Biyernes, Disyembre 31, 2010

ANG PAGSISIKAP NG ISANG MANANAMBA

Isinalarawan ng Exodo 14 ang isang di-kapani-paniwalang sandali sa kasaysayan ng Israel. Ang mga Israelitas ay kaaalis lamang ng Egipto sa ilalim ng sobrenatutral na direksyon ng Diyos. Ngayon sila’y nagngangalit na tinutugis ng hukbo ng Paraoh. Ang mga Israelitas ay dinala sa isang lambak na napalilibutan sa magkabilang bahagi ng matatarik na bundok, at sa kanilang harapan ay dagat. Hindi pa nila alam, ngunit ang mga taong ito makararanas ng pinakamadilim, binabagyong gabi ng kanilang mga espiritu. Humaharap sila sa isang nakapagdurusang gabi at pagkasindak at kawalan ng pag-asa na susubok sa kanilang natitirang kakayahan.

Naniniwala ako na ang talatang ito ay may kinalaman sa lahat sa kung paano ginagawa ng Diyos ang kanyang mga tao na maging mga mananamba. Katunayan, walang anumang kabanata sa BIbliya ang naglarawan nito ng ganito kahalaga. Nakita mo, ang mga mananamba ay hindi nabuo sa panahon ng pagmumuling buhay, sa mabuti, maaraw na panahon, o panahon ng tagumpay o kalusugan. Ang mga mananamba ng Diyos ay nabuo sa panahon ng binabagyong mga gabi. At kung paano natin hinarap ang mga bagyo ang siyang tangi lamang na makapagpapasiya kung anong uri tayo ng mananamba.

Ang Hebreo 11 ang nagbigay sa atin ng imahe ni Jacob sa kanyang katandaan: “Dahil sa pananalig sa Diyos, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. At humawak siya sa puno ng kanyang tungkod at sumamba sa Diyos” (Hebreo 11:21). Bakit ito inilarawan ni Jacob sa ganitong paraan sa kanyang mga huling araw?

Alam ni Jacob na malapit na siyang mamatay. Kaya nakita natin siya na nagbibigay ng kanyang pagpapala sa kanyang mga apo. Kaya, ano ang ginawa ni Jacob habang tinitingnan niya ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay? Siya ay dinala sa pagsamba. Walang isa mang salita ang sinabi ng lalaking ito. Gayunman, habang nakahawak sa kanyang tungkod, nagmumuni sa mga ibinigay sa kanya ng Diyos, “Siya’y sumamba.”

Sumamba si Jacob sa Diyos sa mga sandaling ito sapagkat ang kanyang espiritu ay may kapahingahan. Napatunayan niya sa Diyos ang kanyang katapatan higit sa anumang anino ng pagdududa. At ngayon nagpasiya ang matandang ito, “Hindi naging mahalaga anumang pakikipaglaban ang pinagdaanan ko. Pinatunayan ng Diyos ang katapatan niya sa akin. Lagi siyang matapat. O Panginoon, Makapangyarihang Diyos, sinasamba kita!”

Huwebes, Disyembre 30, 2010

HUWAG MATAKOT SA KAUNTING PAGDURUSA

Ang muling-pagkabuhay ni Cristo ay nasundan ng maiksing panahon ng pagdurusa. Tayo ay namatay! Tayo ay nagdurusa! Mayroong kirot at kalungkutan.

Ayaw nating magdusa o masaktan. Ang gusto natin ay kaligtasang walang pagdurusa, sa sobrenatural na pamamagitan. “Gawin mo ito, o Diyos,” sapagkat ako ay mahina at palaging mahina. Gawin mong lahat ito habang ako ay patuloy sa aking gawi, naghihintay sa sobrenatural na kaligtasan.”

Maari nating ibintang ang ating mga kaguluhan sa diyablo. Naghahanap tayo ng tao ng Diyos at umaasa na mapapaalis niya ang diyablo para makapagpatuloy tayo sa ating gawi na walang kirot at pagdurusa. Gawa na lahat! Madaling nalampasan ang mga ito patungo sa mapayapang buhay ng tagumpay. Nais nating mayroong magpatong ng kamay sa atin at paalisin lahat ang pagkatuyot. Ngunit ang tagumpay ay hindi laging walang kasamang pagdurusa at kirot. Tingnan mo ang iyong kasalanan. Harapin mo ito. Pagdusahan mo ito, katulad ni Jesus. Pumasok ka sa kanyang pagdurusa. Kayanin ang pagdurusa sa isang gabi, ngunit ang kagalakan ay laging kasunod sa umaga.

Ang pag-ibig ng Diyos ay nangangailangan ng pagpili. Kung sobrenatural na iniangat tayo sa bawat pakikipaglabn ng walang kirot o pagdurusa, pipigilan nito ang lahat ng mga pagsubok at lahat ng tukso; hindi na magkakaroon ng malayang pagpili at walang pagsubok sa apoy. Ito ay Diyos na pinangingibabawan ang kanyang mga kalooban para sa sangkatauhan. Pipiliin niyang makipagharap sa atin sa ating pagkatuyot at ipakikita sa atin kung paano ito magiging daan sa panibagong buhay ng pananamapalataya.

Ito ang palagiang kalooban ng Diyos na tayo ay magdusa sa pagkatuyot at maging sa kirot. “Kaya’t pati ang mga nagbabata ng hirap ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Maykapal na laging tapat sa kanyang pangako. Itinalaga nila sa kanya ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti” (1 Pedro 4:19).

Salamat sa Diyos, ang pagdurusa ay laging sa maikling panahon bago sa huling tagumpay! “Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan at isang saligang matibay at di matitinag” (1 Pedro 5:10).

Miyerkules, Disyembre 29, 2010

ANG PANATILIHIN ANG BUHAY NA MAPANALANGIN

Kailangan kong mapanatili ang buhay na mapanalangin para mapangibabawan ang espirituwal na pagkatuyo. Bakit wala sa atin ang nananalangin sa paraang nararapat? Alam natin na ang ating mga dalahin ay maiaangat kapag tayo ay kasama niya. Ang tinig ng Espiritu Santo ay patuloy na nananawagan sa atin na manalangin, “Halika!”

Lumapit ka sa tubig na magbibigay kasiyahan una sa pagka-uhaw ng espiritu. Lumapit ka sa Ama, na nahahabag sa kanyang mga anak. Lumapit ka sa Panginoon ng buhay, na nangangako na magpatawad sa bawat kasalanan na nagawa. Lumapit ka sa Kanya na tumatanggi na kondenahin ka o pabayaan ka o magtago sa iyo.

Maaring subukin natin na magtago sa Diyos sa dahilan ng pagkakasala at pagkondena ngunit hindi siya magtatago sa atin. Lumapit ka sa kanyang trono ng grasya, maging ikaw ay nagkasala man o nabigo. Agad niyang pinatatawad yaong mga nagsisisi na may makadiyos na pighati. Hindi mo kailangang gumugol ng oras at mga araw sa pagsisisi o paghirapan ang iyong pagbabalik patungo sa kanyang mabubuting grasya. Lumapit sa Ama, lumuhod, buksan ang puso, idaing ang iyong paghihirap at kirot. Sabihin mo sa kanya ang iyong kalungkutan, pakiramdam ng pagkakabukod, takot at mga kabiguan.

Sinubukan natin ang lahat maliban sa pananalanagin. Nagbabasa tayo ng aklat, naghahanap ng mga pormula at mga pamamaraan. Lumalapit tayo sa mga kaibigan, mga ministro, at mga tagapayo, naghahanap kahit saan para sa salita na magbibgay aliw o payo. Naghahanap tayo ng mamamagitan at kinalimutan ang isang Tagapamagitan na may kasagutan sa lahat ng bagay.

Walang makapag-aalis ng pagkatuyo at kahungkagan ng mabilisan ng higit pa sa isang oras o dalawa na kasama ang Diyos. Walang makapapalit sa pananalangin sa Ama doon sa nabubukod na lihim na silid. Iyan ang kasagutan sa lahat ng pagkatuyot.

“Aking ibubuhos ang saganang tubig sa tuyong lupain, sa uhaw na lupa ay maraming batis ang padadaluyin. Aking Espiritu’y ibubuhos ko sa ‘yong mga supling. At ang liping susunod sa iyo ay pagpapalain” (Isaias 44:3).

Martes, Disyembre 28, 2010

DUMARAAN SA PAGKATUYOT

Kahit na ako ay nangangaral sa libu-libo, may panahon na nadarama ko ang pagkatuyo, malayo mula sa mainit na presensiya ng Diyos. Kapag ako ay tuyo at hungkag, wala akong pakiramdam ng pagkagutom para magbasa ng Salita at maliit ang hangad na manalangin. Alam ko na ang pananampalataya ko ay buo at ang pag-ibig ko kay Jesus ay matatag, at wala akong pagnanais na tikman ang mga bagay ng sanlibutang ito. Ito ay ang hindi ko mahipo ang Diyos ng mga ilang araw, maging mga linggo.

Nakita mo na ba ang ibang Kristiyano na pinagpapala habang ikaw ay walang nararamdaman? Nagpapatotoo sila ng mga kasagutan sa kanilang mga dalangin at lumuluha sa kagalakan. Mukha silang naninirahan sa tuktok ng bundok na may maliligayang karanasan habang ikaw ay gumagayod lamang, iniibig si Jesus ngunit hindi pinag-aapoy ang sanlibutan.

Naniniwala ako na ang lahat na tunay na mananampalataya ay dumaranas ng tagtuyot sa ibat-ibang panahon sa kanilang mga buhay Kristiyano. Maging si Jesus ay nadama ang pagkakabukod ng siya’y dumaing ng malakas, “Ama, bakit mo ako pinabayaan?”

Kung wala ang pagkakalapit sa Diyos, hindi magkakaroon ng kapayapaan. Ang pagkatuyot ay mapipigilan lamang kung may hamog ng kanyang kaluwalhatian. Ang kawalan ng pag-asa ay mawawala lamang sa katunayan na ang Diyos ay sumasagot. Ang apoy ng Espiritu Santo ay kailangang pag-initin ang isipan, katawan at espiritu.

May panahon na nadarama kong ako ay hindi karapat-dapat, katulad na pinakamasamang uri ng makasalanan, ngunit kahit na ganoon, alam ko na hindi siya malayo. Kahit paano naririnig ko ang natatanging, maliit na tinig na tumatawag, “Halika, anak ko. Alam ko ang lahat ng nararanasan mo. Iniibig pa rin kita at hindi kita iiwan o pababayaan man. Haharapin natin itong magkasama sapagkat ako pa rin ang iyong Ama at ikaw pa rin ang aking anak.” Mayroong apoy sa akin na hindi mawawala at alam ko ilalabas niya ako sa pagkatuyot.

“Pagkat ito ang bayan na kanyang hinirang. Si Jacob na itinanging maging kanya lamang. Sila’y natagpuan niya sa ilang lupaing halos walang mabuhay na halaman. Sila’y kinandili at pinatnubayan nang buong tiyaga at pagmamahal” (Deutoronomo 32:9-10).

“Narito at masdan ang nagawa ko’y isang bagong bagay na hanggang sa ngayo’y di mo mamasdan. Ako’y magbubukas ng isang landasin sa gitna ng ilang, maging ang disyerto ay patutubigan. Ako’y igagalang niyong mga hayop na pawang mailap, gaya ng avestrus at ng asong-gubat; ang dahilan nito, sa disyerto ako’y nagpabukal ng saganang tubig para may mainom ang aking hinirang” (Isaias 43:19-20).

Lunes, Disyembre 27, 2010

NADAMA MO BA SA MGA NAKARAAN NA IKAW AY SUSUKO NA?

Ilang mga ministro ay sumulat sa akin na nagpapahayag ng kanilang pag-aalala sa mga taga parokya na sumusuko na. “Mga mabubuting tapat na Kristiyano ay napangingibabawan ng panunumbat at pagkondena na nagbubunga ng kawalan ng pag-asa. Kapag hindi nila napatunayan ang inaasahan sa kanilang sarili, kapag nahulog sa pagkakasala, nagpasiya na sumuko na…”

Dumadaming bilang ng mga Kristiyano ay nasa punto na ng pagbagsak. Kaunting Kristiyano ay hindi mag-iisip na bigyang pansin ang isipin na huminto na sa kanilang pag-ibig kay Jesus, ngunit sa kawalan ng pag-asa iniisip nila na sumuko na.

Ilang mga ministro sa ngayon ay patuloy na nangangaral ng mga positibong bagay lamang. Na marinig silang nagsasabi sa kanila, na ang bawat Kristiyano ay nakatatanggap ng mga himala, na ang lahat ay tumatanggap ng madaliang sagot sa kanilang mga dalangin; ang bawat isa ay mabuti ang pakiramdam, namumuhay ng maayos, at ang buong sanlibutan ay maliwanag at mabulaklak. Gusto kong marinig ang ganoong uri ng pangangaral sapagkat hangad ko ang lahat ng ganoong mabuti at malusog na bagay para sa tao ng Diyos. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari sa maraming bilang ng mga matatapat at sinserong Kristiyano.

Hindi kataka-taka na ang mga kabataan ay sumusuko sa pagkatalo. Hindi sila makapamuhay sa imahe, na nilikha ng relihiyon, na walang-alalahanin, mayaman, matagumpay, laging may paositibong pag-iisip na mga Kristiyano. Ang kanilang mga salita ay hindi ideal; namumuhay silang bigo ang puso, oras-oras na kagipitan, at pampamilyang mga suliranin.

Nagpahayag si Pablo tungkol sa kapighatian: “…mga kapighatian na dinanas namin…napakabigat ng aming dinanas, anupat nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa” (2 Corinto 1:8).

Ang positibong pag-iisip ay hindi makapag-aalis ng mga suliraning ito at “ikukumpisal” na ang mga suliraning ito ay hindi talaga nangyayari ay hindi makapagbabago sa isang bagay. Ano ang makalulutas? Mayroong dalawang ganap na nagdala sa akin ng dakilang kaaliwan at tulong.

• Iniibig ako ng Diyos. Siya ay mapagmahal na Ama na gusto lamang na maiangat tayo palabas sa ating mga kahinaan.
• Ang aking pananampalataya ang nakalulugod sa kanya ng labis. Nais niya na magtiwala ako sa kanya.

Biyernes, Disyembre 24, 2010

MALALAMPASAN MONG LAHAT

Ang kaligayahan ay hindi nangangahulugan na mabubuhay kang walang kirot o pasakit—hindi maari. Ang tunay na kaligayahan ay ang matutunan na mabuhay sa bawat isang araw, kahit na may kalungkutan o kirot. Ito ay ang matutunan na magsaya sa Panginoon, anuman ang nangyari sa nakaraan.

Maaring maramdaman mo na ikaw ay tinanggihan o pinabayaan. Ang pananalig mo ay maaring nanghihina at iniisip mo na ikaw ay ibinilang na bagsak. Kalungkutan, luha, kirot, at kahungkagan ay maring lamunin ka na sa isang pagkakataon, ngunit ang Diyos ay nananatili pa rin sa trono. Siya ay Diyos pa rin!

Hikayatin mo ang iyong sarili na malalampasan mo ang lahat ng ito. Makakalabas ka dito at, mabuhay o mamatay, ikaw ay nasa Panginoon. Ang buhay ay magpapatuloy at masosorpresa ka na malaman kung gaano ka makakatagal sa tulong ng Diyos.

Hindi mo matutulungan ang sarili mo o pigilan ang kirot, ngunit ang ating mapagpalang Panginoon ay darating sa iyo. Ilalagay niya ang kanyang mapagmahal na kamay sa ilalim mo at iiangat ka para maupong muli sa malalangit na lugar. Ililigtas ka niya sa takot na kamatayan at ipahahayag niya ang walang kamatayan niyang pag-ibig para sa iyo.

Tumingin ka sa itaas! Bigyan mo ng lakas ng loob ang sarili mo sa Panginoon. Kapag napalibutan ka ng ulap at di mo makita ang palabas sa iyong suliranin. Humiga ka sa mga kamay ni Jesus at manalig ka. Gagawin niya ang lahat! Nais niya ang iyong pananalig at ang iyong pagtitiwala. Nais niyang itangis mo ng malakas, “Iniibig ako ni Jesus! Kasama ko siya! Hindi niya ako pababayaan! Ginagawan niya ng lahat ng paraan, ngayon din! Hindi ako babagsak! Hindi ako magagapi! Hindi ako magiging biktima ni Satanas! Hindi masisira ang aking isipan o mawawala ang aking direksyon. Ang Diyos ay nasa tabi ko! Iniibig ko siya at iniibig niya ako!”

Ang huling kauuwian ay ang pananampalataya. At ang pananampalataya ay nakapahinga sa isang ganap na: “Wala nang sandatang gagamitin sa iyo…” (Isaias 54:17).

Huwebes, Disyembre 23, 2010

HINDI HAHAYAAN NG DIYOS NA IKAW AY TULUYANG MADUROG

Ipaalala mo sa iyong sarili na alam ng Diyos kung ano lamang ang iyong makakayanan, at hindi niya hahayang marating mo ang dulo ng pagkawasak.

Sinabi ng ating mapagmahal na Ama, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin ng higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).

Ang pinakamasamang uri ng pagwawalang-pakundangan ay isipin na ang Diyos ay may kinalaman sa iyong mga pasakit at kirot, na iyon ay ang Amang nasa langit na dinisiplina ka, na iniisip ng Diyos na kailangang mo pa ang isa o dalawa pang kabiguan bago mo tanggapin ang kanyang mga pagpapala. Hindi maaring mangyari iyon!

Totoo na kinakastigo ng Diyos ang kanyang mga iniibig, ngunit ang pagkastigo ay para lamang sa isang panahon at hindi para saktan tayo. Ang Diyos ay hindi ang umakda ng kaguluhan sa iyong buhay; maging ikaw man. Ang kalaban ay sinusubok na saktan tayo sa pamamagitan ng ibang tao, katulad ng saktan nila si Job sa pamamagitan ng kanyang asawa na walang paniniwala.

Ang Amang nasa langit ay nagbabantay sa inyo na may matatag na pagtingin. Ang bawat galaw ay binabantayan; ang bawat patak ng luha ay inilalagay sa botelya. Nararamdaman niya ang bawat kirot at alam niya kapag ikaw ay nalantad sa lubhang kahihiyan mula sa kaaway. Hahakbang siyang papasok at sasabihing, “Tama na!” Kapag ang kirot ay hindi na naglalapit sa iyo palapit sa Panginoon at sa halip, ay nagsisimula ng bumagsak ang iyong espirituwal na buhay, papasok ang Diyos. Hindi niya papayagan na ang isang nagtitiwalang anak niya ay tuluyang babagsak dahilan sa labis na kirot at paghihjirap ng espiritu.

Ililigtas ka ng Diyos mula sa pakikipaglaban, sa tamang pagkakataon. Hindi niya papayagan na ang kirot ay sirain ang iyong isipan. Ipinangako niya na darating siya, sa tamang pagkakataon, para punasan ang mga luha mo at bigyan ka niya ng kaaliwan para sa iyong pagluluksa. Sinabi ng Salita ng Diyos, “Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak” (Awit 30:5).

Miyerkules, Disyembre 22, 2010

NAKIPAGKASUNDO NA MAGHAHANAP

“Dahil dito, buong taimtim akong dumulog kay Yahweh…Ganito ang dalangin ko: ‘Panginoong dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos…Patuloy ako sa pananalangin. Ipinahahayag ko ang aking kasalanan at ng bayan…” (Daniel 9:3,4, at 20). Ito ang mga mapanalanging mga lalaki.

Nakita mo, ang unang kasunduan na kanilang ginawa ay—mamuhay na nakahiwalay—ay kailangang masundan ng pangalawang pakikipagkasundo, na hahanapin ang Diyos. Katunayan, imposible ang mamuhay ng banal na pamumuhay na hindi gumugugol ng maraming panahon sa pagkakaluhod, naghahanap sa Diyos para sa kapangyarihan at karapatan na mamuhay ng ganoon.

Huwag magkamali—ang tapat na pananalangin ay hindi mag-aalis sa iyo sa kagipitan. Sa kabila nito, mas higit pa itong magdadala sa iyo sa nag-aapoy na pugon at kulungan ng mga leon. Ngunit ang pananalangin ay ihahanda ka na harapin ang lahat ng ito na may pagtitiwala—na maging buhay na sakripisyo para sa kapakanan ni Jesus.

Ang pananalangin ni Daniel ay nagdala sa kanya sa kulungan ng leon. At ang pagsubok na ito ay dumating pagkatapos ng maraming taon ng mga lalaking taga Hebreo—nang si Daniel ay nasa ika-walumpong-taon na! Maaring makabigla ito sa iyo, kung iisipin mo kung gaano ito tatagal bago matapos ang iyong mga pighati. Maaring naisip mo na natutunan mo na ang lahat ng “mahalagang” pagsubok pagkatapos ng maraming taon sa Panginoon. Gayunman, narito pinayagan ng Diyos ang isa sa pinakadakila niyang mandirigma—isang lalaki na may tahimik, mapagmahal na espiritu—para harapin ang kagipitan ng kanyang buhay pagkatapos ng mga dekada ng matapat na pamamagitan.

Mga minamahal, ang pagsubok ay matatapos lamang kapag dumating na si Jesus—o kapag namatay ka na na kay Cristo! Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pananalangin. Maari kang makipagkasundo na mamuhay ng walang dungis—ngunit ang pakikipagkasundong iyan ay mahirap magampanan kung walang pakikipagkasundo na hanapin ang Diyos.

Martes, Disyembre 21, 2010

WALANG DUNGIS SA GITNA NG KASAMAAN

“Ngunit ipinasiya ni Daniel na huwag tikman man lamang ang pagkain at alak na bigay ng hari upang hindi siya makakain ng mga bagay na marumi ayon sa Kautusan. Kaya, ipinakiusap niya kay Azpenaz na huwag silang pakainin niyon” (Daniel 1:8).

Ang salitang dungisan dito ay nagmumungkahi na “makaligtas sa pamamagitan ng pagtatatwa.” Sinasabi ni Daniel sa ibang salita, “Ang anumang kompromiso ng aking pamantayan ay nanakawan ako ng aking kalayaan!” Kaya si Daniel ay nakipagkasundo na kumain lamang ng lentehas at uminom lamang ng tubig sa loob ng sampung araw. Nang sinabi niya ito kay Azpenaz, sumagot ang prinsipe, “Ilalagay mo ako sa bingit ng kamatayan! Magmumukha kang may sakit sa ikasampung araw. Lulubog ang pisngi mo—at tiyak na mapupuna ito ng hari! Narito—kumain ka kahit kaunting karne. Kakailanganin mo ang protina. Inumin mo ang alak para gumanda ang takbo ng iyong dugo. Kumain ka ng ilan sa mga matatamis na ito para lumakas ka!”

Naniniwala ako na si Daniel at ang tatlong lalaking taga Hebreo ay mayroon pang iba sa kanilang mga isipan kaysa sa pag-iwas sa mga bagay na madumi. Sila ay nabihag kasama ng mga libu-libo nilang mga kababayan. Ang kanilang nakita nang una silang dumating sa Babilonya ay hindi kapani-paniwalang sumindak sa kanila. Ito ay isang lipunan na ganap na nagwawala, walang moral at puno ng panglalait, ang espirituwal na sensibilidad ng apat na lalaking ito ay natuligsa.

Kaya ang apat ay nagkasundo. Sinabi nila sa bawat isa, “Hindi tayo makikipagkompromiso. Hindi tayo makikihalo sa pamantayan ng kanilang moralidad. Hihiwalay tayo, at tayo ay magiging disiplinado sa ating paglalakad sa pananampalataya.

Ang apat na lalaking ito ay hindi nangaral tungkol sa kanilang pamamaraan ng pamumuhay sa iba. Ito ay usapin sa pagitan nila at ng Diyos.

Tanong ko sa iyo: Kapag ikaw ay nasa kagipitan, ikaw ba’y dumaraing, “Panginoon, nasaan ka kapag kailangan kita? Hindi ba nakipagkasundo ka sa aking kaligtasan?” Ngunit paano kung sabihin sa iyo ng Panginoon, “Nasaan ka ng kailangan ko ng tinig? Kailangan ko ng tinig sa makasalanang panahon ngayon, dalisay na sisidlan na kung kanino ay maari akong makipag-usap. Sinabi mo na nais mong dumating ako sa panahon ng iyong kagipitan—samantalang ikaw ay bahagi pa rin ng kasamaan, ng sistema ng sanlibutan. Sabihin mo sa akin—ikaw ba ay nakipagkasundo para sa aking mga layunin?”

Lunes, Disyembre 20, 2010

NAGSIMULA ITO SA PAGSISISI

Ang iglesya sa ating pagkakaalam ngayon ay nagsimula na may pagsisisi. Nang ipinangaral ni Pedro ang krus sa Pentekostes, libu-libo ang lumapit kay Cristo. Ang bagong iglesyang ito ay ginawa sa isang katawan lamang, sama-sama ang lahat ng lahi, puno ng pag-ibig sa bawat isa. Ang nagkakaisang buhay nito ay minarkahan ng ebanghelismo, espiritu ng sakripisyo, maging ng pagiging martiryo.

Ang kahanga-hangang simula ay nagsasalarawan ng salita ng Diyos kay Jeremias: “Maganda ka noon ng aking itanim, tulad ng malusog na binhi ng piling ubas” (Jeremias 2:21). Gayunman ang mga sumunod na salita ng Diyos ay naglarawan ng madalas na nangyayari sa ganoong gawain: “Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para kang ubas na ligaw, maasim ang bunga at walang pakinabang” (2:21). Sinasabi ng Diyos, “Itinanim kita ng tama. Ikaw ay akin, dala ang aking pangalan at kalikasan. Ngunit ngayon ikaw ay walang pakinabang.”

Ano ang naging dahilan ng walang kapakinabangan sa iglesya? Ito ay dati pa, at patuloy na mangyayari, pagsamba sa diyus-diyusan. Ipinahahayag ng Diyos ang tungkol sa pagsamba sa diyus-diyusan ng sinabi niya kay Jeremias, “Ngunit pinalitan ako ng bayan ko, hindi naman makatutulong sa kanila” (2:21)

Ang madalas na ipinangangaral ng mga Kristiyano ngayon ay nagpapakilala sa diyus-diyusan bilang bagay na nanggagaling sa pagitan niya at ng mga tao ng Diyos . Gayunman iyan ay bahagi lamang ng paglalarawan ng pagsamba sa diyus-diyusan.

Ang pagsamba sa diyus-diyusan ay may kinalaman sa mas malalim na paksa ng puso. Ang nauunang diyus-diyusan sa mga tao ng Diyos ay hindi pangangalunya, pornograpiya o alak. Ito ay mas makapangyarihang pagkasabik sa laman. Ano ang diyus-diyusang ito? Ito ay ambisyosong pagkagutom sa tagumpay. At mayroon itong sariling doktrina para mabigyan katuwiran ito.

Ang diyus-diyusan ng pagiging tagumpay ay naglalarawan ng marami sa tahanan ng Diyos ngayon. Ang mga taong ito ay marangal, may moralidad, at puno ng mabubuting gawa. Ngunit sila ay nagtalaga ng diyus-diyusan ng ambisyon sa kanilang mga puso, at hindi sila mauuga mula sa mga bagay na ito.

Gusto ng Diyos na pagpalain niya ang kanyang mga tao. Nais niya na ang mga tao niya ay magtagumpay sa lahat ng kanilang ginagawa ng tapat. Ngunit ngayon ay may rumaragasang espiritu sa lupa na lumalampas sa nakararami—ito ay espiritu ng pag-ibig para makilala at makamtan ang maraming bagay.

Isang tao na makamundo ang nagsabi kamakailan, “Kung sino ang mamamatay na maraming laruan—ay siyang magwawagi.” Nakalulungkot, maging ang mga Kristiyano, ay napasama sa ganitong pakikipagsabayan.

Gaano kalayo na tayong naligaw mula sa mabuting balita ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagkamatay sa pagkamakasarili, at makamundong ambisyon.

Biyernes, Disyembre 17, 2010

SI CRISTO AY DUMATING NA MAY PAANYAYA AT BABALA

Si Jesus ay tumayo sa may templo at inanyayahan ang lahat na tanggapin ang kanyang may kahabagang pangangalaga. Tinawag niya ang mga bulag, may sakit, ketongin, mga mahihirap, mga naliligaw, lahat para lumapit at matagpuan ang pagpapagaling at kapatawaran. Ngunit ang mga relihiyoso ay tumanggi sa kanyang alok. Kaya si Cristo ay nagpatotoo sa kanila,”Ngunit ayaw ka!” (Mateo 23:37).

Habang binabasa ko ito, isang katanungan ang pumasok: Dito sa Bagong Tipan, itatapon ba ng Diyos ang lumang gawain katulad ng ginawa niya sa Luma? Itatapon ba niya yaong mga tumanggi sa kanyang alok ng grasya, kahabagan at pagpukaw?

Oo, gagawin niya, sinagot ni Jesus yaong mga tumanggi sa kanya sa pagsasabi ng, “Kaya’t lubusang pababayaan ang iyong tahanan” (Mateo 23:38). Sinabi niya sa kanila, “Ang templong ito ngayon ang inyong magiging tahanan, hindi akin. Iiwan ko na ito. Iiwan ko ang inyong inaksaya at pinabayaan.”

Idinagdag pa niya, “Sinasabi ko sa inyo: hindi na ninyo ako makikita hanggang dumating ang oras na sabihin ninyo, ‘Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’” (23:39). Ipinapahayag niya sa kanila, “Ang kaluwalhatian ko ay wala na sa lumang gawain.”

Isipin ang mga bagay na ito. Tumayo siyang may kahabagan at grasyang nagkatawang tao, sinasabi na, “Ang lumang bagay ay hindi na sa akin.” At pagkatapos ay nagtungo na si Jesus patungo sa Pentekostes, sa panimula ng bagong bagay. Sisimulan na niya ang magtatag ng bagong iglesya, hindi katulad ng dati. At gagawin niya itong bago mula sa pundasyon. Ito ay magiging iglesya ng mga bagong pari at mga tao, lahat ay muling isinilang sa kanya.

Hayaan ninyong tanungin ko kayo: Ang nakikita ba ninyo sa mga nangyayari sa iglesya ngayon ay kumakatawan kung sino si Jesus? Ang nakikita ba natin ay tunay na matagumpay na iglesya, walang dungis na nobya ni Cristo? Ipinahahayag ba nito sa ligaw na sanlibutan ang tunay na kalikasan ng Diyos? Ito ba ang pinakamahusay na maibubunga ng Espiritu ng Diyos sa mga huling araw na ito?

Natagpuan mo na ba ang iglesya na kung saan ay tunay na nandoon ang presensiya ni Cristo at ang Salita ay tapat na ipinangangaral? Tunay na dapat kayong magpasalamat. Maaring ikaw ay kasama ng marami na hindi makita ang iglesya na may buhay. Naririnig ko ang kanilang mga daing, “Hindi ko makita ang iglesya na kayang ibigay ang aking espirituwal na pagkagutom. Masyadong maraming kalibangan—masyadong makasarili—masyadong tuyot.”

Huwag mag-alala—malapit ng yanigin ng Diyos ang mga bagay sa hindi kapani-paniwalang pamamaraan. Doon sa nakasisindak na pagyanig ng lahat ng mga bagay, iaangat ng Diyos ang mga tunay na pastol na magpapakain ng mga nagugutom na tupa.

Huwebes, Disyembre 16, 2010

NAIBIGAY KO NA ANG ANG SALITA SA INYO

Nabubuhay tayo sa panahon ng dakilang pagpapahayag ng magandang balita sa kasaysayan. Mas maraming mangangaral, mas maraming aklat, at mas maraming mamamahayag ng magandang balita na laganap na higit pa kailanman. Gayunman hindi pa nagkaroon ng mas higit na paghihirap, kapighatian at kaguluhan sa pag-iisip sa mga tao ng Diyos. Ang mga Pastor sa mga panahon ngayon ay idinesenyo ang kanilang mga sermon para lamang maiangat ang mga tao at matulungan sila na harapin ang kanilang kawalan ng pag-asa.

Walang masama dito. Ipinangangaral ko rin ang mga katotohanang ito. Gayunman naniniwala ako na may isa lamang dahilan kung bakit kaunting tagumpay lamang at kaligtasan ang ating nakikita: ito ay kawalan ng pananalig. Ang katunayan ay, nagsalita ng ganap na maliwanag ang Diyos sa mga huling araw na ito. At ito ang kanyang sinabi, “Naibigay ko na ang Salita. Ito ay tapos na at kumpleto. Ngayon, panindigan ito.”

Huwag hayaang may magsabi sa inyo na tayo ay dumaranas ng taggutom sa Salita ng Diyos. Ang katotohanan ay nagdaranas tayo ng taggutom sa pakikinig ng Salita ng Diyos, at sa pagsunod dito. Bakit? Ang pananampalataya ay di-makatuwiran, ngunit ang pananampalataya ay hindi dumarating sa atin sa pamamagitan ng katuwiran o lohika o kaya’y sa kadahilanan. Ipinahayag ni Pablo ng simple lamang, “Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo” (Roma 10:17). Ito lamang ang paraan na ang pananampalataya ay maiaangat sa mga puso ng mga mananampalataya. Ito’y bunga ng pakikinig’—iyan ay paniniwala, pagtitiwala at pagkilos dito—sa salita ng Diyos.

“Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig…Agad dinirinig daing ng matuwid at inililigtas sila sa mga panganib…Ang mga taong matuwid masuliranin man, sa tulong ni Yahweh agad maiibsan…Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas, sa napakukupkop siyang mag-iingat” (Awit 34: 15, 17, 19, 22).

Dito lamang sa ilang mga talata mula sa Awit, binigyan na tayo ng sapat na Salita ng Diyos para mawala ang kawalan ng pananalig. Hinihikayat ko kayo ngayon: pakinggan ito, magtiwala dito, sundin ito. At sa huli, magpahinga sa mga salitang ito.

Miyerkules, Disyembre 15, 2010

BAKIT AKO NALULUNGKOT?

Paulit-ulit, itinatanong ng Mang-aawit, “Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Pakiramdam ko ay wala na kong silbi, napabayaan. Labis ang pagkabahala ng kalooban ko. Bakit, Panginoon? Bakit damdam ko ay labis ang panghihina ko sa kapighatian?” (Tingnan Awit 42:11 at Awit 43:5). Ang mga katanungang ito ay laganap sa maraming nagmamahal at naglilingkod sa Diyos.

Tingnan natin ang makadiyos na si Elijah, bilang halimbawa. Nakita natin siya sa ilalim ng puno, nagmamakaawa sa Diyos na patayin na siya. Labis ang kanyang kalungkutan, nasa punto na siya na nais na niyang mamatay. Natagpuan din natin si Jeremias na labis ang pagkabahala sa kawalan ng pag-sa. Dumaing ang propeta, “Panginoon, iniligaw mo ako. Sinabihan mo ako na hulaan ang lahat ng mga bagay na ito ngunit isa man dito ay hindi nangyari. Wala akong ginawa sa buong buhay ko kundi ang hanapin ka. At ganito ang naging kabayaran sa akin? Ngayon hindi ko na sasambitin ang pangalan mo.”

Ang bawat isa sa mga lingkod na ito ay nasa ilalim ng pag-atake ng pansamantalang kawalan ng pananalig. Ngunit nauunawaan ng Panginoon ang kanilang kalagayan sa panahon ng kalituhan at pagdududa. At pagkatapos ng isang panahon, lagi niya silang iginagabay palabas sa kanilang katayuan. Sa gitna ng kanilang kapighatian binubuksan ng Espiritu Santo ang ilaw para sa kanila.

Isa-alang-alang ang patotoo ni Jeremias: “Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo’y aking kagalakan. Ako’y sa iyo, Yahweh, Diyos na makapangyarihan sa lahat” (Jeremias 15:16). “Walang anumang nagsalita sa kanya si Yahweh” (1 Hari 19:9). Sa isang banda, ang bawat isa sa mga lingkod na ito ay naalala ang Salita ng Diyos. At ito’y naging kagalakan at kaluguran ng kanilang mga buhay, nagligtas sa kanila sa kawalan ng pag-asa.

Ang katotohanan ay, sa buong panahon na ito ang mga taong ito ay nagdurusa, ang Panginoon ay naghihintay. Narinig niya ang kanilang mga daing, ang kanilang paghihirap. At pagkalipas ng ilang panahon, sinabi niya sa kanila,”Pinagdaanan na ninyo ang panahon ng inyong paghihirap at pagdududa. Ngayon nais kong manalig kayo sa akin. Babalik ba kayo sa aking Salita? Panghahawakan ba ninyo ang aking pangako sa inyo? Kung gagawin ninyo, ang Salita ko ang magliligftas sa inyo.”

Martes, Disyembre 14, 2010

ANG PANGAKO KO LAMANG ANG IYONG KAILANGAN

Ang pananampalataya ay mapaghanap. Hinihingi nito na kapag nadinig na natin ang Salita ng Diyos, kailangang sundin natin ito, na walang kailangang patunay para mabigyan ng direksyon. Hindi mahalaga kung gaano kalaki man ang nakahadlang, gaano kaimposible ang sitwasyon. Kailangang maniwala tayo sa kanyang Salita at gawin ito, na walang nagpapatunay para magpatuloy. Sinabi ng Diyos, “Ang pangako ko lamang ang iyong kailangan.”

Katulad ng lahat ng salinlahi bago pa sa atin, nagtataka din tayo, “Panginoon, bakit ako humaharap sa ganitong pagsubok? Ito’y hindi abot ng aking pang-unawa. Hinahayaan mo ang maraming bagay sa aking buhay na walang saysay. Bakit walang paliwanag sa lahat ng aking pinagdadaanan? Bakit lubos na magulo ang aking Espiritu, punung-puno ng mga mabibigat na pagsubok?”

Pakinggan mo akong muli. Ang hinihiling ng pananampalataya ay ganap na di-makatuwiran sa buong sangkatauhan. Kaya, paano sinasagot ng Panginoon ang ating mga daing? Ipinapadala niya ang kanyang Salita, ipinapaalala ang kanyang mga pangako. At sinasabi niya, “basta sundin mo ako. Magtiwala ka sa Salita ko sa iyo.” Hindi niya tinatanggap ang anumang dahilan, walang pabagu-bago ng isip, kahit na gaano kaimposible ang sitwasyon natin.

Huwag mo sana akong di-maunawaan. Ang ating Diyos ay mapagmahal na Ama. Hindi niya hinahayaan ang kanyang mga tao na magdusa ng walang katuturan, ng walang dahilan. Alam natin na nasa kanyang lahat ang kapangyarihan at kakayahan na maalis ang suliranin at kabiguan ng puso. Maari siyang bumigkas ng maiksing salita at tanggalin sa atin ang lahat ng pagsubok at paghihirap.

Gayunman, ang katunayan ay, hindi ipakikita ng Diyos sa atin kung paano o kailan niya tutuparin ang kanyang mga pangako sa atin. Bakit? Hindi niya kailangang magpaliwanag sa atin, kapag naibigay na niya ang kasagutan sa atin. Naibigay na niya ang lahat ng ating pangangailangan para sa habang-buhay at kabutihan galing sa kanyang Anak, na si JesuCristo. Siya lamang ang ating kailangan sa bawat sitwasyon na ibabato ng buhay sa atin. At paninindigan ng Diyos ang kanyang Salita na kanya ng naipahayag: “Nasa iyo ang Salita na abot-kamay mo lamang. Ang mga pangako ko sa iyo ay oo at amen para doon sa mga nananalig. Kaya, manalig ka sa aking Salita. Paniwalaan mo ito at sundin mo.”

Lunes, Disyembre 13, 2010

ANG WALA SA KATUWIRAN NG PANANAMPALATAYA

Nang sinabi ng Diyos sa sangkatauhan, “Sumampalataya,” hinihingi ang isang bagay na lubos na malayo sa katuwiran. Ang pananampalataya ay ganap na wala sa katuwiran. Ang mismong paliwanag nito ay may kinalaman sa isang bagay na di-makatuwiran. Isipin ang tungkol dito: Sinabi ng Hebreo na ang pananampalataya ay diwa ng isang bagay na inaasahan, patunay na hindi nakikita. Sinabihan tayo sa madaling sabi na, “Walang di nadaramang diwa, walang nakikitang katunayan.” Gayunman, hinihiling sa atin na maniwala.

Tinutukoy ko ang paksang ito para sa mahalagang dahilan. Sa mga sandaling ito, sa buong sanlibutan, maraming mananampalataya ay mababang nakayuko sa kawalan ng pag-asa. Ang katunayan ay, patuloy tayong haharap sa kawalan ng pag-asa sa buhay na ito. Gayunman naniniwala ako na kung mauunawaan natin ang kalikasan ng pananampalataya—ito’y walang katuwiran, di-makatuwirang kalikasan—makikita natin ang tulong na kakailanganin natin para makalampas sa lahat ng ito.

Isa-alang-alang ang pananampalataya na hiningi kay Noah. Nabuhay siya sa isang salinlahi na nawalan na ng kontrol. Ang kalagayan ng mga tao ay lubusan nang naging nakasisindak. Hindi na makayanan ng Diyos. Sa huli, sinabi iya, “Tama na! Ganap nang pinupuksa ng tao ang sangkatauhan—kailangang magwakas na ito” (tingnan Genesis 6).

Isip-isipin mo ang kalituhan ni Noah habang pilit niyang inuunawa ito. Magpapadala ang Diyos ng isang malaking kapahamakan, isa na gugunaw sa buong daigdig. Gayunman ang lahat na sinabi kay Noah tungkol sa bagay na ito ay ilang maiksing salita mula sa langit. Payak niyang tatanggapin ito sa pamamagitan ng pananampalataya, na hindi na makatatanggap ng anumang direksyon sa loob ng 120 taon.

Isip-isipin ang tungkol sa kung anong pananampalataya ang hiniling mula kay Noah. Binigyan siya ng isang dambuhalang tungkulin para magtayo ng isang malaking arko, at pansamantala siya ay mabubuhay sa mapanganib na sanlibutan. Kailangang patuloy siyang manalig habang ang sanlibutan sa paligid niya ay nagsasayawan, nagsasaya at lumalangoy sa kalamnan. Ngunit sumunod si Noah sa sinabi ng Diyos. Patuloy siyang nagtitiwala sa salitang ibinigay sa kanya, sa mahigit na isang siglo. At dahil sa kanyang pagiging masunurin, sinabi ng Kasulatan, si Noah ay “ibinilang na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananalig” (Hebreo 11:7).

Sa Genesis 12: 1-4, siabi ng Diyos kay Abraham, “Bumangon ka, lumabas ka at lisanin mo ang bansa.” Tunay ngang nagtaka si Abraham, “Ngunit saan, Panginoon?” maaring payak na sasagot ang Diyos, “Hindi ko sinasabi sa iyo, basta humayo ka.”

Ito ay hindi makatuwiran. Ito’y ganap na di-makatuwirang kahilingan mula sa isang nag-iisip na tao. Isasalarawan ko sa pamamagitan ng pagtatanong sa bawat asawa ng Kristiyano: Isip-isipin mo na ang iyong asawa ay umuwi isang araw at sinabi na, “Mag-empake ka ,mahal, aalis tayo.”Siyempre, gusto mong malaman kung bakit, o saan, o paano. Ngunit ang tanging sagot na ibinigay sa iyo ay, “Hindi ko alam, alam ko lamang ay sinabi ng Diyos basta humayo kayo.” Hindi tugma o walang katuwiran sa ganitong kahilingan. Ito’y payak na di-makatuwiran.

Gayunman ito mismo ang di-makatuwirang direksyon na sinunod ni Abraham. “Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abraham nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon” (Hebreo 11:8) Ang lahat lamang ng alam niya ay ang maiksing salita na sinabi sa kanya ng Diyos: “Humayo ka, Abraham, at ako’y kasama mo. Walang masamang mangyayari sa iyo.” Hiningi ng pananalig na gampanan ni Abraham ito nang walang iba pang gagawin kundi ang pangakong ito.

Isang mabituing gabi, sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tumingin ka sa kalawakan. Nakikita mo ang hindi mabilang na mga bituin? Bilangin mo sila kung kaya mo. Iyan ang dami na magiging lahi mo” (tingnan Genesis 15:5) Maaring napailing si Abraham tungkol dito. Ngunit ngayon siya ay matanda na, katulad ng kanyang asawa na si Sarah. Sila ay lampasan na sa panahon na maari pa silang magka-anak. Gayuman dito ay binigyan siya ng pangako na siya ay magiging ama ng maraming bansa. At ang lahat ng katunayan na kanya lamang pinanghahawakan ay ang salita mula sa langit” “Ako ang Panginoon” (Genesis 15:7).

Ngunit sumunod si Abram. At sinabi sa kanya ng Bibliya ang katulad din ng sinabi nito kay Noah; “Nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ni Yahweh” (Genesis 15:6). Muli pa, nakita natin ang isang di-makatuwirang tagpo. Gayunman ang pananampalataya ng isang lalaki ay naisalin sa pagiging makatuwiran.

Ang hinihiling sa iyo ng Diyos ay maaring di-makatuwiran. Hinihiling niya na manalig tayo kahit hindi siya nagbibigay ng katunayan na sasagutin niya ang ating mga panalangin, kapag ang kalagayan ay mukhang wala ng pag-asa at sigurado tayo na ang lahat ay tapos na. “Manalig ka sa akin”—sinabi ng Panginoon. Di-makatuwiran? Oo. Ngunit sa mga nagdaang siglo napatunayan ng Panginoon na siya laging nasa panahon at hindi niya hinahayaan si Satanas na magkaroon ng huling salita. Laging dumarating ang Diyos—sa perpektong Espiritu Santong sandali.

Biyernes, Disyembre 10, 2010

ANG PATULOY NA PAGLAGO NG PAGBUBUHOS

Sa kabanata 47 ng Ezekiel, ipinakikita sa propeta ang mga sumusunod: Sa mga huling araw, ang iglesya ni JesuCristo ay higit na magiging maluwalhati, higit na magtatagumpay, ng higit pa sa buong kasaysayan. Ang tunay na katawan ng Panginoon ay hindi manghihina o magbubuga. Hindi ito mababawasan ng bilang, o mababawasan ang kapangyarihan o ng espirituwal na kapangyarihan. Hindi, ang kanyang iglesya ay lalabas na nag-aapoy at may kaluwalhatian. At magsasaya ito sa kabuuan ng pahayag ni Jesus na hindi pa naranasan ninuman.

Isinulat ni Ezekiel, “Pupuntahan ito ng mga mangingisda” (Ezekiel 47:10). May darating na maraming mananampalataya na lalangoy sa tumataas na tubig sa harapan ng Panginoon.

Ito ang ipinakikita ng Diyos sa atin sa pangarap ni Exekiel ng tumataas na tubig (tingnan Ezekiel 47:3-4).

Nangungusap dito si Ezekiel ng paglago ng Espiritu Santo. Sa mga huling araw, darami ang presensiya ng Diyos sa kanyang mga tao.

Ang pinaka bukal at katatagan ng ilog na ito ay ang krus. Makikita natin ang literal na imahe nito sa mga susunod na talata; “Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig” (Juan 19:34).

Ang patuloy na paglago ng pagdaloy ng tubig ay ang imaheng Pentekostes, nang ipinagkaloob ang Espiritu Santo sa mga alagad. Kasama ng handog na Espiritu, ang mga tagasunod ni Cristo ay binigyan ng pangako na siya ay magiging ilog ng buhay na bubukal sa kalooban nila. At ang ilog na iyan ay dadaloy sa buong sanlibutan (tingnan Juan 7:38-39).

Ang ilog ng buhay ay tataas bago bumalik ang Panginoon. Ito ay naipahayag bago ibinigay ang bisyon kay Ezekiel. Dinala ng Diyos ang propeta sa isang kahanga-hangang paglalakbay. May dalang panukat, nilakad ng Panginoon ang 1,000 metro, mga makatlong-milya. Sa distansang iyon, ang Panginoon at si Ezekiel ay naglakad sa tubig na sa puntong iyon ay may taas na hanggang bukung-bukong.

Saksi ni Exekiel, “Lumusong kami sa tubig” (Ezekiel 47:3). At patuloy na hinihikayat ng Panginoon ang propeta na magpatuloy , palalim at palayo. Pagkatapos ng 1,000 metro pa, ang tubig ay umabot na hanggang tuhod. At patuloy pa itong tumataas.

Nakikita mo ba kung ano ang nangyayari dito? Si Ezekiel ay lumalakad patungo sa kinabukasan, sa ating mismong panahon. Ang mga Kristiyano ngayon ay nabubuhay sa natitirang 1,000 metro ng ilog sa bisyon na ito. Tayo ay nasa huling natititirang sukatan ng tubig. At sinasabi ni Ezekiel na noong siya ay humakbang sa gilid ng sinukat na ito, ang tubig ay lubhang malalim na para sa kanya, lubos na nakadadaig na. “Hindi na ako makalulusong. Malalim na ang tubig at kailangang languyin upang matawid” (47:5).

Nasa imahinasyon ko lamang ang pagtataka ng lalaking ito habang hinihikayat siya ng Paginoon, “Ezekiel. Ano ang dagat na ito na tumaas? Kung ang ilog na ito ay tungkol lahat sa buhay at muling-pagkabuhay ng kapangyarihan, sino ang mga pagpapalain para languyin ang ganitong kaluwalhatian? Makikita lamang niya sa bisyon kung ano ang ating tinatamasa sa ngayon.

Maaring naranasan mo ang presensiya ng Panginoon ng masagana. Maaring mapukaw ang damdamin mo ng kasalukuyang pagpapahayag tungkol sa kanya. Gayunman, sinasabi ko sa iyo, hindi mo pa nakikita ang paghahambing na padating para sa mga makatuwiran. Bubuksan ni Cristo ang ating mga mata at nakamamanghang pagpapakita niya sa ating kalagitnaan. Ipakikita niya ang kanyang sarili sa atin, ibubuhos niya sa atin ang higit sa kanyang buhay na kaya nating mapanindigan na wala sa pagiging may maluwalhating katawan.

Huwebes, Disyembre 9, 2010

KAPAG DUMATING NA ANG PAGBUBUKOD

“Simon, Simon! Makinig ka!Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin” (Lucas 22:31).

Kailangang maunawaan ninyo na hangad lamang ni Satanas na subukin lamang yaong mga banta sa kanyang gawain. Pinupuntirya niya yaong puno na maaaring magbunga ng hitik. Ngunit bakit hinangad ng dimonyo na ibukod si Pedro? Bakit siya labis na balisa na subukin siya? Kasi, sa loob ng tatlong taon si Pedro ay nagpapalayas ng diyablo at nagpapagaling ng may sakit. Narinig ni Satanas na ipinangako ni Jesus sa alagad ang isa pang bautismo, isa ng Espiritu Santo at ng apoy—at siya ay nangatog! Ngayon, narinig ng diyablo ang ultimong balak ng Diyos para kay Pedro. Naisip iya na ang nakalipas na tatlong taon ay hindi maikukumpara sa mga dakilang gawain na siyang gagawin ni Pedro at ng iba pang alagad. Bilang naibagsak na niya si Judas, hahanap siya ng paraan ng katiwalian na maibibintang kay Pedro para mapabagsak ang pananampalataya niya.

Maaring, katulad ni Pedro, ikaw ay nasa pagsubok sa mga sandaling ito, niyuyugyog at ibinubukod. Ngunit, naitanong mo, bakit ako? At bakit ngayon? Una sa lahat, dapat kang magsaya sapagkat mayroon kang ganoong reputasyon sa impiyerno! Hindi hihilingin ni Satanas sa Diyos ang pahintulot na subukin ka kung hindi ka rin lamang tumawid sa guhit ng pagiging masunurin. Bakit pa siya mag-aasakya ng panahon na guluhin ka at ligaligin, takutin ka at yanigin ng lahat ng mayroon ka? Sinusubok ka niya sapagkat may mahalaga kang ginagampanan sa iglesya ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang Diyos ay muling gumagawa ng mga bagong bagay dito sa huling salinlahi, at ikaw ibinukod niya bilang isa sa mga makapangyarihang saksi sa marami. Pinalaya ka niya at inihahanda ka niya para sa kanyang walang-hanggang layunin. At mas mayroon kang mahalagang handog, mas posible ka na mapili, na mas mahalaga ang iyong pagsuko sa kalooban ng Diyos—mas mahigit ang iyong pagsubok.

Kapag mayroon dumaraan sa apoy ng pagsubok, ano ang dapat gawin ng mga nakapaligid sa kanya? Ano ang ginawa ni Jesus tungkol sa maaring pagbagsak ni Pedro? Sinabi niya sa kanya, “Subalit idinalangin ko na huwag lubusang mawala ang iyong pananampalataya” (Lucas 22:32).

Nakatingin ako dito sa nakamamanghang halimbawa ng pag-ibig ni Cristo at nakita ko halos wala akong nalalaman tungkol sa kung paano ibigin yaong mga bumagsak. Tunay nga na si Jesus ay siyang, “May pagkakaibigang madaling lumamig, nguit may kaibigang higit pa sa kapatid” (Kawikaan 18:24). Nakita niya ang parehong mabuti at masama kay Pedro at nagbigay siya ng kongklusyon, “Ang lalaking ito ay karapatdapat na iligtas. Hangad siya ni Satanas, ngunit mas hinahangaad ko siya.” At tunay na iniibig ni Pedro si Jesus, at sinabi sa kanya ni Jesus,”Idinalangin kita.” Ito ay matagal ng nakita ni Jesus na parating. Maaring gumugol siya ng maraming oras sa harapan ng Ama at pinag-uusapan nila si Pedro—kung gaano niya siya kamahal, kung gaano siya kailangan sa kaharian ng Diyos, kung gaano niya siya pinahahalagaham bilang isang kaibigan.

Panginoon, ipagkaloob mo sa amin ang ganoong uri ng pag-ibig! Kapag nakita namin ang mga kapatirang babae at lalaki na pabagsak na at patungo sa kaguluhan o kapahamakan, hayaan mong ibigin namin sila ng sapat para mabigyan sila ng babala na matatag katulad ng pagbibigay babala ni Jesus kay Pedro. At ng sa ganoon ay masasabi naming, “Idinadalangin kita.”

Ngayon mayroon pang isa “Ito ay nakasulat” na kung saan ay maari tayong makipagdigma kay Satanas. Ito ay: “Idinalangin kita para hindi bumagsak ang iyong pananampalataya.” Maari mong sabihin sa diyablo, “Maaring nakahingi ka ng pahintulot na subukin ako, subukin na pabagsakin ang aking pananampalataya. Ngunit kailangan malaman mo ito: “Idinadalangin ako ni Jesus!”

Miyerkules, Disyembre 8, 2010

ANG TUMAWID SA GUHIT

Nang maglakad si Jesus sa sanlibutan, alam niya ng lubusan ang kabagsikan ng kapangyarihan ni Satanas, at dumating siya dala ang lahat ng sandata ng impiyerno para paghiwa-hiwalayin ang mga tao ng Panginoon. Palagay ko ay wala isa man sa atin ang kayang unawain ang mabigat na hidwaan na nagngangalit ngayon sa daigdig ng espirituwal. O kaya ay hindi natin nauunawaan kung gaano kasidhi ang pagnanasa ni Satanas na puksain ang lahat ng mananampalataya na itinuon ng madiin ang kanilang gutom na puso ng tuluy-tuloy para kay Cristo. Ngunit totoo na sa Kristiyanong paglalakad natin, tayo ay tumawid sa guhit—ang guhit ng pagsunod—na nagpatunog ng lahat ng alarma sa Impiyerno. At sa sandaling tumawid tayo sa guhit patungo sa buhay ng pagiging masunurin sa Salita ng Diyos at pagtitiwala kay Jesus lamang, tayo ay naging banta sa kaharian ng kadiliman at naging pangunahing tudlaan ng makadimonyong kapangyarihan. Ang patotoo ng bawat mananampalataya na tumanggap sa Panginoon ng buong puso ay kasama ang biglaang pag-atake ng kakaiba at masidhing mga kaguluhan at mga pagsubok.

Kapag tumawid ka sa guhit ng pagiging masunirin, ikaw ay gumagawa ng alon sa daigdig na hindi nakikita. Sa Lucas 22:28-34 iniharap ni Jesus ang paksa ng paghihiwalay ng mga banal. “Simon, Simon!...Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin” (t. 31). Sa araw ni Cristo, ang mga manggagawa ng grano ay gumagamit ng bistay bago nila ilagay sa sako ang mga butil. Pinapala nila ang trigo at inilalagay sa kuwadradong kahon na may takip ng lambat hanggang sa ang matira na lamang ay ang mga butil ng grano. Sa talatang ito ang paghihiwalay ay nangangahulugan “na yugyugin at pagbukud-bukudin”—para mayugyog sa pamamagitan ng pagpukaw ng biglaang mga pagsubok. Ginamit ni Jesus ang kahalintulad nito para sabihin kay Pedro: “Naniniwala si Satanas na ikaw ay walang-ibig-sabihin kundi isa kang buhangin at dumi lamang, at kapag inilagay ka niya sa bistayan at niyugyog, ikaw ay mahuhulog sa lupa!”

Mayroong mga paglilitis at mga pagsubok, at pagkatapos ay paghihiwa-hiwalay. Nakita ko na ang paghihiwa-hiwalay ay isang mayor, panglahatang makadimonyong pag-atake. Ito ay kadalasang siksik sa isang maiksi ngunit masidhing kapanahunan. Para kay Pedro, ang paghihiwa-hiwalay ay tatagal lamang ng ilang araw, ngunit ang mga araw na iyon ay magiging pinakamatinding pagyugyog sa pananampalataya, nakagigimbal at nakapagsisising mga araw ng kanyang buhay. Ang panahon ng paghihiwalay ay yumanig sa pagmamataas na nagpabagsak kay Pedro. Ang pagyugyog na yaon ay nag-alis sa kanyang espiritu ng mga hadlang na maaring pumuksa sa kanyang patotoo ng lubus-lubusan.

Salamat sa Diyos, hindi bumagsak ang pananampalataya ni Pedro at sa tiyakan na sa pananalangin ni Jesus na ang kanyang “pananampalataya ay hindi babagsak,” kaya siya ay nananalangin para sa atin na katulad noon.

Martes, Disyembre 7, 2010

ANG ORAS NG PAGBUBUKOD

Alam ko kung paano humarap sa banal na katahimikan, ang hindi marinig ang tinig ng Diyos sa isang kapanahunan. Naglakad ako sa kapanahunan ng ganap na kaguluhan na walang pumapatnubay, at nanatiling ganap na tahimik ang maliit na tinig sa likuran ko. May panahon na wala akong kaibigan na malapitan para aliwin ang puso ko ng kanyang mga payo. Ang dating paraan ng patnubay sa akin ay nabaluktot ng lahat, at ako’y naiwan sa ganap na kadiliman. Hindi ko na makita ang aking daraanan, at nagsunod-sunod ang aking mga pagkakamali. Nais kong sabihin, “O, Diyos ko, ano ang nangyari? Hindi ko na alam ang patutunguhan ko!”

Talaga bang itinatago ng Diyos ang kanyang mukha doon sa mga iniibig niya? Hindi ba maaring itaas niya ang kanyang kamay ng ilang sandali para turuan tayo ng pagtitiwala at pag-asa? Sinagot ng Bibliya ng maliwanag: “Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin siya” (2 Cronico 32:31).

Maaring dumaraan ka sa baha ng pagsubok sa mga sandaling ito. Alam mo ang ibig kong sabihin sa sinasabi kong ang langit ay katulad ng tanso. Alam mo ang paulit-ulit na mga kabiguan. Hintay ka ng hintay sa kasagutan sa mga panalangin. Inihain sa iyo ang isang tasa ng kapighatian. Wala at walang sinuman ang maaring humipo ng pangangailangang ito ng iyong puso!

Iyan ang panahon para manindigan ka! Hindi mo kailangang tumawa o magsaya, sapagkat wala kang kaligayahan sa mga sandaling ito. Sa katunayan, maaring walang natitira sa iyo kundi kaguluhan sa iyong espiritu. Ngunit maari mong malaman na ang Diyos ay kasama mo pa rin, sapagkat sinabi ng Kasulatan, “Siya rin ang naghahari sa dagat na kailaliman, namumuno siya roon bilang hari, walang hanggan” (Awit 29:10).

Di magtatagal maririnig mo ang kanyang tinig: Huwag magpadalus-dalos, huwag matakot. Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa akin. Ipagkaloob ang lahat sa akin. At malalaman mo na ikaw ang matitirang layon ng kanyang kahanga-hangang pag-ibig.

Lunes, Disyembre 6, 2010

KUMUHA NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS AT HUMAYO!

Pagkatapos na marinig ng mga disipulo ang tungkol sa pagbautismo ng kapangyarihan, “Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito”? (Gawa 1:6). “At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan” (v. 7).

Tumigil at isipin ang tungkol sa implikasyon ng tanong: “Panginoon, ang ibig mo bang sabihin ay sa simula pa sa silid na iyon, na kami lamang ang nandoon, ay panunumbalikin mo ang kaharian ng Israel? Kami ba ang magpapabagsak kay Herodes at sa Roma? Kami ba ang maglilinis ng lupain, magtatatag ng kaharian at muli kang ibalik?

Alam namin na kailangan harapin ni Jesus ang luho ng pamumuno at kapangyarihan ng ilan sa mga disipulo. Ngunit may napansin ako sa mga tanong nila dito na higit pa sa pagkauhaw sa kalalagayan at kapangyarihan. Nangungusap ito ng pantaong pangangailangan na maging bahagi ng ilang dakilang, huling hantungan! Isa itong pangangailangan na maging espesyal—ang maging mga tamang tao sa tamang panahon!

Sa kanilang mga puso maaring sinasabi ng mga disipulo na, “Panginoon nasaan ka sa iyong takdang panghuhula? Isa itong magiging espirituwal na pampasigla na malamang tayo ay nasa dulo na ng pamamahagi at ang isang bagong araw ay sisikat na. Gaano magiging kasabik kami kung ipaalam mo sa amin na kami ay namumuhay at nagmiministeryo sa isang araw ng tadhana—na ginagamit mo kami para tapusin na lahat ito!”

Mga banal, ang katulad na pangangailangan na maging mga tao ng tadhana ay nasa ating lahat sa ilang antas. Ngunit ang tugon ni Jesus dito ay bigla: “Hindi para sayo ang malaman ang takdang panahon.” Si Jesus ay hindi naghahanap ng mga lalake at babae ng tadhana. Nais niya lamang ng saksi para sa kanya! Sinasabi niya, “Ang usapin ay hindi ang ‘sandali ng panghuhula,’ o ilang dakilang hantungan na ibinigay sayo. Kailangan ko ng mga saksi sa kasalukuyang salinlahing ito!”

Ito ay madiing pinaalalahanan ako! Katulad ng iba sa panahong ito, nais kong malaman kung nasaan tayo sa mismong sandaling ito sa oras ng panghuhula ng Diyos. Tayo ba ay papasok na sa dakilang pagtitiis? Iniipon na ba ng Diyos ang mga natitirang mananampalataya?

At narinig ko ang sinabi ni Jesus, “Hindi para sayo ang malaman ito. Mapuspos ka ng Espiritu Santo. Maghintay ka sa Diyos, tanggapin ang kanyang kapangyarihan—at pagkatapos humayo ka at magpatotoo!” Kailangan tayong mamuhay sa estado ng pagiging mapagmasid, naghihintay ng may pananabik na nakailaw ang ating mga lampara. Manabik tayo at tingnan ang kanyang muling pagpapakita. Oo, kailangan nating ipangaral ang kanyang pagbabalik at magbabala ng kanyang mga paghuhusga, ngunit una sa lahat, kailangan tayong maging saksi niya!

Biyernes, Disyembre 3, 2010

GUMAGAMIT ANG DIYOS NG TAO PARA IPAHAYAG ANG KANYANG SALITA

Sa aking palagay ang mas maraming Kristiyano ay nagnanais na tumakas patungo sa ligtas na lugar, sa isang tahimik na pagtataguan sa bundok para makaiwas na madumihan ng mga kasalanang nakapaligid sa kanila. Marami ang nawawalan ng pag-asa, sinasabing “Ano ang magagawa ng isang Kristiyano dito sa pagbagsak ng moralidad? Ano ang magagawa ng isang iglesya dito sa napakalaki, nagwawala at makasalanang siyudad? Sapat nang basta nasa tabi ako ni Jesus para hindi ako maanod ng baha.”

Ang iniisip ng iba, “Mayroon ba talaga akong magagawa—ang isang walang kabuluhang Kristiyanong katulad ko? Wala akong salapi, walang pinag-aralan, walang impluwensiya—kundi may isang dakilang pag-ibig kay Jesus!

Madalas nating inaasahan ang Diyos na kikilos sa isa sa dalawang pamamaraan: Sa paamagitan ng sobrenatural na pagbuhos ng Espiritu Santo para walisin ang lahat patungo sa kanyang kaharian, o kaya ay pagpapadala ng paghahatol sa tao para paluhurin sila.

Ngunit, minamahal, hindi iyan ang paraan ng Diyos para baguhin ang mga bagay sa isang makasalanang panahon. Ang paraan niya ng pagtatatag muli ng mga gumuho ay palaging gumamit ng mga pangkaraniwang mga lalake at babae na kanyang hinipo. At ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagpuspos ng Espiritu Santo at ipadala sila sa digmaan na may dalang matibay na pananamapalataya at kapangyarihan!

Ang Diyos ay nagtatayo ng isang banal na ministeryo ng mga lalaki na ganap na sumuko sa Salita at pananalangin. Hindi nila ito ipinangangalandakan kahit kanino. Sila ay mapag-alagang mga lalake at babae na may mga pusong pinukaw, na walang balak sa isipan kundi ang hanapin, makinig, at sumunod sa Diyos!

Sumunod, ang Diyos ay tinatawag ka sa pangmadaliang paglilingkod. Kailangan niya ng pangkaraniwang tao, taong malapit sa Diyos! Ginagamit niya ang tao na siyang tinatawag ng dakilang saserdote na, “walang pinag-aralan at mga mangmang” (Gawa 4:13).

Sinasabi rin ng Bibliya na doon sa Itaas na Silid sa Pentekostes, “At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo” (Gawa 2:4). Ang lahat ay naging makapangyarihan sa pakikipagdigmaan at ang lahat ay malakas ang loob, mga malalakas na saksi! Ang mga puspos ng Espiritung mga mananampalatayang ito ay hindi kinabibilangan lamang nina Pedro, Santiago, Juan at ng iba pang mga kilalang disipulo kundi pati na ang mga balo, mga kabataan, mga katulong at kasambahay!

Alam natin na si Esteban ay puspos ng Espiritu Santo—“puspos ng biyaya at ng kapangyarihan” (Gawa 6:8). Hindi siya isang apostol o inordinang ministro. Sa katunayan, siya ay piniling maghanda sa mesa sa iglesya para ang mga disipulo ay maibigay ang sarili nila sa pananalangin at sa ministeryo ng Salita.

Si Esteban ay isang pangkaraniwang tao na puspos ng Espiritu Santo! Maari kang maging saksi ng Diyos sa iyong lunsod. Gumagamit siya ng mga tao na nagtutungong mag-isa sa kanya, na may pinukaw na puso, hinahanap siya sa pananalangin—at humahayong katulad ni Esteban, puspos ng biyaya at kapangyarihan!

Huwebes, Disyembre 2, 2010

NAKAGAPOS KAY JESUS

Madalas tukuyin ni Pablo ang sarili niya bilang “bilanggo ni Jesucristo” (Efeso 3:1). Sa Efeso 4:1 sinabi na bilang bilanggo ng Panginoon ay siyang sadya niyang bokasyon, ang pagtawag sa kanya! Ipinapalagay niya itong handog na biyaya ng Diyos sa kanya (Efeso 4:7).

Isinulat ni Pablo kay Timoteo: “Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya” (2 Timoteo 1:8). Maging sa kanyang matandang edad na, ang apostol ay nagsaya sa pagkakahuli sa kanya ng Panginoon at ibinilanggo ayon sa kanyang kalooban: “Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus” (Filemon 1:9).

Masasabi ni Pablo sa iyo sa pinaka sandaling iyon na siya ay iginapos ng Panginoon at ibinilanggo siya. Siya ay nasa daan ng Damasco, dala ang liham mula sa dakilang saserdote, nakahanda at determinadong ibalik ang mga Kristiyano sa Jerusalem. Siya ay, “na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon” (Gawa 9:1).

Habang palapit siya sa lunsod ng Damasco, “At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit” (Gawa 9:3). At siya’y binulag ng liwanag—walang iba kundi si Cristo!

Paulit-ulit na nagpatotoo si Pablo kung paano siya hila-hila sa kamay at dinala sa Damasco, isang walang magawang bilanggo. Siya ay nakulong ng tatlong araw sa isang nakabukod na silid na walang makita at hindi kumakain kahit ano. Siya’y lubusang ibinilanggo—sa espiritu, sa isip at sa katawan!

Ano ang nangyari sa silid na iyon sa loob ng tatlong araw? Iginapos si Saulo ng Panginoon at ginawa siya bilang Pablo, ang bilanggo ni Jesu-Cristo!

Dito sa eksenang ito, iniwan na ni Pablo ang kanyang kalayaan at sumuko na sa singkaw ni Cristo. Iniunat niya ang kanyang mga kamay kay Jesus, para maigapos habang buhay! Maririnig mo na halos ang kanyang hirap na hirap na pananalangin: “O, Panginoon, akala ko ay ginagawa ko ang iyong kalooban! Paano ako naging bulag? Ginagawa ko ang bagay ayon sa kalooban ko, ginagawa ang kahit ano na sa akala ko ay tama. Hindi ko maaring pagtiwalaan ang sarili kong pag-iisip.

Ang panalangin ko ay, “Narito, Jesus, kunin mo ang mga kamay ko at ilagay mo ang iyong mga tanikala sa aking mga kamay. Gawin mo akong bilanggo ayon sa iyong kalooban at dalhin mo ako saan mo man ako ako nais magtungo. Panatilihin mo akong nakagapos sa iyong makapangyarihang kanang kamay!

Miyerkules, Disyembre 1, 2010

IPANUNUMBALIK NIYA ANG NAAKSAYA MONG MGA TAON

“At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo” (Joel 2:25).

Ilang taon ang inaaksaya mo bago ka nagsisi at ganap na sumuko kay Jesus? Ilang taon ang kinain ng uod ng kasalanan at pagrerebelde?

Alam mo na pinatawad ka na at ang iyong nakalipas ay kinalimutan na sapagkat ito y nasa ilalim na ng dugo ni Jesus, ngunit hindi mo ba gugustuhin na ibalik ang mga taong iyon at ipamuhay sa kaluwalhatian ng Panginoon?

“Ako sana ay mas malalim nang pa kay Cristo! Nakapagbigay sana ako ng lubos na kagalakan sa kanyang puso! Nailigtas ko sana ang sarili ko at ang aking pamilya sa matitinding kirot at pasakit. Gaano kabulag ako ng panahong iyon: gaano ako naikulong ng diyablo! Gaano kalapit na tuluyan nang nalubog ang kaluluwa ko at ang aking katinuan. Hindi ko na mababawi ang mga naaksayang mga taon. “ Gaano mo kadalas na naisip ito?”

Sa kanyang mga huling araw nilingon ni Pablo ang nakalipas niyang buhay at nagpatotoo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (tingnan 2 Timoteo 4:7-8).

Sinabi ni Pablo, “Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus” (Filipos 3:13-14).

Ang paboritong paraan ni Satanas ng panggugulo sayo ay ang ipaalala ang iyong nakalipas mula sa mga lihim mo para takutin ka! Susubukin niyang hikayatin ka na ang luma mong pagkagumon o kahimuan o luho ay muling gigising sa puso mo para dalhin ka sa dati mong pamumuhay. O kaya ay susuko kang muli sa pagmamalaki, iisipin mong hindi ka babagsak—subalit pag nagkaganoon tiyak na muli kang tutugisin ng kaaway.

Maaring maramdaman mo ang pangil ng pagsisisi habang ikaw ay nabubuhay. At oo, ang mga alaala ay gagawin kang mapagkumbaba. Ngunit sa mga mata ng Diyos, ang nakalipas mo ay patay nang usapin. Tungkol sa iyong pagkakondena at kasalanan ang pag-uusapan, sinabi ng Diyos, “kalimutan na ang nakaraan. Magpatuloy sa ipinangako ko sayo!”

Nakita natin ang larawan ng ganoong panunumbalik sa Bagong Tipan noong pinagaling ni Jesus ang isang lalaki na may natutuyot na mga kamay. “ Nang magkagayo'y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa” (Mateo 12:13). Nakita mo, kapag napanumbalik ka ni Jesus, pagagalingin niya rin ang iyong mga sugat.

Minamahal, alisin mo na ang mga luma mong sugat—mga pag-aalala at panghihinayang tungkol sa mga nasayang mong mga taon—at hayaan mong ipanumbalik ka ng Diyos sa mga taon mong naaksaya. At magpatuloy patungo sa gantimpala ng pinakamataas na pagtawag niya sa iyo!

Martes, Nobyembre 30, 2010

PARA SA PAMILYA LAMANG

“At nagmadali si Jose; sapagka't nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid: at humanap ng dakong maiiyakan; at pumasok sa kaniyang silid, at umiyak doon” (Genesis 43:30).

Ito ang larawan ng puso ng ating Tagapagligtas—maging para sa mga makasalanan. Ang mga kapatid ni Jose ay nasa tahanan niya, kumakain at umiinom sa kanyang harapan. Ngunit “At kanilang hinainan siyang bukod, at silang bukod” (Genesis 43:32). Huwag nating pangahasang lampasan ang kahalagahan ng pahayag na ito. Ang mga lalaking ito ay nagbubunyi sa presensiya ni Jose na hindi na lubos na nanunumbalik, na hindi pa nila siya kilala, wala pang pahayag ng pag-ibig at grasya.

Maari tayong maging mga pumupuring mga tao na kumakain at umiinom sa presensiya ng Panginoon ngunit hindi pa natatanggap ang pahayag ng kanyang walang-hanggang pag-ibig. Ang damdamin ng walang nagmamahal ay nananatili sa kanilang mga puso. Ito ang kalagayan ng mga Kristiyano na pumupunta sa tahanan ng Diyos para umawit, sumamba at magpuri at pagkatapos ay uuwi sa dating kasinungalingan: “Hindi ako pinakikitaan ng katunayan na iniibig niya ako. Ang mga panalangin ko ay hindi tinutugon. Wala siyang pakiaalam sa akin katulad ng pangangalaga niya sa ibang mga Kristiyano.”

Mayroon pang huling hakbang para sa mga kapatid ni Jose kailangan nilang gawin bago sila bigyan ng buong pahayag ng pag-ibig. Ang pahayag na ganoon ay ibinibigay doon sa mga may pusong bigo at nagsisisi. “Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Awit 51:17). Ang mga magkakapitd ay hindi pa nabibigo (Genesis 43:34).

Ang mga lalaking ito ay inamin ang kanilang mga kasalanan, ngunit kailangan sila lubusang magupo, ganap na nasa dulo na ng kanilang kapighatian at kawalan ng pagkukunan ng mga pangangailangan, bago ipahayag ni Jose ang pag-ibig niya sa kanila. Kayat inilagay niya sila sa kanilang huling pagsubok. Inutusan niya ang kanyang utusan na ilagay nito ang kanyang personal na basong pilak sa sako ni Benjamin, ang pinakabatang kapatid, bago sila bumalik sa Canaan. Hindi pa halos nakalalabas ng siyudad ang magkakapatid nang nilampasan sila ng mga tauhan ni Jose at inakusahan sila ng pagnanakaw ng baso. Natitiyak nila na wala silang kasalanan at sinabi nilang, “Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon” (Genesis 44:9).

Pakinggan ang pagbabago ng kanilang mga saloobin: “Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon” (Genesis 44:16). Hindi na sila nakipagtalo pa. Wala nang ipagmamalaki. Sila ay napahiya, nagupo—at sa wakas dumaing sila sa kaibuturan ng kanilang mga puso, “Sumusuko na kami!”

At doon dumating ang pahayag ng dakilang pag-ibig ng Diyos. “Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid” (Genesis 45:1).

Walang alam ang sanlibutan ng pahayag na ito ng pag-ibig. Ngayon mayroon na silang damdamin tungkol sa kahalagahan ng pamilya—ng walang kondisyong pag-ibig at pagtanggap. Sinabi ng Kasulatan sa atin “At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon” (Genesis 45:2). Maaring marinig ng buong mundo ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos ngunit ang mga pamilya lamang ang maaring makaranas nito. Ang pamilya lamang ng Diyos ang pinadadamahan ng dakilang pag-ibig at kahabagan.

Mga minamahal, ang Diyos ay nanahan doon sa mga nagpakumbaba at may pusong bigo. Nagagalak siya sa kanyang pamilya—inibig niya tayo sa mga nagdaang mga taong ito, kahit na tayo ay naging mga makasalanan. Magpahinga sa pag-ibig niya sa iyo.

Lunes, Nobyembre 29, 2010

ANG PAHAYAG NG PAG-IBIG

Hindi alam ng mga kapatid ni Jose kung gaano sila kamahal hanggang gumamit ang Diyos ng krisis para ipahayag ito sa kanila. “At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig…Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak…Bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin…At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto” (Genesis 41:56; 42:1-30)

Dalawampung taon na ang nakalipas mula sa kanilang krimen na ipinagbili si Jose sa pagiging alipin at ngayon siya ay ang pinakapinuno ng Egipto. Sa loob ng pitong taon nag-imbak siya ng trigo bilang paghahanda sa darating na tag-gutom. Ang mga anak ni Jacob ay dapat papunta sa Egipto para kumuha ng trigo, ngunit ang Diyos ay may mas malaki at mas magandang mga balak. Ipinadala niya sila doon para makakuha ng pahayag ng pag-ibig! Makararanas sila ng kahabagan, kapatawaran, at panunumbalik at matutunan kung ano talaga ang ibig sabihin ng biyaya ng Diyos. Hindi karapatdapat sa anumang bagay kundi sa paghuhusga, matatanggap nila ang dalisay na biyaya.

Nakalagay sa isipan na si Jose ay isang tipo ni Cristo, nakita kong mahirap paniwalaan ang bahaging ito ng istorya na walang luha. Napakandang larawan ito ng biyaya at pag-ibig ng ating Panginoong Jesucristo para doon sa mga nabigo.

Dalawamapung taon ng pagkakasala at panlilinlang ay naghiwalay sa mga kapatid na hindi nakikita si Jose. Maaring inisip nila na patay na siya sa panahong ito. Nang dumating sila sa korte ng Faraon at nauna pa silang dumating kaysa kay Jose, nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala (Genesis 42:8). At nandoon sila, yumuyuko sa kanya katulad ng pangarap niya. Galit ba si Jose at nais maghiganti? Hindi kailanman! Punung-puno ng habag ang kanyang puso nang makita niya ang mga kapatid na lubos niyang minamahal.

Kung ganoon, ay bakit matigas ang pananalita niya sa kanila at inakusahan sila na mga espiya (Genesis 41:7). Naisip ko minsan na gustong maghiganti ni Jose, ngunit hindi iyon ang motibo niya. Sumusunod lamang siya sa utos ng Diyos. Ang mga mapagmalaking mga lalaking ito ay hindi pa nakahanda sa pagpapahayag ng biyaya at kahabagan. Una ay kailangang makita nila ang labis na kapangitan ng kanilang mga kasalanan at harapin ang kanilang pagkakasala at kahihiyan. Kailangang marating nila ang dulo ng kanilang mga sarili, para walang iba kundi kahabagan lamang ang maaring makatulong sa kanila. Ito ang mensahe ng krus ni Cristo—walang kondisyong pag-ibig at kapatawaaran para doon sa mga dumating na dulo ng kanilang mga sarili!

Ipinakita ng Diyos kay Jose ang katotohanang ito, at ipinabilanggo ni Jose ang mga kapatid niya ng tatlong araw—hindi para parusahan sila, kundi para bigyan sila ng pagkakataon na harapin ang katotohanan tungkol sa mga kasalanan nila. Ang batas ang umiiral sa mga sandaling iyon, ipinakikita sa kanila ang kanilang malademonyong kalikasan. At ito ay nagamit! “At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito” (Genesis 42:21).

Imposibleng maunawaan ang biyaya ng Diyos hanggang hindi natin nararating ang katapusan ng ating pagkukunan at maranasan at kanyang habag. Ang biyayang iyan ang makapagliligtas mula sa lahat kahihiyan at kasalanan.

Biyernes, Nobyembre 26, 2010

DAING NA GALING SA PUSO

Naniniwala ako na ang mahabaging pag-ibig ng Diyos ay ipinapahayag bilang tugon sa isang daing na galing sa puso—hindi basta pag-iyak lamang, ngunit isang mapagkumbabang daing para sa kaligtasan. Ang Bibliya ay maraming sinasabi tungkol dito sa pagdaing na galing sa puso. “Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig” (Awit 18:6).

“Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan. Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing” (Awit 106:43-44).

Makatitiyak ka na ang daing para sa Diyos ay laging tinutugon sa pamamagitan ng mapagpagaling na salita galing sa langit! Walang sinuman ang mas makasalanan walang pag-asa kung siya ay lalapit sa Diyos ng may buong pagpapakumbaba. Ang kasaysayan ng makasalanang Haring Manases ay pinatunayan ito! Sinabi ng Bibliya na siya ba’y isa sa pinamakasalanang hari ng Israel. “At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon…Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal…At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan… At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit” (2 Hari 21:2-6).

At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem, na anopa't sila'y nagsigawa ng higit na sama … At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't niwalang bahala nila” (2 Cronico 33:9-10)

Mayroon bang pag-asa ang sinumang lumayo sa Diyos, ganap na kinubabawan ng demonyo at kadiliman? Oo, kung magpapakumbaba siya at magkukumpisal at maniniwala sa tagumpay ni Cristo sa krus. Si Manases ay nauwing bilanggo sa ibang bansa, nakagapos sa tanikala. Ito ay isang matingkad na larawan ng pagbabayad ng kasalanan. Ngunit sa kanyang kasawian, dumaing siya at siya ay narinig ng Diyos, pinatawad siya at muli siyang pinanumbalik.

“ At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang. At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios” (2 Cronico 33:12-13).

“At kaniyang inalis ang mga dios ng iba, at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis ang mga yaon mula sa bayan” (v. 15).

Ang salita ng pag-asa, kapatawaran, kahabagan, pag-ibig at panunumbalik ay para sa iyo. Makinig sa kanyang Salita, mag-sisi, at manumbalik at maglakad kasama ang Panginoon! Walang kasalanan na hindi maaring patawarin—walang sinuman ang labis na nalayo para pagalingin at panumbalikin.

Huwebes, Nobyembre 25, 2010

TUMAYO AT LUMAKAD

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka” (Juan 5:8). Itong lalaking lumpo na nasa Sapa ng Betesda ay maaring nasabik sa salaysay tungkol kay Jesus na gumagala sa bayan at nanggagamot. Maaring nakarinig siya ng ibang salaysay tungkol Jesus, ngunit hindi siya kilala ng personal. Siya ay nakulong ng kanyang kahinaan at hindi niya nakilala ang Panginoon. Ngunit alam ni Jesus ang lahat tungkol sa kanya! Lumapit si Jesus sa kanya sa kanyang paghihirap at kalungkutan, at habag ay ipagkakaloob na! Ang Panginoon ay naawa sa pakiramdam ng lalaking dukha sa kanyang paghihirap at ang hiniling niya lamang sa kanya ay maniwala sa kanyang Salita at kumilos tungkol dito. “Tumindig ka! Kunin mo ang iyong hinihigaan! At lumakad kang palayo mula dito!”

Pagkatapos ng pagpapagaling sa lalaking ito, makikita siya ni Jesus sa templo at kakausapin siya. Makikilala niyang mabuti si Jesus at magtitiwala sa kanya. Ngunit ngayon, nakahiga sa sapa na kaawa-awa at nawalan ng pag-asa, humaharap siya sa pinakamabigat na pagpapasiya sa kanyang mga taon ng paghihirap. Isang salita ng pag-asa ng pagmumuling buhay ay dumating sa kanya at siya ay hinahamon: Tumayo sa pananampalataya at maging buo, o mahiga sa awa sa sarili at mamatay mag-isa!

Ang lalaki ay maaring patuloy na nakahiga sa sapa sa kawalan ng paniniwala, ayaw kumilos, iniisip sa sarili niya, “Hindi makakatulong ito. Bakit ako pipiliin ng Diyos mula sa dami ng mga tao na itayo para pagalingin? Ako ay nakalaan na mamatay sa ganitong kalagayan.“ Hindi siya sana pinatayo ni Jesus laban sa kanyang kalooban. Kailangan paniwalaan ng lalaking ito na ang kanyang mga daing ay narinig na at ang sandali ng kanyang pagliligtas ay dumating na. ito ay ngayon na o hindi na kailanman!

“Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas” (Juan 5:19-20).

May kakanyahan, sinasabi ni Jesus sa mga nagdududa, “Nais ng aking Ama na pagalingin siya, kaya pinagaling ko siya. Ginagawa ko lamang ang kalooban ng aking Ama.” Iyon ay kalooban ng Diyos, pag-ibig ng Diyos, nais ng Diyos, na gawing buo ang lalaking ito.

Mahirap paniwalaan na iniibig ka pa rin ng Diyos kung ikaw bagsak at nanghihina! Kung marami ng taon ang nasayang; kung nilumpo na ng kasalanan ang iyong katawan at kaluluwa; kung pakiramdam mo ay wala ka nang silbi at halaga pa, at hindi nakakalugod sa Diyos at pagtatakahan kung bakit pa siya mag-aalala. Kinakailangan ang pananampalataya na tulad ng isang bata para matanggap ang pag-ibig na iyon, lumabas sa pananampalataya at sabihing, “Panginoon sa isang salita mo lamang tatayo ako at lalakad—kasama ka!

Hindi mo na kailangang maunawaan ang lahat ng doktrina tungkol sa pagsisisi, kasalanan at katuwiran. Maaring hindi mo kilala si Jesus sa malalim at mahalagang paraan! Ngunit may panahon para diyan; malalaman lahat iyon kung gagawin mo ang unang hakbang ng pagsunod, tumayo ka, at lumapit sa Panginoon. “Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili” (Juan 7:17).