Huwebes, Pebrero 18, 2010

ISANG ILAW NA HINDI DAPAT NAKATAGO

Sinasabi ni Hesus sa atin, “Kayo’y ilaw sa sanlibutan” (Mateo 5:14). Ang kanyang pahayag dito ay tungkol sa higit pa kaysa sa magministeryo. Pinalawig ito lampas pa sa pagtuturo, pangangaral o ang mamigay ng polyetos. Sinabi sa atin ni Kristo ng malinaw, “Ikaw ang ilaw.” Sinasabi niyang, “Hindi ka isang kawangis lamang ng ilaw. Hindi ka isang padaluyan lamang. Ikaw ang ilaw mismo. At ang kasidhian ng ilaw ay nakasalalay sa kasidhian ng iyong paglalakad kasama ako”

Nakita mo ba kung ano ang ipinapahiwatig ni Kristo dito? Kilala ng sanlibutan ang mga tao na naglalakad na malapit sa kanya. Maaaring hindi alam ng iyong mga kapitbahay at kasama sa gawain ang iyong pang-araw-araw na pakikisama kay Kristo, ang iyong pananalig sa kanya, ang iyong lubos na pagtitiwala sa kanya. Ngunit nakikita nila ang ilaw na kumikinang mula sa iyo dahilan sa buhay na mayroon ka na kasama niya. At habang walang humahadlang sa buhay na iyan, ang iyong ilaw ay patuloy na kikinang sa kadiliman.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol” (Maeo 5:14). Sinasabi ni Hesus, “Ginawa kitang halimbawa sa sanlibutan. Nakatingin ang mga tao sa iyo, sapagkat ginawa kitang parang isang salamin. Ikaw ay ilaw na hindi dapat nakatago.”

Kaya, sino ang mga ilaw na ito na nakatayo sa burol? At saan natin sila makikita? Hindi sila madalas nakikita sa kalantaran ng bayan. Hindi sila kabilang sa mga makasarili, mga taong iniaangat ang sarili upang makilala sa sanlibutan. At hindi sila kabilang sa mga paimportanteng pangkat sa iglesya na nagkukunwang banal ngunit tsismoso, bumubulung-bulong at mahimutok.

Sa mga nagdaang mga taon, nakita ko ang maraming mananampalataya na nagpapakitang makadiyos ngunit ang katotohanan ay mga tamad sa espirituwal. Sinasabi nila sa iba ang kanilang mga kabiguan at kahinaan, iniisip na ito ang naging dahilan kung bakit sila naging mapagkumbaba. Samantalang mabilis silang humusga sa kapwa. Wala silang tunay na, mapagbigay, mapagmahal na katulad ng kay Kristong espiritung lingkod. Sa kaibahan, ang tunay na “ilaw” na mayroon sila ay kadiliman. Sinasabi ni Hesus, “Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!” (Mateo 6:23). Kung walang buhay na na kay Kristo, walang liwanag para iba.

“Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit” (5:16). Ang dahilan kung bakit dapat nating paliwanagin ang ating ilaw sa sanlibutan ay upang luwalhatiin ang Diyos.