Kailangang turuan ng Diyos si Elijah tungkol sa pakikinig kayat dinala siya sa tuktok ng Bundok ng Horeb at binigyan siya ng isang pagsasalarawang pangaral.
Ganito ang sagot sa kanya: "Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko." Pagkasabi nito'y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig. Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang mukha at naghintay sa bunganga ng kuweba. Narinig niya ang isang tinig na nagsabi, "Elias, anong ginagawa mo rito?" (1 Hari 19:11-13).
Nang ang hangin ay nagsimulang lumakas na umuungol, naisip ko na inisip ni Elijah na, “Panahon na, Panginoon. Ibagsak mo si Jezebel mula sa kanyang trono—itapon mo siya at ang kanyang mga makakasalanang mga kaibigan sa hangin. Hipan mo silang palayo!” Ngunit ang Diyos ay wala sa hangin.
Kaginsa-ginsa’y isang malakas na lindol ang dumating at nasabi ni Elijah, “Iyan ang sisindak sa kanila! Gaganti ang Diyos. Yayanigin sila mula sa kanilang pagkakatayo! Panginoon, mabibigyan mo na ng katuwiran ang iyong lingkod.” Ngunit ang Diyos ay wala sa lindol!
Pagkatapos ng lindol, sunog ang sumunod! Ang langit ay nagliliwanag sa maputing-mainit na apoy! Sumigaw si Elijah, “Panginoon, hindi nila tinanggap ang apoy na bumagsak sa altar—sunugin mo sila! Sunugin mo ang makasalanang si Ahab! Iprito mo si Jezebel. Hayaan mong ang apoy ay lamunin ang mga makasalanan. O Diyos, alam kong ikaw ay narito sa apoy” ngunit ang Diyos ay wala sa apoy.
Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig” (t12).
Maiisip mo pa ba ito? Ang isang propeta na hindi takot sa buhawi o sa lindol o sa kidlat ay nagulantang sa banayad na tinig. “Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang” (t13).
Tinakpan ni Elijah ang kanyang mukha ng balabal! Bakit? Hindi ba ang propetang ito ay nakipag-usap ng maraming ulit sa Diyos? Hindi ba siya ay isang dakilang mananalangin? Hindi ba’t makapangyarihang siyang ginamit ng Diyos? Oo! Ngunit si Elijah ay isang banyaga sa banayad na tinig!
Nang sa huli ay pinayagan ni Elijah ang banayad na tinig na makapagsalita—mag-isa, tahimik, malayo sa pagpapahayag ng kapangyarihan—nakuha niya ang pinaka masusing patutunguhan sa lahat ng kanyang ministeryo.
Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Bumalik ka sa ilang na malapit sa Damasco. Pagkatapos, pumasok ka sa lunsod at buhusan mo ng langis si Hazael bilang hari ng Siria; at si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari naman ng Israel. Buhusan mo rin ng langis si Eliseo na anak ni Safat na taga-Abel-mehola bilang propeta na hahalili sa iyo…’ (tingnan1 Hari 19:15-16).
Ilang mga abalang anak ng Diyos ngayon ay hindi narinig ang tinig na dumating sa kanila? Sila ay abala sa pagpapatotoo—sa paggawa ng mabuti—nananalangin ng espirituwal na paggising—nag-aayuno—lubhang madiin—labis na nakatuon. Gayunman, narinig na nila ang lahat maliban sa tinig ng Panginoon.