“At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo” (Joel 2:25).
Ilang taon ang inaaksaya mo bago ka nagsisi at ganap na sumuko kay Jesus? Ilang taon ang kinain ng uod ng kasalanan at pagrerebelde?
Alam mo na pinatawad ka na at ang iyong nakalipas ay kinalimutan na sapagkat ito y nasa ilalim na ng dugo ni Jesus, ngunit hindi mo ba gugustuhin na ibalik ang mga taong iyon at ipamuhay sa kaluwalhatian ng Panginoon?
“Ako sana ay mas malalim nang pa kay Cristo! Nakapagbigay sana ako ng lubos na kagalakan sa kanyang puso! Nailigtas ko sana ang sarili ko at ang aking pamilya sa matitinding kirot at pasakit. Gaano kabulag ako ng panahong iyon: gaano ako naikulong ng diyablo! Gaano kalapit na tuluyan nang nalubog ang kaluluwa ko at ang aking katinuan. Hindi ko na mababawi ang mga naaksayang mga taon. “ Gaano mo kadalas na naisip ito?”
Sa kanyang mga huling araw nilingon ni Pablo ang nakalipas niyang buhay at nagpatotoo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (tingnan 2 Timoteo 4:7-8).
Sinabi ni Pablo, “Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus” (Filipos 3:13-14).
Ang paboritong paraan ni Satanas ng panggugulo sayo ay ang ipaalala ang iyong nakalipas mula sa mga lihim mo para takutin ka! Susubukin niyang hikayatin ka na ang luma mong pagkagumon o kahimuan o luho ay muling gigising sa puso mo para dalhin ka sa dati mong pamumuhay. O kaya ay susuko kang muli sa pagmamalaki, iisipin mong hindi ka babagsak—subalit pag nagkaganoon tiyak na muli kang tutugisin ng kaaway.
Maaring maramdaman mo ang pangil ng pagsisisi habang ikaw ay nabubuhay. At oo, ang mga alaala ay gagawin kang mapagkumbaba. Ngunit sa mga mata ng Diyos, ang nakalipas mo ay patay nang usapin. Tungkol sa iyong pagkakondena at kasalanan ang pag-uusapan, sinabi ng Diyos, “kalimutan na ang nakaraan. Magpatuloy sa ipinangako ko sayo!”
Nakita natin ang larawan ng ganoong panunumbalik sa Bagong Tipan noong pinagaling ni Jesus ang isang lalaki na may natutuyot na mga kamay. “ Nang magkagayo'y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa” (Mateo 12:13). Nakita mo, kapag napanumbalik ka ni Jesus, pagagalingin niya rin ang iyong mga sugat.
Minamahal, alisin mo na ang mga luma mong sugat—mga pag-aalala at panghihinayang tungkol sa mga nasayang mong mga taon—at hayaan mong ipanumbalik ka ng Diyos sa mga taon mong naaksaya. At magpatuloy patungo sa gantimpala ng pinakamataas na pagtawag niya sa iyo!