Biyernes, Pebrero 26, 2010

NASA KANILA ANG BUHAY AT ANG ILAW

Ang iglesya ni Hesu-Kristo ay kulang sa esprituwal na kapangyarihan sa lipunan dahilan sa espirituwal na kakulangan.

Bakit ang mga pinuno ng ating bansa at mga tagapamahayag ay labis na mapagmataas sa mga Kristiyano? Bakit nawala ang lahat ng kahulugan at layunin ng iglesya sa mata ng sanlibutan? Bakit binura ng kabataan ang Kristiyanismo na parang lubusan ng walang kaugnayan sa mga buhay nila?

Ito ay sapagkat, sa malaking bahagi nito, ang iglesya ay hindi na nagbibigay ng liwanag. Si Kristo ay hindi namamahala sa ating lipunan sapagkat hindi siya naghahari sa ating mga buhay. Habang tinitingnan ko ang kapaligiran ngayon, ilan lang ang nakikita ko sa tahanan ng Diyos ang tunay na may pagkakaisa kay Kristo. Lubos na kaunti na lamang ang samahan sa langit. Ilang mga ministro ay tumanggi sa pamamaraan ng sanlibutan na magtiwala sa Diyos para sa kanilang patutunguhan. Nawala ang ating liwanag sapagkat nawala sa atin ang buhay ni Kristo. Upang magkaroon ng halaga ang kapangyarihan ng Diyos, kailangang maipamuhay ito sa pamamagitan ng may kapakinabangang, masunuring sisidlan.

Isaalang-alang ang kaharian ng Babilonya sa panahon ni Nebucadnezar. Ito ang pinakamakapangyarihang kaharian sa sanlibutan. Hinulaan ni Daniel na ang mga susunod na hari ay mababa, mahina ang kapangyarihan, at mahina ang impluho. Bakit? Sapagkat si Nebucadnezar ay hindi ang tunay na namamahala sa Babilonya. Ang kapangyarihan sa likod ng kaharian ay wala sa ginintuang rebulto na kanyang itinayo. Hindi, ang kapangyarihan ng Babilonya ay nasa mga kamay ng isang maliit na pangkat na pinangingibabawan ng Diyos. Ang Panginoon ay nagtakda ng isang lihim, na makalangit na pamahalaan at ito ay pinamumunuan ni Daniel at ng tatlong bata na taga Hebreo. Ang mga lalaking ito ay namamahalang kasangkapan ng Diyos, sapagkat sila ay nagpapalakad sa makalangit na kaharian. Ayaw nila na magkaroon ng kinalaman sa pamamaraan ng sanlibutan. Sa halip isinara nila ang kanilang mga sarili kasama ang Diyos.

Ang kinalabasan, alam ang panahon ng mga banal na lalaking ito. Kaya nilang sabihin sa mga tao kung ano ang layunin ng Diyos anumang panahon. Sila ay makinang, maningning na mga ilaw sa buong bansa. Sapagkat nasa kanilang kalooban ang buhay ng Diyos.

Sa 2 Hari 6, nabasa natin ang Syria na nakikipagdigmaan sa Israel. Sa panahon ng kaguluhang ito, ang propetang si Elisha ay nakaupo sa kanyang tahanan nakikipagniig sa Panginoon. Ang lalaking ito ay ang lihim na tagapamahala ng Diyos, at siya ay makapangyarihang namamahala. Si Elisha ay nakarinig mula sa Panginoon, at nagpadala ng mensahe sa hari ng Israel, nagbabala sa kanya ng bawat galaw na ginagawa ng hukbo ng Syria.

Nang matuklasan ng hari ng Syria ang tungkol sa mga humahadlang na mga mensahe ni Elisha, pinaligiran niya ang bayan ng propeta ng kanyang hukbo. Ngunit binulag ng Diyos ang mga taga Syria, at nauwi ito sa kalagayang nadakip niya ang mga ito at dinala sa kampo ng Israel.

Huwebes, Pebrero 25, 2010

GINAGALIT ANG BANAL NG ISRAEL

“Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, ginagalit nilang lagi ang Banal ng Israel” (Awit 78:41). Ang salitang ginagalit dito ay nanggaling sa dalawang ugat na salita, “big sabihin, “pinagdadalamhati ang Diyos sa pamamagitan ng pagguhit ng linya.” Sa madaling sabi, pinipigilan ang Diyos sa pagguguhit ng linya at sinasabing, “Ang Diyos ay nasa loob nito at hindi siya makalalabas.” Ito ay naglalarawan ng kaisipan ng maraming mananampalataya. Ginuhitan natin sa ating isipan ang maliit na linya, o kaisipan, ng saklaw ni Kristo.

At iyan ang ginawa ng mga naunang iglesya sa Jerusalem. Pinigilan nila si Kristo sa maliit na sirkulo, pinanatili siya sa populasyon lamang ng mga Hudyo. Ngunit hindi maaring pigilan si Hesus. Siya ay patuloy na lumalabas sa ating maliit, na pinanatilihang sirkulo at palaging inaabot ang pinakamalayo.

Hayaan niyong magbigay ako ng halimbawa. Humigit kumulang sa 40 taon, ang mga Pentekostal ay animoy nagkaroon ng pagbibinyag ng Banal na Espiritu na pinanatili sa kanilang kilusan. Inisip ng maraming Pentekostal, “Kami ay iglesyang pinuspos ng Banal na Espiritu!” Ang mga mangangaral na Pentekostal ay idinaing ang pagkamatay ng nagungunang mga denominasyon, “Wala silang kabuuan ng ebanghaelyo na katulad natin,” pahayag nila.

Biglaan ay, sumabog ang Espiritu ng Diyos lampasan sa lahat ng iginuhit na sirkulo. Ang Banal na Espiritu ay pumasok sa lahat ng mananampalataya sa lahat ng uri ng denominasyon. Isang klasikal na aklat ang inakda tungkol dito sa pagkilos ng Espiritu, tinawag na Nagsalita Sila Sa Ibang Wika (They Speak With Other Tounges) mula kay John L. Sherrill.

Ginamit din ng Panginoon ang aking aklat na pinamagatang, Ang Krus at ang Balisong (The Cross and the Switchblade), lalo na sa sirkulo ng mga Katoliko. Gayunman, katulad ni Pedro at ng mga naunang iglesya, kailangan kong hayaang kumilos ang Diyos sa puso ko bago ko matanggap kung ano ang nangyayari. Ako ay pinalaking Pentekostal, at sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko nakita ko ang mga pari na tumatangis na may paniniwala, tumatangis kay Kristo.

Hindi nagtagal mayroong mga pentekostal na mangangaral na nakikipagtalo sa akin, at nagtatanong, “Paano yaong mga maka-Mariang Katoliko? Paano ka makapangangaral sa mga taong naniniwala sa ganoon? “ nakita ko ang sarili kong tumugon katulad ni Pedro: “Wala akong alam tungkol sa maka-Mariang paniniwala. Ang alam ko lamang ay, mayroong mga gutom na tao sa Iglesya ng Katoliko. At mayroong mga tunay na sumasampalataya kay Hesus mula sa mga pari. Pinupuspos ng Diyos ng Espiritu ang mga taong ito.

Ang Diyos ay may tao sa lahat ng lugar, at hindi natin dapat tawagin ang sinuman sa kanila na pangkaraniwan o madumi. Kailangang maging maingat tayo na hindi natin ilalarawan si Hesus bilang maliit at ikahon siya sa ating mga mahinang kaisipan.

Miyerkules, Pebrero 24, 2010

WALANG DUNGIS O KULUBOT

Ang iglesya ni Kristo ay hindi kailanman pinagtibay o tinanggap ng sanlibutan. At hindi ito mangyayari kailanman. Kung nabubuhay ka para kay Kristo, hindi mo kailangang humiwalay sa ibang kasamahan; sila ang gagawa nito para sa iyo. Ang gagawin mo lamang ay ang mabuhay para sa kanya. Bigla na lamang, makikita mo ang iyong sarili na inaalimura, ipinagtatabuyan, tinatawag na diyablo: Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati inyong pangalan ay kinasusuklaman” (Lucas 6:22).

Gayunman, idinagdag ni Hesus, ito ang daan sa tunay na kapunuan. “Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon” (Mateo 16:25). Sa ibang salita: “Ang tanging paraan upang makita mo ang kahulugan ng buhay ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng iyo para sa akin. At doon mo makikita ang tunay na kagalakan, kapayapaan at kasiyahan.” Sinasabi ni Kristo sa atin, “Ang aking iglesya ay walang dungis o kulubot. Kaya’t kung lalapit ka sa akin kailangang nakahanda kang talikdan ang lahat ng iyong mga kasalanan. Kailangang isuko mo ang lahat sa akin, lubusang mamatay para sa sarili, hindi makadiyos na hangarin,at pagkamaka-ako. Sa pamamagitan ng pananalig, malilibing kang kasama ko. Ngunit bubuhayin kita sa panibagong buhay.

Isipin kung ano ang kahulugan ng walang dungis o kulubot. Alam natin na ang dungis ay mantsa. Ngunit ano ang tungkol sa kulubot? Narinig mo na ba ang pariralang, “bagong kulubot”? Ang ibig sabihin nito ay ang magdagdag ng bagong kaisipan sa nanatiling kaisipan. Ang kulubot, sa kamalayan nito, ay ginagamit doon sa mga sumusubok na pagbutihin ang ebanghelyo. Ito ay nagmumungkahi ng madaling paraan upang marating ang langit, ng walang ganap na pagsuko kay Kristo.

Iyan ang uri ng ebanghelyo na ipinangangaral sa maraming iglesya ngayon. Ang mga sermon ay nakatutok lamang kung paano makakamit ang mga pangangailangan ng tao. Habang binabasa ko ang salita ni Hesus, nakita ko na ang ganitong uri ng pangangaral ay hindi maaari. Hindi nito magagampanan ang tunay na gawain ng ebanghelyo.

Huwag bigyan ng maling kahulugan: Hindi ako laban sa pangangaral ng kaaliwan at kalakasan sa mga tao ng Diyos. Bilang pastol ng Panginoon, ako ay tinawag upang gawin ang mga bagay na iyan. Ngunit kung ako ay mangangaral lamang sa pangangailangan ng mga tao, at ipagwalang-bahala ang pagtawag ni Kristo na iaalay ang ating mga buhay, kung ganon ang tunay na pangangailangan ay hindi makakamit. Ang salita ni Hesus ay malinaw: Ang ating mga pangangailangan ay makakamit sa pamamagitan ng pag-aalay ng ating buhay at pasanin ang kanyang krus.

Martes, Pebrero 23, 2010

NANGARAL SIYA NG PAGSISISI

Nagpahayag si Hesus, “Ang aking iglesya ay lugar ng walang kahihiyan, bukas na pagsisisi..” Gayunman, pinatunayan ng apostol na si Pablo: “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso: ibig sabihi’y ang salitang ipinangangaral namin tungkol sa pananampalataya; kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat nananalig ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo’y napapawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayo’y naliligtas. Sinasabi ng Kasulatan, Hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa kanya” (Roma 10:8-11).

Sa madaling sabi, tayo ay dinala sa kaligtasan sa pamamagjtan ng pangungumpisal ng pagsisisi sa pamamagitan ng labi. Ipinahayag ni Hesus, “Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal” (Mateo 9:13). At sinabi niya, ang pagsisisi ang daan kung paano tayo pinagaling at nanumbalik: “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit. Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi” (Lucas 5:31-32).

Ito ay magandang balita. Sinasabi ni Hesus sa atin, “Sa aking iglesya, ang lahat ay pinagaling sa pamamagitan ng pagsisisi. Hindi mahalaga kung sino ka---kung ikaw man ay pisikal na may suliranin, may suliranin sa pag-iisip, espirituwal na may sakit. Ang lahat ay dapat lumapit sa akin ng pare-pareho. At ang lahat ay makakatagpo ng kagalingan sa pamamagitan ng pagsisisi.

Ilang mga iglesya ang patuloy na binubuksan ang altar para sa mga may mabigat na pasanin sa puso nila upang lumapit sa altar at magsisi? Ilang mga pastor ang huminto ng magbigay ng paanyaya sa altar sa napakahalagang espirituwal na gawaing ito? Ilang mga mananampalataya ang nawalan na ng damdamin para sa kanilang pangangailangan na ikumpisal ang kanilang kasalanan?

Ano ang nakagitnang mensahe ng Magandang Balitang ito ni Kristo? Ginawa niya itong malinaw sa kabuuan ng apat na ebanghelyo. Sinasabi niya sa atin, “Narito ang ipinangangaral ko sa aking iglesya. Ito ang mensahe ko sa lahat ng mga makasalanan.”

“Si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balita mula sa Diyos: Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito” (Marcos 1:14-15). Ito ang unang mensahe ni Hesus na nakatala. Ipinangaral niya ang pagsisisi.

Para sa ibang mga Kristiyano, maari itong may tunog ng mabigat na pananalita. Maari silang tumugon, “Sige, ngunit gaano katigas ipinangaral ni Hesus ang pagsisisi?” Sinagot ni Lucas ito sa kanyang ebanghelyo. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga tagapakinig, “Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat” (Lucas 13:5).

Lunes, Pebrero 22, 2010

PAGGUHIT NG ATING SARILING SIRKULO

Nag-aalala ka ba tungkol sa miyembro ng iyong pamilya na mukhang hindi lumalago o hindi gumugulang kay Kristo? Habang sinusukat mo ang taong iyon, ginagamit mo ba ang sarili mong kaisipan tungkol kay Kristo para sa ating mga buhay? Naidibuho mo ba ang iyong sariling sirkulo ng kung ano ang kahulugan ng tunay na taga-sunod ni Kristo at hindi mo nakikita ang iyong mga minamahal na gumagalaw sa sirkulong iyon?

Posible ba na iyong binigyan ng hanggahan si Kristo? Ang iyong Hesus ba ay masyadong maliit, mahigpit na ginuhitan ang paligid, na hindi mo mapaniwalaan na ang Espiritu niya ay maaring gumagawa ng malalim, nakatagong gawain? Humuhusga ka ba dahil hindi naisukat sa iyong sariling pamantayan? Naniniwala ka ba na ang Diyos ay ganap na malaki upang kumilos sa kanya sa paraang hindi nakikita?

Mga 35 limang taon na ang nakalipas, isang imbing babae na nagngangalang Celeste Horvath ay pumasok sa Hamong Pangkabataan (Teen Challenge) sa Brooklyn. Siya ang madam na pinakabantog sa kasamaan sa Nuweba York, nagpapatakbo ng sindikato ng prostitusyon na ang parukyano ay mga kilalang mga kalalakihan. Si Celeste ay lumaki sa isang Pentekostal na tahanan, at ang nananalangin niyang lola ay nanghula sa kanya, ”Ikaw ay magiging ebanghelista.” Ngunit tinalikuran ni Celeste ang kanyang paglaki sa iglesya at nauwi sa protitusyon..

Habang lumalawak ang sindikato ng prostitusyon na pinamumunuan niya, siya ay nalulong sa bawal na droga. Sa lahat ng panahon na iyon, isang pakikidigma ang nagaganap sa kanyang puso. Gabi-gabi, dumadalangin siya, “O Diyos ko, nakikiusap akong hayaan mong mabuhay pa ako ng isang araw pa.” Sa huli, si Celeste ay nadakip. Ang balita ay naging pangunahing balita sa buong bansa. Sa isang pagkakataon ang kanyang kapatid na lalaki ay sumulat sa kanya, nagsabi na, “Lubos mong ipinahiya ang ating pamilya, wala ka nang pag-asa.”

Ngunit hindi siya tinalikdan ni Hesus. Isang araw sa pinakamalungkot niyang sandali, nanalangin si Celeste---at bumigay siya sa harapan ng Panginoon. Ang pagbabago sa kanya ay madalian, at biglaan siya ay naging bagong nilikha.

Ang lahat na nakakita sa pamumuhay ni Celeste mula sa labas ay naisip na siya ay lubusan ng walang pag-asa, ganap na di matitinag. Ngunit sila ay may maliit na pananaw kay Kristo. Hindi nila nakita ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa kanya sa buong buhay niya. Habang ang mga tao sa buhay ni Celeste ay nakita siya bilang isang pangkaraniwan at madumi, ang Panginoon ay nakita sa kanya ang isang ebanghelista.

Si Celeste ay nagpakita sa Hamong Pangkabataan (Teen Challenge) bago pa siya hinatulan, at tinanggap namin siya. Siya ay nakulong sa piitan na kung saan siya ay naging ebanghelista na tawag ng Diyos para sa kanya. Marami siyang inakay na kaluluwa habang nasa piitan. Pagkatapos na siya ay lumaya, siya ay naging isang makapangyarihang mangangaral sa kalsada at ito ay nauwi sa pagsisimula niya ng iglesya sa Long Island, isang kongregasyon na patuloy na nag-aalab hanggang sa ngayon.

Biyernes, Pebrero 19, 2010

PITAGANG PAGKATAKOT AT PAGGALANG

Niliwanag ng Bibliya na mayroong takot sa Panginoon na dapat pagyamanin ng bawat mananampalataya. Ang tunay na takot sa Diyos ay kabilang ang pitagang takot at paggalang, ngunit higit pa doon ang mga ito. Sinasabi ni David sa atin, “Kasalana’y nagungusap sa puso ng mga masasama, sa ubod ng puso nila’y doon ito nagwiwika; tumatanggi ito sa Diyos at ni takot ito ay wala” (Awit 36:1). Sinasabi ni David, “Kapag nakakakita ako ng taong nalululong sa kasalanan, sinasabi ng puso ko na ang taong ito ay walang takot sa Diyos. Hindi nito binibigyan ng halaga ang katotohanan tungkol sa kasalanan, o tungkol sa tawag ng Diyos sa kabanalan.

Ang katunayan ay, ang makadiyos na takot ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang mapanatili ang tagumpay sa mga makasalanang panahon. Kaya, paano natin makakamit ang takot na ito? Sinagot ni Jeremias sa pamamagitan ng hulang ito mula sa Salita ng Diyos: “Magkakaisa sila ng puso at diwa sa pagsunod sa akin at ito’y para sa kanilang kabutihan din at ng mga anak nila. Makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang hanggang tipan; pagpapalain ko sila habang panahon at tuturuang sumunod sa akin ng buong puso upang hindi na sila tumalikod sa akin” (Jeremias 32:39-40).

Ito ay isang kahanga-hangang pangako mula sa Panginoon. Tinitiyak nito sa atin na bibigyan niya tayo ng ganitong banal na pagkatakot. Hindi ito basta ibinabagsak sa ating mga puso ng Diyos sa isang kahima-himalang saglit lamang. Hindi, inilalagay niya ang takot sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita.

Nangangahulugan ba ito na ang takot sa Diyos ay itinatanim sa ating mga puso sa pagbabasa lamang ng Bibliya? Hindi, hindi ganoon, nangyayari ito kapag tayo ay may kamalayan na nagpasiya na susundin natin ang bawat salita na nababasa natin sa Salita ng Diyos. Tinataglay ito ng Kasulatan. Sinabi nito sa atin na ganito kung paanong ang makadiyos na katatakutan ay dumating kay Esdras: “Itinalaga ni Esdras ang kanyang sarili upang pag-aralan, isagawa, at ituro sa Israel ang mga tuntunin ng kautusan” (Esdras 7:10).

Ang takot sa Diyos ay hindi lamang kaisipang pang Lumang Tipan. Nakita natin na ang makadiyos na takot ay parehong nabanggit sa parehong Tipan. Sinasabi ng Lumang Tipan, “Matakot ka sa Diyos, lumayo sa kalikuan” (Kawikaan 3:7). Kahalintulad, ipinahayag ng Bagong Tipan, “Ang pagkatakot sa Diyos ay walang pitak sa kanilang puso” (Roma 3:18). Idinagdag ni Pablo, “Linisin natin ang ating mga sarili sa lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at espiritu. Sikapin nating mamuhay na may takot sa Diyos hanggang sa lubusan nating maitalaga sa kanya ang ating sarili” (2 Corinto 7:1).

Huwebes, Pebrero 18, 2010

ISANG ILAW NA HINDI DAPAT NAKATAGO

Sinasabi ni Hesus sa atin, “Kayo’y ilaw sa sanlibutan” (Mateo 5:14). Ang kanyang pahayag dito ay tungkol sa higit pa kaysa sa magministeryo. Pinalawig ito lampas pa sa pagtuturo, pangangaral o ang mamigay ng polyetos. Sinabi sa atin ni Kristo ng malinaw, “Ikaw ang ilaw.” Sinasabi niyang, “Hindi ka isang kawangis lamang ng ilaw. Hindi ka isang padaluyan lamang. Ikaw ang ilaw mismo. At ang kasidhian ng ilaw ay nakasalalay sa kasidhian ng iyong paglalakad kasama ako”

Nakita mo ba kung ano ang ipinapahiwatig ni Kristo dito? Kilala ng sanlibutan ang mga tao na naglalakad na malapit sa kanya. Maaaring hindi alam ng iyong mga kapitbahay at kasama sa gawain ang iyong pang-araw-araw na pakikisama kay Kristo, ang iyong pananalig sa kanya, ang iyong lubos na pagtitiwala sa kanya. Ngunit nakikita nila ang ilaw na kumikinang mula sa iyo dahilan sa buhay na mayroon ka na kasama niya. At habang walang humahadlang sa buhay na iyan, ang iyong ilaw ay patuloy na kikinang sa kadiliman.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol” (Maeo 5:14). Sinasabi ni Hesus, “Ginawa kitang halimbawa sa sanlibutan. Nakatingin ang mga tao sa iyo, sapagkat ginawa kitang parang isang salamin. Ikaw ay ilaw na hindi dapat nakatago.”

Kaya, sino ang mga ilaw na ito na nakatayo sa burol? At saan natin sila makikita? Hindi sila madalas nakikita sa kalantaran ng bayan. Hindi sila kabilang sa mga makasarili, mga taong iniaangat ang sarili upang makilala sa sanlibutan. At hindi sila kabilang sa mga paimportanteng pangkat sa iglesya na nagkukunwang banal ngunit tsismoso, bumubulung-bulong at mahimutok.

Sa mga nagdaang mga taon, nakita ko ang maraming mananampalataya na nagpapakitang makadiyos ngunit ang katotohanan ay mga tamad sa espirituwal. Sinasabi nila sa iba ang kanilang mga kabiguan at kahinaan, iniisip na ito ang naging dahilan kung bakit sila naging mapagkumbaba. Samantalang mabilis silang humusga sa kapwa. Wala silang tunay na, mapagbigay, mapagmahal na katulad ng kay Kristong espiritung lingkod. Sa kaibahan, ang tunay na “ilaw” na mayroon sila ay kadiliman. Sinasabi ni Hesus, “Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!” (Mateo 6:23). Kung walang buhay na na kay Kristo, walang liwanag para iba.

“Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit” (5:16). Ang dahilan kung bakit dapat nating paliwanagin ang ating ilaw sa sanlibutan ay upang luwalhatiin ang Diyos.

Miyerkules, Pebrero 17, 2010

ANG BUHAY SA LIKOD NG ILAW

“Muling nagsalita si Hesus sa mga tao. Wika niya, ‘Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman.” (Juan 8:12).

Si Hesus ang, at siya pa rin, ang ilaw ng sanlibutan. Sinabi ni Juan na ang ilaw na ito ay bunga ng buhay na na kay Kristo: “Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan” (Juan 1:4). Sa madaling sabi, ang buhay na mayroon si Kristo ay siyang pinanggagalingan ng liwanag ng sanlibutan. At ang lahat na nananalig “magkakaroon ng ilaw na nagbibigay buhay” (Juan 8:12). Ano ang “buhay sa likod ng liwanag” na siyang tinutukoy ng Kasulatan?

Marami sa atin ang nag-iisip na ang buhay na ito ang walang-hanggang kapanatilihan na siyang naglalarawan kay Kristo. Nakikita natin ito bilang kanyang kapangyarihan na magbigay ng walang-hanggang kapanatilihan sa lahat ng nananalig. Ngunit si Juan ay nangungusap ng bagay na higit pa dito. Nang ginamit niya ang salitang “buhay”, ang tinutukoy niya ay ang buong talambuhay ng kapanatilihan ni Hesus.

Sinasabi ni Hesus na dapat tayong mamuhay na katulad niya. Upang maging kawangis niya dito sa sanlibutan, ang kanyang buhay ay dapat nating malaman at maranasan. Kailangan nating maiugnay ito sa ating mga buhay.

Nais kong sabihin kung paano ko iniugnay ang buhay ko sa buhay na na kay Kristo. Nagagalak ako sa uri nito, maliliit na bagay na ginawa ni Hesus, hinipo at sinabi. Naniniwala ako sa pang-araw-araw na gawain niya, salita at paglalakad kasama ang Ama ay nangahulugan para mabigyan ng kahulugan ang buhay na kawangis ni Kristo.

Naisip ko ang pakikipagkaibigan ni Hesus kay Lazaro. Naisip ko siya noong tumago siya mula sa maraming tao pagkatapos ng mahabang panahon ng pagmiministeryo niya. Naisip ko siya habang nagagalak siya sa panahong nasa tahanan siya nina Maria, Marta at Lazaro. Naisip ko siya habang hawak niya ang mga maliliit na bata sa kanyang mga kamay at binabasbasan sila. Naisip ko ang pagiging masunurin niya sa kanyang ina, kahit na nagkagulang na siya, nang ginawa niyang alak ang tubig sa isang kasalan. Naisip ko ang pag-ibig niya para sa mga hinahamak, sa mga hindi maganda, at sa mga mahihirap. Naisip ko ang kanyang damdamin para sa isang babaeng nahuling nangangalunya at sa pagpaparangal niya sa isang balo na nagbigay ng dalawang sentimo lamang.

Duda ako na may sapat na aklat upang itala ang lahat ng pagmamahal, parang-lingkod na mga bagay na ginawa ni Hesus habang siya ay nasa sanlibutan. Sa mga talatang ito, nakita natin ang paraan kung paano iugnay ang ating mga buhay kay Kristo. Ito ang paraan kung paano natin mauunawaan ang buhay na siyang liwanag.

Martes, Pebrero 16, 2010

NAKASAKAY SA PANGAKO

Dahilan sa “maagap” na pangako, nagawa nating angkinin ang tagumpay at kapangyarihan bago pa man magsimula ang labanan. Umawit si David, “Nagagalak ang hari… O Yahweh, dahilan sa lakas mong bigay, siya’y nagagalak sa kanyang tagumpay. Binigyan mo siya…ng lahat ng kanyang mga kailangan, at iyong dininig, kanyang kahilingan” (Awit 21:1-2).

Maaring magtaka ka, “Paano makapagbubunyi si David? Humarap siya sa masidhing pagsalakay na hindi pa niya naranasan. Paano siya magkakaroon ng kagalakan kung kahit siya ay maaring masugatan o mamatay?”

Tumugon si David, “Dinalaw mo siya…na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (21:3). Ang sinasabi ni David dito ay makapagpapabago ng buhay: “Humaharap ako sa isang makapangyarihang kaaway na yari na ang loob na wasakin ako. Ngunit ang espiritu ko ay payapa. Bakit? Ang Panginoon ay nakita ang aking paghihirap. At pinaliguan niya ako ng mga pangako ng katiyakan ng kanyang pag-ibig. Maaring mapatumba o mapabagsak ako ng kaaway, at may pagkakataon na maaring ako ay tinapos na. Ngunit sinabi sa akin ng Diyos na kung tatayo ako, matatanggap ko ang kanyang lakas at magwawagi sa labanan.”

At ginawa ni David ang pahayag na ito ng pananampalataya bago tumungo sa digmaan: “Na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (21:3). Ang koronang binanggit ni David dito ay sagisag ng tagumpay at kapangyarihan. Sinasabi ni David, “Patungo ako sa digmaan na nakasakay sa pangako ng Diyos sa akin. Sinabi niya na maglalakad ako palabas ng digmaan nakaputong ang korona ng tagumpay.”

Ito ang bumubuo sa paniniwala ng “maagap na kabutihan” ng Diyos: Inaasahan na niya ang lahat ng ating mga paghihirap---lahat ng pakikipaglaban natin sa kasalanan, kalamnan at sa diyablo---at sa kanyang kahabagan at kabutihan, binayaran na niya ang ating mga utang bago pa man dumating ang takdang bayaran. Ang ating tagumpay ay ganap na.

Ang maagap na kabutihan ng Diyos ay ginagamit lalo na doon sa mga umiibig kay Hesus at yaong mga nabigla sa kasalanan. Tiniyak ng Panginoon sa atin kahit na tayo ay pansamantalang bumagsak, lulutang tayo sa pakikipaglaban na nakatayo, dahil lahat ng utang natin ay binayaran na ni Hesus.

Lunes, Pebrero 15, 2010

“INAGAPANG” PAG-IBIG

“Dinalaw mo siya…na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (Awit 21:3). Sa unang tingin, ang bersong ito ni David ay munting palaisipan. Ang salitang “agapan” ay madalas na iniuugnay sa hadlang, hindi ng pagpapala. Ang makabagong saling-wika dito ay, “Inagapan ng Panginoon si David na may kasamang pagpapala ng kabutihan.”

Gayunman ang makabibliyang salita para sa “agapan” ay nagpapahayag ng ganap na naiibang kahulugan. Nangangahulugan ito ng “inagapan, pinangunahan, hinulaan at ginampanan ng nauuna, makabayad ng utang bago pa dumating ang takdang panahon ng pagbabayad.” Higit pa rito, sa lahat halos ng pagkakataon, ito ay nagpapahiwatig ng kaluguran.

Binigyan tayo ni Isaias ng siglaw ng ganitong uri ng kaluguran. Nanggaling ito sa Diyos inaasahan ang pangangailangan at isinagawa ng una sa panahon. “Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, ibibigay yaong hinihiling” (Isaias 65:24).

Ang bersong ito ay nagbigay sa ating ng di-kapani-paniwalang larawan ng pag-ibig ng Panginoon sa atin. May katunayan, siya ay balisa upang biyayaan tayo, ganap na handa na isagawa ang kanyang mapagmahal na kabutihan sa ating mga buhay, na hindi na niya kailangang hintayin pa na sabihin natin sa kanya ang ating mga pangangailangan. Kaya’t tumalon siya papasok at isinagawa ang akto ng kahabagan, biyaya at pag-ibig para sa atin. At iyon ay lubos na kaluguran para sa kanya.

At yaon ang sinasabi ni David sa Awit 21: “Panginoon, ibinuhos mo ang mga pagpapala at kabutihan sa akin bago ko pa man ito hiniling. At ibinigay mo’y higit pa sa aking inaasahan.”

Tinutukoy ni David ang ilang kahanga-hangang gawain na isinagawa ng Diyos para sa kanya sa daigdig ng espirituwal. At ito ang bagay na nagbigay ng tagumpay kay David laban sa kanyang mga kaaway, nangingibabaw na kapangyarihan. At ginawa lahat ito ng Diyos bago pa man siya nanalangin, upang alisin ang kabigatan ng kanyang puso o iharap ang kanyang kahilingan. Minsang ibinuhos ni David ang kanyang puso, natuklasan niya na itinakda na ng Diyos na magapi niya ang kanyang mga kaaway. Ang tagumpay ni David ay tiniyak na bago pa man siya nakalapit sa larangan ng digmaan.

Biyernes, Pebrero 12, 2010

ANG ATING PINAGTUTUUNAN

Habang ang mga Kristiyano ng panahon ni Pablo ay nadama na ang pagkapuksa ng Jerusalem, nais nilang may malaman pa tungkol sa mga tagpo sa mga hula. Sila ang mga natatakot sa mga usap-usapan tungkol sa kalupitan ng palusob na mga hukbo, na siyang humuli sa marami at ginawang mga alipin. Nagdulot ito sa mga mananampalataya ng damdamin na ang mapanganib na panahon ay nalalapit na. Kaya tinanong nila si Pablo na isalaysay sa kanila ang tungkol sa darating na mga pangyayari, “Isulat mo sa amin kung paano basahin ang panahon.”

Tumugon si Pablo sa pamamagitan ng mga salita ng kasiguruhan: “Hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyo ang pagdating ng magnanakaw” (1 Tesalonica 5:1-2).

Isinalarawan ni Pablo sa kanila kung ano ang mangyayarti sa pagbabalik ni Kristo: “Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trompeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos, tayong mga buhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayo’y makakapiling niya tayo magpakailanman. Kaya nga mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng aral na ito” (4:16-18).

Ang panghihikayat sa mabuti dito ni Pablo sa kanila ay bilang pampalakas-loob. Sinasabi niya, na may kakanyahan, “Hindi ninyo kailangang mabagabag tungkol sa mga padating sa sanlibutan. Hindi ka dapat labis na nag-aalala tungkol sa mga nakakatakot na mga hudyat at mga kalamidad. Higit mong alam kung ano ang tungkol sa mga ito. Ang lahat ng mga ito ay naghuhudyat ng pagbabalik ni Kristo, upang kunin ang kanyang mga tao.”

Ang katotohanan ang kasaysayan ay may patutunguhan. Nakatitiyak tayo na ang mabilisang mga kasalukuyang mga pangyayari sa ngayon ay dadalhin tayo patungo sa walang-hanggang layunin ng Diyos. Ang sanlibutan ay hindi nakalutang, hindi pinababayaan ng Panginoon ang sanlibutan, kahit na gaano pa naging kasama at walang pananampalataya ang sangkatauhan. Sa halip, pinabibilis lamang ng Diyos ang mga pangyayari. At ang nakikita natin ngayon ay ang mabilisang paggalaw ng mga pangyayari patungo sa “isang banal na tagpo” na padating: ang muling paglikha ng bagong langit at daigdig, na kung saan maghahari si Kristo ng walang-hanggan.

Bilang mga taga-sunod ni Kristo. Ang ating pinagtutuunan ay hindi sa mga pang-araw-araw na mga balita. Hindi natin dapat punahin ang mga digmaan at usap-usapan ng digmaan, o ang posibilidad ng aksidenteng nuklear, o sa iba pang mga bagay na padating sa daigdig. Noong sinabi ni Hesus, “Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo” (Lucas 21:28).

Huwebes, Pebrero 11, 2010

ANG DIYOS NG ATING MGA DAMBUHALA

Sinabi ng Diyos kay Job, “Ang dambuhalang Behemot isip-isipin mo, isa sa mga nilikha ko dito sa mundo ay parang baka kung kumain ng damo” (Job 40:15). “Mahuhuli ba ang dambuhala sa pamamagitan ng kawil? Ang dila kaya nito’y matatalia’t masusupil” (41:1).

Bakit sisimulan ng Diyos ang kanyang pahayag sa pamamagitan ni Job na isaalang-alang ang dalawang dambuhalang ito? Bakit nais ng Diyos na tingnan ni Job ang mga mukha ng hipopotamo at ng buwaya?

Una, inilatag ng Diyos ang suliraning ito sa kanyang lingkod, “Tingnan mo Job, hinahabol ka ng hipopotamo. Ano ang iyong gagawin? Kaya mo bang makipagbuno sa kanya sa pamamagitan ng iyong sariling lakas? Hindi? Siguro maaari mong siyang kausapin ng malumanay.

“Ngayon, masdan ang pananakot ng buwaya, Paano mo siya haharapin? Ang nilikhang ito ay may pusong bato. Wala siyang kaisipan ng kahabagan.” Ito ay higit pa sa isang simpleng pangangaral tungkol sa kaharian ng hayop. Sa halip, sinasabi ng Diyos kay Job ang tungkol sa buhay ng mga “dambuhala.” Ipinakikita niya sa kanyang lingkod na ang dalawang nakasisindak, mabangis, makagaping nilikhang ito ay naglalarawan ng mga dambuhalang suliranin na nagngangalit sa buhay ni Job.

“Isaalang-alang ang hipopotamo. Niyayapakan niya ang lahat ng nakikita. Lubha siyang malaking suliranin para maharap mo siya, Job. Hindi mo siya kaya kahit ano pa ang gawin mo. Hindi mo siya kayang paamuin kahit ano ang gawin mo. Ako lamang, ang Panginoon, ang may alam kung paano pipigilan ang ganitong dambuhalang nilikha.

“At paano naman ang buwaya, Job? Walang tao ang may kakayahan na labanan ang ganitong uri ng nilikha. At walang sinuman sa kanyang sariling lakas ang may kakayahan na balatan ang makapal na balat nito. Ito ay totoo at katulad ng iyong espirituwal na kaaway. Ako lamang ang may kakayahan na labanan siya.”

Naririnig mo ba ang sinasabi ng Diyos sa kanyang talumpati? Nagwiwika siya hindi lamang kay Job kundi sa lahat ng mananampalataya. At nagpapahayag siya, “harapin mo ang katotohanan tungkol sa dambuhala sa buhay mo. Hindi mo sila kakayanin. Ako lamang ang may kakayahan.”

Sumagot si Job, “Ang Diyos ko ang pinakamakapangyarihan. Kaya niyang gawin ang lahat. At walang balakin niya ang maaring hadlangan. Alam ko na hindi ko kayang harapin ang hipopotamo o ang buwaya. Ngunit walang halaga ito. Sapagkat alam ko na kaya ng Diyos. “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, anumang balakin mo’y walang makahahadlang” (Job 42:1-2).

Miyerkules, Pebrero 10, 2010

SA BAWAT LABANAN MAY MAGTATAGUMPAY

Ipinangako ng Diyos na lalabas kang tagumpay sa bawat pakikipaglaban, pinutungan ng korona ng kanyang lakas. “Halina O Yahweh…Iyong ipadama ang lakas mong taglay, magdiriwang kami at mag-aawitan!” (Awit 21:13).

Paano tayo “hinahadlangan” ng Panginoon sa mga pagpapala ng kabutihan at mapagmahal na kabutihan? Inaalis ng Banal na Espiritu ang lahat ng takot mula sa atin---takot na bumagsak, o ang mapalayo sa Diyos, ang mawala ang presensiya ng Banal na Espiritu---sa pamamagitan ng pagtatanim sa atin ng kagalakan. Kailangang magpatuloy tayo na nagbubunyi, katulad ni David, sapagkat tiniyak ng Diyos na tayo ay mangingibabaw.

Gayunman kaunti lamang na mga Kristiyano ang may ganitong kagalakan at labis na kaluguran. Marami ang hindi alam ang kapahingahan ng kaluluwa o ang kapayapaan ng presensiya ni Kristo. Lumalakad sila sa paligid na animo’y nagluluksa, inilalarawan ang mga sarili nila na pinipisil ng poot ng Diyos sa halip na nasa pag-iingat ng kanyang mga pakpak. Ang tingin nila sa kanya ay isang malupit na tagapag-turo, na laging handa na hagupitin sila ng latigo sa kanilang likod. Kaya’t hindi sila nabubuhay na maligaya, na walang pag-asa, higit na patay kaysa buhay.

Ngunit sa mga mata ng Diyos, ang ating suliranin ay hindi ang kasalanan; ito ay ang pagtitiwala. Tuluyan ng tinapos ni Hesus ang ating mga suliranin sa kasalanan sa krus ng Kalbaryo. Hindi niya inuulit-ulit sa atin, “Sa pagkakataong ito ay lumampas ka sa guhit.” Hindi, hindi kailanman! Ang kanyang saloobin sa atin ay siyang kasalungat nito. Ang kanyang Espiritu ay patuloy na sinusuyo tayo, pinapaalalahanan tayo ng mapagmahal na kabutihan ng Ama maging sa kalagitnaan ng ating mga kabiguan.

Kapag tayo ay nagtuon sa ating kasalanan, nawawala ang ating pananaw sa kung ano ang higit na nais ng Diyos: “At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya. Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).

Ito ang kaisipang hinahanap ng ating Amang nasa langit na magkaroon tayo. Alam niya kung kailan natin pagsisisihan ang ating mga kabiguan at mga kasalanan. Alam niya kung kailan mangyayari ang ating pagsisisi. Ngunit hindi niya mahihintay ang takdang panahon. Kaya’t siya ay dumating, sinasabi, “nais kong tiyakin na ang aking anak ay hindi huhusgahan, sapagkat napatawad ko na siya sa pamamagitan ng dugo ng aking Anak.

Martes, Pebrero 9, 2010

BAKIT MAHALAGA ANG PAGIGING “LUNTIAN”?

“Ipinagbilin sa kanila na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Yaon lamang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo ang sasaktan nila” (Pahayag 9:4).

Bakit mahalaga ang pagiging “luntian” sa ating pananampalataya? Naalala mo ba, na ang mga balang ay inutusan na huwag galawin ang lahat na kulay luntian. Sa madaling sabi, hindi nila maaring saktan ang sinuman na lumalakad sa pananampalataya.

Kaya, maging sa kasugsugan ng kanilang pagsalakay, yaong mga inilagay ang kanilang pananalig sa Diyos ay tatayong mataas, katulad ng matatag na mga luntiang puno.

Hayaang ninyong tanungin ko kayo:

  • Lubos ka bang nananalig sa kapatawaran ng Diyos? Ikaw ba’y umaasa sa kanyang dugo na lilinisin ka niya sa bawat kasalanan? Kung ang damdamin mo ikaw ay nahatulan, at patuloy na nagsisikap na malugod ang Diyos, kung ganon hindi ka luntian at malusog. Ang nangungunang ninanais ng Diyos ay yaong tanggapin mo ang kanyang handog ng kapatawaran at mamahinga dito.

  • Tinanggap mo ang kapatawaran ng Diyos. Ngunit nagtitiwala ka ba sa kanyang ganap na pag-ibig sa iyo?

Hindi tayo iwinawaksi ng ating Panginoon sa tuwinang tayo ay babagsak. Hindi siya palaging nakatingin sa atin, iniuutos na ayusin natin ang mga ito. Hinihiling lamang niya na lumapit tayo sa kanya at ikumpisal, “Nananalig ako sa iyong Salita, Panginoon. Patawarin mo ako, hugasan mo ako, hawakan mo ako sa iyong mga kamay.”

Ang nais ng Diyos para sa atin ay ang mamuhay tayo araw-araw na walang takot. Dahil doon, hindi natin papayagan si Satanas na akusahan tayo mula sa ating mga nakalipas na kabiguan. Kung pinagsisihan na natin ang mga ito, kung ganon ay napagtakpan na tayo ng mahalaga at nakalilinis na dugo ni Kristo

Narito ang pangako ng Diyos sa lahat na inilagay ang pagtitiwala sa kanya: “Mayroong umaasa sa karong pandigma, at may sa kabayo naman ang tiwala; ngunit ang sa ating matibay na kuta, ay kapangayarihan ng Diyos na dakila! Sila’y manghihina at tuluyang babagsak, tayo ay tatayo at hindi matitinag!” (Awit 20:7-8).

Lunes, Pebrero 8, 2010

HIGIT PA SA PENTEKOSTES

Si Juan bautismo ay hindi nakarating sa Pentekostes! Hindi siya nakakita ng hating dila ng apoy o kaya’y narinig ang malakas na rumaragasang hangin. Hindi niya nakita na ang Jerusalem ay nayanig at libumbon ay naligats. Ngunit sinabi ni Juan na ang kanyang kagalakan ay ganap na! nakarinig siya ng higit na mabuti kaysa sa rumaragasang hangin—higit pa sa magandang pahayag—higit pa sa boses ng masayang nobya. Narinig niya ang tinig ng Tagapagligtas.


Sa isang kasalan, ang babaing ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na nagagalak kapag narinig niya ang tinig nito. Gayundin naman, lubos na ang aking kagalakan ngayon” (Juan 3:29).


Natikman ni Juan ang pinakadakilang kagalakan ng isang tagasunod ni Jesus. Sinabi niya, “nakatayo akong hindi gumagalaw at narinig ko siyang nangusap sa akin. Ang tinig niya ay nagpatalon sa aking puso. Kinusap niya ako ng personal. Nakinig ako sa Panginoon ko at iyan ay aking kagalakan. Ang marinig ang kanyang tinig.”


Masasabi ni Juan, Oo, iniibig ko siya. Sumamba ako sa kanyang paanan at sinabi ko na hindi ako karapatdapat, ngunit ang kagalakan ko ay hindi ang aking sinabi sa kanya, ang kagalakan ko ay kung ano ang sinabi niya sa akin! Narinig ko ang kanyang tinig, at ako ay nagbunyi sa mistulang tunog lamang nito.”


Ang ilang tao ay nangangaral na ang Panginoon ay hindi na nakikipag-usap kundi sa pamamagitan lamang ng kanyang pahayag na Salita. Hindi sila makapaniwala na ang tao ay maaring gabayan at pagpalain sa pamamagitan ng munting tinig na iyon ngayon.


Sinabi ni Jesus, “Aking tupa alamin ang tinig ko; naririnig nila kapag tumawag ako…ang iba ay makaririnig…” sa mga panahong ito tayo ay takot sa lahat ng pang-aabuso, natatakot na tayo ay dadalhin sa pahayag na salungat sa Salita ng Diyos. Ngunit, ang lahat ng pang-aabuso ay hindi kamalian ng Diyos. Ang bawat huwad na pangitain.. maling hula, maling paggabay ay isang direktang resulta ng pagmamatas ng tao at pansariling kagustuhan. Inaabuso ng tao ang bawat handog ng Diyos. Gayunman, ang Diyos ay patuloy pa ring nangungusap doon sa mga nais na makarinig ng kanyang tinig.


Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta…” (hebreo 1:1).

Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo,"Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos” (Hebreo 3:7)

Biyernes, Pebrero 5, 2010

ISANG ARAL SA PAKIKINIG

Kailangang turuan ng Diyos si Elijah tungkol sa pakikinig kayat dinala siya sa tuktok ng Bundok ng Horeb at binigyan siya ng isang pagsasalarawang pangaral.

Ganito ang sagot sa kanya: "Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko." Pagkasabi nito'y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig. Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang mukha at naghintay sa bunganga ng kuweba. Narinig niya ang isang tinig na nagsabi, "Elias, anong ginagawa mo rito?" (1 Hari 19:11-13).

Nang ang hangin ay nagsimulang lumakas na umuungol, naisip ko na inisip ni Elijah na, “Panahon na, Panginoon. Ibagsak mo si Jezebel mula sa kanyang trono—itapon mo siya at ang kanyang mga makakasalanang mga kaibigan sa hangin. Hipan mo silang palayo!” Ngunit ang Diyos ay wala sa hangin.


Kaginsa-ginsa’y isang malakas na lindol ang dumating at nasabi ni Elijah, “Iyan ang sisindak sa kanila! Gaganti ang Diyos. Yayanigin sila mula sa kanilang pagkakatayo! Panginoon, mabibigyan mo na ng katuwiran ang iyong lingkod.” Ngunit ang Diyos ay wala sa lindol!

Pagkatapos ng lindol, sunog ang sumunod! Ang langit ay nagliliwanag sa maputing-mainit na apoy! Sumigaw si Elijah, “Panginoon, hindi nila tinanggap ang apoy na bumagsak sa altar—sunugin mo sila! Sunugin mo ang makasalanang si Ahab! Iprito mo si Jezebel. Hayaan mong ang apoy ay lamunin ang mga makasalanan. O Diyos, alam kong ikaw ay narito sa apoy” ngunit ang Diyos ay wala sa apoy.


Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig” (t12).


Maiisip mo pa ba ito? Ang isang propeta na hindi takot sa buhawi o sa lindol o sa kidlat ay nagulantang sa banayad na tinig. “Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang” (t13).


Tinakpan ni Elijah ang kanyang mukha ng balabal! Bakit? Hindi ba ang propetang ito ay nakipag-usap ng maraming ulit sa Diyos? Hindi ba siya ay isang dakilang mananalangin? Hindi ba’t makapangyarihang siyang ginamit ng Diyos? Oo! Ngunit si Elijah ay isang banyaga sa banayad na tinig!


Nang sa huli ay pinayagan ni Elijah ang banayad na tinig na makapagsalita—mag-isa, tahimik, malayo sa pagpapahayag ng kapangyarihan—nakuha niya ang pinaka masusing patutunguhan sa lahat ng kanyang ministeryo.


Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Bumalik ka sa ilang na malapit sa Damasco. Pagkatapos, pumasok ka sa lunsod at buhusan mo ng langis si Hazael bilang hari ng Siria; at si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari naman ng Israel. Buhusan mo rin ng langis si Eliseo na anak ni Safat na taga-Abel-mehola bilang propeta na hahalili sa iyo…’ (tingnan1 Hari 19:15-16).


Ilang mga abalang anak ng Diyos ngayon ay hindi narinig ang tinig na dumating sa kanila? Sila ay abala sa pagpapatotoo—sa paggawa ng mabuti—nananalangin ng espirituwal na paggising—nag-aayuno—lubhang madiin—labis na nakatuon. Gayunman, narinig na nila ang lahat maliban sa tinig ng Panginoon.

Huwebes, Pebrero 4, 2010

KAILANGAN NATING SIYANG HAYAAN NA MAKIPAG-USAP SA ATIN

Ginamit ni Elijah ang kapangyarihan ng pananalanganin. Isinara at binuksan niya ang kalangitan, tumawag ng apoy, at biniyak ang tubig sa pamamagitan ng kanyang belo. Isang lalaki na kumikilos na naglagay ng isang pamahalaan sa ilalim ng kanyang kumpas, tumayo siya sa bundok ng Carmel at tinuya ang mga propeta ni Baal, pinatay sila ng harapan.


Ang makapangyarihang lalaking ito ay pitong ulit na pumasok sa silid ng trono ng Diyos, at taimtim na nanalangin ng ulan. Pitong ulit na nakipag-usap sa Diyos tungkol sa isang pangangailangan na ito. Isang munting ulap ang lumabas, at ang propeta, na sa loob ng tatlo at kalahating taon ay nagsara ng kalangitan at nagdala ng tagtuyot, ay binuksan ngayon ang kalangitan at “isang masaganang” ulan ang pumatak.


Si Elijah ay namula sa tagumpay. Isang dakilang espirituwal na paggising ay magaganap na. ang apoy ng Diyos ay bumagsak at ang mga himala ay nasaksihan ng marami. Yaon ay isang hindi kapani-paniwalang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Inisip ni Elijah, “Ngayon maging si Jezebel ay magsisisi! Maging siya ay hindi maaring balewalain ang mga hudyat na ito at kagila-gilalas na kaganapan. Ito ang oras ng Diyos para sa bansang ito.”


Nagulat si Elijah. Hindi namangha man lang si Jezebel sa mga himala at kapangyarihan at sinabi niya kay Elijah. “Bukas sa ganitong sandali, papatayin kita katulad ng pagpatay mo sa aking mga saserdote.”


Sa sumunod na nakita natin ang dakilang lalaking ito na makapangyarihan at puno ng lakas, siya ay nagtatago sa kuweba ng Bundok ng Horeb na halos 200 milya ang layo.


Isang kakaibang tanawin! Sa loob ng 40 araw at gabi na ginugol niya sa pag-mumuni kung paano nangyari na ang lahat ay nagkamali. Kinubabawan siya ng puro suliranin, nakatingin sa sarili sa halip na Diyos. Kayat tinawag siya ng Diyos, “Elijah, ano ang ginagawa mo dito at nagtatago ka sa kuwebang ito?”

Nakangisi, sumagot si Elijah, “Panginoon ang bansa ay nagkakagulo. Ang buong pamahalaan ay naging makasalanan, naging immoral. Ang mga tao ay muling nagkasala; hindi na sila naniniwala sa mga himala. Ang sosyedad ay nagkaloko-loko na. Ang aking mga pahayag ay ibinatong pabalik sa aking mukha. Ang diyablo na ang may kontrol ng lahat—nakuha na niya ang lahat maliban sa akin. Ako na lamang ang nananatiling naninindigan ng tapat para sa iyo, Panginoon. Nagtatago ako para may matira pang isang banal.


Si Elijah, isang mananalanging propeta, “ay lubos na abala para sa Diyos, lubos na abalang nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos, lubos na abalang isinasalba ang kaharian ng Diyos, na siya’y naging isang tuwirang lingkod. Siya ay laging nakikipag-usap sa Diyos, ngunit hindi siya nakikinig. Kung siya lamang ay nakikinig, narinig niya sana ang Diyos na nagsabi sa kanya na mayroong 7,000 banal na hindi nahulog.

Miyerkules, Pebrero 3, 2010

ISANG SULYAP SA PUSO NI JESUS

"Sino sa inyo ang magsasabi sa kanyang aliping kagagaling sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, 'Halika, at kumain ka na'? 8 Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, 'Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain” (Lucas 17:7-8).

Wala tayong pangamba kahit na makilala bilang mga lingkod sa mga pinuno. Walang paghihirap paano isusuot ang ating tapis at maglingkod sa Panginoon isang mesa na puno ng pagpupuri—isang masaganang pista ng pagsamba. Nais nating pakainin ang Panginoon! Ito ay ating dakilang kaluguran, ang ating pinakamataas na pagsasakatuparan—ang magministeryo para sa Panginoon.


Ngunit nahihirapan tayo sa huling bahagi—ang bahagi na para sa Panginoon. “At pagkatapos kayo ay kakain!” iyan ay higit pa sa ating kayang maunawaan. Hindi natin alam paano maupo pagkatapos nating siyang pagsilbihan—na ibigay sa kanyang katulad na kaluguran na naranasan natin sa paglilingkod sa kanya! Ninanakawan natin ang Panginoon ng kasiyahan ng pagmiministeryo sa atin.


Iniisip natin na sapat na ang nakukuhang kasiyahan ng Panginoon mula sa mga ginagawa natin para sa kanya. Tumutugon siya sa ating pananalig at nalulugod kapag tayo ay nagsisisi. Nakikipag-usap siya sa Ama tungkol sa atin at nasisiyahan sa ating parang batang pananalig. Ngunit naniniwala ako na ang dakilang pagnanais niya ay ang magkaroon ng harapang pakikipag-ugnayan doon sa mga naiwan niya dito sa sanlibutan. Walang anghel sa langit ang makapagbibigya ng ganoong pangangailangan. Nais ni Jesus na makipag-usap doon sa mga nasa larangan ng pakikipagdigmaan.


Saan ko nakuha ang isipin na si Cristo ay nalulungkot at may matinding pagnanais na makipag-usap? Nandoon lahat iyon sa kinalalagyan ni Cristo na nagpakita siya sa dalawang disipulo sa daan ng Emmaus. Sa pagmumuling buhay lamang ni Jesus at sa araw ding iyon dalawang disipulo ay naglalakad mula Jerusalem patungo sa Emmaus. Sila ay nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang Panginoon ngunit nang palapit na siya, hindi siya nila nakilala. Nais niyang makipag-usap; marami siyang gustong sabihin sa kanila.


“Habang sila'y nag-uusap, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila… At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta” (Lucas 24:15, 27).


Wala nang iba pang makahihigit pa sa karanasang iyon para sa mga disipulo at sila ay lumayo na nagsasabi, “…Hindi ba nasunog ang puso namin, habang nakikipag-usap siya sa amin? Iniisip natin ang kagalakan ng mga disipulo ngunit paano naman ang kagalakan ni Jesus? Nakita ko ang pagmumuling-buhay ng Panginoon, ang mga luha ay umaagos sa kanyang maluwalhating pisngi, ang kanyang puso ay puno ng kagalakan. Siya ay puno ng kaganapan, ang kanyang pangangailangan ay nakamit na, nakita ko siyang lubusan ang kagalakan. Nakapagministeryo siya at sa kanyang maluwalhating katayuan, naranasan niya ang kanyang unang harapang pakikipag-isa. Naibuhos niya ang kanyang puso ngunit ang malungkot niyang puso ay nasagi at ang kanyang pangangailangan ay nakamit.