit sa anong paraan.


Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Kristiyano ay tinutukso sa panahong ito. Ang tukso ay hinahayaan maging sa pinakabanal na pamumuhay upang maturuan tayo ng limitasyon ni Satanas. Para maihayag ang kanyang kahinaan. Para maipahayag si Satanas bilang isang nananakot lamang. Natatakot lamang tayo sa mga hindi natin nauunawaan.