Biyernes, Pebrero 12, 2010

ANG ATING PINAGTUTUUNAN

Habang ang mga Kristiyano ng panahon ni Pablo ay nadama na ang pagkapuksa ng Jerusalem, nais nilang may malaman pa tungkol sa mga tagpo sa mga hula. Sila ang mga natatakot sa mga usap-usapan tungkol sa kalupitan ng palusob na mga hukbo, na siyang humuli sa marami at ginawang mga alipin. Nagdulot ito sa mga mananampalataya ng damdamin na ang mapanganib na panahon ay nalalapit na. Kaya tinanong nila si Pablo na isalaysay sa kanila ang tungkol sa darating na mga pangyayari, “Isulat mo sa amin kung paano basahin ang panahon.”

Tumugon si Pablo sa pamamagitan ng mga salita ng kasiguruhan: “Hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyo ang pagdating ng magnanakaw” (1 Tesalonica 5:1-2).

Isinalarawan ni Pablo sa kanila kung ano ang mangyayarti sa pagbabalik ni Kristo: “Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trompeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos, tayong mga buhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayo’y makakapiling niya tayo magpakailanman. Kaya nga mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng aral na ito” (4:16-18).

Ang panghihikayat sa mabuti dito ni Pablo sa kanila ay bilang pampalakas-loob. Sinasabi niya, na may kakanyahan, “Hindi ninyo kailangang mabagabag tungkol sa mga padating sa sanlibutan. Hindi ka dapat labis na nag-aalala tungkol sa mga nakakatakot na mga hudyat at mga kalamidad. Higit mong alam kung ano ang tungkol sa mga ito. Ang lahat ng mga ito ay naghuhudyat ng pagbabalik ni Kristo, upang kunin ang kanyang mga tao.”

Ang katotohanan ang kasaysayan ay may patutunguhan. Nakatitiyak tayo na ang mabilisang mga kasalukuyang mga pangyayari sa ngayon ay dadalhin tayo patungo sa walang-hanggang layunin ng Diyos. Ang sanlibutan ay hindi nakalutang, hindi pinababayaan ng Panginoon ang sanlibutan, kahit na gaano pa naging kasama at walang pananampalataya ang sangkatauhan. Sa halip, pinabibilis lamang ng Diyos ang mga pangyayari. At ang nakikita natin ngayon ay ang mabilisang paggalaw ng mga pangyayari patungo sa “isang banal na tagpo” na padating: ang muling paglikha ng bagong langit at daigdig, na kung saan maghahari si Kristo ng walang-hanggan.

Bilang mga taga-sunod ni Kristo. Ang ating pinagtutuunan ay hindi sa mga pang-araw-araw na mga balita. Hindi natin dapat punahin ang mga digmaan at usap-usapan ng digmaan, o ang posibilidad ng aksidenteng nuklear, o sa iba pang mga bagay na padating sa daigdig. Noong sinabi ni Hesus, “Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo” (Lucas 21:28).