Ang kapangyarihan para mapaglabanan, o ang mangako, o umubos ng mga oras sa pananalangin at pag-aayuno, o maging ang ihandog ang ating mga sarili para sa isang dakilang espirituwal na layunin. Ang mga bagay na ito ay kahanga-hanga at normal para sa paglago ng espirituwal na pamumuhay, ngunit hindi diyan nakasalalay ang ating tagumpay.
Ang payak na halimbawa sa pagdadala para makayanan ang anumang tukso ay ang mawala ang takot sa kapangyarihan ni Satanas! Takot lamang ang tanging kapangyarihan na mayroon si Satanas para sa tao. Hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng takot. Iyan ay kay Satanas lamang! Ngunit ang tao ay takot sa diyablo. Natatakot sa demonyo. Takot ma mabigo. Takot na ang kanyang pagkagutom at kinagawian ay mababago. Takot sa pangsariling pagnanais, na ito ay sasabog at makokontrol ang kanyang buhay. Takot na isa siya sa mga libu-libo na maaring naiiba, puno ng kahimuan at malayo sa tulong.
Ang tao ay takot na hindi niya maiwaksi ang kanyang kasalanan. Pinupuri niya si Satanas sa kapangyarihang wala siya. Tumatangis ang tao, “Ako ay lulong at hindi na makapigil! Ako ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng demonyo. Nagagawa ng diyablo na gawin ko ito!”
Ang takot ay may pagdurusa. Habang ikaw ay takot sa diyablo, hindi mo kailanman mababali ang kapangyarihan ng tukso. Nabubuhay si Satanas sa pananakot at ang mga Kristiyano na takot sa diyablo ay walang kapangyarihang mapaglabanan ang tukso.
Ito ay nakaayon lahat sa kasinungalingan! Ang kasinungalingan ni si Satanas ay may kapangyarihang gapiin ang mga Kristiyanong nasa ilalim ng kaguluhan. Hindi! Si Jesus ay dumating para puksain ang lahat ng kapangyarihan ng diyablo sa mga hinugasan ng dugo na mga anak ng Diyos. Madalas akong nag-iisip bakit hinahayaan ng Diyos ang mga espirituwal na mga tao na matukso. Bakit hindi alisin ng Diyos ang lahat ng tukso sa halip na “Hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya” (1 Corinto 10:13)? Ang kasagutan ay madali lamang. Kapag natutunan mo nang walang kapangyarihan si Satanas—kapag natutunan mo nang hindi ka niya kayang pagawain ng kahit ano—kapag natutunan mo nang ang Diyos ay may kapangyarihang lahat na pigilan kang mahulog—mula doon ay “makakayanan mo nang“ lahat ang anumang ibato sa iyo ni Satanas. Malalampasan mo ito na walang takot na ikaw ay mahuhulog!
Tayo ay hindi naligtas mula sa tukso , ngunit mula sa takot sa diyablo na nagagawa tayong mahulog dito. Patuloy tayong matutukso hanggang marating natin ang lugar ng “kapahingahan” ng ating pananampalataya. Ang natitira ay ang hindi mayayanig na pananalig na nagapi ng Diyos si Satanas, na si Satanas ay walang karapatan o pag-aangkin sa atin, at tayo ay magtatagumpay na katulad ng ginto na hinubog sa apoy.