Huwebes, Pebrero 4, 2010

KAILANGAN NATING SIYANG HAYAAN NA MAKIPAG-USAP SA ATIN

Ginamit ni Elijah ang kapangyarihan ng pananalanganin. Isinara at binuksan niya ang kalangitan, tumawag ng apoy, at biniyak ang tubig sa pamamagitan ng kanyang belo. Isang lalaki na kumikilos na naglagay ng isang pamahalaan sa ilalim ng kanyang kumpas, tumayo siya sa bundok ng Carmel at tinuya ang mga propeta ni Baal, pinatay sila ng harapan.


Ang makapangyarihang lalaking ito ay pitong ulit na pumasok sa silid ng trono ng Diyos, at taimtim na nanalangin ng ulan. Pitong ulit na nakipag-usap sa Diyos tungkol sa isang pangangailangan na ito. Isang munting ulap ang lumabas, at ang propeta, na sa loob ng tatlo at kalahating taon ay nagsara ng kalangitan at nagdala ng tagtuyot, ay binuksan ngayon ang kalangitan at “isang masaganang” ulan ang pumatak.


Si Elijah ay namula sa tagumpay. Isang dakilang espirituwal na paggising ay magaganap na. ang apoy ng Diyos ay bumagsak at ang mga himala ay nasaksihan ng marami. Yaon ay isang hindi kapani-paniwalang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Inisip ni Elijah, “Ngayon maging si Jezebel ay magsisisi! Maging siya ay hindi maaring balewalain ang mga hudyat na ito at kagila-gilalas na kaganapan. Ito ang oras ng Diyos para sa bansang ito.”


Nagulat si Elijah. Hindi namangha man lang si Jezebel sa mga himala at kapangyarihan at sinabi niya kay Elijah. “Bukas sa ganitong sandali, papatayin kita katulad ng pagpatay mo sa aking mga saserdote.”


Sa sumunod na nakita natin ang dakilang lalaking ito na makapangyarihan at puno ng lakas, siya ay nagtatago sa kuweba ng Bundok ng Horeb na halos 200 milya ang layo.


Isang kakaibang tanawin! Sa loob ng 40 araw at gabi na ginugol niya sa pag-mumuni kung paano nangyari na ang lahat ay nagkamali. Kinubabawan siya ng puro suliranin, nakatingin sa sarili sa halip na Diyos. Kayat tinawag siya ng Diyos, “Elijah, ano ang ginagawa mo dito at nagtatago ka sa kuwebang ito?”

Nakangisi, sumagot si Elijah, “Panginoon ang bansa ay nagkakagulo. Ang buong pamahalaan ay naging makasalanan, naging immoral. Ang mga tao ay muling nagkasala; hindi na sila naniniwala sa mga himala. Ang sosyedad ay nagkaloko-loko na. Ang aking mga pahayag ay ibinatong pabalik sa aking mukha. Ang diyablo na ang may kontrol ng lahat—nakuha na niya ang lahat maliban sa akin. Ako na lamang ang nananatiling naninindigan ng tapat para sa iyo, Panginoon. Nagtatago ako para may matira pang isang banal.


Si Elijah, isang mananalanging propeta, “ay lubos na abala para sa Diyos, lubos na abalang nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos, lubos na abalang isinasalba ang kaharian ng Diyos, na siya’y naging isang tuwirang lingkod. Siya ay laging nakikipag-usap sa Diyos, ngunit hindi siya nakikinig. Kung siya lamang ay nakikinig, narinig niya sana ang Diyos na nagsabi sa kanya na mayroong 7,000 banal na hindi nahulog.