“Ipinagbilin sa kanila na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Yaon lamang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo ang sasaktan nila” (Pahayag 9:4).
Bakit mahalaga ang pagiging “luntian” sa ating pananampalataya? Naalala mo ba, na ang mga balang ay inutusan na huwag galawin ang lahat na kulay luntian. Sa madaling sabi, hindi nila maaring saktan ang sinuman na lumalakad sa pananampalataya.
Kaya, maging sa kasugsugan ng kanilang pagsalakay, yaong mga inilagay ang kanilang pananalig sa Diyos ay tatayong mataas, katulad ng matatag na mga luntiang puno.
Hayaang ninyong tanungin ko kayo:
-
Lubos ka bang nananalig sa kapatawaran ng Diyos? Ikaw ba’y umaasa sa kanyang dugo na lilinisin ka niya sa bawat kasalanan? Kung ang damdamin mo ikaw ay nahatulan, at patuloy na nagsisikap na malugod ang Diyos, kung ganon hindi ka luntian at malusog. Ang nangungunang ninanais ng Diyos ay yaong tanggapin mo ang kanyang handog ng kapatawaran at mamahinga dito.
-
Tinanggap mo ang kapatawaran ng Diyos. Ngunit nagtitiwala ka ba sa kanyang ganap na pag-ibig sa iyo?
Hindi tayo iwinawaksi ng ating Panginoon sa tuwinang tayo ay babagsak. Hindi siya palaging nakatingin sa atin, iniuutos na ayusin natin ang mga ito. Hinihiling lamang niya na lumapit tayo sa kanya at ikumpisal, “Nananalig ako sa iyong Salita, Panginoon. Patawarin mo ako, hugasan mo ako, hawakan mo ako sa iyong mga kamay.”
Ang nais ng Diyos para sa atin ay ang mamuhay tayo araw-araw na walang takot. Dahil doon, hindi natin papayagan si Satanas na akusahan tayo mula sa ating mga nakalipas na kabiguan. Kung pinagsisihan na natin ang mga ito, kung ganon ay napagtakpan na tayo ng mahalaga at nakalilinis na dugo ni Kristo
Narito ang pangako ng Diyos sa lahat na inilagay ang pagtitiwala sa kanya: “Mayroong umaasa sa karong pandigma, at may sa kabayo naman ang tiwala; ngunit ang sa ating matibay na kuta, ay kapangayarihan ng Diyos na dakila! Sila’y manghihina at tuluyang babagsak, tayo ay tatayo at hindi matitinag!” (Awit 20:7-8).