"Sino sa inyo ang magsasabi sa kanyang aliping kagagaling sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, 'Halika, at kumain ka na'? 8 Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, 'Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain” (Lucas 17:7-8).
Wala tayong pangamba kahit na makilala bilang mga lingkod sa mga pinuno. Walang paghihirap paano isusuot ang ating tapis at maglingkod sa Panginoon isang mesa na puno ng pagpupuri—isang masaganang pista ng pagsamba. Nais nating pakainin ang Panginoon! Ito ay ating dakilang kaluguran, ang ating pinakamataas na pagsasakatuparan—ang magministeryo para sa Panginoon.
Ngunit nahihirapan tayo sa huling bahagi—ang bahagi na para sa Panginoon. “At pagkatapos kayo ay kakain!” iyan ay higit pa sa ating kayang maunawaan. Hindi natin alam paano maupo pagkatapos nating siyang pagsilbihan—na ibigay sa kanyang katulad na kaluguran na naranasan natin sa paglilingkod sa kanya! Ninanakawan natin ang Panginoon ng kasiyahan ng pagmiministeryo sa atin.
Iniisip natin na sapat na ang nakukuhang kasiyahan ng Panginoon mula sa mga ginagawa natin para sa kanya. Tumutugon siya sa ating pananalig at nalulugod kapag tayo ay nagsisisi. Nakikipag-usap siya sa Ama tungkol sa atin at nasisiyahan sa ating parang batang pananalig. Ngunit naniniwala ako na ang dakilang pagnanais niya ay ang magkaroon ng harapang pakikipag-ugnayan doon sa mga naiwan niya dito sa sanlibutan. Walang anghel sa langit ang makapagbibigya ng ganoong pangangailangan. Nais ni Jesus na makipag-usap doon sa mga nasa larangan ng pakikipagdigmaan.
Saan ko nakuha ang isipin na si Cristo ay nalulungkot at may matinding pagnanais na makipag-usap? Nandoon lahat iyon sa kinalalagyan ni Cristo na nagpakita siya sa dalawang disipulo sa daan ng Emmaus. Sa pagmumuling buhay lamang ni Jesus at sa araw ding iyon dalawang disipulo ay naglalakad mula Jerusalem patungo sa Emmaus. Sila ay nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang Panginoon ngunit nang palapit na siya, hindi siya nila nakilala. Nais niyang makipag-usap; marami siyang gustong sabihin sa kanila.
“Habang sila'y nag-uusap, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila… At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta” (Lucas 24:15, 27).
Wala nang iba pang makahihigit pa sa karanasang iyon para sa mga disipulo at sila ay lumayo na nagsasabi, “…Hindi ba nasunog ang puso namin, habang nakikipag-usap siya sa amin? Iniisip natin ang kagalakan ng mga disipulo ngunit paano naman ang kagalakan ni Jesus? Nakita ko ang pagmumuling-buhay ng Panginoon, ang mga luha ay umaagos sa kanyang maluwalhating pisngi, ang kanyang puso ay puno ng kagalakan. Siya ay puno ng kaganapan, ang kanyang pangangailangan ay nakamit na, nakita ko siyang lubusan ang kagalakan. Nakapagministeryo siya at sa kanyang maluwalhating katayuan, naranasan niya ang kanyang unang harapang pakikipag-isa. Naibuhos niya ang kanyang puso ngunit ang malungkot niyang puso ay nasagi at ang kanyang pangangailangan ay nakamit.